Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MENDOZA_CHAD_ESP 6 - 2ND QUARTER REVIEWER

Total questions: 32

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Bakit mahalagang pakinggan muna ang opinyon ng iba bago magbigay ng sariling komento?

a)

para hindi sumagot agad

b)

para magmukhang mabait sa ibang tao

c)

para matapos agad ang usapan at makaalis na agad

d)

para masuri ang punto ng iba at makabuo ng mas makatarungang tugon

2.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Paano mo masusuri kung naging responsable ka sa isang gawain?

a)

kung madali lang ito sa’yo, kahit hindi mo sineryoso ang proseso

b)

kung nagawa mo ito nang tapat at nasa oras, ayon sa itinakdang pamantayan

c)

kung pinuri ka ng lahat, kahit hindi mo natupad ang tunay na layunin ng gawain

d)

kung ikaw ang pinakamasaya matapos gawin ito, kahit hindi natapos nang maayos

3.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang dapat mong gawin kung nakalimutan mong dalhin ang asignaturang kailangan sa reporting?

a)

aminin ang pagkukulang at humanap ng solusyon

b)

sisiihin ang mga kaklase tungkol dito

c)

umuwi na lang at huwag pumasok

d)

ipagwalang-bahala na lamang

4.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Bakit mahalagang akuin ang sariling pagkakamali?

a)

para hindi ka pagalitán, kahit hindi mo tunay na naunawaan ang iyong pagkakamali

b)

para matuto at maiwasan itong maulit, at maging mas responsable sa susunod

c)

para kaawaan ng iba, kahit hindi ka handang baguhin ang iyong kilos

d)

para makaiwas sa trabaho at ipasa ang responsibilidad sa iba

5.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Alin ang hindi nagpapakita ng respeto sa opinyon ng iba?

a)

pagbibigay ng pagkakataong magsalita upang marinig ang kanilang ideya

b)

pagpapakita ng pagtanggap sa iba’t ibang pananaw kahit hindi ka sang-ayon

c)

pagbibigay ng mahinahong tugon at pagpapakita ng pag-unawa sa kanilang pananaw

d)

hindi pakikinig habang nagsasalita sila at ipinapakita na walang halaga ang kanilang sinasabi

6.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Alin ang nagpapakita ng hindi pagiging responsable?

a)

pag-amin sa pagkakamali upang maitala at matuto mula rito

b)

pagtatago ng maling nagawa at hindi pag-ako ng pananagutan

c)

pagpasa ng trabaho sa oras at pagsunod sa itinakdang deadline

d)

pagtuon sa tungkulin nang buong puso at tapat na pagsasagawa

7.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Paano mo masusuri kung tama ang opinyon ng iba?

a)

kung pabor ito sa’yo at tumutugma sa iyong sariling paniniwala

b)

kung sinang-ayunan ng karamihan kahit walang sapat na batayan

c)

kung may sapat itong ebidensya o dahilan na maipapakita at maipapaliwanag nang malinaw

d)

kung malakas magsalita ang nagsabi at nakakapanghikayat sa pamamagitan ng tono ng boses

8.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Paano mo masusuri kung patas ang ginawang desisyon?

a)

kung walang napahamak at may malinaw na dahilan na makatuwiran para sa lahat ng kasangkot

b)

kung masaya ka matapos magpasya, kahit hindi isinasaalang-alang ang epekto sa iba

c)

kung madaling gawin, kahit hindi ito ang tamang hakbang

d)

kung pabor ito sa kaibigan mo, kahit hindi patas para sa iba

9.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang dapat mong suriin bago gumawa ng desisyon na maaaring makaapekto sa iba?

a)

popularity — kung sino ang sikat o kilala, kahit hindi ito ang makatarungan

b)

posibleng resulta at epekto — kung makakabuti ba o makakasama sa lahat ng kasangkot

c)

gusto ng barkada — kung ano ang nais ng mga kaibigan, kahit hindi ito patas para sa ibang tao

d)

kopya ng iba — basta sundin na lang ang ginawa ng iba nang walang sariling pagsusuri bago ito gawin

10.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang dapat isaalang-alang bago magsalita sa taong may pinagdadaanan?

a)

kung magmumukha ka bang mabait, kahit hindi tunay ang iyong layunin

b)

kung mabilis sabihin, kahit walang laman ang iyong mensahe

c)

kung makasasakit ito o makatutulong sa kanyang kalagayan

d)

kung uso ito, kahit hindi akma sa sitwasyon

11.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang pinakamabuting tugon kapag may kaklaseng umiiyak?

