Font size
WorksheetsFilipino 7 | Pagsusulit 3.1 (Reviewer)
Total questions: 35
Worksheet time: 20mins
Ano ang kasingkahulugan ng alabok?
(a)
Ano ang kasingkahulugan ng napasubasob?
(a)
Ano ang kasingkahulugan ng katoto?
(a)
Ano ang kasingkahulugan ng dalita?
(a)
Ano ang kasingkahulugan ng pagal?
(a)
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng paghahambing na magkatulad?
Mas matangkad si Liza kaysa kay Ana.
Kasinghusay ni Marco si Jomar sa pagguhit.
Higit na mabigat ang sako ng bigas kaysa sa sako ng mais.
Hindi kasinglinis ng kwarto nina Paul ang kwarto nina Renz.
Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa sumusunod na pangungusap?
“Mas mabango ang bulaklak ng sampaguita kaysa sa dahon nito."
Magkatulad
Di-magkatulad (Pasaklaw)
Di-magkatulad (Palamang)
Di-magkatulad (Pasahol)
Alin ang tamang pahayag ng paghahambing na magkatulad?
Mas mabilis tumakbo si Ken kaysa kay Rj.
Kasingtangkad ni Rea si Carla.
Higit na mabagal ang pag-usad ng pila ngayon.
Hindi kasingsipag ng ate niya ang kanyang kapatid.
Ano ang tawag sa paghahambing na nagsasaad ng higit o kulang ang katangian?
Magkatulad
Lantay
Di-magkatulad
Patulad
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paghahambing na magkatulad o di-magkatulad:
Kasingkinis ng seda ang balat ng sanggol.
magkatulad
di-magkatulad
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paghahambing na magkatulad o di-magkatulad:
Mas maliwanag ang araw kaysa sa buwan.
magkatulad
di-magkatulad
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paghahambing na magkatulad o di-magkatulad:
Hindi kasingtamis ng pakwan ang prutas na suha.
magkatulad
di-magkatulad
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paghahambing na magkatulad o di-magkatulad:
Parehong mabait sina Lyka at Yani.
magkatulad
di-magkatulad
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paghahambing na magkatulad o di-magkatulad:
Kapuwa mabango ang Sampaguita at Ylang-Ylang.
magkatulad
di-magkatulad
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paghahambing na palamang o pasahol:
Mas matangkad si Lito kaysa kay Mark.
palamang
pasahol
Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng paghahambing na palamang o pasahol:
Hindi kasinlinis ng sala ang kusina.
palamang
pasahol
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
pagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
paglitaw ng mga sanaysay at pahayagang tulad ng La Solidaridad
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
pagsisimula ng pagsasalin ng Doctrina Christiana sa katutubong wika
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
paglaganap ng pasyon at dalit na naglalaman ng mga aral na panrelihiyon
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
pagtatatag ng Katipunan at paggamit ng panitikan bilang sandata sa himagsikan
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
pagsulat ng Kartilya ng Katipunan na naglalaman ng mga prinsipyo ng rebolusyon
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
paglitaw ng mga edukadong Pilipino o ilustrado na nagsusulong ng reporma sa gobyerno
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
paglikha ng mga tula at pahayag na nanghihikayat sa mga Pilipinong lumaban sa mga Espanyol
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Tukuyin kung sa aling yugto ng panitikan noong panahon ng mga Espanyol nabibilang ang mga sumusunod na akda, tema, o pangyayari.
pagsusulat ng Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro upang ituro ang kagandahang-asal
Panahon ng Krus at Espada
Damdaming Makabayan
Himagsikan
Ano ang orasyon?
Awit ito ng papuri kay Maria.
Maikling awit itong inaawit ng kabataan.
Ritwal o dasal ito tuwing alas-sais ng gabi.
Pag-awit ito ng pasyon tuwing Biyernes Santo.
Anong uri ng panitikan ang Pasyon?
epiko
awit at korido
kuwentong bayan
tulang panrelihiyon
Ano ang pangunahing layunin ng Dalit kay Maria?
humingi ng kapatawaran
magturo ng mabuting asal
magkuwento ng paghihirap ni Kristo
magbigay-pugay at pagpupuri kay Birheng Maria
Kailan karaniwang ginagawa ng mga Katolikong Pilipino ang pabasa ng Pasyon?
Pasko
Bagong Taon
Mahal na Araw
Araw ng mga Patay
Aling grupo ang nasa pinakamataas na antas sa sistemang panlipunan sa panahon ng Espanyol?
Espanyol
Indio
Mestizo
Principalia
Aling tema ang naging pangunahing pokus ng panitikan sa panahon ng mga Espanyol?
kabayanihan at pakikidigma
panrelihiyon at Kristiyanismo
pagsusuri ng sinaunang mitolohiya
pakikipagkalakalan sa mga dayuhan
Alin sa mga sumusunod na akda ang hindi kabilang sa panitikang panrelihiyon noong panahon ng Espanyol?
Biag ni Lam-ang
Doctrina Christiana
Pasyon
Urbana at Felisa
Ano ang tawag sa awit o panalanging iniaalay kay Birheng Maria bilang papuri at paggalang?
Dalit kay Maria
Litanya
Orasyon
Pasyon
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Dalit kay Maria sa Orasyon?
Ang orasyon ay tungkol kay Kristo at Maria.
Ang orasyon ay mahabang salaysay tulad ng Pasyon.
Ang dalit ay binibigkas, samantalang ang orasyon ay laging inaawit.
Ang dalit ay tungkol kay Maria, samantalang ang orasyon ay dasal sa tiyak na oras.
Ano ang tawag sa katutubong sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino na unti-unting napalitan sa ilalim ng pananakop ng Espanya?
Abakada
Alibata
Baybayin
Romano
