NEW
Font size
WorksheetsKonsepto ng Sex at Gender
Total questions: 25
Worksheet time: 14mins
Bakit mahalagang malaman ang pagkakaiba ng sex at gender sa pang-araw-araw na buhay?
Upang malaman kung sino ang mas matalino
Upang maiwasan ang diskriminasyon at maling paghusga
Upang mapaghiwalay ang babae at lalaki
Upang masunod ang tradisyon ng lipunan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pag-unawa sa gender role?
Lalaki lang ang puwedeng magdesisyon
Lalaki lang ang dapat magtrabaho
Ang babae ay puwedeng maging lider sa klase
Ang babae ay dapat nasa bahay lang
Kung may kaklase kang kumikilos nang hindi naaayon sa “inaasahang” kilos ng kanyang kasarian, ano ang dapat mong gawin?
Pagtawanan siya
Husgahan siya
Iwasan siya
Igalang siya
Ang paniniwalang “ang lalaki ay dapat hindi umiiyak” ay halimbawa ng:
Gender stereotype
Gender identity
Sex characteristic
Gender equality
Paano makatutulong ang pag-unawa sa gender equality sa paaralan?
Pinipigilan ang pag-aaral ng babae
Nagpapataas ng diskriminasyon
Nagiging dahilan ng kompetisyon
Nagdudulot ito ng pantay na pagkakataon sa lahat
Kapag ang babae ay pinipilit sumunod sa tradisyunal na papel, ano ang epekto nito?
Nahihirapan siyang maipahayag ang sarili
Nagiging patas ang lipunan
Mas napapantay ang lahat
Mas nagiging masaya siya
Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng gender role?
Ang pagpapakita ng emosyon ay pambabae.
Ang paglilinis ng bahay ay trabaho ng babae.
Ang pagiging "breadwinner" ay responsibilidad ng lalaki.
Ang pagkakaroon ng testosterone hormones.
Kung ang isang lalaki ay nagtatrabaho bilang nurse (tradisyonal na "pambabae" na trabaho), anong konsepto ang kaniyang hinahamon?
Gender Roles
Gender Expression
Gender Identity
Sexual Orientation
Paano nakaaapekto ang media sa ating pag-unawa sa gender roles?
Hindi ito kailanman nakakaapekto sa gende roles na mayroon tayo
Pinapalakas nito ang mga stereotype kung hindi kritikal ang manonood
Wala itong nagiging epekto sa bawat kasarian
Laging nagpapakita ng gender equality
Ang isang ina ay tinuturuan ang kaniyang anak na lalaki na umiyak at maging sensitibo. Ano ang gender stereotype na binabali ng ina?
Ang mga magulang lang ang dapat magturo ng tamang asal.
Ang gender expression ay dapat laging tugma sa sex assigned at birth.
Ang mga lalaki ay dapat maging matapang at hindi umiiyak.
Ang mga babae lang ang dapat maging sensitibo.
Sa iyong palagay, bakit may mga taong hindi sumusunod sa tradisyunal na gender roles?
Nagpapakita ito na wala silang respeto sa kultura
Dahil sa kagustuhan lang nilang sumikat
Dahil marami pa sa ating kapwa ang naguguluhan sa kung ano o sino sila
Dahil gusto nilang ipahayag ang tunay na sarili
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan ng konsepto ng Gender Equality?
Ang pagtitiyak na ang mga babae ay may mas maraming rights kaysa lalaki dahil sa nakaraan.
Ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan, responsibilidad, at oportunidad anuman ang gender.
Pag-alis ng lahat ng gender roles sa lipunan.
Pagtrato sa lahat ng lalaki at babae nang parehong-pareho sa lahat ng pagkakataon.
Sa lipunang may matinding gender bias, sino ang karaniwang naaapektuhan?
Nakadepende sa kung sino ang unang makakaramdam
Parehong babae at lalaki
Mas lubusang naaapektuhan ang mga babae
Lubos na naaapektuhan ang mga lalaki
Bakit nakakasama sa lipunan ang pagpapatuloy ng Gender Stereotypes
Dahil ito ay tumutukoy sa biyolohiya lamang.
Dahil pinipigilan nito ang mga tao na magamit ang kanilang buong potensyal at pumili ng gusto nilang gawin.
Dahil ito ay nagpapalabas na ang lahat ng lalaki at babae ay pare-pareho.
Dahil nagiging sanhi ito ng pagkakapare-pareho ng mga indibidwal.
Kung ang isang guro ay pumipili lang ng lider base sa kasarian, ito ay:
Gender discrimination
Gender identity
Gender equality
Gender role
Ano ang mahalagang implikasyon ng pagkilala sa mga taong Intersex sa tradisyonal na pagtingin sa "dalawang kasarian"
Nagpapatunay na ang sex ay laging matibay at di-nagbabago.
