Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARRRRAAAAAAAAALLLLLLLLIIIIIIIIIIIING PANLIPUNAN

Total questions: 54

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang namuno sa pagsakop ng Constantinople noong 1453?

a)

Sultan Mehmed II

b)

Francesco Petrarch

c)

Martin Luther

d)

Leonardo da Vinci

2.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang Constantinople noong ika-15 siglo?

a)

Ito ang kabisera ng Silangang Imperyong Romano at pangunahing ruta ng kalakalan mula Europa patungong Asya.

b)

Ito ay sentro ng sining at iskolar sa Europa.

c)

Dito nagsimula ang Renaissance.

d)

Ito ang lugar ng pagsilang ng Protestantisimo.

3.

Ano ang naging epekto ng pagsasara ng Constantinople sa kalakalan ng Europa at Asya?

a)

Naputol ang ugnayan at kalakalan kaya napilitan ang mga Europeo na maghanap ng bagong ruta patungong Asya.

b)

Lumakas ang Simbahang Katoliko sa Europa.

c)

Nagsimula ang Reformation sa Germany.

d)

Naging sentro ng sining ang Constantinople.

4.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Renaissance?

a)

Muling pagsilang (rebirth)

b)

Pagbabago ng relihiyon

c)

Pagputol ng kalakalan

d)

Pag-usbong ng sining

5.

Saan nagsimula ang Renaissance at bakit?

a)

Nagsimula ito sa Italy dahil malapit ito sa sentro ng kulturang Romano, sentro ng kalakalan, at may suporta ng mga pamilyang tulad ng Medici.

b)

Nagsimula ito sa France dahil sa kanilang sining.

c)

Nagsimula ito sa Germany dahil sa Reformation.

d)

Nagsimula ito sa England dahil sa mga makata.

6.

Ano ang pangunahing layunin ng Humanismo noong Renaissance?

a)

Bigyang-diin ang halaga at kakayahan ng tao sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome.

b)

Palakasin ang Simbahang Katoliko.

c)

Itaguyod ang kalakalan sa Asya.

d)

Palaganapin ang Protestantisimo.

7.

Sino ang tinaguriang 'Ama ng Humanismo'?

a)

Francesco Petrarch

b)

Leonardo da Vinci

c)

Martin Luther

d)

William Shakespeare

8.

Ano ang layunin ng Renaissance?

a)

Pagpapaunlad ng karunungan at edukasyon, pagsulong ng kalayaan at karapatan, at pagpapakita ng paggalang sa kultura at paggawa.

b)

Pagpapalakas ng Simbahang Katoliko.

c)

Pagputol ng kalakalan sa Asya.

d)

Pagpapalaganap ng Protestantisimo.

9.

Alin sa mga sumusunod ang ambag ni Leonardo da Vinci sa panahon ng Renaissance?

a)

Gumawa ng 'The Last Supper' at 'Mona Lisa'.

b)

Nagpinta ng kisame ng Sistine Chapel.

c)

Sumulat ng 'The Prince'.

d)

Sumulat ng 'Romeo and Juliet'.

10.

Sino ang nag-ukit ng 'David' at 'Pieta' at nagpinta ng kisame ng Sistine Chapel?

a)

Michelangelo

b)

Raphael Santi

c)

Niccolo Machiavelli

d)

William Shakespeare

11.

Ano ang kilalang ambag ni Raphael Santi?

a)

Gumawa ng 'Sistine Madonna'.

b)

Sumulat ng 'The Prince'.

c)

Nagpinta ng 'Mona Lisa'.

d)

Nag-ukit ng 'David'.

12.

Sino ang may-akda ng 'The Prince' na tumatalakay sa pamamahala?

a)

Niccolo Machiavelli

b)

Leonardo da Vinci

c)

William Shakespeare

d)

Michelangelo

13.

Ano ang naging ambag ni William Shakespeare sa kasaysayan?

a)

Sumulat ng mga tanyag na dula tulad ng 'Romeo and Juliet' at 'Hamlet'.

b)

Nagpinta ng kisame ng Sistine Chapel.

c)

Gumawa ng 'The Last Supper'.

d)

Sumulat ng 'The Prince'.

14.

Ano ang Age of Reformation?

a)

Panahon ng malawakang pagbabago sa doktrina at pamamahala ng Simbahang Katoliko na nagbunga ng Protestantisimo.

b)

Panahon ng muling pagsilang ng sining at kultura.

c)

Panahon ng pagsasara ng Constantinople.

d)

Panahon ng paglalakbay patungong Asya.

15.

Sino ang tinaguriang 'Ama ng Protestantisimo'?

a)

Martin Luther

b)

Francesco Petrarch

c)

Leonardo da Vinci

d)

William Shakespeare

16.

