wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FINAL EXAM IN G FIL

Total questions: 100

Worksheet time: 1hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalaga ang komunikasyon sa loob ng isang organisasyon?

a)

Upang makontrol ang mga tao sa pamayanan.

b)

Upang mapanatili ang disiplina sa mga empleyado.

c)

Upang makakuha ng mga bagong miyembro ng organisasyon.

d)

Upang masiguro na maayos ang daloy ng impormasyon at kooperasyon.

2.

Paano nakatutulong ang komunikasyon sa paglutas ng mga isyu o problema?

a)

Nagiging mas komplikado ang mga isyu.

b)

Nakakapagbigay ng takot sa mga kasamahan.

c)

Naipapahayag nang malinaw ang mga opinyon at solusyon.

d)

Nakakaiwas ito sa pag-uusap ng mga miyembro ng grupo.

3.

Paano naiiwasan ang mga di-pagkakaunawaan o miscommunication?

a)

Sa pamamagitan ng maingat at malinaw na pagpapahayag.

b)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa pag-uusap.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa mga kasamahan.

d)

Sa pamamagitan ng pagsasalita nang mabilis.

4.

Ano ang pangunahing layunin ng intrapersonal na komunikasyon?

a)

Upang makipag-ugnayan sa ibang tao.

b)

Upang magbigay ng impormasyon sa madla.

c)

Upang pag-isipan ang sariling damdamin at ideya.

d)

Upang makontrol ang ibang tao.

5.

Nasa isang meeting ka at kailangan mong ipahayag ang iyong opinyon tungkol sa isang mahalagang proyekto. Anong antas ng komunikasyon ang iyong gagamitin?

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pampubliko

d)

Pangmasa

6.

Pinapanood mo ang isang balita sa telebisyon tungkol sa mga kasalukuyang isyu sa bansa. Anong antas ng komunikasyon ang nagaganap?

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pampubliko

d)

Pangmasa

7.

Ikaw ay isang lider ng proyekto at may hindi pagkakaintindihan sa iyong mga miyembro. Paano mo magagamit ang epektibong komunikasyon upang maresolba ito?

a)

Huwag makialam sa usapin

b)

Pakinggan ang bawat panig at ipaliwanag nang malinaw ang layunin ng proyekto

c)

Maghintay na maayos ang problema ng mga miyembro

d)

Iwasan ang mga miyembro na may hindi pagkakaintindihan

8.

May problema ang iyong kaibigan at lumapit siya sa iyo. Paano mo gagamitin ang tamang komunikasyon upang matulungan siya?

a)

MakinIg nang maigi at magbigay ng payo kapag kinakailangan.

b)

Iwasang pakinggan ang kanyang mga sinasabi.

c)

Sabihin sa kanya na ikaw ay masyadong abala at wala kang oras para makinig.

d)

Ibalewala ang kanyang problema.

9.

Kung ikaw ay isang doktor at nagpapaliwanag ng isang komplikadong kondisyon sa isang pasyente, paano mo ito gagawin gamit ang epektibong komunikasyon?

a)

Magsalita nang mabilis upang matapos agad.

b)

Iwasan ang pagsagot sa mga tanong ng pasyente.

c)

Gumamit ng mga teknikal na termino na hindi mauunawaan ng pasyente.

d)

Ipaliwanag sa pasyente gamit ang simpleng wika at tiyaking nauunawaan niya ang bawat detalye.

10.

Ano ang dapat gawin upang matiyak na nauunawaan ng pasyente ang bawat detalye?

a)

Ipaliwanag sa pasyente gamit ang simpleng wika

b)

Gamitin ang teknikal na terminolohiya

c)

Iwasan ang pagbibigay ng detalye

d)

Hayaan ang pasyente na magtanong lamang kung may hindi naiintindihan

11.

Nasa harap ka ng salamin at sinasabi mo sa sarili ang mga plano mo para sa araw na ito. Ano ang antas ng komunikasyon na iyong ginagamit?

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pampubliko

d)

Pangmasa

12.

