wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

BQ Reviewer ap 4

Total questions: 87

Worksheet time: 48mins

Name
Class
Date
1.

Tinutukoy nito ang distansya ng mga lugar sa mundo mula sa ekwador.

a)

latitud

b)

longhitud

c)

Prime Meridian

d)

ekwador

2.

Isinasaad nito ang mga distansya mula sa Prime Meridian.

a)

latitud

b)

longhitud

c)

Prime Meridian

d)

ekwador

3.

Ito ay kumakatawan sa simula ng mga guhit longhitud.

a)

latitud

b)

longhitud

c)

Prime Meridian

d)

ekwador

4.

Hinahati nito ang mundo sa Kanlurang Hemisphere at Silangang Hemisphere kaya't sa tulong nito masasabi kung pasilangan o pakanluran ang kinalalagyan ng isang lugar.

a)

latitud

b)

longhitud

c)

Prime Meridian

d)

ekwador

5.

Ito ay isang malakit guhit parallel na may sukat na 360° at matatagpuan ito sa zero digri (0°) latitud.

a)

latitud

b)

longhitud

c)

Prime Meridian

d)

ekwador

6.

Hinahati nito ang mundo sa Hilagang Hemisphere at Timog Hemisphere.

a)

latitud

b)

longhitud

c)

Prime Meridian

d)

ekwador

7.

Ito ang pinakahilagang hanggahan na naabot ng bertikal na sinag ng araw.

a)

Ang Tropiko ng Kanser

b)

Ang Tropiko ng Kaprikornyo

c)

Kabilugang Arktiko

d)

Kabilugang Antarktiko

8.

Ang pinagsama-samang guhit latitud at longhitud ang bumubuo dito.

a)

Grid

b)

Latitud

c)

Ekwador

d)

Kabilugang Antarktiko

9.

Ginagamit itong batayan sa pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar gamit ang kinalalagyan nito sa latitud at longhitud.

a)

Grid

b)

Latitud

c)

Ekwador

d)

Kabilugang Antarktiko

10.

Naibibigay ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longhitud at latitud.

a)

Grid

b)

Tiyak na Lokasyon

c)

Relatibong Lokasyon

d)

Guhit Pangkaisipan

11.

Naibibigay ito sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hanggahang lupain o mga katubigang nakapaligid dito.

a)

Lawak na Heograpikal

b)

Tiyak na Lokasyon

c)

Relatibong Lokasyon

d)

Guhit Pangkaisipan

12.

Ano ang nasa hilaga ng Pilipinas?

a)

Taiwan at Japan

b)

Laos, Cambodia at Vietnam

c)

Borneo, Brunei at Indonesia

d)

Guam

13.

Ano ang nasa timog ng Pilipinas?

a)

Taiwan at Japan

b)

Laos, Cambodia at Vietnam

c)

Borneo, Brunei at Indonesia

d)

Guam

14.

Ano ang nasa silangan ng Pilipinas?

a)

Taiwan at Japan

b)

Laos, Cambodia at Vietnam

c)

Borneo, Brunei at Indonesia

d)

Guam

15.

Elemento ng mapa na nagsasabi kung ano ang nilalaman o uri ng mapang tinitingnan.

a)

eskala

b)

titulo

c)

mapa

d)

legend

16.

Grapikal na representasyon ng lugar sa isang patag na ibabaw.

a)

eskala

b)

titulo

c)

mapa

d)

legend

17.

Ito ang kasunduan o batas na nilagdaan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagsasabing ang mga pulo ng Kalayaan ay sakop ng Pilipinas.

a)

Saligang Batas 1935

b)

Kasunduan sa Paris

c)

Atas ng Pangulo Bilang 1596

d)

Kasunduan sa Washington

18.

Ang kasunduang nagpapahayag na ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, at Sibutu ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

a)

Kasunduan sa Washington

b)

Atas ng Pangulo Blg. 1596

c)

Kasunduan ng Estados Unidos at Espanya

d)

Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya

19.

Ang rehiyon ng Asya kung saan nabibilang ang Pilipinas.

a)

Silangang Asya

b)

Hilagang Asya

c)

Timog Asya

d)

Timog-Silangang Asya

20.

