wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Malasakit at Emosyon

Total questions: 41

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

May kaklase kang may sakit at hindi nakapasok sa klase. Ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

Ipagkalat ang balita tungkol sa kanyang sakit

b)

Iwasan siya pagbalik sa klase

c)

Kumustahin at tulungan sa mga aralin

d)

Tawanan ang kanyang kalagayan

2.

Nakita mong nahihirapan maglakad ang isang matanda sa palengke. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Balewalain siya

b)

Tumulong kung kaya mo

c)

Picturan siya

d)

Umalis agad

3.

Alin ang tamang paraan ng pagkalinga sa PWD?

a)

Pag-iwas sa kanila

b)

Pagmamaliit sa kanilang kakayahan

c)

Pagbibigay ng pantay na respeto

d)

Pag-uutos sa kanila

4.

Bakit mahalagang ipakita ang malasakit sa kapuwa?

a)

Para purihin ng iba

b)

Dahil ito ay tungkulin at pagpapahalaga sa buhay

c)

Para maiwasan ang trabaho

d)

Dahil inuutos lang ng guro

5.

May kakayahan kang tumulong ngunit kulang ang oras mo. Ano ang dapat gawin?

a)

Pilitin ang sarili kahit mapahamak

b)

Huwag nang tumulong kahit kailan

c)

Tumulong ayon sa kakayahan

d)

Ipagkatiwala sa iba nang walang pakialam

6.

Alin ang halimbawa ng tamang kilos ayon sa sitwasyon?

a)

Pagtawa sa umiiyak

b)

Pagsigaw sa may problema

c)

Pakikinig at pag-unawa

d)

Panunumbat

7.

Ang malasakit sa kapuwa ay maisasabuhay sa pamamagitan ng _____.

a)

Pananahimik palagi

b)

Pagiging makasarili

c)

Maliit na kabutihang ginagawa araw-araw

d)

Paghingi ng kapalit

8.

Kapag may nangangailangan ng tulong, ang unang dapat isaalang-alang ay _____.

a)

Sariling pakinabang

b)

Pangangailangan ng kapuwa at sariling kakayahan

c)

Opinyon ng barkada

d)

Gantimpala

9.

Galit ka dahil napagalitan ka. Ano ang wastong gawin?

a)

Sumigaw

b)

Manakit

c)

Huminga nang malalim at kumalma

d)

Magtanim ng galit

10.

Bakit mahalaga ang pagkilala sa sariling emosyon?

a)

Para masisi ang iba

b)

Para makontrol ang kilos at desisyon

c)

Para umiyak palagi

d)

Para umiwas sa tao

11.

Alin ang dapat gawin upang maiwasan ang galit?

a)

Lumapit sa gulo

b)

Manatili sa sitwasyong nakakainis

c)

Iwasan ang nagdudulot ng negatibong emosyon

d)

Mag-ipon ng sama ng loob

12.

Bago magsalita kapag galit, ano ang dapat gawin?

a)

Sumabat agad

b)

Makinig muna at mag-isip

c)

Magsabi ng masasakit na salita

d)

Manahimik habambuhay

13.

Ang taong may kamalayan sa emosyon ay _____.

a)

Padalos-dalos

b)

Mapusok

c)

Marunong magkontrol ng sarili

d)

Palaging galit

14.

Kapag hindi sang-ayon sa opinyon ng iba, ano ang tamang tugon?

a)

Sigawan sila

b)

Makinig at magpahayag nang maayos

c)

Umalis agad

d)

Manlait

15.

Alin ang tamang pagbati sa nakatatanda?

a)

“Hoy!”

b)

Pag-iwas ng tingin

c)

“Magandang araw po”

d)

Pagsigaw

16.

Bakit mahalagang makinig sa payo ng matatanda?

a)

Dahil palagi silang tama

b)

Dahil may karanasan at karunungan sila

c)

Dahil natatakot tayo

d)

Dahil wala tayong magawa

17.

Alin ang nagpapakita ng paggalang sa nakatatanda?

a)

Pagsagot nang pabalang

b)

Pagsunod at pakikinig

c)

Pagbalewala

d)

Pagtawa sa kanila

18.

Ang dignidad ng matatanda ay dapat _____.

a)

Maliitin

b)

Ipagwalang-bahala

c)

Kilalanin at igalang

d)

Pagdudahan

19.

Nakita mong may bitbit na mabigat ang isang lola. Ano ang dapat gawin?

a)

Tumawa

b)

Tumulong nang magalang

c)

Iwasan

d)

I-video

20.