Kapag ipinagbibili ng pamahalaan ang mga negosyo o serbisyo nito sa mga pribadong kumpanya, ito ay tinatawag na—

a)

A. Deregulasyon

b)

B. Liberalization

c)

C. Privatization

d)

D. Globalisasyon

13.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paglalarawan ng globalisasyon?

a)

Pagtutulungan ng mga bansa upang maisulong ang sariling interes

b)

Pakikipag-ugnayan at pagbabago sa pagitan ng mga tao, kumpanya, at pamahalaan sa buong mundo

c)

Pagtataguyod ng mga eksklusibong negosyo sa loob ng bansa

d)

Pagpapalakas ng lokal na industriya lamang

14.

Ano ang layunin ng privatization?

a)

Upang alisin ang lahat ng negosyo ng gobyerno

b)

Upang mapabuti ang serbisyo at pasilidad sa pamamagitan ng pamamahala ng pribadong sektor

c)

Upang limitahan ang kompetisyon

d)

Upang bawasan ang kita ng gobyerno

15.

Kapag binabawasan ng gobyerno ang mga batas na pumipigil sa kalakalan o negosyo, ito ay tinatawag na—

a)

Liberalization

b)

Privatization

c)

Deregulasyon

d)

Integrasyon

16.

Ang pagkakaroon ng mga fast food chains sa iba’t ibang bansa ay patunay ng—

a)

Kultural na palitan bunga ng globalisasyon

b)

Pagiging makabayan ng mga Pilipino

c)

Paghihigpit ng kalakalan

d)

Pagbagsak ng turismo

17.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit hindi naging wika ng masa ang Espanyol noong panahon ng kolonyang Kastila?

a)

Mahirap aralin ang Espanyol

b)

Hindi ito itinuro sa mga Pilipino

c)

Mas ginamit ng mga prayle ang katutubong wika sa misyon

18.

Ang pag-unlad ng Ingles bilang wikang panturo sa Pilipinas ay nagsimula noong panahon ng:

a)

Kastila

b)

Amerikano

c)

Hapon

d)

Komonwelt

19.

Sa among yugto ng kasaysayan naging opisyal na “Filipino” ang pambansang wika?

a)

Komonwelt

b)

Panahon ng Hapon

c)

1973 Konstitusyon

d)

1987 Konstitusyon

20.

Ang salitang “yosi” ay kabilang sa:

a)

Kolokyal

b)

Lalawiganin

c)

Balbal

d)

Pampanitikan

21.

Sa barayti ng wika, ang wika ng accounting students tulad ng account, debit, credit ay halimbawa ng:

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Jargon

d)

Ekolet

22.

Ang pahayag na “Magandang gabi, bayan! ay isang halimbawa ng:

a)

Idyolek

b)

Dayalek

c)

Sosyolek

d)

Register

23.

Ang Chavacano na umunlad mula sa pidgin ay halimbawa ng:

a)

Sosyolek

b)

Creole

c)

Kolokyal

d)

Lalawiganin

24.

Kapag ang isang guro ay gumagamit ng mas pormal na wika sa pagpupulong at mas impormal na wika sa mga mag-aaral, anong barayti ang kanyang inaangkop?

a)

Sosyolek

b)

Register

c)

Ekolek

d)

Jargon

25.

Kapag ang dalawang tao ay hindi nagkakaintindihan dahil magkakaiba sila ng wikang gamit, ito ay halimbawa ng:

a)

Persepsyunal na sagabal

b)

Pisikal na sagabal

c)

Sagabal sa wika

d)

Teknolohikal na sagabal

26.

Ang maingay na kapaligiran at malakas na electric fan habang nagkaklase ay halimbawa ng:

a)

Pisikal na sagabal

b)

Kultural na sagabal

c)

Sikolohikal na sagabal

d)

Edukasyonal na sagabal

27.

Ang takot magsalita dahil baka pagtawanan ay uri ng:

a)

Fisiolohikal na sagabal

b)

Emosyonal/Sikolohikal na sagabal

c)

Teknolohikal na sagabal

d)

Kultural na sagabal

28.

Kapag ang magkakaiba ng paniniwala o tradisyon ay hindi nagkakaunawaan, ito ay:

a)

Kultural na sagabal

b)

Pisikal na sagabal

c)

Teknolohikal na sagabal

d)

Persepsyunal na sagabal

29.

28. Hindi nabasa ng grupo ang mahabang mensahe dahil mahina ang signal at gabi na ito ipinadala. Anong sagabal ang nangingibabaw?

a)

Emosyonal

b)

Teknolohikal

c)

Pisikal

d)

Persepsyunal

30.