Doktrinang pinagtibay noong 1982 kung saan ipinahahayag ang nasasakop na teritoryo ng mga bansa sa kani-kanilang mga karagatan kabilang na ang mga katubigang nakapaligid sa bansa, kalapagang insular, at mga pook submarina na kinalalatagan ng arkipelago.

a)

Doktrinang Pangkapuluan

b)

Exclusive Economic Zone

c)

Spratlys Islands

d)

UNCLOS

21.

Ito ay nagsasaad na ang isang kapuluang estado ay may hurisdiksyon hanggang sa 200 nautical miles mula sa batayang guhit kung saan sinusukat ang territorial sea.

a)

Doktrinang Pangkapuluan

b)

Exclusive Economic Zone

c)

Spratlys Islands

d)

UNCLOS

22.

Mas kilala ito sa tawag na Kalayaan Group of Islands na matatagpuan sa gitna ng Dagat Timog Tsina.

a)

Doktrinang Pangkapuluan

b)

Exclusive Economic Zone

c)

Spratlys Islands

d)

UNCLOS

23.

Sino ang namumuno sa isang lungsod?

a)

punong mahistrado

b)

punong barangay

c)

gobernador

d)

alkalde

24.

Ilan ang Senador sa Pilipinas?

a)

22

b)

23

c)

24

d)

25

25.

Anong sangay ng pamahalaan ang nagpapatupad ng batas?

a)

tagapagpaganap

b)

lehislatibo

c)

hudikatura

d)

pamahalaan

26.

Ano ang bumubuo sa tagapagbatas?

a)

alkalde, at punong mahistrado at mga hukom

b)

mahistrado at mga hukom

c)

pangulo at pangalawang pangulo

d)

mga senador at mga kinatawan

27.

Ito ang sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa karapatan ng mga mamamayan.

a)

tagapagpaganap

b)

tagapagbatas

c)

panghukuman

28.

Ito ay samahan na binubuo ng mga bansang kasapi sa Southeast Asia.

a)

Security Council

b)

ASEAN

c)

APEC

29.

Tukuyin ang karapatang tinutukoy sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang iyong sagot.

Nag-enrol si Ruben ng kursong abogasya sa San Beda.

a)

Karapatan sa kalayaan

b)

karapatang pumili ng sariling relihiyon

c)

Karapatan sa buhay

d)

Karapatan sa edukasyon

30.

Tukuyin ang karapatang tinutukoy sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang iyong sagot.

Nagsisimba tuwing Linggo ang pamilya Dominguez sa simbahang Katoliko.

a)

Karapatan sa kalayaan

b)

karapatang pumili ng sariling relihiyon

c)

Karapatan sa buhay

d)

Karapatan sa edukasyon

31.

Tukuyin ang karapatang tinutukoy sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang iyong sagot.

Ikinulong si Totoy dahil siya ay pinaghihinalaang isa sa mga nanloob sa isang pawnshop sa bayan.

a)

karapatang bumoto

b)

Karapatan sa paglilitis

c)

Karapatan magkaroong ng sariling ari-arian

d)

Karapatan sa edukasyon

32.

Tukuyin ang tungkuling ipinapakita ng bawat sitwasyon.

Pagdating sa bahay ay inilabas agad ni Eve ang kanyang mga aklat at kuwaderno upang gawin ang kanyang takdang aralin.

a)

Mahalin ang ating bansa

b)

Mag-aral at pahalagahan ang edukasyon

c)

Magbayad ng tamang buwis

33.

Tukuyin ang tungkuling ipinapakita ng bawat sitwasyon.

Binabasa ni Lenny ang talambuhay nina Andres Bonifacio at Jose Rizal upang malaman ang kanilang bahagi sa kasaysayan ng ating bansa.

a)

Mahalin ang ating bansa

b)

Igalang ang ating watawat

c)

Kilalanin at pahalagahan ang mga bayaning Pilipino

34.

Tukuyin ang tungkuling ipinapakita ng bawat sitwasyon.

Nasa loob ng sinehan ang pamilya Soriano. Pinatugtog ang pambansang awit. Lahat ay nagsitayo nang tuwid at inilagay ang kanang kamay sa kanilang kaliwang dibdib.

a)

Mahalin ang ating bansa

b)

Igalang at awitin ng buong pagmamahal ang Lupang Hinirang

c)

Kilalanin at pahalagahan ang mga bayaning Pilipino

35.