Ano ang layunin ng Council of Trent (1545-1563) sa Kontra-Repormasyon?

a)

Pagpapatatag ng mga pagbabago at paglilinis sa simbahan, ngunit pinagtibay ang ilang doktrina na tinuligsa ng mga Protestante.

b)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Asya at Africa, at pagbuo ng bagong relihiyon.

c)

Pagpapalawak ng teritoryo ng Simbahang Katoliko sa Europa.

d)

Pagpapalaganap ng Protestantismo sa buong mundo.

17.

Sino ang nagtatag ng Society of Jesus (Jesuits) para sa pagpapalaganap ng Katolisismo?

a)

Ignatius Loyola

b)

Martin Luther

c)

John Calvin

d)

Henry VIII

18.

Ano ang naging epekto ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon sa Europa?

a)

Nahati ang Europa sa dalawang pangunahing relihiyon: Katoliko at Protestante.

b)

Nagkaroon ng pagkakaisa sa relihiyon sa buong Europa.

c)

Nawala ang Katolisismo sa Europa.

d)

Lumaganap ang Islam sa Europa.

19.

Ano ang tinutukoy na Panahon ng Paggagalugad at Kolonyalismo sa kasaysayan ng Europe?

a)

Panahon ng paglalakbay na tumuklas ng mga bagong lupain at daanan ng tubig noong ika-15 hanggang ika-17 siglo.

b)

Panahon ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa noong ika-18 siglo.

c)

Panahon ng pagbuo ng mga bagong relihiyon sa Europa.

d)

Panahon ng rebolusyon sa industriya noong ika-19 na siglo.

20.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa 'Three G's' na motibo ng eksplorasyon ng Europe?

a)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God)

b)

Paghahanap ng mga pampalasa (Spices) at kayamanan (Gold)

c)

Paghangad ng katanyagan at karangalan (Glory)

d)

Pagpapalawak ng teritoryo ng Simbahang Katoliko

21.

Ano ang gamit ng astrolabe sa panahon ng eksplorasyon ng Europe?

a)

Paggamit ng bituin upang malaman ang latitud o lokasyon.

b)

Paglalagay ng mga kalakal sa barko.

c)

Pagpapalaganap ng relihiyon sa mga bagong lupain.

d)

Pagbuo ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa.

22.

Anong dalawang bansa ang pangunahing nanguna sa Panahon ng Paggagalugad?

a)

Portugal at Spain

b)

France at England

c)

Italy at Germany

d)

Netherlands at Russia

23.

Ano ang Treaty of Tordesillas (1494)?

a)

Isang kasunduan na naghati sa mundo para sa paggagalugad at kolonisasyon ng Portugal at Spain.

b)

Isang kasunduan sa pagitan ng France at England para sa kalakalan.

c)

Isang kasunduan sa pagitan ng mga Simbahang Katoliko at Protestante.

d)

Isang kasunduan sa pagitan ng mga bansa sa Asya para sa kapayapaan.

24.

Sino ang mga mananakop na responsable sa pananakop ng imperyong Aztec at Inca?

a)

Hernando Cortez at Francisco Pizarro

b)

Christopher Columbus at Ferdinand Magellan

c)

Moctezuma at Atahualpa

d)

Simon Bolivar at Miguel Hidalgo

25.

Ano ang pangunahing epekto ng pagkalat ng sakit tulad ng smallpox sa mga katutubong Mesoamerican/Andean?

a)

Malawakang pagkamatay ng mga katutubo dahil wala silang kaligtasan sa sakit

b)

Pagdami ng populasyon ng mga katutubo

c)

Pag-unlad ng teknolohiya sa medisina

d)

Pagkakaroon ng mas matibay na kalusugan ng mga katutubo

26.

Paano naapektuhan ang kultura at relihiyon ng mga imperyong Aztec at Inca matapos ang pananakop ng mga Espanyol?

a)

Nawasak ang mga tradisyonal na templo at pilit na ipinalaganap ang Kristiyanismo

b)

Napalakas ang mga tradisyonal na paniniwala

c)

Naging mas bukas sa iba't ibang relihiyon

d)

Napanatili ang lahat ng lumang tradisyon

27.

Ano ang encomienda system na ipinatupad ng mga Espanyol sa Mesoamerica at Andean?

a)

Isang sistema ng sapilitang paggawa at pagsasamantala para sa pagmimina ng ginto at pilak

b)

Isang sistema ng libreng edukasyon para sa mga katutubo

c)

Isang sistema ng pamamahagi ng lupa sa mga katutubo

d)

Isang sistema ng kalakalan sa pagitan ng Espanya at Amerika

28.

Ano ang naging epekto ng pananakop sa lipunang Espanyol?

a)

Labis na pagyaman ng Espanya dahil sa ginto at pilak mula Amerika

b)

Pagkawala ng kapangyarihan ng Espanya sa Europa

c)

Pagbaba ng ekonomiya ng Espanya

d)

Pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Portugal

29.

