Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 10 LONG QUIZ

Total questions: 50

Worksheet time: 36mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay maaaring tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksyon ng tao.

a)

A. Gender

b)

B. Sex

c)

C. Masculine

d)

D. Feminine

2.

Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

a)

A. Gender

b)

B. Sex

c)

C. Masculine

d)

D. Feminine

3.

Isang uri ng homosekswal na nakararanas ng atraksyon sa parehong kasarian

a)

A. Lesbian

b)

B. Gay

c)

C. Bisexual

d)

D. Transgender

4.

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

a)

A. Gender and Development

b)

B. Oryentasyong Sekswal

c)

C. Masculine

d)

D. Feminine

5.

Anong pag-uri, eksklusyon o restriksyon sa kasarian na naglalayon o naging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?

a)

Karahasan

b)

Pang-aabuso

c)

Pagsasamantala

d)

Diskriminasyon

6.

Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.

a)

A. Female Genital Mutilation

b)

B. Circumcision

c)

C. Foot binding

d)

D. Feminine

7.

Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

a)

International Assembly for Women

b)

Anti – Violence Against Women and Children

c)

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

d)

Magna Carta for Women

8.

Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito

a)

International Assembly for Women

b)

Anti – Violence Against Women and Children

c)

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

d)

Magna Carta for Women

9.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)?

a)

Binigbigyan nito ng karapatan ang mga mambabatas ng Pilipinas na makapasa ng batas tungkol dito.

b)

Inaasahan ang state parties ay ipapawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina lalo-lalo na sa mga kababaihan.

c)

Ang pamahalaan ay inaasahan na mag-oorganisa ng mga Samahan na naglalayong protektahan ang mga kababaihan.

d)

Kikilanin ang Karapatan ng LGBT.

10.

Ang Magna Carta ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng diskriminasyon sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay. Sino ang saklaw nito?

a)

Marginalized Women

b)

Women in Especially Difficult Circumstances

c)

Mga batang babae, matanda, at may kapansanan

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Ano ang tawag sa babaeng mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan at wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo?

a)

Marginalized Women

b)

Women in Especially Difficult Circumstances

c)

Disabled Women

d)

Feminism

12.

Ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

a)

Marginalized Women

b)

Women in Especially Difficult Circumstances

c)

Disabled Women

d)

Feminism

13.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapahayag ng pagkakaiba ng dalawang kasarian?

a)

A. Ang mga babae ay may bahay bata samantalang ang lalake ay wala.

b)

B. Ang mga lalaki ay may bayag (testicles) habang ang mga babae ay wala.

c)

C. Ang mga babae ay may higit na “massive bones” kumpara sa mga lalaki.

d)

D. Ang mga babae ay may malambot ang kilos at ang mga lalaki ay likas na tigasin ang kilos.

14.

Ang mga sumusunod ang maaaring kasuhan sa batas ng VAWC maliban sa ____

a)

kasalukuyan o dating asawang lalaki

b)

kasalukuyan o dating karelasyon na lalaki

c)

lalaki na may anak sa babae

d)

anak na lalaki

15.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ay tama?

a)

Karanihan sa mga bansang Muslim, ang kababaihan ay nakakatamasa ng pantay na karapatan tulad ng mga kalalakihan.

b)

Ibinibigay sa mga kalalakihan ang mga gawaing pisikal tulad ng kargador at mga gawaing mabibigat.

c)

Kinilala ng ating batas na isang tunay na babae ang transgender woman.

d)

Pinahihintulutan ang mga babae sa Saudi Arabia na magsuot ng maiikling damit.

16.

Sa ilalim ng Magna Carta for Women, ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa mga kababaihan?

a)

I. Sinisiguro ng pamahalaan na makakatanggap ng buwanang ayuda ang mga kababaihan.

b)

II. Ang Pamahalaan ay ang pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.

c)

III. Ang Pamahalaan ang siyang nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang Karapatan.

d)

IV. Binibigyan ng pamahalaan ang mga kababaihan ng komportableng at maginhawang trabaho.

17.

May mga pagkakataon na ang isang tao ay ipinanganak na nagtataglay ng magkaparehong katangiang biyolohikal ng babae at lalaki. Ano ang tawag dito?

a)

Cisgender

b)

Intersex

c)

Pansexual

d)

Transgender

18.

