wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP QUARTER TEST

Total questions: 54

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang kilos na nagpapakita ng pagmamapuri sa anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at kalidad.

a)

Ipinasa ang proyekto kahit may sira upang matapos agad.

b)

Sinuri at inayos ang proyekto hanggang pumasa sa pamantayan ng kalidad.

c)

Hindi ipinakita ang gawa dahil nahihiya sa maaaring puna.

d)

Kinuha ang gawa ng kaklase at inangkin bilang sarili.

2.

Alin ang halimbawa ng pagiging malikhain sa paggawa ng proyektong makatutulong at magsisilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa?

a)

Paggaya nang eksakto sa lumang disenyo ng poster.

b)

Paglikha ng bagong poster na nag-aanyaya sa komunidad na mag-recycle.

c)

Pagsulat ng proyekto na walang malinaw na paksa.

d)

Pagkopya ng logo ng ibang grupo para sa sariling proyekto.

3.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa daan, pangkalusugan, pangkapaligiran, at laban sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot?

a)

Pagsuot ng helmet habang nagbibisikleta sa kalsada.

b)

Paninigarilyo sa pampublikong lugar.

c)

Pagtatapon ng basura sa ilog.

d)

Paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa party.

4.

Alin ang tamang halimbawa ng pakikilahok sa mga kampanya at programa para sa pagpapatupad ng batas tulad ng pagbabawal sa paninigarilyo at pananakit sa hayop?

a)

Pagdalo sa fun run laban sa paninigarilyo at pagbahagi ng impormasyon sa iba.

b)

Panonood lamang ng balita tungkol sa kampanya.

c)

Paglalagay ng patibong sa mga pusa sa barangay.

d)

Pagwawalang-bahala sa mga poster ng kampanya.

5.

Alin ang kilos na tumutulong sa makakayanang paraan ng pagpapanatili ng kapayapaan?

a)

Pag-aaway sa chat group kapag may hindi pagkakasundo.

b)

Pakikinig at paggalang sa opinyon ng iba sa pangkat upang maiwasan ang sigalot.

c)

Pangungutya sa kaklase na may ibang pananaw.

d)

Pagsabotahe sa proyekto ng kapwa para manalo ang sariling grupo.

6.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. Sino ang kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya na tumanggap ng International Children Peace Prize Award noong 2012?

a)

Kesz Valdez

b)

Sarah Geronimo

c)

Andrea Brillantes

d)

Mitch Lastimoso

7.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. Sino ang itinanghal bilang kauna-unahang Pilipinang nakamit ng Laurence Olivier Award dahil sa kanyang husay sa pag-awit?

a)

Lea Salonga

b)

Sarah Geronimo

c)

Regine Velasquez

d)

Sharon Cuneta

8.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. Sino ang nagkamit ng 8 Division World Champion sa larangan ng boksing?

a)

Johnriel Casimero

b)

Manny Pacquiao

c)

Nonito Donaire

d)

Onyok Velasquez

9.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. Sino ang kauna-unahang babaeng naging pangulo ng Pilipinas?

a)

Gloria Macapagal Arroyo

b)

Corazon Aquino

c)

Imelda Marcos

d)

Melchora Aquino

10.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. Sino ang Pilipinong kinilala sa larangan ng billiards?

a)

Warren Kiamco

b)

Efren “Bata” Reyes

c)

Mark Pingris

d)

Jimmy Alapag

11.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian na ipinapakita sa bawat teksto. Araw-araw ang pag-eensayo ni Hidilyn Diaz sa weight lifting upang makamit ang gintong medalya sa Asian Games noong 2018. Alin ang katangiang ipinapakita?

a)

Masipag

b)

Matulungin

c)

Matiyaga

d)

Masunurin

12.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian na ipinapakita sa bawat teksto. Mula sa kanyang kabataan, tumutulong na si Ronald Callao sa kanyang mga magulang sa pagnenegosyo. Namulat siya sa pagnenegosyo sa karinderya ng kanyang ina. Naitatag niya ang negosyong Food cart na Kanin Boy na ngayon ay may 25 sangay na. Alin ang katangiang ipinapakita?

a)

Masipag

b)

Matulungin

c)

Matiyaga

d)

