Font size
WorksheetsFALLER_ VALED 7_ MULTIPLE INTELLIGENCES
Total questions: 4
Worksheet time: 10mins
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat at pinakamamahal na komedyante at host sa Pilipinas. Mula sa pagiging simpleng performer sa maliit na bar, ginamit niya ang kanyang talino, malikhaing kakayahan, at determinasyon upang makilala sa telebisyon. Sa bawat palabas, pinapakita niya ang galing sa pagpapatawa gamit ang salita, kilos at ekspresyon ng katawan, at pag-unawa sa damdamin ng audience.
Bukod sa pagpapatawa, kilala rin si Vice Ganda sa kanyang pagkamalikhain sa paggawa ng mga script at palabas, at sa maayos na pamamahala ng sarili niyang brand at negosyo. Dahil sa tamang paggamit ng kanyang kakayahan at disiplina, hindi lang siya nakatulong sa kanyang pamilya, nakapagbigay rin siya ng inspirasyon at oportunidad sa iba pang artista at crew. Ang kanyang kwento ay patunay na kapag ginagamit nang wasto ang talento at talino, bukas ang pintuan para sa tagumpay.
1. Paano ginamit ni Vice Ganda ang kanyang malikhaing kakayahan upang makilala sa industriya ng entertainment?
A. sa pag-arte sa mga pelikula
B. sa pagbuo ng sariling negosyo
C. sa paggawa mga palabas at script na nakakatawa at nakaka-engganyo sa audience
D. sa paggamit niya ang kanyang imahinasyon at ideya upang lumikha ng kakaibang estilo at konsepto sa kanyang mga palabas
2. Paano nakatulong ang linguistic intelligence sa tagumpay ni Vice Ganda ?
A. sa pakikipag-ugnayan sa iba pang artista at crew upang mapalago ang kanyang network at oportunida
B. sa pamamagitan ng malikhaing paggamit ng salita sa pagpapatawa at paggawa ng script
C. sa maayos na pamamahala ng sarili niyang brand, negosyo, at palabas sa telebisyon
D. sa pamamagitan ng pag-aaral ng iba’t ibang wika upang makilala sa telebisyon
3. Ano ang aral na makukuha tungkol sa paggamit ni Vice Ganda ng kanyang talento at talino upang makamit ang rurok ng tagumpay sa kanyang karera?
A. Ang talento ay pinakamahalaga kapag ginamit para makasunod sa uso at mapansin agad ng marami.
B. Ang malikhaing paggamit ng talento at talino ay nakakatulong hindi lamang sa sariling tagumpay kundi pati na rin sa pag-inspire ng iba.
C. Ang talento at talino ay sapat na sa tagumpay kahit walang dedikasyon, disiplina, o patuloy na pagsasanay.
D. Ang tagumpay ay makakamit kapag ipinakita mo ang talento, kahit walang disiplina o determinasyon
Batay sa table, aling aspeto ng talento ni Vice Ganda ang pinakapinupuri ng audience at anong intelligence ang tumutugma dito? Paliwanag ang sagot.
Isipin na ikaw ay isang aspiring performer na nais sundan ang yapak ni Vice Ganda. Paano mo magagamit ang iyong sariling talino at talento upang makamit ang tagumpay, gaya ng ipinakita ni Vice Ganda?