Ang matalik mong kaibigan sa paaralan ay isang bisexual. Noong natuklasan ng mga magulang mo ang kanyang oryentasyong seksuwal ay pilit kang pinapalayo sa kanya. Ano ang iyong gagawin?

a)

Susundin ko ang sinabi ng mga magulang ko.

b)

Susuwayin ko ang sinabi ng mga magulang ko.

c)

Sasabihin ko sa kaibigan ko ang sinabi ng mga magulang ko.

d)

Sasabihin ko sa mga magulang ko na isang mabuting tao ang kaibigan ko.

19.

Sa kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, ay maraming pagsulong ang inilusad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT. Maraming mga grupo ang naitatag tulad ng Lesbian Collective, ProGay Philippines, at ang Ladlad na naging politikal na partido pero hindi pinayagan ng COMELEC na tumakbo sa halalan 2010. Ano kaya ang dahilan nito?

a)

Dahil sa pinunong partido.

b)

Dahil sa basehang moralidad ng partido.

c)

Dahil sa kakulangan ng pondo ng partido.

d)

Dahil sa kakulangan ng dokumento ng partido.

20.

Paano magkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa isang lipunan?

a)

Tanggalin ang mga programang may kaugnayan sa diskriminasyon.

b)

Maki­lahok sa mga aktibistang grupo upang maiparating sa kinauukulan ang mga hinain ng mga mamamayan.

c)

Maayos ang pagpapatupad ng pamahalaan sa batas at polisiya laban sa diskriminasyon at pang-aabuso.

d)

Basagin ang mga kostumbre / tradisyong kinagisnan.

21.

Ang kasariang transgender sa LGBT ay nauuri sa tatlo. Ali sa sumusunod ang hindi kabilang dito?

a)

Transexual

b)

Genderqueers

c)

Cross Dresser

d)

Pansexual

22.

Ayon sa aklat na, Sex and Gender in Philippine Society na pinanantnugutan ni Elizabeth Eviota, “During the precolonial time, mother and father’s works are separate but equal”. Alin sa ibaba ang sumasang-ayon o nagbibigay-ebidensya sa pahayag?

a)

Inaasahan na magkaiba ang gampanin ng ama at ina ngunit pareho itong nagbibigay ng mabuti at pantay na kontribusyon sa pamilya at sa lipunan.

b)

Magkatuwang ang nanay at tatay sa pagpapalaki’t pagtugon sa mga pangangailangan ng anak.

c)

Hindi itinuturing na mas mahirap ang trabaho ng tatay kaysa sa nanay, vice versa. Bawat kanilang tungkulin ay parehong mahalaga.

d)

Bagamat kaya ding gawin ng tatay, si nanay ang nagtatrabaho sa loob ng bahay nang walang bayad dahil iyon lamang ang kaya niyang iambag sa tahanan.

23.

Maraming mga nararanasang karahasan at diskriminasyon hindi lamang ang mga LGBT kundi pati na rin ang mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga pangha-harass maliban sa isa. Alin dito?

a)

Pagkukumpara

b)

Pagbabanta at paniniigaw

c)

Panghihipo o paghawak sa bahagi ng katawan nito

d)

Panghihiya at panghahamak ng mga tao dahil sa kanilang kasarian

24.

Alin sa mga sumusunod ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-abuso at pananakit sa mga babae?

a)

Mga lalaking nagkaroon ng dating ugnayang sexual sa babae.

b)

Mga lalaking dating kaibigan ng babae.

c)

Mga lalaking kasamahan sa trabaho.

d)

Mga lalaking nagbibigay ng moral na suporta sa babae.

25.

Bakit kailangan mong maunawaan ang mga isyung pangkasarian?

a)

Upang maiwasan ang pang-aabusong sekswal.

b)

Para ikaw ay maging mulat sa mga pangyayaring nagaganap ukol sa isyung pangkasarian.

c)

Binibigyang diin dito ang mga proseso upang labanan ang diskriminasyon

d)

Nagbibigay gabay sa iyo upang linawin ang iyong kaisipan ukol sa iba’t-ibang kasarian.

