wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pakikitungo sa Kapwa

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Habang nakapila ka sa kantina, may estudyanteng may kapansanan na nahihirapang maglakad. Ano ang pinaka-makataong dapat mong gawin?

a)

Hintayin na may ibang tumulong

b)

Ipagwalang-bahala siya

c)

Tulungan siyang makalapit kahit hindi mo siya kilala

d)

Sumingit sa pila para mauna

2.

Sa inyong grupo, may kaklase kang tahimik at hindi gaanong nakakapag-ambag. Ano ang patas na paraan ng pakikitungo?

a)

Hindi siya isali

b)

Bigyan siya ng gawain na kaya niya at pakinggan ang kanyang opinyon

c)

Hayaan siyang walang gawin

d)

Siya ang pabayaan sa mahirap na tasks

3.

May bagong estudyante sa klase na iba ang relihiyon. Paano mo maipapakita ang paggalang?

a)

Ipagtawanan ang kanyang paniniwala

b)

Tanungin siya kung bakit kakaiba siya

c)

Tanggapin siya bilang kaklase at iwasang maliitin ang kanyang paniniwala

d)

Iwasan siyang kausapin

4.

Nakapansin ka ng kaklase na inaasar dahil iba ang kanyang kasuotan. Ano ang patas na desisyon?

a)

Makisama sa nanunukso

b)

Tawanan din siya

c)

Walang pakialam

d)

Tigilin ang pang-aasar at ipagtanggol ang kaklase

5.

May kaklase kang hirap sa isang aralin. Ano ang makataong hakbang?

a)

Sabihing 'Bahala ka, problema mo yan.'

b)

Pagtawanan siya

c)

Alukin ng tulong o magpaliwanag sa paraang maiintindihan niya

d)

Hayaan na lang niya bumagsak

6.

Hindi kayo magkakapareho ng tradisyon sa pamilya. Ano ang tamang pakikitungo?

a)

Maliitin ang kanilang tradisyon

b)

Sabihing mas magaling ang tradisyon mo

c)

Magtanong nang may paggalang at pag-usapan nang bukas ang pagkakaiba

d)

Pag-awayan ang pagkakaibang iyon

7.

Paano mo maipapakita ang patas na pakikitungo kapag may kausap kang mas bata?

a)

Sigawan siya

b)

Hindi makinig sa sinasabi niya

c)

Pakinggan at kausapin nang magalang kahit bata pa siya

d)

Iwasan siya

8.

Nahulog ng kaklase mo ang kanyang pera. Ano ang patas na gawin?

a)

Kunin mo para sa sarili mo

b)

Ibenta ang gamit niya

c)

Ibalik ito sa kanya

d)

Sabihin na hindi mo nakita

9.

Sa komunidad, may senior citizen na nahihirapang tumawid. Ano ang makataong hakbang?

a)

Maglakad lang at huwag pansinin

b)

Asarin siya dahil mabagal

c)

Tulungan siyang tumawid

d)

Hintaying ibang tao ang tumulong

10.

May kaklase kang may ibang kasarian (LGBTQ+). Ano ang maayos na pakikitungo?

a)

Iwasan siya

b)

Tanggapin siya at tratuhin bilang kapwa-tao

c)

Ibully siya dahil kakaiba

d)

Pag-usapan siya sa iba

11.

Kapag may group work, paano mo maipapakita ang patas na pagtrato?

a)

Ikaw lang ang gagawa para walang abala

b)

Bigyan ang bawat isa ng pantay na pagkakataong mag-ambag

c)

Wala kang gagawin

d)

Hayaan ang iba na lang ang gumawa

12.

May kaklaseng hindi marunong mag-Filipino nang maayos. Ano ang makataong hakbang?

a)

Pagtawanan siya

b)

Hindi kausapin dahil nahihirapan

c)

Tulongan siya at kausapin nang mahinahon

d)

Sawayin siya palagi

13.

Paano ka makikitungo sa kaklase mong ibang lahi?

a)

Kilalanin siya nang may paggalang at iwasang husgahan

b)

Iwasan siya

c)

Maliitin ang kanyang kultura

d)

Imungkahi na umuwi na lang siya

14.

May kaklase kang walang baon at hindi nakapag-lunch. Ano ang makataong aksyon?

a)

Pagmayabang ang pagkain mo

b)

Hindi pansinin

c)

Alukin mo ng kaunting pagkain kung may sobra ka

d)

Sabihing magtiis siya

15.

Sa isang diskusyon, may estudyanteng may kakaibang opinyon. Ano ang dapat?

a)

Tawanan siya

b)

Sabihing mali agad siya

c)

Pakinggan at igalang ang kanyang pananaw kahit di kayo magkapareho

d)

Huwag siyang papag-salitain