a)

tanungin kung gusto niya ng tulong o makinig, upang ipakita ang malasakit at handang makiramay

b)

sabihin “Huwag kang umiyak,” na tila minamaliit ang kanyang nararamdaman

c)

umiras at iwasan siya, na nagpapakita ng kawalan ng malasakit

d)

sabihing OA siya, na nakasasakit at hindi nakatutulong

12.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Bakit mahalaga ang pagkamahabagin sa paaralan?

a)

upang magkaroon ng mas masaya at magaan na samahan, kung saan lahat ay komportable at nagkakaisa

b)

dahil kailangan lang, nang walang tunay na pag-unawa sa kahalagahan nito

c)

para makakuha ng reward o gantimpala, kahit hindi tunay ang layunin

d)

para purihin ka ng guro, kahit hindi mo ginagawa nang taos-puso

13.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang tamang gawin kung may nagawang mali sa inyong pangkat gawain?

a)

ituro ang may sala at ipahiya siya sa harap ng grupo

b)

iwasan ang usapan at huwag na lang pag-usapan ang nangyari

c)

itago ito upang hindi mapansin, kahit alam mong makakaapekto sa resulta ng gawain

d)

kilalanin ang pagkakamali at itama ito nang sama-sama upang matuto at maiwasan sa susunod

14.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng kaklase kahit hindi ka sang-ayon?

a)

sasabihin ang “Naiintindihan ko ang punto mo, ngunit…” at magbibigay ng sariling pananaw nang may respeto

b)

magagalit at ipipilit ang sariling opinyon nang hindi nakikinig sa iba

c)

hindi papansinin at ipakita na walang halaga ang kanyang sinabi

d)

tatawanan ang sinabi upang ipahiya siya sa harap ng iba

15.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang tamang gawin kung may kaklaseng nahihirapan sa gawain?

a)

tawanan at ipahiya siya sa harap ng klase upang mas lalo siyang mawalan ng kumpiyansa

b)

hayaan na lang siyang mag-isa at hindi pakialaman ang kanyang ginagawa kahit nahihirapan siya

c)

magyabang at ipakita na mas magaling ka kaysa sa kanya, imbes na magbigay ng tulong o kooperasyon

d)

tulungan at gabayan siya sa tamang paraan, ipaliwanag ang mga hakbang, at bigyan ng suporta upang matuto siya

16.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Kapag may dalawang magkaibang opinyon sa pangkat, ano ang pinakamahusay na gawin?

a)

bumoto agad nang hindi pinag-aaralan ang mga ideya

b)

mag-walkout at iwanan ang pangkat upang hindi makilahok sa usapan

c)

piliin ang mas sikat na miyembro at sundin ang kanyang ideya kahit hindi ito angkop

d)

suriin ang punto ng dalawang panig bago magpasya upang makabuo ng makatarungan at balanseng desisyon

17.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Aling kilos ang nagpapakita ng malasakit sa kapwa?

a)

pagbibigay ng suporta kahit hindi ka inutusan, at kusang loob na tumulong sa oras ng pangangailangan

b)

pag-iwas sa kanila upang hindi makadagdag sa kanilang problema, ngunit hindi rin nagbibigay ng tulong

c)

pagbabalewala sa problema nila at hindi pakikialam sa kanilang kalagayan

d)

paninisi sa kanila sa halip na magbigay ng tulong o pag-unawa

18.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang pinakamainam na gawin kung iba ang pananaw ng kaibigan tungkol sa isang proyekto?

a)

surin ang mabuti ang kanyang ideya at magbigay ng alternatibo upang makabuo ng mas maayos na plano

b)

pilitin siyang sundin ang gusto mo at huwag bigyan ng halaga ang kanyang ideya

c)

ipaliwanag kung bakit mali siya nang hindi isinasaalang-alang ang kanyang punto

d)

iwasan na lang siya at huwag makipagtulungan sa proyekto

19.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Ano ang dapat gawin kung nakita mong may bagong kaklase na walang makausap?

a)

hintayin siyang lumapit sa inyo, kahit maaaring mahirapan siyang magsimula ng pakikipag-usap

b)

tuksuhin siya at gawing biro ang kanyang kalagayan, na lalong makakapagpalayo sa kanya

c)

tawagin siya at isama sa inyong grupo upang maramdaman niyang may kaibigan siya

d)

kalimutan siya at huwag pansinin, kahit alam mong nahihirapan siyang makihalubilo

20.