Si Maria ay tahimik dahil hindi pamilyar sa wika at kultura ng klase. Anong hadlang ang malinaw?

a)

Pisikal

b)

Kultural

c)

Fisiolohikal

d)

Teknolohikal

31.

Ang guro at magulang ay parehong agad nagpaabot ng mensahe habang mataas ang emosyon. Anong sagabal ang pinakamatin­gkad?

a)

Sikolohikal/Emosyonal

b)

Kultural

c)

Teknolohikal

d)

Sagabal sa Wika

32.

Kapag hindi malinaw naipresenta ang impormasyon kaya nagdudulot ng kalituhan, ito sagabal sa:

a)

Teknolohikal

b)

Presentasyon ng impormasayon

c)

Persepsyunal

d)

Fisiolohikal

33.

Si Anna ay hindi narinig ng guro dahil maingay ang silid at sabay-sabay nagsasalita ang mga kaklase. Dahil dito, siya ay pinagtawanan ng kanyang mga kaibigan at nagalit din ang kanilang guro sa pag-aakalang hindi siya nakinig. Anong kombinasyon ng hadlang ang naroon?

a)

Kultural at Fisiolohikal

b)

Pisikal at Sikolohikal

c)

Teknolohikal at Pisikal

d)

Edukasyona at Persepsyunal

34.

Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa mga e-mail ng magulang, ang guro ay dapat unang:

a)

Sumagot agad upang depensahan ang sarili

b)

Maging pormal at magbigay ng malinaw na paliwanag

c)

Huwag sagutin ang email

d)

Sabihin na hindi niya kasalanan

35.

Alin sa mga pangkat ang may isang elementong HINDI kabilang kung pagbabatayan ang tamang pag-uuri kung ito ba ay Antas ng Wika o Barayti ng Wika?

a)

Pambansa, Pampanitikan, Panretorika

b)

Lalawiganin, Kolokyal, Balbal, Sosyolek

c)

Sosyolek, Pidgin, EkoIek, Jargon

d)

Idyolek, Creole, Register, Dayalek

36.

Alin sa mga pahayag ang HINDI kabilang sa pangkat batay sa Ebolusyon ng Wikang Pambansa?

a)

Pinalakas ang paggamit ng wikang Filipino noong Panahon ng Hapon

b)

Ginamit ang Ingles bilang wikang panturo noong Panahon ng Amerikano

c)

Walang isang wikang pambansa sa Panahon ng Katutubo

d)

Itinakda ang Espanyol bilang wikang pambansa noong 1987 Konstitusyon

37.

Isang grupo ng estudyante ang nagsulat ng talumpati gamit ang karaniwang tinuturo sa paaralan at itinuturing na opisyal na wika. Ano ang tamang antas ng wika na ginamit nila?

a)

Panretorika

b)

Pangkaraniwan

c)

Pampanitikan

d)

Pambansa

38.

Nagtanong ka sa iyong guro sa paaralan ng: “Maari po bang magpatulong sa inyo sa paggawa ng lesson plan?” sa halip na “Bes, pahelp naman.” Ano ang uri ng barayti ng wika ang ginamit mo sa pangungusap na ito?

a)

Register

b)

Kolokyal

c)

Balbal

d)

Idyolek

39.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kolokyal?

a)

Meron

b)

Tatay

c)

Lispu

d)

Diumano

40.

Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Makabagong Alpabetong Filipino (1987 – kasalukuyan)

a)

Binubuo ito ng 31 letra

b)

Kabilang dito ang CH at RR

c)

Binubuo ito ng 28 letra

d)

Wala itong letrang Ñ

41.

Ilang letra ang nadagdag sa Alpabetong Filipino noong 1976 para maisama ang tunog mula sa Ingles?

a)

8

b)

20

c)

5

d)

11

42.

Alin sa mga sumusunod na modelo ng komunikasyon ang may apat na elemento; pinagmulan, mensahe, tsanel at tagatanggap?

a)

Modelo ni Wilder Schrama

b)

Modelo ni Swanson at Marquard

c)

Modelo ni Berlo

d)

Modelo ni Aristotle

43.

Paano nakakatulong ang interpersonal na komunikasyon sa pagbuo ng mas malalim na relasyon?

a)

Pinapabilis nito ang proseso ng pag-unawa.

b)

Binibigyang-pansin nito ang emosyon at personal na karanasan ng bawat isa.

c)

Hindi nito mahalaga ang personal na damdamin.

d)

Pinapanatili nitong formal ang lahat ng usapan.