26.

Bakit mahalaga ang pagpapatupad ng espesyal na mga batas para sa mga kababaihan?

a)

Ito ay upang magkaroon ng sapat na kakayahan ang mga kababaihan na maipakita ang kanilang galing.

b)

Ito ay upang magbigay ng karapatan ang mga kababaihan sa anumang aspeto sa buhay.

c)

Ito ay upang magkaroon ng pantay na karapatan ang babae na natatamasa ng kagaya sa lalaki

d)

Ito ay upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kababaihan na laging biktima ng karahasan at diskriminasyon sa lipunan.

27.

Ang sumusunod ay naglalalahad sa batas ng Magna Carta for Women maliban sa _______.

a)

walang sagot na nakalagay sa larawan, ngunit ang tanong ay FILL_IN_THE_BLANK.

b)

pagkakapantay-pantay ng kasarian

c)

proteksyon laban sa diskriminasyon

d)

karapatan sa edukasyon

28.

Ang sumusunod ay naglalahad sa batas ng Magna Carta for Women maliban sa _____.

a)

A. Ito ay layuning alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa mga kababaihan.

b)

B. Ang lahat ng babaeng Pilipino ay sakop ng batas na ito.

c)

C. Ang layunin nito ay mawala ang anumang stereotype, kostumbre at maling paniniwala sa mga kababaihan.

d)

D. Ito ay nagtataguyod ng karapatan ng iba’t ibang uri ng kasarian.

29.

Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan lalo na ang mga usapin na sangkot ang mga isyu ng karahasan?

a)

Paghikayat sa mga miyembro ng LGBT na makilahok sa iba’t ibang gawaing pang-komunidad.

b)

Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan

c)

Pagpapalabas ng mga video sa social media ng mga nakasangkutang hindi magandang gawain nila.

d)

Tinatanggalan nito ng mga karapatan ng mga mamamayang lumabag sa batas ng estado.

30.

Mahigpit na ipinapatupad ang CEDAW sa Pilipinas. Ano ang mahihinuha natin mula rito?

a)

Darami ang kaso ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan.

b)

Iba’t ibang uri ng diskriminasyon ang uusbung.

c)

Kalalakihan na ang makadarama ng matinding diskriminasyon.

d)

Mapipigilan ang mga kaso na lumalabag sa karapatang pantao ng mga kababaihan.

31.

Suriin ang pahayag: Maraming mga kalalakihan na sa ngayon ng tinatawag na “house husband”. Ano ang iyong mahihinuha tungkol dito?

a)

Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.

b)

Ang mga lalaki ay maaaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing pambabae.

c)

May pantay na karapatan na ang babae at lalaki

d)

Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay

32.

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa na kung saan binabayo o minamasahe ang dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Alin sa pagpipilian ang pinakadahilan ng pagsasagawa ng tradisyong ito?

a)

Pag-iiwas ng mga kababaihan sa pagkakasakit

b)

upang maiwasan ang maagang pagbubuntis

c)

upang maiwasan ang maagang pag-aasawa

d)

upang mapanatili ang kalusugan ng dibdib

33.

Isa sa masakit na katotohanan ay walang malinaw na bilang kung ilan sa mga kalalakihan ang naging biktima ng nasabing pang-aabuso. Ano ang dahilan nito?

a)

Dahil pinoproteksyonan ng lalaki ang kanyang pamilya laban sa kahihiyan.

b)

Dahil ang mga lalaki ay takot sa kanilang asawa kaya hindi sila nagsusumbong.

c)

Dahil ang mga lalaki ay nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na karanasan.

d)

Dahil mahal ng lalaki ang kanyang asawa kaya pinili niyang manahimik na lamang.

34.

Aling tunguhin ni Malala Yousafzai ang pinakamahalaga sa kanyang pakikipaglaban para sa karapatang pantao?

a)

Pagpapalaganap ng access sa edukasyon para sa kababaihan.

b)

Pagtatanggol sa Karapatan ng mga bata sa kanilang Kalayaan sa pagpili ng relihiyon.

c)

Pagtitiyak ng pantay na na sahod para sa mga manggagawa.

d)

Pagpapalaganap ng pagbabawal sa pang-aabuso sa hayop.