Masunurin

13.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian na ipinapakita sa bawat teksto. Maagang pumasok sa paaralang pampubliko si Librada. Nagpakita siya ng kasipagan sa pag-aaral. Pinasumikapan niyang pag-aralan ang matematika, heograpiya, wikang Espanyol, maging ang wikang Ingles. Noong 1889, ipinasa niya ang pagsusulit sa pagiging guro ng elementarya. Noong 1907, itinulad nila ng kanyang kaibigan na sina Carmen De Luna at Fernando Salas ang Centro Escolar de Señoritas na kilalang pioneer sa makabagong edukasyon para sa mga kababaihan. Kilala ang paaralang ito ngayon bilang Centro Escolar University. Alin ang katangiang ipinapakita?

a)

Magalang

b)

Matalino

c)

Responsible

d)

Mapagmahal

14.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian na ipinapakita sa bawat teksto. Patuloy ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao sa pagboboksing kahit na siya ay isa nang senador. Maliban sa paglilingkod sa bayan, gusto niya ring magbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng boksing. Alin ang katangiang ipinapakita?

a)

Makabayan

b)

Matapang

c)

Matulungin

d)

Masunurin

15.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian na ipinapakita sa bawat teksto. Mahirap ang buhay na kinalakihan ni Kesz kaya’t kahit bata pa ay namuhay na siya sa pamamalakad ng pangangalakal ng basura. Alin ang katangiang ipinapakita?

a)

Makabayan

b)

Magalang

c)

Masipag

d)

Mapagbigay

16.

Sa mga bundok, dapat tayong ________.

a)

magtapon ng basura kahit saan

b)

magtanim ng mga puno at halaman

c)

manghuli ng mga nanganganib na hayop

d)

magtatag ng maliit na kompanya ng logging

17.

Upang maiwasan ang red tide, dapat ________.

a)

linisin ang mga barko

b)

linisin mabuti ang isda bago iluto

c)

panatilihin ang kalinisan ng katubigan

d)

isulong ang pagtatayo ng mga beach resort

18.

Maraming kompanya ng construction ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa mga bundok. Ang mga masasamang epekto nito ay ______.

a)

pagguho ng lupa

b)

pagyaman ng bansa

c)

pagbaha at lindol

d)

pagkatuyo ng mga bukal

19.

Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda dapat nating pagsikapang mabuti na ____.

a)

bigyan sila ng ibang trabaho

b)

tulungan silang mangisda buong araw

c)

sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita

d)

tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang mga isda

20.

Iminungkahi ng nanay mo na bumili ng corals para sa inyong aquarium. Narinig niya na mayroong tindahan sa palengke na nagbebenta ng corals sa mababang halaga. Ngunit nalaman mo sa klase na hindi dapat kinukuha sa dagat ang corals dahil dito tumitira ang kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo sa nanay mo na ______.

a)

siya na lang ang bumili

b)

hindi dapat kunin sa dagat ang corals

c)

binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng corals

d)

dapat siyang bumili ng marami upang ibenta sa iba sa mas mataas na halaga

21.

Ang katagang “Bawal ang Pagtrotroso” ay nangangahulugang ______.

a)

hindi pwedeng manggatong dito

b)

i-preserba ang malaking kahoy

c)

magtanim ng punongkahoy

d)

magkainig dito

22.

Ano ang naidudulot ng maitim na usok sa ating kapaligiran?

a)

Kaginhawaan

b)

Kalinisan

c)

Mikrobyo

d)

Polusyon

23.

Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay ______.

a)

nakakapagpabango ng hangin

b)

masama sa kapaligiran

c)

mainam sa katawan

d)

magiging fertilizer

24.

Alin dito ang tamang pagtapon ng basura? Itapon ito sa ______.

a)

kahit saan

b)

basurahan

c)

gilid ng kalsada

d)

tapat ng kapitbahay

25.

Mayroong proyekto ang inyong kapitan sa inyong barangay tungkol sa “Clean and Green” at gagawin ito sa araw na Sabado. Magtatanim at maglilinis sila ng buong barangay. Ano kaya ang pwede mong maiambag?

a)

Utusan ang mga batang maliit na magwalis sa kalsada.

b)

Hikayatin ang mga batang tulad ko na sasali.

c)

Sasabihin sa mga bata na pabayaan sila.

d)

Tutulong ng kaunti at aalis.

26.

Ang RA 9147 ay tungkol sa ______.

a)

pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng mailiap na hayop.

b)

tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng basura

c)

konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa mailiap na hayop

d)

paggdedeklaro ng national park

27.

Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa ______.

a)

pagpapanatili ng ecological diversity

b)

pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan

c)

pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa

d)

pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at pagbabawal sa mga gawain nagpapaudumi sa hangin

28.

Batas Pambansa 7638 at ang Pagtatatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong ______.

a)

ipagbawal ang mga gawain nagpapadumi sa hangin

b)

pagpapanatili sa natural at biological physical diversities

c)

mapanatili at masupotahan ang buhay at pag-unlad ng tao

d)

isayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.

29.

RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992) ay tungkol sa ____.

a)

pagtatag ng DOE (Department of Energy)

b)

batas na bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan

c)

paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity

d)

pagsasaayos sa pangangalagang mapanatili ang balanse ng ekolohiya at kalikasan

30.

Ano ang mainam na paggamit ng mga pira-pirasong tela na maaaring pagkakitaan?

a)

Pampunas ng alikabok

b)

Pansala sa paggamit ng graba

c)

Pantakip sa mga muwebles

d)

Paggawa ng damit

31.

Anong etiko sa paggawa ang katangian na hindi manggagaya kahit sa iyong paligid ay usong uso ito? Dapat maging ______.

a)

iba ka

b)

una ka

c)

orihinal

d)

pinakamabuti ka

32.

Alin ang nagpapatunay na “Kung may tiyaga, may nilaga.”?

a)

Nagpapabaya sa kanyang pag-aaral si Tally.

b)

Palaging naglalaro ng online games si Maria.

c)

Kawatesero si Estoy kaya’t hindi nakatapos ng pag-aaral.

d)

Nagsusumikap sa kanyang pag-aaral si Max kung kaya’t nakahanap siya ng disenteng trabaho.

33.

Ano ang ibig sabihin ng etiko sa paggawa?

a)

Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain

b)

Pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto sa paggawa ng gawain

c)

Pagsunod sa tamang pamantayan sa paghahatid ng produkto o serbisyo

d)

Pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid

34.

Maraming kabataan ang nag-iistambay sa mga tindahan kung gabi at namamansin ng mga taong dumaan. Ano ang masasabi mo rito?

a)

Okey ang ganitong gawain kung naglilibang lamang sila

b)

Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na tularan ang ganitong gawain.

c)

Hindi tama ang kanilang ginagawa at nararapat na bigyan sila ng nararapat na aksiyon.

d)

Hikayatin sila na sumali sa mga programang pangkabuhayan na pinanguluhan ng barangay.

35.

Paano ka makatulong nang hindi para sa iyong sarili lamang?

a)

Gawin ito nang mabilisan

b)

Gumawa kahit hindi inuutosan

c)

Mag-utos pa ng iba para may kasama sa paggawa

d)

Hintayin ang pagkakataon para mabuo ang proyekto

36.

Nagpupulong ang mga mag-aaral ni Gng. Montes tungkol sa darating na Christmas Party ng kanilang seksyon. Bilang pangulo ikaw ang nautusang mamuno nito. Paano mo ito gagawin?

a)

Pagpasalitin sila sabay-sabay

b)

Pakinggan lang ang mga kaibigan

c)

Ikaw na lang ang magdesisyon para matapos agad

d)

Kunin ang kanilang mga ideya at pagbotohan sa klase

37.

Siya ay nag-aral ng Fine Arts sa UP. Naging kilala sa larangan ng paggawa ng kasuotan ng mga modelo.

a)

Brillante Mendoza

b)

Danica Magpantay

c)

Lydia De Vega

d)

Michael Cinco

38.

Siya ay isang tanyag na Pilipinong direktor ng Indie film sa Pilipinas.

a)

Brillante Mendoza

b)

Cathy Molina

c)

Michael Cinco

d)

Patricia Evangelista

39.

Kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa Ford’s Supermodel of the World International noong 2011.

a)

Danica Magpantay

b)

Janine Tugonon

c)

Maureen Wroblewitz

d)

Patricia Evangelista

40.

Ang paghahanap ng mga luma subalit magagandang kagamitan para sa anumang bagay na gagawin ay pagpapamalas ng pagiging ______.

a)

malikhain

b)

masinop

c)

masipag

d)

matatag

41.

Ito ay nangangahulugan ng kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba o paunlarin ang mga bagay na naimbento na.

a)

pagkamakabago

b)

pagkamalikhain

c)

pagkamasinop

d)

pagka-orihinal

42.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang malikhaing tao?

a)

Orihinal

b)

Mayaman sa ideya

c)

Pagpaya sa isang sikat na proyekto

d)

Madaling makibagay at iangkop ang sarili

43.