44.

Bakit mahalaga ang feedback sa interpersonal na komunikasyon?

a)

Upang matiyak na naiintindihan ang mensahe.

b)

Upang maiwasan ang pakikialam ng iba.

c)

Upang mapadali ang proseso ng pagbibigay ng impormasyon.

d)

Upang magkaroon ng maraming kaibigan.

45.

Ikaw ay isang tagapamahala na nagpapaliwanag ng mga layunin ng proyekto sa isang malaking pangkat. Ano ang tamang antas ng komunikasyon dito?

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pampubliko

d)

Pangmasa

46.

Paano makakatulong ang epektibong komunikasyon sa pagpapalakas ng ugnayan ng mga miyembro ng isang pamilya?

a)

Sa pamamagitan ng palaging pakikipagtalo sa iyong mga kapatid.

b)

Sa pamamagitan ng bukas na pakikipag-usap tungkol sa mga nararamdaman at pangangailangan.

c)

Sa pamamagitan ng pagsarili ng mga problema at pag-iyak ng mag-isa.

d)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa pakikipag-usap upang walang makaalam ng iyong nararamdaman.

47.

Paano magagamit ang komunikasyon sa pagbuo ng tiwala sa pagitan ng isang lider at mga miyembro ng kanyang grupo?

a)

Sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng oras para makinig sa mga miyembro.

b)

Sa pamamagitan ng palaging pagsasalita at hindi pagbibigay ng pagkakataon sa iba.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapatamimik sa mga miyembro kapag nagsasalita.

d)

Sa pamamagitan ng pagiging bukas sa mga ideya at alalahanin ng mga miyembro.

48.

Sa panahon ng krisis, paano makakatulong ang malinaw na komunikasyon sa pamamahala ng isang organisasyon?

a)

Sa pamamagitan ng pagkalat ng takot at kalituhan.

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon at gabay sa mga empleyado.

c)

Sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng impormasyon hanggang matapos ang krisis

d)

Sa pamamagitan ng pagtatago ng mga plano sa mga empleyado.

49.

Ang mga sumusunod ay mga mabisang panuntunan sa komunikasyon, MALIBAN sa?

a)

Kailangang kahandaang humarap sa mga suliranin o sagabal na maaaring lumitaw sa panahon ng komunikasyon.

b)

Kailangang maging malinaw at tiyak ang mensahe.

c)

Kailangang maging bukas sa pagtanggap ng puna o feedback.

d)

Kailangang magbigay ng tamang impormasyon.

50.

Sa isang online meeting, napansin mong mahina ang koneksyon ng internet kaya't hindi mo masyadong naririnig ang sinasabi ng kausap. Alin sa komponent ng komunikasyon ang may problema?

a)

Tsanel

b)

Pinagmulan

c)

Mensahe

d)

Feedback

51.

Sa isang kumpanya, bakit mahalaga ang "mensahe" bilang pangunahing komponent ng komunikasyon?

a)

Dahil ito ang tagatanggap ng impormasyon.

b)

Dahil ito ang nagpapasya sa resulta ng komunikasyon.

c)

Dahil ito ang tsanel na ginagamit sa komunikasyon.

d)

Dahil ito ang pangunahing layunin ng pagpapadala ng impormasyon.

52.

Bakit mahalaga ang feedback sa interpersonal na komunikasyon?

a)

Upang maiwasan ang pakikialam ng iba.

b)

Upang magkaroon ng maraming kaibigan.

c)

Upang matiyak na naiintindihan ang mensahe.

d)

Upang mapadali ang proseso ng pagbibigay ng impormasyon.

53.

Ang komunikasyon ay mahalaga sa pagbuo ng tiwala sa pagitan ng isang lider at mga miyembro ng kanyang grupo dahil:

a)

Nagbibigay-daan ito sa malinaw na pagpapahayag ng saloobin at layunin.

b)

Nagpapalakas ito ng kompetisyon sa grupo.

c)

Nagpapababa ito ng respeto sa lider.

d)

Nagiging sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan.

54.

