Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Leo - Filipino

Total questions: 80

Worksheet time: 47mins

Name
Class
Date
1.
  1. 1. Labis niyang minahal ang kanyang dating kasintahan kaya mahirap itong higitan. Ano ang kasingkahulugan ng labis?

a)

sobra

b)

kulang

c)

sakto

d)

sayang

2.
  1. 2. Marami ang nahabag sa sinapit ng bansa dahil sa bagyong Peping. Ano ang kasingkahulugan ng NAHABAG?

a)

nasiyahan

b)

naawa

c)

tumulong

d)

nanalangin

3.
  1. 3. Nilustay ni Mario ang lahat ng kanyang kayamanan sa sugal. Ano ang kasingkahulugan ng NILUSTAY?

a)

sinayang

b)

inipon

c)

binayad

d)

pinamigay

4.

4. Nalaman ng mayamang angkan na nagdalita ang anak na lumayas. Ano ang kasingkahulugan ng salitang NAGDALITA?

a)

yumaman

b)

naghirap

c)

nagtrabaho

d)

nagbago

5.

5. Hindi natanaw ni Luz ang paparating na bola ng volleyball kaya siya natamaan. Ano ang kasingkahulugan ng NATANAW?

a)

naamoy

b)

nahawakan

c)

nakita

d)

nalaman

6.

6. Ano ang salitang payak ng KAPATAWARAN?

(a)  

7.

7. Ang mga mag-aaral ay naglalayong pumasa sa pagsusulit. Anong kayarian ng salita ang may salungguhit?

(a)  

8.

  1. 8. Anong uri ng panlapi/maylapi ang salitang may salungguhit mula sa bilang 7?



(a)  

9.

  1. 9. Ang aming kapitbahay ay nagbigay ng ulam na may sabaw. Alin ang tambalang salita mula sa pangungusap?



(a)  

10.

10. Ligo ang pinakainiiwasan ng mga pusa. Anong kayarian ng salita ang may salungguhit?

(a)  

11.

11. Ano ang pamagat ng parabulang binasa na patungkol sa mag-aama?

a)

Parabula ng Bulkang Mayon

b)

Parabula ng Alibughang Anak

c)

Parabula ng Alibughong Anak

d)

Parabula ni Mahatma Ghandi

12.

12. Paano mo ilalarawan ang ama sa parabula?

a)

mapagmahal

b)

mapang-abuso

c)

mapagbigay

d)

iresponsable

13.

13. Ito ay kayarian ng salita na binubuo ng dalawang salitang pinagsasama upang makabuo ng isang salita lamang.

(a)  

14.

14. Ito ay kayarian ng kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.

(a)  

15.

15. Ito ay binubuo ng salitang ugat lamang.

(a)  

16.

16. Anong kayarian ng salita ang bahaghari?

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

17.

17. Anong kayarian ng salita ang araw-araw?

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

18.

18. Anong kayarian ng salita ang mapagkakatiwalaan?

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

19.

19. Anong kayarian ng salita ang asal?

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

20.

20. Anong kayarian ng salita ang asal-hayop?

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

21.

"Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa, samantalang ako'y namamatay sa gutom." Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?

a)

PANGHIHINAYANG

b)

GALIT

c)

PAGKABAGOT

d)

PAGKAPAGOD

22.

"Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak, ibilang na lamang ninyo ako bilang isang alila." Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?

a)

PAGMAMALAKI

b)

PAGPAPAKUMBABA

c)

PAGKAPAHIYA

d)

PAGKAINSULTO

23.

"Madali! Dalhin ninyo ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin. Kumain tayo at magsaya." Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?

a)

SAYA

b)

GUTOM

c)

SAKIT

d)

PANLULUMO

24.

"Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit kailanman ay hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan." Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?

a)

INGGIT

b)

PAGOD

c)

PAGKALITO

d)

PANGHIHINAYANG

25.

"Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko ay sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak sapagkat nagbalik ang iyong kapatid." Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?

a)

PAGKALITO

b)

SABIK

c)

SAYA

d)

GALIT

26.

Ano ang ipinahihiwatig ng mga katagang "ang kapatid mo ay namatay at muling nabuhay"?

a)

naglaho at lumitaw

b)

nagpautang at naningil

c)

nawala at natagpuan

d)

nagtiwala at naloko

27.