Anong uri ng pamahalaan ng Pilipinas kung saan ang nanunungkulan ay isang pangulo at ang ganap na kapangyarihan ay nasa sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan?

a)

presidensiyal at demokratiko

b)

parliamentarya at demokratiko

c)

paristokrasya at diktaturyal

d)

diktaturyal at parliamentarya

36.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may wastong paglalarawan sa pambansang pamahalaan ng Pilipinas?

a)

Itinatag ang pamahalaan upang pangalagaan ang kapakanan lamang ng mga pinuno ng bansa.

b)

Pinangangalagaan nito ang kabuhayan ng mga mayayamang Pilipino.

c)

Tinitiyak na ligtas sa anomang kapahamakan ang bawat mamamayan.

d)

Hindi nakikialam ang pambansang pamahalaan sa mga programa ng iba’t ibang kagawaran tulad ng DepEd at DoH.

37.

Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na katangian ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas?

a)

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay pinamumunuan ng isang pangulo.

b)

Inihalal ng mamamayan ang mga pinunong nanunungkulan sa bansa.

c)

Ang pangalawang pangulo ang punong tagapagpatupad ng batas.

d)

Ang pambansang pamahalaan ay itinataguyod ng mga mamamayan.

38.

Ito ang sangay ng pamahalaan na gumagawa ng mga batas, mag-amyenda, at magsawalang bisa ng mga ito gamit ang kapangyarihang ibinibigay ng Kongreso ng Pilipinas.

a)

Sangay na Tagapagbatas (Legislative Branch)

b)

Sangay na Tagapagpaganap (Executive Branch)

c)

Sangay na Tagapaghukom (Judicial Branch)

39.

Ito ang sangay na nagbibigay ng interpretasyon ng batas. Ang kapangyarihang panghukuman ay nasa ilalim ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema at Mababang Hukuman.

a)

Sangay na Tagapagbatas (Legislative Branch)

b)

Sangay na Tagapagpaganap (Executive Branch)

c)

Sangay na Tagapaghukom (Judicial Branch)

40.

Ito ang tumitiyak na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay naipatutupad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.

a)

Sangay na Tagapagbatas (Legislative Branch)

b)

Sangay na Tagapagpaganap (Executive Branch)

c)

Sangay na Tagapaghukom (Judicial Branch)

41.

Nangangasiwa sa mga libreng bakuna o gamot sa bawat barangay.

a)

DSWD

b)

DILG

c)

DOH

42.

Gumagawa ng mga batas para sa kapakanan ng lahat_________.

a)

Tagapagpaganap,

b)

Tagapagbatas

c)

Panghukuman.

43.

Lumulutas ng mga hidwaan na may kinalaman sa mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan. ____________

a)

Tagapagpaganap

b)

Tagapagbatas

c)

Panghukuman

44.

May kapangyarihang pumili ng kanyang gabinete.___________

a)

Tagapagpaganap

b)

Tagapagbatas

c)

Panghukuman

45.

Ano ang hindi dapat gawin upang umunlad ang ating bansa?

a)

Maging masinop

b)

Maging masipag

c)

Maging palaasa

46.

Ito ang uri ng pamahalaan na  ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mamamayan. 

a)

Demokrasya

b)

Monarkiya

c)

Aristokrasya

d)

Totalitaryanismo

47.

Anong sangay ng pamahalaan ng may kapangyarihan na gumawa, magpanukala at magbago ng batas?

a)

Sangay Tagapagbatas

b)

Sangay Tagapagpaganap

c)

Sangay Panghukuman

48.

Ilang sangay mayroon ang ating pamahalaan?

a)

1

b)

2

c)

3

d)

4

49.

Ilang taon maaring manungkulan ang mga Senador na bumubuo sa Mataas na Kapulungan?

a)

2

b)

3

c)

5

d)

6

50.

Uri ng pamahalaan na kung saan nanunungkulan ang punong lungsod o punong bayan.

a)

Pamahalaang lokal

b)

Pamahalaang Pambansa

c)

Pamahalaan

51.

Proseso na kung saan mamimili o boboto ang mga tao ng kanilang nais mamuno sa kanilang pamayanan.

a)

proyekto

b)

pamahalaan

c)

halalan

52.

Programa na kung saan gumagawa ng paraan ang pinuno ng lungsod o munisipalidad upang mabigyan ng trabaho o hanapbuhay ang mga taong naghahanap ng trabaho.

a)

Programa sa kabuhayan

b)

Programa sa edukasyon

c)

Programa sa kaludugan

53.