Ang mga sumusunod ay mga mabisang panuntunan sa komunikasyon, MALIBAN sa?

a)

Kailangan nakahandang humarap sa mga suliranin o sagabal na maaaring lumitaw sa panahon ng komunikasyon.

b)

Ang mabisang komunikasyon ay maliwanag, malabo at wasto.

c)

Kailangan maging tapat, mapamaraan, at masining ang pakikipagkomunikasyon

d)

Mahalagang malaman ang bilang ng tagapakinig o tagatanggap ng mensahe, kung sino at ano ang mga tagatanggap

55.

Ano ang pangunahing layunin ng pampublikong komunikasyon?

a)

Makipagpalitan ng mga ideya sa malalaking grupo.

b)

Magbigay ng impormasyon sa mga indibidwal.

c)

Magbigay ng personal na fidbak.

d)

Makipag-ugnayan sa sarili.

56.

Paano nakakatulong ang interpersonal na komunikasyon sa pagbuo ng mas malalim na relasyon?

a)

Pinapabilis nito ang proseso ng pag-unawa.

b)

Hindi nito mahalaga ang personal na damdamin.

c)

Pinapanatili nitong pormal ang lahat ng usapan.

d)

Binibigyang-pansin nito ang emosyon at personal na karanasan ng bawat isa.

57.

Paano naiiba ang pangmadlang komunikasyon mula sa interpersonal na komunikasyon?

a)

Walang audience ang pangmadlang komunikasyon.

b)

Mas maraming tao at hindi direktang fidbak ang natatanggap sa pangmadlang komunikasyon.

c)

Hindi nangangailangan ng fidbak ang pangmadlang komunikasyon.

d)

Mas malawak ang saklaw ng interpersonal kaysa pangmadla.

58.

Alin sa mga sumusunod na modelo ng komunikasyon ang may apat na elemento; pinagmulan, mensahe, tsanel at tagatanggap?

a)

Modelo ni Berlo

b)

Modelo ni Wilder Schrama

c)

Modelo ni Swanson at Marquard

d)

Modelo ni Aristotle

59.

Paano nagiging mahalaga ang interpersonal na komunikasyon?

a)

Nagbibigay ito ng oportunidad para makipag-usap sa sarili.

b)

Ito ay isang paraan ng pagsasalita sa publiko.

c)

Pinapadali nito ang pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang tao.

d)

Nakatuon ito sa pagpapakalat ng impormasyon sa malaking audience.

60.

Bakit mahalaga ang intrapersonal na komunikasyon sa proseso ng paggawa ng desisyon?

a)

Dahil nagbibigay ito ng panlabas na fidbak.

b)

Dahil tumutulong ito sa pagproseso ng sariling pag-iisip at damdamin.

c)

Dahil tinutugon nito ang mensahe ng ibang tao

d)

Wala sa nabanggit

61.

Kung ang mensahe ay dumaan sa maraming channels bago makarating sa receiver, paano nito naaapektuhan ang kalidad ng komunikasyon?

a)

Pina-ikli nito ang mensahe at nawawalan ng kabuluhan.

b)

Pinapabilis nito ang tugon ng tagatanggap.

c)

Nagiging mas malinaw ang mensahe kapag maraming channels.

d)

Maaaring magdulot ito ng pagkawala o pagbabago sa orihinal na mensahe.

62.

Sa panahon ng krisis, paano makakatulong ang malinaw na komunikasyon sa pamamahala ng isang organisasyon?

a)

Sa pamamagitan ng pagkalat ng takot at kalituhan.

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon at gabay sa mga empleyado.

c)

Sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng impormasyon hanggang matapos ang krisis.

d)

Sa pamamagitan ng pagtatago ng mga plano sa mga empleyado.

63.

Bakit mahalaga ang komunikasyon sa loob ng isang organisasyon?

a)

Upang makontrol ang mga tao sa pamayanan.

b)

Upang mapanatili ang disiplina sa mga empleyado.

c)

Upang makakuha ng mga bagong miyembro ng organisasyon.

d)

Upang masiguro na maayos ang daloy ng impormasyon at kooperasyon.

64.

Pinapanood mo ang isang balita sa telebisyon tungkol sa mga kasalukuyang isyu sa bansa. Anong antas ng komunikasyon ang nagaganap?

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pangmasa

d)

Pampubliko

65.

