wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN 6 3RD QUARTER REVIEWER

Total questions: 56

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang unang naging Pangulo ng Pilipinas?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Jose P. Laurel

c)

Manuel Quezon

2.

Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon ni Manuel Quezon?

a)

Bell Trade Act

b)

Malolos Constitution

c)

Pagpapalaganap ng Wikang Pambansa

3.

Sino ang pangulo noong panahon ng mga Hapon?

a)

Elpidio Quirino

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Jose P. Laurel

4.

Alin ang ginawa ni Sergio Osmeña?

a)

Nagpatupad ng Bell Trade Act

b)

Pinamunuan ang paglaban sa HukBaLaHap

c)

Muling isinaayos ang bansa pagkatapos ng WWII

5.

Sino ang pangulo na responsable sa Bell Trade Act at economic rebuilding?

a)

Elpidio Quirino

b)

Manuel Roxas

c)

Sergio Osmeña

6.

Ano ang pangunahing kontribusyon ni Elpidio Quirino?

a)

Pahinain ang pwersa ng mga Amerikano.

b)

Patigilin ang mga Amerikano sa pananakop sa Pilipinas.

c)

Paalisin ang mga dayuhan sa Japan at iba pang bahagi ng Asya.

7.

Paano ipinakita ni Jose Laurel ang kanyang pamumuno noong panahon ng pananakop ng Hapon? Sa pamamagitan ng _____.

a)

pagtuturo sa mga bata

b)

pagtatayo ng mga paaralan sa buong Pilipinas.

c)

paggawa ng mahihirap na desisyon para protektahan ang bansa

8.

Paano nakatulong nag mga programa ni Elpidio Quirinosa bansa?

a)

Naging dahilan para mawala ang bansa

b)

Tuluyan tayo nakipagkaibigan sa mga ibang bansa.

c)

Pinabuti ang pamumuhay at imprastraktura.

9.

Paano ipinakita ni Manuel Roxas ang dedikasyon sa bansa pagkatapos ng digmaan? Sa pamamagitan ng ___.

a)

pagsulat ng kasaysayan

b)

pagtatayo ng mga paaralan

c)

Pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

10.

Bakit kailangan ng pangulo na maging handa sa paggawa ng mahihirap na desisyon sa panahon ng krisis? Para ___.

a)

makakuha ng atensyon

b)

makagawa ng bagong batas

c)

maprotektahan ang bansa at mamamayan

11.

Nanguna sa pamumuno sa mga unang araw ng pamahalaang rebolusyonaryo noong panahon ng Espanyol.

a)

Elpidio Quirino

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Jose P. Laurel

d)

Manuel L. Quezon

12.

Kilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa" at nagpatupad ng mga polisiya para sa edukasyon at kultura.

a)

Manuel L. Quezon

b)

Manuel Roxas

c)

Jose P. Laurel

d)

Sergio Osmeña

13.

PInamunuan ang bansa sa panahon ng Himagsikan laban sa Espanyol at nagtatag ng unang konstitusyon ng Pilipinas.

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Elpidio Quirino

c)

Jose P. Laurel

d)

Manuel Roxas

14.

Pangulong namuno sa muling pagbangon ng ekonomiya at bansa pagkatapos ng WWII, at ipinatupad ang Bell Trade Act.

a)

Manuel L. Quezon

b)

Manuel Roxas

c)

Sergio Osmeña

d)

Elpidio Quirino

15.

Pumalit bilang pangulo habang naglalaban ang bansa sa digmaan at tumulong sa pagpapatatag ng gobyerno ng Commonwealth.

a)

Jose P. Laurel

b)

Manuel L. Quezon

c)

Manuel Roxas

d)

Sergio Osmeña

16.

Pangulong namuno sa bansa sa panahon ng Japanese Occupation, kailangang gumawa ng mahirap na desisyon sa gitna ng digmaan.

a)

Elpidio Quirino

b)

Manuel L. Quezon

c)

Jose P. Laurel

d)

Manuel Roxas

17.

Pinamumunuan ang bansa sa pagtatag at pagpapatibay ng sariling pamahalaan matapos makamit ang kalayaan.

a)

Elipidio Quirino

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Jose P. Laurel

d)

Manuel L. Quezon

18.

Pinangunahan ang pagpapatatag ng bansa sa gitna ng krisis, nagsagawa ng reporma sa ekonomiya, nakipag-alyansa sa mga dayuhan.

a)

Jose P. Laurel

b)

Manuel L. Quezon

c)

Manuel Roxas

d)

Sergio Osmeña

19.