Ang pagrespeto sa nakatatanda ay ginagawa ____.

a)

Kapag may nakakakita

b)

Kapag may kapalit

c)

Sa lahat ng pagkakataon

d)

Kapag napilitan

21.

Ang pagrespeto sa nakatatanda ay ginagawa _____.

a)

Kapag may nakakakita

b)

Kapag may kapalit

c)

Sa lahat ng pagkakataon

d)

Kapag napilitan

22.

Alin ang tamang asal sa relihiyosong gawain?

a)

Maingay

b)

Magalang at tahimik

c)

Mapangutya

d)

Walang pakialam

23.

Bakit dapat igalang ang paniniwala ng iba?

a)

Dahil pare-pareho tayo

b)

Dahil bahagi ito ng kanilang pagkatao

c)

Dahil uso

d)

Dahil sapilitan

24.

Alin ang HINDI tamang gawain?

a)

Pagkilala sa simbolo ng pananampalataya

b)

Pangungutya sa relihiyon ng iba

c)

Paggalang sa paniniwala

d)

Maayos na asal

25.

Kapag may kaklaseng may ibang pananampalataya, dapat _____.

a)

Layuan

b)

Igalang at tanggapin

c)

Pagtawanan

d)

Pagtulungan laban

26.

Ang mga simbolo ng pananampalataya ay dapat _____.

a)

Paglaruan

b)

Bastusin

c)

Igalang

d)

Itapon

27.

Ang paggalang sa pananampalataya ay nagpapakita ng _____.

a)

Pagmamataas

b)

Pag-unawa at malasakit

c)

Takot

d)

Katiwasayan lamang

28.

Alin ang halimbawa ng malasakit sa komunidad?

a)

Pagsali sa outreach program

b)

Pananatili sa bahay

c)

Paninira

d)

Pagwawalang-bahala

29.

Sa pampublikong lugar, ang tamang asal ay _____.

a)

Maging magulo

b)

Sumunod sa patakaran

c)

Manulak

d)

Manigaw

30.

Ang pangingilatis ng kabutihan ay mahalaga upang _____.

a)

Malito

b)

Makasunod lang

c)

Makagawa ng tamang desisyon

d)

Maiwasan ang responsibilidad

31.

Alin ang paraan ng pangingilatis?

a)

Tsismis

b)

Panalangin at pagsangguni

c)

Padalos-dalos na kilos

d)

Paghihiganti

32.

Ang pagpili ng mabuti ay ginagawa _____.

a)

Paminsan-minsan

b)

Kapag madali

c)

Araw-araw

d)

Kapag may gantimpala

33.

Alin ang tamang gawain sa pangangalaga ng kapaligiran?

a)

Pagtapon ng basura kung saan-saan

b)

Pagsusunog ng basura

c)

Tamang pagtatapon at pagre-recycle

d)

Pagputol ng puno

34.

Ang pag-iwas sa sakuna ay nagsisimula sa _____.

a)

Kakulangan ng kaalaman

b)

Disiplina at paghahanda

c)

Katamaran

d)

Pagwawalang-bahala

35.

Bakit mahalaga ang paggalang sa oras?

a)

Para ma-late

b)

Para maging responsable

c)

Para mapagalitan

d)

Para magmadali palagi

36.

Ang pagiging maagap ay nangangahulugang _____.

a)

Laging nahuhuli

b)

Dumating sa tamang oras

c)

Umalis nang maaga nang walang paalam

d)

Hindi sumipot

37.

Alin ang halimbawa ng pagiging maagap?

a)

Pagdating nang huli sa klase

b)

Paghahanda bago ang takdang oras

c)

Pagpapaliban ng gawain

d)

Pagkalimot

38.

Kapag nasanay sa paggalang sa oras, ang isang tao ay nagiging _____.

a)

Tamad

b)

Responsable

c)

Magulo

d)

Walang pakialam

39.

Ang kabutihan ay masasabuhay sa pamamagitan ng _____.

a)

Mabuting gawa at pananalig

b)

Pananahimik lang

c)

Paghihintay

d)

Pag-iwas sa tao

40.

Kapag may sakuna, ano ang unang dapat gawin?

a)

Mag-panic

b)

Sumunod sa tamang alituntunin sa kaligtasan

c)

Tumakbo nang walang direksyon

d)

Mag-video

41.

Ang GMRC ay nagtuturo sa atin na maging _____.

a)

Makasarili

b)

Walang pakialam

c)

Magalang, responsable, at may malasakit

d)

Palaging tahimik