wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

JUNIPER LAGUMANG PAGSUSULIT

Total questions: 15

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang maaaring maging epekto sa isang pamilya kung hindi marunong magpatawad?

a)

Magiging masaya at matibay ang pamilya.

b)

Maaaring magdulot ng hidwaan at pagkakahati-hati.

c)

Wala itong epekto sa pamilya.

d)

Magiging mas maunlad ang pamilya.

2.

Paano naiiba ang reaksyon ng ama sa bunsong anak kumpara sa panganay na anak?

a)

Mas mahal niya ang bunsong anak.

b)

Mas mahigpit siya sa panganay na anak.

c)

Mas nagpakita siya ng pag-unawa at pagmamahal sa bunsong anak.

d)

Walang pagkakaiba ang kanyang reaksyon sa dalawa.

3.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang naglalarawan sa tema ng parabula ng Alibughang Anak?

a)

Ang kahalagahan ng kayamanan.

b)

Ang walang hanggang pagmamahal ng isang magulang.

c)

Ang kapangyarihan ng paghihiganti.

d)

Ang kahalagahan ng pagiging matigas ang ulo.

4.

Paano mo maiuugnay ang parabula ng Alibughang Anak sa mga pangyayari sa ating lipunan ngayon?

a)

Wala itong kaugnayan sa ating panahon.

b)

Maaaring magbigay ng inspirasyon sa mga taong nagkakamali.

c)

Maaaring magamit ito upang husgahan ang iba.

d)

Maaaring maging dahilan ng pag-aaway ng mga tao.

5.

Anong damdamin ang pinakamalamang na naramdaman ng panganay na anak nang malaman niyang babalik ang kanyang kapatid?

a)

Galak

b)

Inggit at galit

c)

Pag-unawa

d)

Walang pakialam

6.

TAMA O MALI:

Ang parabula ay isang maikling kuwento o salaysay na naglalaman ng aral o mensahe na kadalasang tungkol sa tamang asal, moralidad, o espiritwalidad.

(a)  

7.

TAMA O MALI:

Ang parabula ay hango salitang Griyego na 'parabole' na ang ibig sabihin ay pagkukumpara.

(a)  

8.

TAMA O MALI:

Ang 'Mabuting Samaritano' ay isang halimbawa ng pabula.

(a)  

9.

TAMA O MALI:

Ang elehiya ay isang malungkot na tula na nagpapahayag ng kalungkutan o pagbubulay-bulay tungkol sa kamatayan.

(a)  

10.

Ano ang pangunahing layunin ng elehiya?

a)

Magbigay aliw at pag-asa sa mga naulila

b)

Magpahayag ng kalungkutan

c)

Ipakita ang kagandahan ng kalikasan

11.

Bakit mahalaga ang pag-unawa sa mga tema at mensahe ng elehiya?

a)

Upang lubos itong pahalagahan

b)

Upang makilala ang may akda

c)

Upang malaman ang kasaysayan

12.

Ano ang soneto?

a)

Isang maikling tula na may labindalawang taludtod

b)

Isang uri ng elehiya

c)

Isang tulang may malayang taludtod

13.

Ano ang karaniwang nilalaman ng pastoral?

a)

Kagandahan ng kalikasan at payak na pamumuhay

b)

Mga tula tungkol sa pag-ibig

c)

Mga tula tungkol sa digmaan

14.

Ano ang dalit?

a)

Isang tula na ginagamit sa mga pampublikong pagsamba

b)

Isang uri ng soneto

c)

Isang tulang pangkalikasan

15.

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga simbolo at imahe sa elehiya?

a)

Upang ipakita ang damdamin

b)

Upang makilala ang may akda

c)

Upang maging mas mahirap intidihin