Ano ang ibig sabihin ng imperyalismo batay sa binasang talata?

a)

Pananakop ng isang makapangyarihang bansa o pagtatatag ng pamayanan sa ibang bansa upang makontrol ang ekonomiya at politika

b)

Pagpapalaganap ng relihiyon sa ibang bansa

c)

Pagpapalawak ng teritoryo para sa turismo

d)

Pagpapalitan ng produkto sa pagitan ng mga bansa

30.

Isa sa mga sanhi ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo ay ang pagkakaroon ng mga hilaw na sangkap. Ano ang tawag dito sa Ingles?

a)

Raw materials

b)

Finished goods

c)

Natural resources

d)

Manufactured products

31.

Ano ang ibig sabihin ng 'Protectorate'?

a)

Isang bansa na pinoprotektahan at kinokontrol ng mas malaking bansa.

b)

Isang lugar kung saan may eksklusibong karapatan sa pamumuhunan ang dayuhang bansa.

c)

Isang kilusan para sa kalayaan ng mga bansa.

d)

Isang uri ng pamahalaan na may tatlong sangay.

32.

Ano ang pangunahing layunin ng Panahon ng Enlightenment (Kaliwanagan)?

a)

Magbigay-diin sa paggamit ng rason, kaalaman, at kalayaan upang suriin at solusyunan ang mga problema sa lipunan.

b)

Magpalaganap ng relihiyon sa Europa.

c)

Magpatibay ng sistemang monarkiya sa mga bansa.

d)

Magpalaganap ng digmaan sa pagitan ng mga bansa.

33.

Alin sa mga sumusunod ang akda ni Thomas Hobbes?

a)

'Leviathan'

b)

'Two Treatises of Government'

c)

'On the Spirit of Law'

d)

'Social Contract'

34.

Ano ang pangunahing ideya ni John Locke tungkol sa karapatan ng tao?

a)

Ang tao ay may likas na karapatan (natural rights) sa buhay, kalayaan, at pag-aari.

b)

Ang tao ay dapat magbigay ng kalayaan kapalit ng kaayusan.

c)

Ang pamahalaan ay dapat magtatag ng tatlong sangay.

d)

Ang pamahalaan ay batay sa pangkalahatang kalooban ng tao.

35.

Ano ang ambag ni Baron de Montesquieu sa larangan ng pamahalaan?

a)

Paghihiwalay ng kapangyarihan sa tatlong sangay ng pamahalaan: ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal.

b)

Pagpapalaganap ng kalayaan sa pamamahayag.

c)

Pagbibigay-diin sa natural rights ng tao.

d)

Pagpapalaganap ng edukasyon para sa kababaihan.

36.

Ano ang ibig sabihin ng 'Sphere of Influence'?

a)

Isang lugar o bahagi ng bansa kung saan may eksklusibong karapatan sa pamumuhunan at kalakalan ang isang dayuhang bansa.

b)

Isang bansa na pinoprotektahan ng mas malaking bansa.

c)

Isang kilusan para sa kalayaan ng mga bansa.

d)

Isang uri ng pamahalaan na may tatlong sangay.

37.

Alin sa mga sumusunod ang tamang paliwanag sa Social Contract ni Jean Jacques Rousseau?

a)

Ang lehitimong pamahalaan ay batay sa Pangkalahatang Kalooban (General Will) ng mga tao.

b)

Ang pamahalaan ay dapat magtatag ng tatlong sangay.

c)

Ang tao ay may likas na karapatan sa buhay, kalayaan, at pag-aari.

d)

Ang pamahalaan ay dapat magbigay ng kalayaan kapalit ng kaayusan.

38.

Ano ang pangunahing ipinaglaban ni Voltaire (François-Marie Arouet)?

a)

Kalayaan sa pamamahayag at pananampalataya.

b)

Pagpapalaganap ng edukasyon para sa kababaihan.

c)

Pagpapalaganap ng kaalaman sa iba't ibang larangan.

d)

Pagpapalaganap ng tatlong sangay ng pamahalaan.

39.

Ano ang pangunahing layunin ng akda ni Mary Wollstonecraft na 'A Vindication on the Rights of the Woman'?

a)

Tagapagtaguyod ng edukasyon at karapatan ng kababaihan.

b)

Tagapagtaguyod ng kalayaan sa pamamahayag.

c)

Tagapagtaguyod ng tatlong sangay ng pamahalaan.

d)

Tagapagtaguyod ng natural rights ng tao.

40.