35.

Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito. Anong sapantaha ang maaaring isipin ng mga kababaihan para sa batas na ito?

a)

Ang Kababaihan na may edad 15 pataas ay hindi pa maaaring matamasa ito.

b)

Ang Kababaihan na walang asawa at mga anak ay hindi kwalipikado sa batas na ito.

c)

Ang Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso ay maaaring makinabang sa batas na ito.

d)

Ang Kababaihang nagkaroon ng anak sa karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyang o dating asawang babae ay hindi maaaring makinabang sa batas na ito.

36.

Ano ang naging hakbang na ginawa ng pamahalaan upang magbahagi ng kaalaman ng pagtanggap at paggalang sa mga kasariang mayroong iba’t ibang gender identity?

a)

Pagpapalabas ng mga edukasyonal na materyales tungkol sa gender sensitivity.

b)

Pagtataguyod ng mga programa para sa pagpapahalaga sa mga LGBT na sektor.

c)

Pagsasagawa ng mga anti-discrimination campaigns.

d)

Lahat ng nabanggit

37.

Bilang isang mamamayan, ano ang mahalagang aral ang maaari mong makuha sa buhay ni Malala Yousafzai?

                           I.        Ang pakikibaka para sa karapatan ng edukasyon ay hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.

                         II.        Ang mga kalalakihan ay dapat bigyan ng pantay na oportunidad sa edukasyon at lipunan.

                       III.        Ang relihiyon ay hindi dapat maging hadlang sap ag-abot ng pangarap na makapag-aral..

                      IV.        Ang pagkakaroon ng malakas na determinasyon at tapang ay mahalagang katangian upang makamit ang mga pangarap.

a)

I at II

b)

II at III

c)

III at IV

d)

 I at IV

38.

Ano ang tamang hakbang na dapat gawin upang makilala ang mga karapatan ng iba't ibang kasarian?

a)

Magpakita ng paggalang at pagbibigay ng oportunidad sa lahat ng kasarian na magpahayag ng kanilang opinion at saloobin.

b)

Magpokus sa pagtugon sa pangangailangan ng mga lalaki at babae lamang.

c)

Ipakita ang pagiging matipuno o feminine sa pakikitungo sa iba't ibang kasarian.

d)

Hindi mahalaga ang pagkilala sa mga Karapatan ng iba't ibang kasarian.

39.

Kung ikaw ay isang Barangay Kapitan sa inyong lugar at lingid na sa kaalaman mo na maraming LGBT sa iyong nasasakupang Barangay. Ano ang gagawin mo?

a)

Tatawagan ko ang mga magulang nila para mapagsabihan.

b)

Gagawa ako ng ordinansa na ipagbabawal ang pagiging LGBT.

c)

Magpapatupad ako ng patakaran na di sila pwedeng sumali sa mga gawain ng Barangay.

d)

Gagawa ako ng programa na kumikilala sa kanilang Karapatan.

40.

Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong pinakambisang magagawa upang matulungan na maisulong ang batas para sa mga kababaihan?

a)

Mag-aral ng mabuti upang balang-araw ay makalikha pa ng batas para sa pantay na karapatan sa bawat kasarian sa ating lipunan.

b)

Tulungan ang kapwa-tao na nakakaranas ng karahasan o diskriminasyon sa ating pamayanan sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga kinauukulan.

c)

Magbahagi ng iyong nalalaman sa iyong mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.

d)

Igalang ang karapatan ng kababaihan sa lahat ng pagkakataon.

41.

Anong pag-uuri, eksklusyon o restriksyon sa kasarian na naglalayon o naging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?

a)

Diskriminasyon

b)

Pang-aabuso

c)

Pagkakaisa

d)

Paggalang

42.

Ang diskriminasyon ay anumang uri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o naging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Kung ikaw ay isang biktima ng pambubully sa inyong paaralan dahil sa iyong kasarian, ano ang iyong gagawin?

a)

Manahimik para hindi ako mapahiya.

b)

Tanggapin ang katotuhanan na hindi tanggap sa lipunan ang aking kasarian.

c)

Sasabihin ko sa aking kaibigan para mabawasan ang aking sakit na nararamdaman.

d)

Ipagbigay alam ko sa aking guro para masabihan ang mga estudyanting nam-bully sa akin.