Paano makakatulong ang komunikasyon sa paglutas ng mga alitan sa isang organisasyon?

a)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa usapan tungkol sa problema.

b)

Sa pamamagitan ng pag-uusap at paglilinaw ng bawat panig para makahanap ng solusyon.

c)

Sa pamamagitan ng pagsigaw upang makuha ang atensyon.

d)

Sa pamamagitan ng pagsisi sa isang tao lamang.

66.

Sa social media, paano nagiging mahalaga ang malinaw na komunikasyon?

a)

Upang maiwasan ang maling interpretasyon ng mensahe.

b)

Upang lumikha ng kontrobersiya.

c)

Upang magkagulo

d)

Upang magkaalitan

67.

Bakit mahalaga ang epektibong komunikasyon sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema?

a)

Upang mapabilis ang paggawa ng desisyon.

b)

Upang maiwasan ang mga ideya ng ibang tao.

c)

Upang mapanatili ang lihim ng problema.

d)

Upang maisantabi ang usapan.

68.

Bakit mahalaga ang paggamit ng Ingles sa pandaigdigang komunikasyon?

a)

Dahil ito lang ang wika ng globalisasyon.

b)

Lahat ng bansa ay gumagamit ng Ingles.

c)

Walang ibang wika na kasing halaga ng Ingles.

d)

Ito ay wikang ginagamit ng iba’t ibang nasyonalidad sa komunikasyon.

69.

Bakit itinuturing na mahalaga ang multilinguism sa global na negosyo?

a)

Para mas lalong maging competitive ang mga empleyado.

b)

Para maiwasan ang paggamit ng interpreter.

c)

Para mas madaling makipag-usap sa mga internasyonal na kliyente na iba ang wika.

d)

Para magmukhang mas edukado sa harap ng mga kliyente.

70.

Paano naiiba ang komunikasyon sa pagitan ng mga bansang may magkatulad na wika at kultura kumpara sa mga bansang may malaking pagkakaiba?

a)

Mas mabilis ang komunikasyon kapag magkatulad ang wika at kultura.

b)

Walang masyadong pagkakaiba sa komunikasyon.

c)

Mas mahirap ang komunikasyon kapag pareho ang wika at kultura.

d)

Walang kinalaman ang wika at kultura sa proseso ng komunikasyon.

71.

Paano nakakatulong ang teknolohiya sa global na komunikasyon?

a)

Pinapabilis nito ang pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga bansa.

b)

Pinapabagal nito ang komunikasyon dahil sa teknikal na isyu.

c)

Nagiging mas mahirap ang komunikasyon dahil sa cultural barriers.

d)

Walang epekto ang teknolohiya sa global na komunikasyon.

72.

Ano ang epekto ng globalisasyon sa mga tradisyunal na anyo ng komunikasyon?

a)

Nagiging hindi na ito mahalaga dahil sa teknolohiya.

b)

Mas pinapalaganap nito ang tradisyunal na komunikasyon sa digital platforms.

c)

Nababawasan ang halaga ng tradisyunal na komunikasyon dahil sa mas mabilis na digital na paraan.

d)

Mas pinabilis ang komunikasyon

73.

Ano ang pangunahing hamon ng globalisasyon sa komunikasyon?

a)

Pagkakaiba-iba ng wika at kultura

b)

Mas mabilis na komunikasyon

c)

Pagpapalaganap ng teknolohiya

d)

Walang hamon ang globalisasyon

74.

Ano ang epekto ng globalisasyon sa pagpapahayag ng mga lokal na isyu?

a)

Walang itong epekto sa mga lokal na isyu.

b)

Nagiging hadlang ito sa pagpapahayag ng mga isyu.

c)

Hindi na napapansin ang lokal na isyu dahil sa global trends.

d)

Nagiging mas kilala ang mga lokal na isyu sa buong mundo.

75.

Paano binabago ng globalisasyon ang interpretasyon ng mga mensahe?

a)

Pare-pareho ang interpretasyon sa lahat ng bansa.

b)

Maaaring magbago ang interpretasyon depende sa cultural context ng tagatanggap.

c)

Hindi naaapektuhan ang interpretasyon ng mga mensahe.

d)

Lahat ng tao ay may parehong interpretasyon.

76.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing bahagi ng akademiko at pantrabahong dinamiks?

a)

Birtwal na Interaksyon Katawan

b)

Kamalayang Kultural sa Pananalita

c)

Kamalayang Kultural sa Lenggwahe ng Katawan

d)

Abeylability ng Impormasyon

77.