Alin sa mga sumusunod ang pinakmabuting naidudulot ng pagiging malikhain?

a)

Nakapagpapadali ng gawain

b)

Nagagamit ang trabaho ng iba

c)

Nakakagawa ng panibagong imbensyon

d)

Naaiaangat ang kalagayang ekonomikal ng isang tao

44.

Ang matapat at mabuting paggawa ay isang mabisang paraan upang makuha ang tiwala ng mga kasamahan sa gawain. Ano ang pinakamainam na kinalabasan nito?

a)

Kapaitan sa paggawa

b)

Pagiging mapamaraaan

c)

Positibong pananaw

d)

Tiwala ng kapuwa

45.

May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng mga mag-aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi makialam

b)

Ipagbigay‑alam sa gurong tagapayo

c)

Sabihin sa iyong mga kaibigan na iwasang pumunta roon

d)

Sabihin sa iyong mga magulang upang maipabatid nila sa kinauukulan

46.

May nag‑aalok sa iyo ng trabaho sa isang pabrika na paputok na may suweldo mahigit pa sa baon mo. Sinabi niyang maaari kang umalis ng bahay niyo at magkunwaring pumapasok sa paaralan at tumuloy sa pabrika. Ano ang gagawin mo?

a)

Magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao

b)

Sabihin agad sa iyong guro o mga magulang

c)

Magpapasama ka sa iyong kaibigan pumunta sa pabrika

d)

Sabihan ang iyong mga kamag‑aral na nangangailangan ng pera na sabay kayong pupunta sa pabrika

47.

May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing makakaron ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi ko sasabihin kahit kanino

b)

Sumang‑ayon at sumama sa tao

c)

Humingi ng pera bago sumama sa tao

d)

Ipaalam agad sa iyong guro o magulang

48.

Batas Pambansa 7638 ang Pagtatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong ____.

a)

Ipinagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin

b)

Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities

c)

Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag‑unlad ng tao

d)

Isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpaunlad at konserbasyon ng enerhiya

49.

Sa paanong paraan mo maipakita ang pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa kalsada?

a)

Tumatakbo habang tumatawid

b)

Sabay sa mga taong tumatawid

c)

Gumagamit ng “Sky Walk” sa pagtawid sa kalsada

d)

Nakikipagpaintero sa mga sasakyan habang tumatawid

50.

Produktibo ang isang tao kung marunong siyang mag‑isip ng paraan kung paano magiging kapaki‑pakinabang ang bawat makita sa kanyang kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang kanyang katangiang tinataglay?

a)

Galante

b)

Maaasahan

c)

Mabait

d)

Malikhain

51.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng gawaing makatutulong sa pag‑unlad ng bansa?

a)

Nililinis ang harap ng bahay at sinusunog ang mga basura

b)

Gumamit ng net na may maliliit na butas sa panginguhuli ng isda

c)

Gumagamit ng chemical fertilizer sa mga pananim upang dumami ang kita

d)

Ginagamitan ng mga patapong bagay tulad ng bote ng mineral water bilang taniman ng halaman

52.

Si Angela ay dumalo sa kaarawan ng kanyang kaklase. Nakita niya na maraming balat ng Zest‑O mula sa idinaos na okasyon. Ano ang maaari niyang gawin sa balat ng Zest‑O upang maging kapaki‑pakinabang ito?

a)

Gagawin niyang bag

b)

Ibibigay niya sa basurero

c)

Itatapon niya sa basurahan

d)

Hayaan niya lamang na nakakalat

53.

Si Nena ay nagbebenta ng isda. Sa pagbabalot, ginagamit niya ang plastik. Alin sa mga sumusunod ang dapat sabihin sa kanya?

a)

“Isusumbong kita kay kapitan, Nena.”

b)

“Huwag nang gagamit ng plastik, Nena.”

c)

“Wala kang pagmamahal sa kapaligiran, Nena.”

d)

“Nena, mas mainam na hikayatin ang mga mamimili na magdala ng eco bag.”

54.

Ang paglikha ng panibagong kagamitan mula sa patapong bagay ay nagpapakita ng pagiging ________.

a)

maagap

b)

malikhain

c)

masipag

d)

masunurin