43.

Mula sa iyong pagkabata ay nararamdaman mo na ikaw ay nabuhay sa maling katauhan. Ipinanganak kang lalaki pero ang puso mo ay babae ngunit itinatago mo lang ito sa iyong pamilya dahil ang angkan ng inyong pamilya ay kilala sa lipunan sa larangan ng pagiging Pulis at Sundalo. Ikaw lang ang nag-iisang anak na lalaki at sinabihan ka ng iyong ama na ikaw ang papalit sa kanya bilang isang magiting na sundalo. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

a)

Susundin ko ang sinabi ng aking ama dahil para ito sa aking kabutihan.

b)

Matutuwa ako kasi ako ang papalit sa kanyang posisyon na hinaharap.

c)

Ipagtatapat ko sa aking mga magulang ang tunay kong pagkatao para maalis na lahat ang mga pagdurusa ko.

d)

Lilisanin ko ang aming bahay na walang pasabi para makaiwas sa mangyayari sa akin.

44.

Alin sa mga sumusunod ang isang malikhaing hakbang upang maisulong ang paggalang sa lahat ng kasarian sa paaralan?

a)

Paghiwalayin ang mga mag-aaral batay sa kasarian sa lahat ng aktibidad

b)

Iwasang talakayin ang isyu ng kasarian upang walang kontrobersiya

c)

Magsagawa ng mga gender sensitivity workshop para sa mga guro at mag-aaral

d)

Limitahan ang partisipasyon ng kababaihan sa pisikal na aktibidad

45.

Alin sa mga sumusunod ang epektibong hakbang upang mapalaganap ang gender equality sa komunidad?

a)

Pagpapanatili ng mga tradisyunal na papel ng kasarian

b)

Pagtuturo ng gender equality sa mga youth organization

c)

Pagtutok lamang sa isyu ng kalalakihan

d)

Pagbabawal sa mga kababaihang sumali sa pamahalaang barangay

46.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahigpit ang lipunan para sa mga babae at miyembro ng LGBT sa ilang rehiyon ng mundo?

a)

Dahil sa mga batas na nagpoprotekta sa kanilang karapatan

b)

Dahil sa tradisyon at paniniwala ng lipunan

c)

Dahil sa mataas na antas ng edukasyon

d)

Dahil sa malayang paggalaw ng mga tao

47.

Sang-ayon ka ba na ang media ay may malaking papel sa paghubog ng gender stereotypes? Bakit?

a)

Oo, dahil madalas nitong ipinapakita ang pantay na pagtrato sa lahat ng kasarian

b)

Hindi, dahil walang epekto ang media sa pananaw ng tao

c)

Oo, dahil madalas nitong inuulit ang mga tradisyonal na papel ng babae at lalaki

d)

Hindi, dahil ang gender roles ay likas sa tao

48.

Nakakita ka ng isang estudyanteng binastos sa pampublikong lugar dahil sa kanyang pananamit. Bilang isang mamamayan na may kaalaman sa Safe Spaces Act, ano ang dapat mong gawin?

a)

Iwasan ang sitwasyon upang hindi madamay

b)

Tawanan na lang ito  kasama ang iba

c)

Ipaalala sa nambastos na may batas laban sa ganitong gawain at i-report ito sa awtoridad

d)

I-post sa social media ang nangyari para mapahiya ang nambastos

49.

Paano nakatutulong ang Magna Carta of Women sa pagsulong ng gender equality?

a)

Pinipilit nito ang kababaihan na magtrabaho

b)

Ginagawang mas mataas ang sahod ng kababaihan kaysa kalalakihan

c)

Nagbibigay ito ng libreng edukasyon sa lahat ng babae

d)

Nagsisilbing gabay upang tiyakin ang Karapatan ng kababaihan sa iba’t ibang larangan

50.

Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito ni dating UN Sec. Gen. Ban Ki-Moon: “LGBT rights are human rights”?

a)

Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.

b)

May pantay na Karapatan ang lahat ng tao.

c)

Ang mga LGBT ay may karapatang pantao.

d)

Ang Karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.