Nagpakita ng malasakit at dedikasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng wika at pagprotekta sa karapatan ng mga mamamayan.

a)

Elpidio Quirino

b)

Manuel L. Quezon

c)

Manuel Roxas

d)

Sergio Osmeña

20.

Nagpatupad ng mga proyekto sa imprastraktura at programa sa lipunan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan matapos ang digmaan.

a)

Elpidio Quirino

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Manuel Roxas

d)

Sergio Osmeña

21.

Kailan nagsimula ang Death March?

a)

April 9, 1942

b)

April 9, 1940

c)

April 9, 1939

22.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Hapones sa kanilang pananakop sa Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Itaguyod ang "Asya para sa mga Asyano"

b)

Magtatag ng pandaigdigang kalakalan sa Europa

c)

Protektahan ang Asya mula impluwensiyang Amerikano.

23.

Sino ng pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas?

a)

Ferdinand Marcos Jr.

b)

Jose P. Laurel

c)

Manuel L. Quezon

24.

Ano ang naging simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko?

a)

Pagbomba sa Pearl Harbor

b)

Pagdeklara sa Maynila bilang Open City

c)

Pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Death March

25.

Paano nakaapekto ang pagkakatatag ng PUPPET GOVERNMENT sa mga Pilipino?

a)

Nagbigay daan sa pang-aabuso ng mga Hapones sa mga Pilipino

b)

Nawalan ng kalayaan at karapatan ang mga Pilipino

c)

A at B

26.

Bakit binomba ng mga Hapones ang PEARL HARBOR? Upang ____.

a)

pahinain ang pwersa ng mga Amerikano.

b)

patigilin ang mga Amerikano sa pananakop sa Pilipinas.

c)

paalisin ang mga dayuhan sa Japan at sa iba pang bahagi ng Asya.

27.

Hulung lalawigan na sumuko sa mga Hapones ang Bataan.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Naging mapang-abuso ang mga Hapones sa mga Pilipino.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Ang Puppet Government ay isang pamahalaan na pumalit sa Pamahalaang Komonwelt.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

Tinawag na Araw ng Kagitingan ang April 9 bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Death March.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

Piliin ang paglalarawan ng konsepto.

Ikalawang Republika

a)

Sundalong Hapones

b)

Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones

c)

Taong miyembro ng HukBaLaHap

d)

Pilipinong espiya na tumutulong sa mga Kempeitai.

e)

Gobyernong Puppet na pinamunuan ni Jose P. Laurel

32.

Piliin ang tamang paglalarawan ng konsepto.

HukBaLaHap

a)

Sundalong Hapones

b)

Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones

c)

Taong miyembro ng HukBaLaHap

d)

Pilipinong espiya na tumutulong sa mg Kempeitai

e)

Gobyernong Puppet na pinamunuan ni Jose P. Laurel

33.

Piliin sa kahon ang tamang paglalarawan ng konsepto.

Kempeitai

a)

Sundalong Hapones

b)

Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones

c)

Taong miyembro ng HukBaLaHap

d)

Pilipinong espiya na tumutulongsa mga Kempeitai

e)

Gobyernong Puppet na pinamumunuan ni Jose P. Laurel

34.

Piliin ang tamang paglalarawan ng konsepto.

Makapili

a)

Sundalong Hapones

b)

Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones

c)

Taong miyembro ng HukBaLaHap

d)

Pilipinong espiya na tumutulong sa mga Kempeitai

e)

Gobyernong Puppet na pinamumunuan ni Jose P. Laurel.

35.

Piliin ang tamang paglalarawan ng konsepto.

Huk

a)

Sundalong Hapones

b)

Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones

c)

Taong miyembro ng HukBaLaHap

d)

Pilipinong espiya na tumutulong sa mga Kempeitai

e)

Gobyernong Puppet na pinamumunuan ni Jose P. Laurel

36.

Isulat ang bilang pagkakasunod na pangyayari.

__Pagbomba sa Pearl Harbor ng mga Hapones

__Pag-atake sa mga base militar ng Amerika sa Pilipinas.

__Pagdeklara sa Maynila ni McArthur bilang Open City.

__Pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Death March.

__BUmagsak sa kamay ng mga Hapones ang Pilipinas matapos sumuko ng mga sundalo sa Corregidor.

(a)  

37.

Ano ang ibig sabihin ng soberanya?

a)

Kapangyarihan ng isang pinuno sa kanyang nasasakupan.

b)

Kakayahan ng isang bansa na makipagdigma sa iba.

c)

Kalayaan ng isang bansa na mamahala sa sarili.