Ano ang isa sa mga negatibong epekto ng globalisasyon sa komunikasyon?

a)

Pagdami ng lokal na wika.

b)

Pagpapalakas ng mga personal na relasyon.

c)

Pagkakaroon ng mas maraming tradisyon.

d)

Pagtaas ng mga hindi pagkakaunawaan sa kultura.

78.

Mayroon kang negosyo na nais palawakin sa ibang bansa. Alin sa mga hakbang ang pinakaangkop upang masiguradong magiging matagumpay ang iyong pakikipag-ugnayan sa ibang kultura?

a)

Pag-asa sa sarili mong kultura sa pagnenegosyo.

b)

Hindi na kailangang pag-aralan ang kultura ng ibang bansa.

c)

Paggamit lamang ng wikang Ingles para sa lahat ng transaksyon.

d)

Pagpapatupad ng mga lokal na kaugalian ng negosyo sa bawat bansa.

79.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing hamon ng komunikasyon sa konteksto ng globalisasyon?

4 lines
80.

Ano ang maaaring maging epekto ng hindi pagkakaroon ng epektibong komunikasyon sa isang grupo?

a)

Pagkakaroon ng pagkakaisa sa kultura.

b)

Pagbabawas ng pag-unlad sa ekonomiya.

c)

Pag-aalis ng mga tradisyonal na halaga.

d)

Pagkakaroon ng "language barrier" o hadlang sa wika.

81.

Kapag ang isang grupo ng mga estudyante ay hindi magkasundo sa paggawa ng proyekto, ano ang posibleng pinagmulan ng balakid sa komunikasyon?

a)

Iba-iba ang kanilang mga ideya.

b)

May hindi pagkakaintindihan sa mga tuntunin ng proyekto.

c)

Ang kakulangan ng epektibong koordinasyon.

d)

Wala silang sapat na oras upang makipag-usap.

82.

Kapag nakatanggap ka ng mensahe na magulo ang pagkakaayos ng mga ideya, ano ang dapat mong gawin?

a)

Sagutin ang mensahe agad kahit magulo.

b)

Humingi ng paglilinaw sa pinagmulan ng mensahe.

c)

Basahin nang mabilis at sagutin.

d)

Iwan ang mensahe at balewalain.

83.

Sa isang grupo, naramdaman mong may tensyon sa pagitan ng dalawang miyembro na nakaapekto sa diskusyon. Ano ang pinakamainam na konklusyon?

a)

Ang tensyon ay hindi mahalaga basta't natapos ang usapan.

b)

Ang interpersonal na tensyon ay nagiging emosyonal na balakid sa komunikasyon.

c)

Walang epekto ang tensyon sa resulta ng diskusyon.

d)

Ang tensyon ay nagpapataas ng pagiging produktibo.

84.

Kung ang mga kasapi ng isang grupo ay may mga personal na isyu na nakakaapekto sa kanilang pakikipag-usap, ano ang maaaring maging epekto nito?

a)

Nabawasan ang respeto sa isa't isa.

b)

Nagiging mababa ang kalidad ng diskusyon.

c)

Nagiging limitado ang pagiging bukas ng komunikasyon.

d)

Natatapos ang usapan nang hindi nakatutok sa layunin.

85.

Kapag ang isang kausap ay may pinagdadaanan at emosyonal, paano mo mas epektibong maipararating ang iyong mensahe?

a)

Taasan ang tono ng boses para makapokus siya.

b)

Pagpapaliwanagan siya sa mas mahinahong paraan.

c)

Gumamit ng mas maraming salita upang maunawaan niya.

86.

Habang nagpapaliwanag sa klase, napansin mong may estudyanteng tila lutang ang isip at hindi nakikinig. Ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

Taasan ang boses upang makuha ang atensyon.

b)

Subukan mong itanong sa kanya ang isang bagay na makakapukaw ng interes.

c)

Ipagpatuloy ang lektura kahit walang atensyon ang estudyante.

d)

Tawagin ang kanyang pangalan para matauhan.

87.