Ano ang nilalaman ng 'Encyclopedia' ni Dennis Diderot?

a)

Naglalaman ng kaalaman sa iba't ibang larangan na nagpapakalat ng ideya ng Enlightenment.

b)

Naglalaman ng mga batas ng pamahalaan.

c)

Naglalaman ng mga karapatan ng kababaihan.

d)

Naglalaman ng mga prinsipyo ng kapitalismo.

41.

Ano ang ibig sabihin ng Nasyonalismo?

a)

Matinding pagmamahal sa sariling bansa, na nagpapakita ng pagnanais na magkaroon ng kalayaan at sariling pagpapasya.

b)

Pagkakaisa ng mga bansa sa Europa.

c)

Pagpapalaganap ng relihiyon sa Amerika.

d)

Pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan.

42.

Sino ang pinuno ng mga himagsikan sa South America (Latin America) na nagbigay-daan sa kalayaan ng maraming bansa?

a)

Simón Bolívar (El Libertador)

b)

Jean Jacques Rousseau

c)

Thomas Hobbes

d)

Mary Wollstonecraft

43.

Ano ang pangunahing layunin ng Black Nationalism sa Amerika?

a)

Itaguyod ang pagkakaisa at pagbabalik sa Africa bilang tugon sa rasismo at pang-aapi sa Amerika.

b)

Itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag.

c)

Itaguyod ang edukasyon para sa kababaihan.

d)

Itaguyod ang tatlong sangay ng pamahalaan.

44.

Alin sa mga sumusunod ang hindi pilosopo ng Enlightenment?

a)

Simón Bolívar

b)

Thomas Hobbes

c)

John Locke

d)

Voltaire

45.

Ano ang pangunahing konsepto ng 'Leviathan' ni Thomas Hobbes?

a)

Ganap na monarkiya at social contract.

b)

Natural rights ng tao.

c)

Paghihiwalay ng kapangyarihan.

d)

Pangkalahatang kalooban ng tao.

46.

Ano ang ibig sabihin ng 'Manifest Destiny' ayon sa mga Kanluranin?

a)

Paniniwala sa karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na mangalaga sa teritoryo.

b)

Paniniwala sa pagkakaisa ng mga bansa.

c)

Paniniwala sa kalayaan ng kababaihan.

d)

Paniniwala sa tatlong sangay ng pamahalaan.

47.

Ano ang pangunahing ipinaglaban ni Mary Wollstonecraft?

a)

Karapatan at edukasyon ng kababaihan.

b)

Kalayaan sa pamamahayag.

c)

Tatlong sangay ng pamahalaan.

d)

Natural rights ng tao.

48.

Ano ang pangunahing ideya ng Enlightenment na nakaapekto sa mga himagsikan sa South America?

a)

Pagkakaroon ng kalayaan at sariling pagpapasya ng mga bansa.

b)

Pagpapalaganap ng relihiyon.

c)

Pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan.

d)

Pagkakaisa ng mga bansa sa Europa.

49.

Sino ang namuno sa kilusan para sa kalayaan ng India mula sa British gamit ang Passive Resistance o Satyagraha?

a)

Mahatma Gandhi

b)

Sun Yat-sen

c)

Emperor Meiji

d)

Jawaharlal Nehru

50.

Ano ang layunin ng Tongmenghui na itinatag ni Sun Yat-sen sa China?

a)

Paalisin ang Dinastiyang Qing at magtatag ng republika

b)

Palakasin ang imperyalismo ng China

c)

Magpatupad ng modernisasyon sa China

d)

Magtatag ng kolonyal na pamahalaan

51.

Ano ang pangunahing prinsipyo ng Passive Resistance o Satyagraha na ginamit ni Mahatma Gandhi?

a)

Ahimsa (non-violence)

b)

Imperyalismo

c)

Modernisasyon

d)

Nasyonalismo

52.

Ano ang naging epekto ng Meiji Restoration sa Japan?

a)

Nagpasimula ng modernisasyon at nagpalakas ng nasyonalismo

b)

Nagpatibay ng kolonyalismo sa Japan

c)

Nagpabagsak sa pamahalaan ng Japan

d)

Nagpatupad ng Satyagraha

53.

Paano nagkaiba ang kilusan sa India at Japan batay sa kanilang layunin?

a)

Ang kilusan sa India ay para sa kalayaan mula sa dayuhan, samantalang sa Japan ay para sa modernisasyon at imperyalismo.

b)

Parehong naglayong magtatag ng republika.

c)

Ang kilusan sa India ay para sa imperyalismo, samantalang sa Japan ay para sa kalayaan.

d)

Parehong nakabatay sa prinsipyo ng Ahimsa.

54.

Alin sa mga sumusunod ang nagbigay-daan sa pagtatapos ng Dinastiyang Qing sa China?

a)

Pagkakatatag ng Tongmenghui at 1911 Revolution

b)

Meiji Restoration

c)

Passive Resistance sa India

d)

Paglaganap ng Ahimsa