Sa anong aklat sa bibliya matatagpuan ang parabula?

a)

Genesis

b)

Juan

c)

Lukas

d)

Mateo

28.

Sino ang anak na binansagang alibugha?

a)

panganay

b)

bunso

c)

panganay at bunso

d)

wala sa nabanggit

29.

Ano ang ibig sabihin ng alibugha?

a)

taksil

b)

mapagmahal

c)

masunurin

d)

mayabang

30.

Ano ang naging reaksiyon ng ama nang makita ang anak pagkatapos ng mahabang panahon?

a)

nagalit at nadismaya

b)

nagulat at inatake

c)

nahabag ngunit natuwa

d)

nalungkot ngunit nasorpresa

31.

Ilan ang anak ng ama sa parabula

a)

isa

b)

dalawa

c)

tatlo

d)

apat

32.

Sino ang naglagalag sa mga anak?

a)

Panganay

b)

Pangalawa

c)

Pangatlo

d)

Bunso

33.

ano ang ginawa ng anak sa kinuhang mana mula sa ama

a)

ipinuhunan

b)

ipinamigay

c)

linustay

d)

idineposito

34.

ANo ang naging buhay ng alibughang anak sa panahon ng taggutom?

a)

nagsaka at nag-alaga ng baboy

b)

nagkasakit

c)

nasiraan ng bait

d)

naglakbay sa ibang bayan

35.

Ano ang napagdesisyonan niya nang makaranas ng hirap?

a)

magnegosyo

b)

bumalik sa ama

c)

magpakalayo-layo

d)

mangutang

36.

Ano ang naging reaksiyon ng ama nang makita ang anak pagkatapos ng mahabang panahon

a)

nagalit at nadismaya

b)

nagulat at inatake

c)

nahabag ngunit natuwa

d)

nalungkot ngunit nasorpresa

37.

Ano ang naging reaksiyon ng panganay na anak sa pagbabalik ng kapatid?

a)

nagulat

b)

natuwa

c)

ninerbiyos

d)

nagalit

38.

Sa anong aklat sa bibliya matatagpuan ang parabula?

a)

Genesis

b)

Lukas

c)

Juan

d)

Mateo

39.

Ano angestado ng pamilya sa parabula

a)

mayaman

b)

mahirap

c)

katamtaman

d)

pulubi

40.

Ano ang ipinahihiwatig ng mga katagang ito "ang kapatid mong ito ay namatay ngunit nabuhay"

a)

naglaho at lumitaw

b)

nawala at natagpuan

c)

nagpautang at naningil

d)

nagtiwala at naloko

41.

Ito ay isang tulang pananangis, lalo na sa pag-aalala sa isang yumaong mahal sa buhay.

a)

ODA

b)

ELEHIYA

c)

DALIT

42.

Ito ang mga kaugalian at paniniwala na maaaring makita sa tula sa pamamagitan ng temang napili ng manunulat.

a)

KAUGALIAN o TRADISYON

b)

KULTURA

c)

SIMBOLISMO

43.

Ito ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.

a)

DAMDAMIN

b)

TAUHAN

c)

TEMA

44.

"Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid." Ang bahaging ito ng elehiya ay anong elemento?

a)

TAGPUAN

b)

SIMBOLISMO

c)

TAUHAN

45.

"Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo. Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo Bungang maraming huwag at bawal dito." Anong elemento ng Elehiya ang tinutukoy ng may salungguhit na parirala?

a)

TAUHAN

b)

TAGPUAN

c)

TEMA

46.

Isa sa elemento ng Elehiya ay ang Wikang ginamit. Ito ay maaaring Pormal at (a)   na wika.

47.

Isang elemento ng Elehiya ang wikang ginamit. Ito ay (a)   kung ang salita ay istandard.

48.

Ito ay elementong ginagamit upang maipahiwatig ang isang ideya o kaisipan.

a)

DAMDAMIN

b)

SIMBOLISMO

c)

TEMA

49.

Ito ang tumutukoy sa emosyong namamayani sa tula.

a)

DAMDAMIN

b)

SIMBOLISMO

c)

TEMA

50.

Ang tulang "Elehiya sa Kamatayan ni Kuya" ay isinalin sa Filipino ni (a)   .

