wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 PT GMRC

Total questions: 31

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Sinabi ng kaibigan mo, “Ako ay malungkot dahil nakalimutan ko ang aking baon.” Ano ang iyong wastong pagtugon?

a)

Huwag ka nang malungkot ibibigay ko na lang sa iyo ang baon ko

b)

Huwag ka nang malungkot hahatian na lang kita ng baon ko

c)

Huwag ka nang malungkot bibigyan kita ng pera pambili ng baon mo

d)

Huwag ka nang malungkot humingi na na lang ng pagkain sa iba nating kaklase

2.

“Masakit ang ulo ko” sabi ng iyong kaibigan na si Mario. Ano ang iyong wastong pagtugon?

a)

Mario iyuko mo na lang ang iyong ulo sa mesa

b)

Mario hihilutin ko ang ulo mo

c)

Mario pumunta ka sa klinika

d)

Mario tatawagin ko ang ating guro upang sabihin na masakit ang ulo mo

3.

Naglaro ka sa bahay ng iyong kaibigan na si Sally. Hapon na at kailangan mo nang umuwi. Paano mo maipapakita ang paggalang mo bago ka umuwi?

a)

Magpapaalam ka kay Sally na uuwi ka na

b)

Magpapaalam ka kay Sally at sa magulang niya na uuwi ka na

c)

Magpapaalam at magpapasalamat ka sa magulang niya at kay Sally

d)

Magpapaalam at magpapasalamat ka lang kay Sally

4.

Naglalakad ka patungo sa iyong silid-aralan isang umaga. Nasalubong mo ang isang guro. Ano ang gagawin mo?

a)

Sasabayan ko siya sa paglalakad

b)

Ngingitian ko siya

c)

Babatiin ko siya ng Magandang umaga po

d)

Kakawayahan ko ang aking guro

5.

Nagmamadali ka papasok sa silid-aralan. Hindi mo sinasadyang nabunggo mo ang iyong kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Ngingitian ko siya

b)

Sasabihin ko “Magandang umaga.”

c)

Sasabihin ko na paumanhin at hindi ko sinasadya

d)

Sasabayan ko siya sa paglakad

6.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Pupunta kami ni Tatay sa palengke na nasa kabilang bahagi ng kalsada. Nang nasa tawiran na kami ay naging pula ang ilaw ng traffic light. Ano ang epekto nito sa aming kaligtasan?

a)

Kami ay ligtas na makakatawid

b)

Kami ay hihinto saglit

c)

Kami ay makakarating sa palengke nang mabilis

d)

Kami ay makakauwi nang mabilis

7.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Si Gng. Andaya ay nagsimula nang magturo sa inyong klase sa asignaturang GMRC. Paano mo maipapakita ang wastong tagubilin ng iyong magulang sa iyo?

a)

Papalakpakan siya dahil mahusay magturo

b)

Magpapaalam na pupunta sa palikuran

c)

Palaging itataas ang kamay

d)

Makikinig nang mabuti sa itinuturo ni Gng. Andaya para makasagot kung may tanong siya

8.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Nakalimutan ni Ben ang lapis sa bahay kaya nanghiram siya ng maayos sa kaklase na si Dan. Tama ba ang ginawa ni Ben?

a)

Opo, dahil siguradong pahihiramin siya nito

b)

Opo, dahil mabuti ang paghiram nang maayos sa may-ari

c)

Opo, dahil ibibigay naman ito ni Dan

d)

Opo, dahil maraming lapis si Dan

9.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Inimbitahan ka ng iyong kaibigan sa kanyang kaarawan. Nagsimula na ang palaro; tinawag ng clown sa unahan ang katabi mo ngunit ayaw niya at nahihiya siya. Ano ang gagawin mo para mawala ang hiya niya?

a)

Bibigyan siya ng tinapay

b)

Sasabihin sa kanya na bilisan niya at ng matapos agad

c)

Pupuntahan ang nanay niya at sasabihin na nahihiya siya

d)

Sasabihin sa kanya na huwag siyang mahiya dahil laro lamang iyon

10.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Nagtanong ang iyong guro kung sino ang gustong magrecite ng panatang makabayan. Walang may gustong manguna sa inyong klase. Ano ang gagawin mo?

a)

Magpapaalam ka na pupunta sa palikuran

b)

Itataas ang kamay at mangunguna na sa pagrecite dahil kabisado mo naman

c)

Magrecite kahit hindi pa gaano kabisado

d)

Sasabihin sa guro na sabay-sabay na lang kayo magrecite

11.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Malungkot ang kaibigan mo dahil wala siyang baon. Paano mo maipapakita ang pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa?