38.

Bakit itinuturing na pinakamahalagang elemento ng estado ang mga mamamayan? Dahil sila ang ____.

a)

magtatanggol at magpapaunlad ng bansa

b)

nagpapasakop sa ibang bansa

c)

nagpapatayo ng mga negosyo

39.

Ano ang apat na elemento ng estado?

a)

Mamamayan, teritoryo, pamahalaan atsoberanya

b)

Likas na yaman, populasyon, gobyerno, teritoryo

c)

Ekonomiya, edukasyon, teknolohiya, sining

40.

Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pagpapanatili sa kalayaan ng ating bansa mula sa banta ng pananakop ng mga dayuhan? Sa pamamagitan ng _____.

a)

pagpapatibay ng depensa

b)

pagpapalawak ng teritoryo

c)

pagbibigay ng libreng edukasyon

41.

Bakit kinakailangan ipagtanggol ng mga mamamayan ang teritoryo ng bansa? Upang ___.

a)

makapangibabaw sa ibang sa ibang estado

b)

magkaroon ng mas maraming likas na yaman

c)

mapanatili ang kapayapaan at kalayaan ng bansa

42.

Paano nakakatulong ang soberanyang panlabas sa pagpapatibay ng isang malayang estado? Sa pamamagitan ng ___.

a)

pagbibigay ng kapangyarihan sa dayuhan na gumawa ng batas.

b)

pagpayag sa ibang bansa na makialam sa panloob na pamamahala

c)

kakayahang makipagkasundo at makipag-ugnayan nang malaya sa ibang bansa

43.

Bakit mahalaga ang soberanyang panloob sa isang bansa? Dahil ito ay____.

a)

nagdidikta kung paano makipag-ugnayan nag bansa sa iba pang estado

b)

binibigyan ang estado ng kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas.

c)

pahintulot sa estado na gumawa ng sariling batas at ipatupad ang mga ito sa loob ng bansa.

44.

Ayon sa Artikulo II, Seksyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?

a)

Iwasan ang paggamit ng puwersa sa anumang pagkakataon.

b)

Siguraduhin ang kaligtasan ng estado at protektahan ang mamamayan.

c)

Palawakin ang teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng pagsakop sa ibang lupain.

45.

Naniningil ang pamahalaan ng buwis sa mga manggagawa upang pondohan ang serbisyong panlipunan.

a)

Eminent Domain

b)

Police Power

c)

Taxing Power

46.

Ipinagbabawal ng pamahalaan ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan.

a)

Eminent Domain

b)

Police Power

c)

Taxing Power

47.

Kinuha ng pamahalaan ang lupa ng isang mamayan upang pagtayuan ng pampublikong paaralan at binyaran ito ng tama.

a)

Eminent Domain

b)

Police Power

c)

Taxing Power

48.

Isang paaralang nagsasanay ng mga lider sa pambansang seguridad.

a)

Government Arsenal

b)

Office of Civil Defense

c)

National Defense College of the Philippines

49.

Gumagawa at nagsu-supply ng armas at bala para sa Sandatahang Lakas.

a)

Government Arsenal

b)

Office of Civil Defense

c)

National Defense College of the Philippines

50.

Nangunguna sa disaster preparedness at koordinasyon ng mga hakbang sa sakuna.

a)

Government Arsenal

b)

National Defense College of the Philippines

c)

Office of Civil Defense

51.

Responsable sa depensa at operasyon sa himpapawid ng bansa.

a)

Philippine Army

b)

Philippine Navy

c)

Philippine Air Force

d)

Philippine National Police

52.

Pangunahing pwersang panlupa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

a)

Philippine Army

b)

Philippine Coast Guard

c)

Philippine Navy

d)

Philippine National Police

53.

Nangangalaga sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa loob ng bansa.

a)

Philippine Army

b)

Philippine Navy

c)

Philippine National Police

d)

Philippine Air Force

54.

Nangangalaga sa kaligtasan ng mga barko at nagpapatupad ng maritime laws.

a)

Philippine Coast Guard

b)

Philippine Marine Corps

c)

Philippine Navy

d)

Philippine Air Force

55.

Espesyal na unit ng hukbong pandagat na may kakayahang lumaban sa lupa at dagat.

a)

Philippine Coast Guard

b)

Philippine Marine Corps

c)

Philippine Navy

d)

Philippine Air Force

56.

Nagbabantay sa karagatan laban sa posibleng pananakop o banta mula sa ibang bansa.

a)

Philippine Army

b)

Philippine Navy

c)

Philippine Air Force

d)

Philippine National Police