51.

Ano ang tema ng Elehiya para kay Ram?

a)

A. Pag-iwan ng magulang sa kaniyang anak

b)

B. Pagkamatay ng minamahal sa buhay

c)

C. Paglisan ng minamahal

d)

D. Pangungulila ng anak sa magulang

52.

Walang katapusang pagdarasal

Kasama ng lungkot, luha, at pighati

Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan

Mula sa maraming taon ng paghihirap

Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral

Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala

O’ ano ang naganap,

Ang buhay ay saglit na nawala

Kung ikaw ang persona sa tula,

alin ka sa pagpipilian batay sa naisaad sa itaas?

a)

A. Bibigyang-tuon ang paghahanap ng kaligayahan sa kabila ng kakulangan.

b)

B. Buong buhay na maghihinagpis dahil sa pagkawala ng minamahal.

c)

C. Hindi malilimutan ang naiwang alaala ng minamahal.

d)

D. Sa pagkawala ng minamahal maipagpapatuloy ang pag-aaral.

53.

Paano makikilala ang isang tulang lirikong tulad ng elehiya?

a)

A. Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng tugma at sukat nito.

b)

B. Ang elehiya ay makikilala sa katangian nitong pag-alaala sa minamahal.

c)

C. Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng taglay nitong damdamin.

d)

D. Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng pag-alam sa mensahe nito.

54.

I. Pagkasaid

II. Pagkawala

III. Pagkaubos


Unang bilang ang pinakamatindi at huling bilang ang karaniwang antas o tindi ng salita. Alin sa mga pagpipilian ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan?

a)

A. I,III,II

b)

B. I,II,III

c)

C. III,II,I

d)

D. II,I,III

55.

I. Namayani

II. Naghari

III. Nangibabaw

IV. Namayagpag


Unang bilang ang karaniwang antas at huling bilang ang pinakamatinding antas o tindi ng salita. Alin sa mga pagpipilian ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan?

a)

A. I,II,III,IV

b)

B. II,I,III,IV

c)

C. III,I,II,IV

d)

D. IV,III,II,I

56.

Ang lawak ng aking (sinta) sa iyo ay mula sa lupa hanggang sa langit.


Alin sa mga pagpipilian ang wastong salita na aangkop sa pangungusap?

a)

A. pagsinta

b)

B. sinisinta

c)

C. sintahin

d)

D. pagsisinta

57.

Ang katangian ng elehiya ay _________.

a)

A. Tulang panangis, pag-aalala, pagpaparangal

b)

B. Tulang kasiyahan, kaligayahan, kagalakan

c)

C. Tulang umiibig, umiirog, nagmamahal

d)

D. Tulang masalimuot, nagpupuri, pagdakila

58.

Malungkot na lumisan ang tag-araw

Kasama ang pagmamahal na inialay

Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita

Ang masayang panahon ng pangarap


Batay sa tekstong iyong binasa, ano ang nais ipahiwatig nito?

a)

A. Hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala.

b)

B. Kulang na ang pagmamahal matapos mawalan ng mahal sa buhay.

c)

C. Lubos ang kalungkutang nadarama matapos mawalan ng mahal sa buhay.

d)

D. Sa paglisan ng minamahal kasabay nito ang pagbabagong magaganap.

59.

Unang bilang ang pinakamatindi at huling bilang ang karaniwang antas o

tindi ng salita. Alin sa mga pagpipilian ang tamang ayos ng mga salita ayon

sa tindi ng kahulugan?

a)

A. I,II,IV,III

b)

B. I,II,III,IV

c)

C. IV,III,II,I

d)

D. II,I,IV,III

60.

Epiko: Tulang Pasalaysay – Elehiya: _________

a)

A. Tulang Liriko

b)

B. Tulang Dula

c)

C. Tulang Patnigan

d)

D. Tulang Paglalarawan

61.

Ang tulang lirikong ito ay naglalarawan ng malungkot na damdaming

nagpapaalala ng isang mahal sa buhay.

a)

A. Alamat

b)

B. Elehiya

c)

C. Korido

d)

D. Patula

62.

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga

Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Batay sa mga pahayag na nasa itaas, ano ang damdaming ipinapahiwatig

nito?

a)

A. pag-aalala

b)

B. paghihinagpis

c)

C. pagkagalit

d)

D. kawalan ng pag-asa

63.

