WorksheetsPASULAT NG BALITA, EDITORYAL AT LATHALAIN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ano ang pangunahing layunin ng pagsulat ng balita?
A. Mang-aliw ng mga mambabasa
B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang pangyayari
C. Ipahayag ang sariling opinyo
2. Ano ang kaibahan ng lathalain sa balita?
A. Mas mahaba, mas detalyado, at gumagamit ng storytelling
B. Laging naglalaman ng opinyon ng manunulat
C. Walang tiyak na istruktura
3. Ano ang layunin ng isang editoryal?
A. Mag-ulat ng pangyayari nang walang personal na pananaw
B. Magbigay ng opinyon at hikayatin ang mambabasa na kumilos o mag-isip
C. Magkwento ng nakakatawang pangyayari
4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng lead sa balita?
A. “Maraming kabataan ang nahihirapang pumili ng tamang career path, kaya narito ang ilang tips…”
B. “Noong Lunes, nagdaos ang paaralan ng isang science fair na dinaluhan ng higit sa 100 mag-aaral.”
C. “Ang buhay ni Juan ay puno ng saya at inspirasyon.”
5. Ano ang mahalagang katangian ng isang mahusay na lathalain?
A. Malinaw, nakatuon sa paksa, at gumagamit ng detalyado at makulay na paglalarawan
B. Palaging naglalaman ng mga numero at datos
C. Laging maikli at walang detalye
6. Ano ang ibig sabihin ng 5Ws at 1H sa balita?
A. Who, What, When, Where, Why, How
B. Who, Why, When, Where, How, Wow
C. What, Who, How, Wow, Why, When
7. Ano ang karaniwang istruktura ng balita?
A. Lead → Body → Ending / Conclusion
B. Introduction → Argument → Counterargument
C. Headline → Story → Opinion
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng editoryal?
A. “Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng baha sa lungsod…”
B. “Dapat bawasan ang paggamit ng plastik sa paaralan upang maprotektahan ang kalikasan.”
C. “Si Maria ay nagpunta sa parke at naglaro ng bola.”
9. Ano ang pangunahing layunin ng lead sa balita?
A. Ikwento ang buong detalye sa simula
B. Makakuha agad ng atensyon at maiparating ang pinakaimportanteng impormasyon
C. Magbigay ng opinyon ng manunulat
10. Ano ang madalas na ginagamit sa feature article upang maging mas kawili-wili?
A. Descriptive language, quotes, at storytelling
B. Mga numero at estadistika lamang
C. Opinyon ng isang tao lang