Nagpapaliwanag na ang sexual orientation ay hindi binary.
Nagpapakita na ang biyolohikal na sex ay hindi laging binary o dalawa lang, kundi isang spectrum.
Nagpapalakas sa ideya na ang gender ay isang social construct.
Bakit nagbabago ang gender roles sa paglipas ng panahon?
Dahil mas maraming lalaki at papabor ito sa kanila
Dahil nag-iba ang biological sex
Dahil nagbabago rin ang lipunan at pangangailangan nito
Dahil gusto ng bawat isa ang pagbabago
Isang bata ang pinagalitan dahil naglaro ng manika. Ano ang ipinapahiwatig nito sa pagtuturo ng Gender Role sa mga bata?
Ang lipunan ay maagang nagpapatupad ng mga mahihigpit na inaasahan at pamantayan sa mga bata batay sa kanilang kasarian.
Walang masama sa paglalaro ng manika.
Ang sexual orientation ng bata ay apektado ng laruan.
Ang mga magulang ay likas na sumusunod sa mga patakaran ng gender.
Paano makatutulong ang edukasyon sa pagwawasto ng maling paniniwala sa sex at gender?
Sa pagpalaganap ng stereotype
Sa pagsupil sa iba’t ibang pananaw
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon at kritikal na pag-iisip
Sa pagtataguyod ng diskriminasyon
Paano nagbabago ang konsepto ng Gender Roles sa paglipas ng panahon?
Nagiging mas matibay ito sa bawat henerasyon.
Nagbabago ito batay sa sexual orientation ng isang tao.
Hindi ito nagbabago dahil ito ay biyolohikal.
Nagbabago ito dahil umaangkop ito sa pagbabago ng pangangailangan ng ekonomiya, kultura, at sosyal na pag-uugali ng lipunan.
Paano makakatulong ang paggamit ng Gender-Neutral Language (hal. firefighter imbes na fireman) upang makamit ang Gender Equality?
Nagpapalakas ito ng tradisyonal na gender roles.
Sinasalamin nito ang sexual orientation ng isang tao.
Sa pamamagitan ng pag-aalis ng bias at paglilimita sa pag-iisip sa wika, na nagpapahintulot sa lahat ng gender na makita ang kanilang sarili sa anumang propesyon.
Ginagawa nitong mas mahirap ang komunikasyon.
Paano mo maipapakita ang gender sensitivity sa social media?
Sa pag-iwas sa sexist jokes at pagpo-post ng pantay na mensahe
Sa pag-share ng stereotype memes
Pag-iwas sa pagpo-post ng mga biro na tungkol sa gender roles
Pag-share lamang ng mga content na nagtatampok sa mga babae bilang CEO
Kung may patakaran sa paaralan na “bawal sa babae ang maging lider,” ano ang dapat gawin?
Sundin ang patakaran at subukan na lamang maging adviser o assistant sa halip na leader.
Sikretong magpumilit na tumakbo at itago ang gender sa campaign materials upang manalo muna bago ibunyag ang identity.
Magpahayag ng pagtutol sa patakarang ito dahil hindi ito patas
I-boycott ang lahat ng school election at leadership activity hanggang sa magbago ang patakaran.
Sa isang marketing kampanya na nagpapakita ng isang lalaki na nag-aalaga ng bata at isang babae na nag-aayos ng kotse, ano ang pangunahing layunin ng campaign sa konteksto ng gender?
Upang patunayan na ang biyolohikal na sex ay hindi mahalaga sa pagganap ng trabaho.
Upang ipaalala ang tradisyonal na gender roles sa mga manonood.
Upang sirain ang Gender Stereotypes at ipakita ang pagkakaiba-iba sa gender roles at expression.
Upang itaguyod ang ideya na ang sexual orientation ay hiwalay sa gender roles.
Bilang isang estudyante ng Tunasan National High School, ano ang pinakamabisang paraan upang makatulong sa pagpuksa ng Gender-Based Discrimination sa araw-araw na buhay?
Ipagsawalang-bahala ang mga gender role ng iba at hayaan silang gumawa ng sarili nilang desisyon, nang walang pakialam.
Sumali sa mga club o organisasyon na nagpo-promote ng Gender Equality tuwing may school event lamang.
Aktibong pagpuna at paghamon sa sexist na biro, wika, at pag-uugali sa sariling social circle.
Mag-post ng mga gender-sensitive quotes sa social media at iwasan na lang ang mga taong gumagawa ng diskriminasyon.