Alin sa sumusunod na elemento ng elehiya ang tumutukoy sa pag-alaala sa

isang mahal sa buhay?

a)

A. Kaugalian

b)

B. Tauhan

c)

C. Tema

d)

D. Wika

64.

Bakit mahalagang gumamit ng simbolo sa pagsulat ng isang elehiya?

a)

A. Ang simbolo ay maaaring magpalawak ng ating isipan.

b)

B. Inihahambing nito ang iba’t ibang diwang ipinapakita ng elehiya.

c)

C. Nakatutulong ito upang maging makulay ang isinusulat na elehiya.

d)

D. Saklaw nito ang mensahe ng buong tula.

65.

Ang sumusunod ay kabilang sa mga katangian ng elehiya, MALIBAN sa

_____.

a)

A. pag-aalala

b)

B. paghihinagpis

c)

C. pagpapakasakit

d)

D. pagpaparangal

66.

Anong damdaming nangingibabaw sa tulang "Elehiya saKamatayan ni Kuya"?

a)

kasiyahan

b)

galit

c)

kalungkutan

d)

katatakutan

67.

Ang elehiya ay isang uri ng tula na naglalarawan ng _______sa alaala ng isang mahal sa buhay.

a)

masidhing damdamin

b)

labis na kalungkutan

c)

karanasan

d)

kaguluhan

68.

Ang himig ng tulang elehiya ay ______?

a)

mapang-aliw,

masinta,

mapanghalina

b)

masilakbo,

malakas na loob,

makisig

c)

matimpi,

mapagmuni-muni,

di-masintahin

69.

Ano ang tatlong katangian ng elehiya ay _____.

a)

panunuyo, panambitan, pananawagan

b)

pananangis,

pag-aalaala, pagpaparangal

c)

pagpapasalamat,

pag-alaala, pananaghoy

70.

Ano ang tema ng tulang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?

a)

pagpanaw ng isang tao

b)

panghihinayang sa buhay ng tao

c)

pagsisi sa huling sandali

71.

Paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng tula?

a)

ito ay patungkol lamang sa taong nabubuhay

b)

ito ay patungkol lamang sa kamatayan

c)

ito ay tungkol sa kamatayan at kalungkutan

72.

Bakit mahalagang sumulat ng elehiya sa taong mahal mo ng pumanaw na?

a)

upang maipakita ang karangalan at halaga nila

b)

upang mapagbigyan ang huling kahilingan nila

c)

upang mapatibay ang inyong pagmamahalan.

73.

Paano mo maipapadama ang pagmamahal sa mahal mo sa buhay?

a)

pagsunod lagi sa ibig nito

b)

pagsasabi lagi ng magandang bagay rito

c)

pag-aalaga at

pag-unawa

74.

Ito ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya at pwedeng pagbasehan ang karanasan .

a)

Tema

b)

Buod

c)

Tauhan

d)

Simbolismo

75.

Elemento ng Elehiya kung saan ito ay maaaring tukuyin sa pormal at impormal.

a)

Tema

b)

Wikang ginamit

c)

Tauhan

d)

Simbolismo

76.

Ayon sa elehiya para sa kamatayan ni kuya ilang taon ito binawian ng buhay?

a)

tatlumpo

b)

dalawampu't isa

c)

apatnapu't siyam

d)

labing isa

77.

Sino ang personang nagsasalita sa akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”?

a)

Kuya

b)

nakababatang kapatid

c)

Lola

d)

nakatatandang kapatid

78.

Ano ang ibig sabihin ng salitang pema sa tula?

a)

pagdadalamhati

b)

kalungkutan

c)

pag-ibig

d)

pag-asa

79.

Sinong manunulat ang nagsalin ng Elehiya sa kamatayan ni Kuya sa wikang Filipino?

a)

Francisco Balagtas Baltazar

b)

Amado V. Hernandez

c)

Mario De Los Reyes

d)

Patrocinio Villafuerte

80.

Saan nagmula ang tulang "Elehiya sa Kamatayan ni Kuya"?

a)

Pilipinas

b)

Thailand

c)

Taiwan

d)

Bhutan