Ito ang mga bagay na dapat makamit at matamasa ng isang mamamayan.

a)

Kasarinlan

b)

Karapatan

c)

Luho

54.

Sa edad na 18, ang mga Pilipino ay may karapatang maghalal ng mga uupo sa pamahalaan.

a)

Karapatang Bumoto

b)

Karapatang sa Pananalita at Pamamahayag

c)

Karapatang Mag-aral

55.

Ito ang kumukupkop at nangangasiwa sa mga batang walang magulang ngunit nais mag-aral.

a)

Department of Education

b)

Department of Social Welfare or DSWD

c)

Local Government Unit

56.

Ito ang mga bagay na dapat gampanan o tuparin.

a)

Responsibilidad

b)

Karapatan

c)

Tungkulin

57.

Malaya ang bawat isa na ipahayag ang kanyang saloobin at damdamin sapagkat ito ay kanyang karapatan.

a)

Karapatang Maproteksyunan ng Batas

b)

Karapatang sa Pananalita at Pamamahayag

c)

Karapatang Mabuhay at Maging Malaya

58.

Anong uri ng karapatan ang matutong bumasa, sumulat at magbilang

a)

Karapatan sa kalayaan

b)

karapatan sa pagmamay-ari

c)

Karapatan sa buhay

d)

Karapatan sa edukasyon

59.

Sino sa ma ito ang mamamayang hindi makakatulong sa pag-unlad ng bansa?

a)

nars

b)

labandera

c)

janitor

d)

tambay

60.

alin sa mga ito ang kinikilalang pinakamahalagang yaman ng bansa?

a)

ginto

b)

pera

c)

tao

d)

yamang tubig

61.

Ito ang nangangasiwa ng hustisya sa bansa.Nagbibigay din ito ng libreng tulong-legal sa mahihirap at nangangailangan.

a)

Department of Budget and Management (DBM)

b)

Department of Justice (DOJ)

c)

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

62.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa programa ng DOH?

a)

Expanded Program on Immunization

b)

K to 12

c)

Newborn Screening Program

d)

agpapalawak ng Saklaw ng mga Programang Pangkalusugan ng PhilHealth

63.

Ito ang nangangasiwa sa pagpapabuti ng sektor ng pagsasaka at pangingisda sa bansa.

a)

Department of Health

b)

Department of Agriculture

c)

Department of Labor and Employment

d)

Department of National Defense

64.

Ang pangangasiwa sa mga programang imprastraktura tulad ng mga gusali, daan, at tulay ay nasa ilalim ng kagawarang ito

a)

Department of Public Works and Highways

b)

Department of National Defense

c)

Department of Labor and Employment

d)

Department of Health

65.

Ito ang may tungkulin na magsagawa ng pananaliksik na may kinalaman sa pag-unlad ng siyensya at teknolohiya sa bansa.

a)

Department of Energy

b)

Department of Environment and Natural Resources

c)

Department of Science and Technology

d)

Department of Social Welfare and Development

66.

Siya ang pinakamataas na pinuno ng sangay ng ehekutibo.

a)

Pangulo

b)

Senador

c)

Pangalawang Pangulo

d)

Gabinete

67.

Ang Pilipinas bilang isang maritimong bansa ay napapaligiran ng katubigan. Alin ang pangunahing pang kabuhayan?

a)

Pagsasaka

b)

Pangingisda

c)

Pagmimina

d)

Paghahayupan

68.

Ang nagiging epekto ng nasa Pacific Ring of Fire

a)

Lindol, Tsunami, Pagputok ng Bulkan

b)

Baha, Epidemya, Ssakit

c)

Maulan, mainit, malamig

d)

kaguluhan at Karahasan

69.

Ang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan sa bansa, may humigit-kumulang 22 aktibong bulkan sa Pilipinas.

a)

DENR

b)

PHIVOLCS

c)

DOH

d)

TESDA

70.

Ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga paparating na bagyo at ibang kondisyon o kalagayan ng panahon.

a)

DENR

b)

PAGASA

c)

DOST

d)

DOH

71.

May balita sa radyo na ang paparating na bagyo sa inyong lugar ay nasa babala bilang 3, malapit kayo sa tabing-dagat. Bilang paghahanda, ang gagawin ko ay ___________.

a)

Mag-duck, cover and hold.

b)

Mag-alala sa maaaring mangyari.

c)

Lalayo sa tabing-dagat at mga lugar na malapit sa ilog.

d)

Walang Gagawin

72.