Sa isang internasyonal na webinar, iba-iba ang unang wika ng mga kalahok at nahihirapan sila sa pagsunod sa presentasyon. Ano ang pinakamainam na hakbang na maaaring gawin?

a)

Gamitin ang isang neutral na wika na karamihan ay naiintindihan.

b)

Ipagpatuloy ang presentasyon at hintaying maka-adjust ang mga kalahok.

c)

Bagalan ang pagsasalita para mas maintindihan.

d)

Gumamit ng mahahabang paliwanag sa sariling wika.

88.

Kapag nakikipag-usap ka sa isang taong may matinding emosyon, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang sagabal sa komunikasyon?

a)

Ipagpatuloy ang sinasabi mo nang walang pagbabago.

b)

Iwasang mag-react sa emosyon ng kausap.

c)

Makinig muna at subukang intindihin ang kanyang damdamin bago magpaliwanag.

d)

Palitan ang paksa para hindi maapektuhan ang emosyon.

89.

Sa pagsusulat ng tula, bakit mahalaga ang paggamit ng pampanitikan na wika?

a)

Pinapadali nito ang interpretasyon.

b)

Nagbibigay ito ng masining at malalim na pagpapahayag.

c)

Ginagawang mas teknikal ang wika.

d)

Ginagamit ito upang gawing impormal ang tono.

90.

Paano nagiging mahalaga ang lalawiganin na wika sa mga panayam sa isang lokal na komunidad?

a)

Ginagawang mas masining ang talumpati.

b)

Ginagamit lamang ito sa impormal na usapan.

c)

Mas pinapakita nito ang karunungan ng tagapanayam.

d)

Mas nauunawaan ito ng mga tagapakinig mula sa rehiyon.

91.

Habang nakikipag-usap ang isang teenager sa kanyang barkada, ginamit niya ang salitang "lodi." Anong barayti ng wika ang ginamit?

a)

Idyolek

b)

Register

c)

Sosyolek

d)

Dayalek

92.

Sa lungsod ng Zamboanga, ang Chavacano ay itinuturing na isang uri ng wika na nabuo mula sa pinaghahalong Kastila at lokal na wika. Aling barayti ng wika ito?

a)

Dayalek

b)

Sosyolek

c)

Pidgin

d)

Creole

93.

Bakit masasabiang mahalaga ang pag-unawa sa sosyolek sa pakikisalamuha sa iba’t ibang grupo ng tao?

a)

Nagpapakita ito ng natatanging punto ng isang lugar.

b)

Nauunawaan nito ang wika batay sa antas ng Lipunan.

c)

Ginagamit ito upang magkaintindihan ang magkakaibang kultura.

d)

Nagbibigay ito ng natatanging gamit ng wika ng indibidwal.

94.

Anong antas ng wika ang angkop gamitin sa paggawa ng mga pormal na dokumento tulad ng kontrata?

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Balbal

95.

Kapag ang isang grupo ng kabataan ay gumamit ng salitang “charot” upang magpahayag ng biro, anong antas ng wika ang ginagamit?

a)

A) Lalawiganin

b)

B) Kolokyal

c)

C) Balbal

d)

D) Pampanitikan

96.

Kung ang isang tagapagbalita ay nagbigay ng ulat gamit ang salitang “pagpapahayag” imbes na “sabi,” anong antas ng wika ang ipinapakita?

a)

Kolokyal

b)

Balbal

c)

Pampanitikan

d)

Pambansa

97.

Isang guro ang gumamit ng matatalinhagang salita upang magbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral. Anong antas ng wika ang ginamit?

a)

Balbal

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Pambansa

98.

Kapag gumagamit ng kolokyal na wika sa pang-araw-araw na usapan, ano ang nagiging epekto nito sa komunikasyon?

a)

Ginagamit ng mga makata ang wika.

b)

Ginagamit lamang ito sa pagsusulat.

c)

Pinapadali ang komunikasyon sa mga pormal na sitwasyon.

d)

Pinapadali ang pakikipag-usap sa mga impormal na sitwasyon.

99.

Kung ang isang tao ay nagsasalita ng Tagalog na may punto ng Batangas, anong barayti ng wika ang ginagamit?

a)

Dayalek

b)

Sosyolek

c)

Creole

d)

Register

100.

Sa pakikipanayam sa mga residente sa isang malayong lugar, ginamit ng tagapagsalaysay ang salitang “pasintabi” imbes na “excuse me.” Bakit mahalaga ang paggamit ng dayalek sa ganitong sitwasyon?

4 lines