I. Maramihang Pagpipilian: Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang MALAKING TITIK LAMANG sa nakalaang patlang. Anong kilos ang nagpapakita ng respeto sa opinyon kahit ikaw ang lider?

a)

ikaw lang ang magdedesisyon at hindi pakikinggan ang iba

b)

sabihin na “Ako ang mas nakakaalam” at ipilit ang sariling ideya

c)

tawanan ang ideya ng iba at ipakita na walang halaga ang kanilang opinyon

d)

makinig at isaalang-alang ang lahat ng suhestiyon upang makabuo ng patas na desisyon

21.

II. Word Bank: Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Tandaan na maaaring gamitin ang isang titik nang higit pa sa isang beses. Kahon ng Sagot: A. Paggalang sa Opinyon ng Iba B. Pagkamahabagin C. Pagkamapanagutan. Imamin ni Wilter na nakalimutan niyang ipasa ang proyekto at agad niya itong inayos.

a)

Paggalang sa Opinyon ng Iba

b)

Pagkamahabagin

c)

Pagkamapanagutan

22.

II. Word Bank: Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Pinakinggan ni Baldwin ang paliwanag ng kaklase bago magbigay ng sariling opinyon.

a)

Paggalang sa Opinyon ng Iba

b)

Pagkamahabagin

c)

Pagkamapanagutan

23.

II. Word Bank: Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Nagpakita ng malasakit si Claudine nang damayan niya ang kaibigang may pinagdadaanan.

a)

Paggalang sa Opinyon ng Iba

b)

Pagkamahabagin

c)

Pagkamapanagutan

24.

II. Word Bank: Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Tinulungan ni Sheena ang kaklase niyang nahihirapan sa gawain at hindi niya ito pinabayaan.

a)

Paggalang sa Opinyon ng Iba

b)

Pagkamahabagin

c)

Pagkamapanagutan

25.

II. Word Bank: Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Sinunod ni Lede ang mga alituntunin sa silid-aralan at tinapos ang kanyang tungkulin sa oras.

a)

Paggalang sa Opinyon ng Iba

b)

Pagkamahabagin

c)

Pagkamapanagutan

26.

II. Word Bank: Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Iginagalang ni Anamer ang kakaibang pananaw ng kanyang kaklase at hindi niya ito hinusgahan.

a)

Paggalang sa Opinyon ng Iba

b)

Pagkamahabagin

c)

Pagkamapanagutan

27.

II. Word Bank: Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Hindi pinagtawanan ni Elaine ang kakaibang sagot ng kaklase at hinayaan niya itong magpaliwanag.

a)

Paggalang sa Opinyon ng Iba

b)

Pagkamahabagin

c)

Pagkamapanagutan

28.

III. Tama o Mali: Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Suriin kung naipapakita ba nito ang tamang paglalapat ng konsepto. Piliin ang wastong sagot. Kapag nakita mong malungkot ang kaibigan mo at kinausap mo siya upang damayan, ipinapakita mo ang pagkamahabagin.

a)

Tama

b)

Mali

29.

III. Tama o Mali: Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Suriin kung naipapakita ba nito ang tamang paglalapat ng konsepto. Piliin ang wastong sagot. Ang paglalaan ng oras upang tulungan ang kaklaseng nahihirapan sa takdang-aralin ay isang konkretong halimbawa ng pagkamahabagin.

a)

Tama

b)

Mali

30.

III. Tama o Mali: Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Suriin kung naipapakita ba nito ang tamang paglalapat ng konsepto. Piliin ang wastong sagot. Kapag hindi ka nakinig sa opinyon ng kaklase dahil ayaw mong maabala, ito ay nagpapakita ng paggalang sa kanilang pananaw.

a)

Tama

b)

Mali

31.

III. Tama o Mali: Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Suriin kung naipapakita ba nito ang tamang paglalapat ng konsepto. Piliin ang wastong sagot. Kapag nagkamali ka sa gawain at kusa mong inayos ito bago pa maapektuhan ang grupo, ipinapakita mo ang pagiging mapanagutan.

a)

Tama

b)

Mali

32.

III. Tama o Mali: Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Suriin kung naipapakita ba nito ang tamang paglalapat ng konsepto. Piliin ang wastong sagot. Ang pagtawanan ang kakaibang opinyon ng kaklase sa talakayan ay nagpapakita ng paggalang sa kanyang pananaw.

a)

Tama

b)

Mali