NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO CIP PRELIM QUIZ
Total questions: 12
Worksheet time: 4mins
Bakit itinuturing ng grupo na ang tekstong tungkol sa performance management ay angkop bilang simulaang teksto?
A. Dahil mas madali itong unawain kumpara sa ibang HR topics
B. Dahil ito ay direktang tumutugma sa kanilang interes, kurso, at magiging propesyon bilang HR practitioners
C. Dahil ito ay may pinakamahabang paliwanag tungkol sa komunikasyon sa HR
D. Dahil ito ang tanging tekstong binigay ng kanilang guro
Ano ang pangunahing implikasyon ng pagpili ng grupo ng tekstong malapit sa kanilang hinaharap na karera?
A. Nagpapakita ito na mas pinipili nila ang mga tekstong komplikado kaysa praktikal
B. Ipinapakita nito na ang interes nila ay nakatuon lamang sa teorya at hindi sa aplikasyon
C. Pinapadali nito ang mas malalim na pag-appreciate at pag-unawa sa mga konsepto ng performance management
D. Ipinapakita ito na hindi sila sigurado sa kanilang napiling propesyon
3. Ano ang pangunahing layunin ng tekstong sinuri ayon sa bahagi ng “Pagbasa sa Simulaang Teksto”?
A. Ipakita ang iba’t ibang uri ng komunikasyon sa lipunan
B. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mabisang komunikasyon sa Human Resource Management
C. Tukuyin ang pinakamabisang paraan ng pagrerecruit ng empleyado
D. Ihambing ang komunikasyon sa pribado at pampublikong sektor
Bakit inirerekomenda ng may-akda na panatilihin sa English ang ilang teknikal na termino tulad ng “Result Communication Principle” at “communication channels”?
A. Dahil mas maganda itong pakinggan kaysa sa Filipino
B. Dahil walang katumbas na salita sa Filipino
C. Dahil maaaring makasagabal sa pag-unawa kung agad isasalin nang walang paliwanag
D. Dahil mas pormal ang English para sa lahat ng termino
Bakit itinuturing na impormatibong teksto ang binasang akda ayon sa pagsusuri?
A. Dahil layunin nitong magbigay ng kritisismo sa mga umiiral na polisiya sa Human Resource
B. Dahil nakatuon ito sa pagbibigay ng datos at paliwanag tungkol sa proseso at kahalagahan ng performance management
C. Dahil naglalahad ito ng personal na opinyon ng may-akda tungkol sa pamamahala ng empleyado
D. Dahil nakasentro ito sa paghahambing ng iba't ibang uri ng organisasyon at kanilang pamantayan
Alin sa sumusunod ang pinakamainam na dahilan kung bakit ginamit sa pagsasalin ang kombinasyon ng semantiko at teknikal na diskarte?
A. Upang mabigyan ng mas maraming malikhaing interpretasyon ang mambabasa
B. Upang maalis ang mga teknikal na termino at gawing mas impormal ang pagkakasalin
C. Upang mapanatili ang eksaktong kahulugan ng mga konseptong HR habang nananatiling malinaw at madaling maunawaan ang salin
D. Upang mapalitan ng Pilipinong katumbas ang lahat ng terminong Ingles kahit mawalan ng teknikal na katumpakan
Ano ang pangunahing layunin ng may-akda sa teksto tungkol sa performance management?
A. Magbigay lamang ng teknikal na depinisyon ng performance management.
B. Ipakita ang epekto ng performance management sa indibidwal at buong organisasyon at magbigay ng gabay sa pagpapabuti ng trabaho.
C. Ikompara ang performance management sa iba pang HR practices.
D. Ilarawan ang kasaysayan ng performance management sa mga kumpanya sa Pilipinas.
Bakit itinuturing na mahalagang bahagi ng performance management ang pagbibigay ng tamang feedback ayon sa teksto?
A. Dahil ito ay nakakatulong sa pagpapabuti ng kakayahan ng empleyado at sa mas maayos na operasyon ng organisasyon.
B. Dahil ito ay isang pormal na requirement sa HR policies.
C. Dahil nakakaapekto lamang ito sa morale ng empleyado at hindi sa kumpanya.
D. Dahil ito ang pangunahing paraan upang sukatin ang tagumpay ng kumpanya sa merkado.
Sino ang pangunahing target na mambabasa ng teksto ayon sa pagsusuri?
A. Mga empleyado sa lahat ng antas na walang karanasan sa HR
B. Mga estudyante, mananaliksik, at propesyonal sa Human Resources na may mataas na antas ng kaalaman at kasanayan
C. Publiko na walang kaalaman sa pamamahala
D. Mga nag-aaral lamang ng simpleng konsepto ng HR
Bakit mahalagang gumamit ng pormal at teknikal na estilo sa teksto?
A. Upang magmukhang mahirap ang teksto at hadlangan ang karaniwang mambabasa
B. Upang ipakita ang kredibilidad ng paksa habang nananatiling malinaw ang pagpapaliwanag
C. Upang mas madali lamang itong maipasa sa akademikong pagsusuri
D. Upang mabawasan ang paggamit ng teorya sa teksto
Bakit itinuturing na pinakaangkop ang Semantic Translation Theory para sa teksto?
A. Dahil mas mabilis itong isalin sa Filipino kahit mawala ang ilan sa kahulugan
B. Dahil pinapanatili nito ang tono, estilo, antas ng wika, at teknikal na terminolohiya habang nananatiling tumpak at malinaw ang mensahe
C. Dahil hindi na kailangan pang intindihin ng mambabasa ang teknikal na konsepto
D. Dahil ginagaya nito ang literal na kahulugan ng bawat salita nang hindi iniisip ang konteksto
Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng Semantic Translation Theory sa ganitong uri ng teknikal na teksto?
A. Para gawing mas simple at pangkaraniwan ang teksto para sa lahat ng mambabasa
B. Para mapanatili ang katumpakan, kalinawan, at integridad ng mensahe sa pagsasalin
C. Para maiwasan ang paggamit ng anumang teknikal na termino
D. Para mas mabilis matapos ang pagsasalin kahit na may mga pagkukulang sa kahulugan
