wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GMRC 4_PAGMAMALASAKIT AT PAGIGING MASINOP

Total questions: 20

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang karaniwang paraan ng pagpapakita ng malasakit sa loob ng pamilyang Pilipino?

a)

Pagpapabaya sa nangangailangan

b)

Pagtutulungan at pagbibigayan

c)

Pag-iwas sa responsibilidad

d)

Pagiging makasarili

2.

  Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang magtipid ang isang mag-aaral?  

a)

Para makabili ng mamahaling gamit

b)

Upang may magamit sa pangangailangan sa hinaharap

c)

Para ipagmayabang sa iba

d)

Para hindi makatulong sa kapuwa

3.

Ano ang tawag sa pagtulong sa batang walang magulang o tagapangalaga?

a)

Pagiging mapanlinlang

b)

Pag-iwas sa problema

c)

Tungkulin sa kapuwa

d)

Pagwawalang-bahala

4.

Bakit mahalaga ang pag-iimpok?

a)

Nagiging handa sa mga biglaang pangyayari

b)

Nagpapalubog sa utang

c)

Nag-aaksaya ng pera

d)

Nagpapahirap sa pamilya

5.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng malasakit?

a)

Pagtulong sa kapitbahay na nasalanta ng bagyo

b)

Pagpapaubaya ng assignment sa kaklase

c)

Pagbabalewala sa problema ng kaibigan

d)

Pagtatago ng pagkain habang gutom ang iba sa bahay

6.

Ano ang tungkulin ng pamilya pagdating sa kapuwa?

a)

Maging mas mataas sa iba

b)

Maglingkod sa kapuwa

c)

Ipagkait ang tulong

d)

Iwasan ang pakikipag-ugnayan

7.

Ano ang tawag sa pagtatabi ng bahagi ng baon para sa mga pangangailangan?

a)

Pagsuway

b)

Pagtitipid

c)

Pag-aaksaya

d)

Pagbibigay puro luho

8.

Ano ang ipinakikita mo kapag nag-iipon ka upang makatulong sa kapuwa?

a)

Pagmamalabis

b)

Disiplinang pansarili

c)

Pagiging pabaya

d)

Kakulangan sa paggalang

9.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng malasakit?

a)

Pagbibigay ng damit sa nasalanta

b)

Pagpapautang sa kaibigang nangangailangan

c)

Panunukso sa taong may problema

d)

Pag-abot ng pagkain sa nagugutom

10.

Ano ang unang hakbang upang maging matipid?

a)

Gumastos nang gumastos

b)

Gumawa ng plano sa pag-iipon

c)

Huwag isipin ang pera

d)

Ipagwalang-bahala ang pangangailangan

11.

Ano ang tawag sa pagsagot sa pangangailangan ng iba kahit hindi hinihingi?

a)

Pagmamalasakit

b)

Pagpapabigat

c)

Pagiging mapagmataas

d)

Pagiging tamad

12.

Ano ang tawag sa pagtutulungan ng pamilya sa panahon ng krisis?

a)

Bagay na dapat iwasan

b)

Bahagi ng kulturang Pilipino

c)

Makasariling gawain

d)

Pag-uuna sa sariling interes

13.

Paano ipinakikita ng isang mag-aaral ang malasakit sa kanyang kaklase

a)

Panunukso kapag nahihirapan

b)

Pagtulong kapag may hindi nauunawaan

c)

Pagpapakita ng kayabangan

d)

Pagpapasa ng responsibilidad sa iba

14.

Bakit mahalagang magtipid kahit may sapat na pera ang pamilya?

a)

Para maging handa sa mga di-inaasahang pangyayari

b)

Para masanay sa pag-aaksaya

c)

Para hindi makatulong sa iba

d)

Para makabili agad ng mga luho

15.

Ano ang dapat unang isipin bago gumastos?

a)

Kung uso ba ang bibilhin

b)

Kung mahal ang presyo

c)

Kung kailangan ba ito

d)

Kung may gagamit pa nito

16.

TAMA o MALI.
Ang malasakit ay nangangahulugang pagwawalang-bahala sa problema ng iba.

(a)  

17.

TAMA o MALI
Ang pamilyang Pilipino ay kilala sa pagiging matulungin at bukas-palad.

(a)  

18.

TAMA o MALI
Ang pagtitipid at pag-iimpok ay parehong nakatutulong sa sariling kinabukasan.

(a)  

19.

TAMA o MALI
Ang pagtupad ng tungkulin sa kapuwa ay nagpapalakas ng ugnayan ng pamilya.

(a)  

20.

TAMA o MALI

Ang pagiging matipid ay sagabal sa pagtulong sa kapuwa.

(a)