Epekto ng nagaganap na paglindol. Ito ay ang higit sa normal na pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan.

a)

Tsunami

b)

Lindol

c)

Bagyo

d)

Baha

73.

Bakit nagsasagawa ng earthquake drill sa ating mga paaralan?

a)

Upang mgakagulo ang mga tao.

b)

Upang magpanic kapag may indol

c)

Upang maging handa kung sakaling may dumating na lindol.

d)

Upang magpraktis.

74.

Ano ang hindi dapat gawin kung may banta ng stormsurge sa inyong lugar?

a)

Gumawa ng plano sa paglikas.

b)

Lumikas sa mataas na lugar.

c)

Lumayo sa lugar na malapit sa ilog.

d)

Manatili sa loob ng bahay.

75.

Bundok sa Ifugao kung saan tinataniman din ng ibat ibang pananim na matatagpuan sa Cordillera Administrative Region (CAR)

a)

hagdang-hagdang Palawan

b)

Palayan-palayang hagdanan

c)

hagdang-hagdang palayan

d)

Palawan-palawang hagdan

76.

Alin ang hindi kabilang sa mga produktong pangagrikultural?

a)

ginto

b)

kape

c)

Palay

d)

Niyog

77.

Ito ay tumutukoy sa paghuhukay at pagtitibag ng mga bato upang makakuha ng mga yamang-mineral.

a)

Pangangaso

b)

Pagmimina

c)

Paghahayupan

d)

Pangingisda

78.

Ang "Taniman ng strawberry sa Baguio" ay nagbibigay pakinabang sa ________________ ng ating bansa.

a)

Turismo

b)

Produkto o kalakal

c)

Enerhiya

d)

Lakas Tao

79.

 

Ang "Lungsod ng Tagaytay" ay nagbibigay pakinabang sa ________________ ng ating bansa.

a)

Turismo

b)

Produkto o kalakal

c)

Enerhiya

d)

Lakas Tao

80.

Ang "Puerto Galera" ay nagbibigay pakinabang sa _______________ ng ating bansa.

a)

Turismo

b)

Produkto o kalakal

c)

Enerhiya

d)

Lakas Tao

81.

Ano ang pakinabang ng Ilocos Norte Windmill sa ating bansa?

a)

Enerhiya

b)

Produkto o kalakal

c)

Turismo

d)

Lakas Tao

82.

Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng ating bansa, maliban sa isa. Alin ito?

a)

Pakinabang sa turismo

b)

Pakinabang sa enerhiya

c)

Pakinabang sa kalakal at produkto

d)

Pakinabang sa mga OFW(Overseas Filipino Worker)

83.

Sa paanong paraan naituturing na pakinabang pang-ekonomiko ang mga lugar tulad ng Baguio, Tagaytay, Isla ng Boracay, Underground River sa Palawan?

a)

Ito ay nagsisilbing atraksiyon sa mga turista mula sa ibang lalawigan at ibang bansa.

b)

Ang mga turista ay nagpapasok sa atin ng malaking dolyar na nakakatulong sa ating ekonomiya.

c)

Ang mga mamamayan sa paligid ng mga nabanggit na lugar ay nagkakaroon ng dagdag kita dahil nakapagtatayo sila ng mga negosyo sa paligid nito gaya ng hotel, restawran at iba pa.

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

84.

Ang likas na yaman na ito ay kapakinabangang pang kalakal at produkto.

a)

Chocolate Hills

b)

Hangin sa Bangui

c)

Perlas

d)

Boracay Island

85.

Dinadayo ng maraming turista dahil sa angking puti ng buhangin at magandang dagat.

a)

Isla ng Boracay

b)

Chocolate Hills

c)

Strawberry Farm, Benguet

d)

Rice Granary ng Gitnang Luzon

86.

Alin sa mga sumusunod mga likas na yaman ang maaring pagkunan ng enerhiyang pang elektrisidad?

a)

Chocolate Hills sa Bohol

b)

Napcan Beach sa El Nido Palawan

c)

Napcan Beach sa El Nido Palawa

d)

Geothermal Power Plant sa Tiwi, Albay

87.

Ang Rehiyon ng Central Luzon at CALABARZON ang sinasabing pinagmumulan ng pinakamaraming bilang ng baboy. Ano ang hanapbuhay sa mga lugar na ito?

a)

Pagsasaka

b)

Paghahayupan

c)

Pagmimina

d)

Paghahabi