wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Sistemang Espanyol sa Pilipinas

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Anong sistema ang ipinatupad ng mga Espanyol upang magkaroon ng organisadong panahanan at sapilitang ilipat ang mga Pilipino sa mga pueblo?

a)

Sistemang Encomienda

b)

Sistemang Reducción

c)

Sistemang Tributo

d)

Sistemang Polo y Servicios

2.

Sa sistemang Reducción, ang mga barangay ay pinagsama-sama upang maging:

a)

Lalawigan

b)

Parokya

c)

Hacienda

d)

Pueblo (Bayan)

3.

Alin sa mga sumusunod ang karaniwang matatagpuan sa sentro ng pueblo (poblacion) at nagsisilbing sentro ng komunidad?

a)

Kwartel (Kuta ng mga sundalo)

b)

Asotea

c)

Plaza o Liwasang-bayan

d)

Tahanan ng Indio

4.

Saan karaniwang matatagpuan ang simbahan at kumbento sa ayos ng isang pueblo?

a)

Sa labas ng poblacion

b)

Malapit sa plaza

c)

Sa tabi ng mga bahay-kubo

d)

Sa kabilang dako ng pamilihan

5.

Ano ang tawag sa bahay ng mayayaman noong panahon ng Espanyol na yari sa bato o tisa, malalaki, at may rehas ang bintana?

a)

Bahay-kubo

b)

Tahanan

c)

Bahay na bato

d)

Silid-tisa

6.

Anong bahagi ng bahay na bato ang ginagamit upang tanggapin ang bisita at pahingahan, karaniwang nasa ikalawang palapag at nakausli?

a)

Komedor

b)

Sala

c)

Asotea o Balkonahe

d)

Silid

7.

Aling uri ng tahanan ang nanatiling payak at yari sa kahoy at pawid, lalo na sa mga malalayong lugar na hindi tuluyang nasakop?

a)

Bahay na bato

b)

Tahanang yari sa tisa

c)

Simbahan

d)

Bahay-kubo

8.

Anong grupo ang nasa pinakamataas na antas ng lipunan at binubuo ng mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya ngunit nanirahan sa Pilipinas?

a)

Insulares

b)

Peninsulares

c)

Mestizo

d)

Principalia

9.

Sino ang tinatawag na Insulares?

a)

Mga Pilipinong kabilang sa angkan ng datu.

b)

Mga Espanyol na isinilang sa Espanya.

c)

Mga Espanyol na ipinanganak at nanirahan sa Pilipinas.

d)

Mga lahing nabuo sa pag-aasawahan ng Pilipino at Espanyol.

10.

Aling grupo ang nangunguna sa gawaing pampolitika, panrelihiyon, at pangkabuhayan, kasama ang mga Peninsulares?

a)

Principalia

b)

Indio

c)

Insulares

d)

Mestizo

11.

Anong lahi ang nabuo sa pag-aasawahan ng katutubong Pilipino at Espanyol?

a)

Indio

b)

Insulares

c)

Criollo

d)

Mestizo

12.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bumubuo sa pangkat ng Principalia?

a)

Angkan ng datu at maharlika

b)

Mga mayayamang mangangalakal

c)

Mga Peninsulares

d)

Mga lokal na opisyal

13.

Anong pribilehiyo ang tinatamasa ng Principalia?

a)

Sila lang ang maaaring maging Gobernador-Heneral.

b)

Hindi sila sumasailalim sa polo y servicios (sapilitang paggawa).

c)

Sila ang may-ari ng lahat ng lupain.

d)

Sila ang tanging pinapayagang magtayo ng simbahan.

14.

Anong pangkat ang bumubuo sa Gitnang-Uri (Middle Class), bukod sa Principalia at Mestizo?

a)

Gobernador-Heneral

b)

Magsasaka at manggagawa

c)

Negosyante, doktor, guro, at manunulat

d)

Mga Alipin

15.

Sino ang tinatawag na Inquilino?

a)

Opisyal ng pamahalaan sa Espanya.

b)

Mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa.

c)

Tagapangasiwa ng lupang hindi nila pag-aari.

d)

Mga Espanyol na nagtatrabaho sa simbahan.

16.