a)

Ibibigay ko sa kanya ang baon ko

b)

Bibigyan ko siya ng pera pambili ng pagkain

c)

Hahatian ko siya ng aking baon

d)

Sasabihin sa guro na wala siyang baon

12.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Umiyak ang kaibigan mong si Sisa dahil wala na siyang papel. Nakita ito ni Toni kaya binigyan niya ito ng papel. Kung ikaw si Toni gagawin mo rin ba ang ginawa niya?

a)

Opo, dahil madami naman akong papel

b)

Opo, para tumigil na sa pag-iyak

c)

Opo, dahil bibigyan niya rin ako bukas

d)

Opo, dahil dapat maging mapagbigay sa ating mga kaklase kapag wala sila nito

13.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Naglalaro kayo ng iyong mga kaklase nang madapa ang isa sa kanila. Anong pagtugon ang gagawin mo?

a)

Tatawag ako ng matanda upang tulungan siya

b)

Tutulungan ko agad siyang makatayo at titignan kung may sugat

c)

Tutulungan siya makatayo

d)

Tatawagin ang ibang kaklase upang itayo siya

14.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Nakita mo ang isang maliit na bata na umiiyak. Ano ang gagawin mo bilang pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa?

a)

Lalapitan ko siya at mahinahong tatanungin kung bakit siya umiiyak

b)

Sisigawan ko siya upang tumigil sa pag-iyak

c)

Hahayaan ko siyang umiyak nang umiyak

d)

Paaalisin ko ang bata

15.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Pinagdalá ka ng glue ng iyong guro para sa inyong art activity ngunit nakalimutan ng kaklase mo ang kanya. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Ibibigay sa kanya ang glue ko

b)

Ibabahagi ko sa kanya ang glue ko

c)

Sasabihin sa ibang kaklase na bigyan siya ng glue

d)

Sasabihin sa guro na bigyan siya ng glue

16.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Naglalaro ka sa labas kasama ang iyong mga kalaro. Nakita mong malungkot ang isa mong kalaro sa isang sulok. Sinabi niya na nauuhaw na kasi siya ngunit malayo ang bahay nila. Paano mo tutulungan ang iyong kalaro?

a)

Papupuntahin sa kanila upang magpahinga na siya

b)

Pupunta ako sa bahay at ikukuha siya ng tubig

c)

Sasabihin sa ibang kalaro na kumuha sila ng tubig

d)

Sasabihin sa kalaro na pumunta sa bahay ninyo at uminom ng tubig

17.

Panuto: Basahin ang mabuti ang katanungan at piliin ang tamang sagot. Nag-aawitan ang mga kasamahan ninyo sa inyong simbahan bilang papuri sa Panginoon. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Tahimik na makikinig sa awitin

b)

Pupunta sa pari upang magmano

c)

Mahinang susunod sa pag-awit

d)

Susunod sa pag-awit bilang papuri sa Panginoon

18.

Bago kayo magsimba ng iyong pamilya ay tinanong ka ng tatay mo. Ano ang wastong kilos sa loob ng simbahan? Ano ang isasagot mo?

a)

Magdasal nang tahimik, sumabay sa awitin at makinig nang mabuti sa pari

b)

Tahimik na makikinig sa awitin

c)

Mahinang susunod sa pag-awit

d)

Magdasal nang nakapikit ang mata

19.

Nakita mong sinusulatan ng mga bata ang pader ng labas pook dalanginan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasabihin sa pari ang kanilang ginawa

b)

Sasabihin sa magulang ang kanilang ginawa

c)

Pagsasabihan sila na mali ang kanilang ginagawa na hindi dapat sinusulatan o dinudumihan ang pader ng pook dalanginan

d)

Pagsasabihan sila at buburahin ang kanilang sinulat

20.

Tuwing Linggo sumasama sina Tony at Andrei sa kanilang mga magulang sa pagsisimba. Ano ang dapat nilang gawin kapag nasa simbahan sila?

a)

Maglaro nang tahimik

b)

Tahimik na makikinig sa misa tuwing nagsisimba

c)

Pumunta sa palikuran

d)

Kumain sa labas ng simbahan

21.

Nakita mong naglalaro sa loob ng simbahan ang mga bata habang may nagdadasal. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasabihin na tahimik lang sila maglaro

b)

Sasali sa kanilang paglaro ngunit lalabas kami ng simbahan

c)

Pagsasabihan sila na sa maglaro na lamang sa palaruan at hindi sa simbahan

d)

Sasabihin sa kanila na sa labas sila maglaro

22.