Anong tawag ang ginamit ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino na kabilang sa pinakamababang antas ng lipunan?

a)

Principalia

b)

Mestizo

c)

Indio

d)

Criollo

17.

Aling pangkat ang karaniwang binubuo ng mga magsasaka at manggagawa at kakaunti ang karapatang tinatamasa?

a)

Principalia

b)

Indio

c)

Insulares

d)

Gitnang-Uri

18.

Anong uri ng pagpapahirap ang madalas na nararanasan ng mga Indio?

(a)  

19.

o ng mga magsasaka at manggagawa at kakaunti ang karapatang tinatamasa?

a)

Principalia

b)

Indio

c)

Insulares

d)

Gitnang-Uri

20.

Anong uri ng pagpapahirap ang madalas na nararanasan ng mga Indio?

a)

Labis na paggalang

b)

Sapilitang paggawa (Polo y Servicios)

c)

Paghirang sa mataas na katungkulan

d)

Pagbibigay ng lupa

21.

Bakit isinagawa ng mga Espanyol ang Sistemang Reducción?

a)

Upang lumawak ang teritoryo ng mga Pilipino.

b)

Upang maging organisado ang panahanan at mas madali silang masupil at maturuan ng Kristiyanismo.

c)

Upang makabuo ng mga lalawigang independiyente.

d)

Upang maiwasan ang polo y servicios.

22.

Ang mga Peninsulares at Insulares ay pinagsama sa anong antas ng lipunan?

a)

Panggitnang Uri

b)

Pinakamababang Antas

c)

Pinakamataas na Antas

d)

Tanging Principalia

23.

Ano ang kahulugan ng salitang pueblo sa konteksto ng panahanan noong panahon ng Espanyol?

a)

Simbahan

b)

Lalawigan

c)

Kuta

d)

Bayan

24.

Ang mga bahay sa kabayanan ay yari sa bato o tisa, habang ang tahanan sa malalayong pook ay nanatiling bahay-kubo. Ano ang ipinahihiwatig nito sa kalagayan ng Pilipino noong panahong iyon?

a)

Lahat ng Pilipino ay mayaman.

b)

Mayroong malaking agwat sa katayuan at pamumuhay ng mga nakatira sa sentro at sa malalayo.

c)

Walang pagbabago sa uri ng tahanan.

d)

Magkakapareho ang kalidad ng tirahan.

25.

Anong grupo ang nakinabang sa pagiging malapit sa mga Espanyol dahil sa karapatang humawak ng katungkulan sa lokal na pamahalaan?

a)

Indio

b)

Mestizo

c)

Principalia

d)

Peninsulares

26.

Ang pagtatayo ng munisipyo, simbahan, at paaralan malapit sa plaza ay nagpapahiwatig na ang _________ ang naging sentro ng buhay-komunidad.

a)

Pulitika at Relihiyon

b)

Pangingisda at Pagsasaka

c)

Pagmimina at Paghahabi

d)

Kalakalan at Pananakop

27.

Bakit mahalaga na makita ang pagkakaiba ng Indio at Principalia, kahit pareho silang katutubong Pilipino?

a)

Magkakapareho ang kanilang pribilehiyo.

b)

Ipinapakita nito na mayroong Pilipinong nakatamasa ng privilege at nakaiwas sa paghihirap.

c)

Pareho silang isinilang sa Espanya.

d)

Hindi sila kasali sa anumang antas ng lipunan.

28.

Kung ang isang Pilipino ay nag-aral at naging doktor, siya ay malamang na kabilang sa anong antas ng lipunan?

a)

Indio

b)

Pinakamataas na Antas

c)

Gitnang-Uri (Middle Class)

d)

Peninsulares

29.

Ano ang ibig sabihin ng salitang Criollo?

a)

Isang lahi na nabuo sa pag-aasawa.

b)

Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas (Insulares).

c)

Katutubong Pilipino.

d)

Tagapangasiwa ng lupa.

30.

Ang pagkakaroon ng sala, komedor, at balkonahe sa bahay na bato ay nagpapakita ng:

a)

Kakulangan sa espasyo.

b)

Impluwensya ng kulturang Espanyol sa arkitektura at pamumuhay.

c)

Pagnanais ng mga Pilipino na maging magsasaka.

d)

Pagiging simpleng-simple ng pamumuhay.