May nakita kayong basurang nakakalat sa labas ng pinto ng silid-aralan. Ano ang gagawin ninyong mag-aaral?

a)

Magwawalis kami sa labas ng silid-aralan

b)

Magwawalis kami sa loob ng silid-aralan

c)

Tatawag ako ng ibang kaklase na magwawalis sa labas

d)

Sasabihin sa guro na may kalat sa labas ng silid-aralan

23.

Nagbalik-aral ang inyong guro at tinanong niya kung bakit mahalaga ang kalinisan sa loob ng tahanan at paaralan. Ano ang isasagot mo?

a)

Upang makaiwas tayo sa sakit

b)

Upang makaiwas ang kapitbahay sa sakit

c)

Upang maging maganda ang tahanan at paaralan

d)

Upang makaiwas tayo sa alikabok

24.

Sa palikuran may nakasulat “Buhusan pagkatapos gamitin.” Nakita mong basta na lang iniwan ng kaklase mo ang palikuran na hindi binuhusan pagkatapos gamitin. Ano ang gagawin mo?

a)

Pagsasabihan ang kaklase ko na mali ang kanyang ginawa dapat niya itong buhusan

b)

Ako na lang ang magbubuhos dahil baka nakalimutan niya

c)

Sasabihin sa guro na hindi nagbuhos ang kaklase mo

d)

Isasabay ko na lang sa pagbubuhos ko

25.

Oras na ng recess at nakita mo ang kaklase mong si Ella na nagtapong ang kalat niya sa ilalim ng mesa. Kung ikaw si Ella gagawin mo din ba ang ginawa niya?

a)

Hindi po, dahil kawawa naman ang naglilinis ng silid-aralan

b)

Hindi po, dahil mali po ang magtapon kahit saan; dapat sa tamang basurahan magtapon ng kalat

c)

Hindi po, dahil magagalit ang guro

d)

Hindi po, dahil magagalit ang punungguro

26.

Araw ng Sabado at wala kayong pasok ng kapatid mo. Nakita ninyong naglilinis magulang ninyo ng bahay. Paano ninyo sila tutulungan?

a)

Sasabihin na tutulungan ninyo sila pagkatapos manood ng telebisyon

b)

Sasabihin na tutulungan ninyo sila pagkatapos maglaro sa labas

c)

Tatanungin sila kung anong puwedeng maitulong ninyong kapatid sa paglilinis

d)

Sasabihin sa kapatid na tulungan ang magulang ninyo sa paglilinis

27.

Papauwi ka na kayo ng kapatid mo ng bahay mula sa paaralan nang makita ninyo ang isang lola na mabagal nang lumakad na tatawid ng kalsada. Ano ang inyong gagawin?

a)

Punahin siyang tumawid

b)

Tatawag ng tricycle para kay Lola

c)

Hihingi po ng tulong sa matanda para makatawid si Lola

d)

Aakayin namin ang lola hanggang makatawid

28.

Tinutukso ng iyong mga kaibigan ang isang batang nadapa. Ano ang maaari mong gawin?

a)

Isusumbong sa punungguro

b)

Isusumbong sa guro

c)

Sasawayin ang mga kaibigan

d)

Sasawayin ang mga kaibigan at tutulungan ang batang nadapa

29.

Naglalakad kayo ng kaklase mo papasok nang makasalubong mo ang inyong guro na madaming dala. Anong wastong gawin ninyo ng iyong kaklase?

a)

Batiin ang guro ng “Magandang Umaga po”

b)

Sabihin sa kaklase na tulungan niya ang guro

c)

Agad naming tutulungan ang guro sa kanyang dala

d)

Tatawagin ang ibang mga kaklase at sila ang patutulungen

30.

Lumiban sa klase ang kaklase mo na kapitbahay ninyo dahil may sakit siya. Ang guro ninyo ay nagbigay ng takdang-aralin. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa iyong kaklase?

a)

Kakamustahin kung magaling na siya

b)

Kung magaling na siya ay sasabihin ko sa kanya ang aming takdang-aralin at ituturo kung paano gawin

c)

Papupuntahin ang guro sa bahay ng kapitbahay

d)

Sasabihin sa kaklase na may takdang-aralin kayo

31.

Uwian na kayo ng biglang umulan nang malakas at wala pa kayong sundo ng kaklase mo; nakita mo siyang malungkot dahil wala pa siyang sundo. Ano ang gagawin mo?

a)

Sasabihin sa kaklase na doon muna siya sa guro

b)

Sasabihin na huwag na siyang malungkot; sasamahan mo muna siya habang hinihintay din ang iyong sundo

c)

Sasabihin na sumama na lang siya sa amin pauwi

d)

Sasabihin na doon muna siya sa guard house