wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 3RD

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tinutukoy ng tagpuan sa isang kuwento?

a)

Mga tauhan sa kuwento

b)

Aral ng kuwento

c)

Kailan at saan naganap ang kuwento

d)

Suliranin ng kuwento

2.

Ano ang tamang daglat ng salitang Kapitan?

a)

Kpt.

b)

Kap.

c)

Kpn.

d)

Kptn.

3.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng kuwentong bayan?

a)

Ipinapasa sa pamamagitan ng pasalita

b)

Batay sa totoong pangyayari

c)

Nagpapakita ng kultura ng pamayanan

d)

May aral sa mambabasa

4.

Alin ang pinaka-magalang na paraan ng pagsasabi ng “Huwag kang pahara-hara, daanan ako”?

a)

Umalis ka diyan.

b)

Tumabi ka nga.

c)

Makikiraan po sana ako.

d)

Lumayo ka.

5.

Ano ang pangatnig sa pangungusap: “Masaya si Gina dahil siya ay nanalo sa paligsahan.”

a)

Masaya

b)

Gina

c)

dahil

d)

nanalo

6.

Ano ang pangatnig sa: “Umuuwi nang maaga si Ben ngunit wala pa ang kanyang nanay.”

a)

umuuwi

b)

ngunit

c)

wala

d)

nanay

7.

Kaunti na ang nahuhuling isda. Ano ang tamang solusyon?

a)

Magtapon ng basura sa dagat

b)

Ipagbawal ang dynamite fishing

c)

Putulin ang mga puno

d)

Dagdagan ang pangingisda

8.

Anong pangatnig ang dapat gamitin sa pangungusap: “Gusto niyang pumunta sa parke, ___ umuulan nang malakas.”

a)

at

b)

kaya

c)

ngunit

d)

dahil

9.

Alin sa mga sumusunod ang tamang ayos ng mga letra upang mabuo ang pangalan ng isang bagay? (SAKUP)

a)

KAPUS

b)

SAPUK

c)

SUPAK

d)

KUPAS

10.

Alin sa mga sumusunod ang tamang ayos ng mga letra upang mabuo ang salitang panulat? (SILAP)

a)

SALIP

b)

LAPIS

c)

PILAS

d)

LISAP

11.

Sanhi: Si Ana ay hindi naglinis ng kanyang silid. Ano ang tamang bunga?

a)

Nagkaroon ng baha sa barangay

b)

Mataas ang marka niya

c)

Naging magulo ang kanyang silid

d)

Nakaramdaman siya ng pagod

12.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paraan ng pag-uugnay ng sariling karanasan sa isang kuwentong nabasa?

a)

Gumuhit lamang nang walang paliwanag

b)

Gumuhit ng eksena at maglagay ng paliwanag sa ibaba

c)

Isulat lamang ang pamagat ng kuwento

d)

Kopyahin ang larawan ng kaklase

13.

Alin sa pares ng salita ang MAGKASINGKAHULUGAN?

a)

Malungkot – Masaya

b)

Maganda – Pangit

c)

Malungkot – Panglaw

d)

Masaya – Pangit

14.

Nag-aral si Ana ng masigasig para sa pagsusulit. Ano ang kahulugan ng salitang masigasig batay sa pangungusap?

a)

walang gana

b)

tamad

c)

masipag at pursigido

d)

natutulog

15.

Ang batang iyon ay naglakad nang maingat sa basang daan. Ano ang ibig sabihin ng salitang maingat?

a)

walang pakialam

b)

mabilis

c)

dahan-dahan at may pag-iingat

d)

nagmamadali

16.

Maraming (_____) ang naani ni ama.

a)

begas

b)

bagas

c)

bigaz

d)

bigas

17.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang langhap?

a)

lasa

b)

amoy

c)

tunog

d)

liwanag

18.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakabuntot?

a)

Nawala

b)

nauna

c)

nakasunod

d)

huminto

19.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang baybay ng l_ng_a_?

a)

langap

b)

langhap

c)

longhap

d)

linghap

20.

Ano ang pinakamainam na paghahambing ng dagat noon at ngayon?

a)

Parehong marumi ang dagat

b)

Mas marami ang kemikal ngayon

c)

Noon ay marumi ang dagat, ngayon ay malinis dahil inaalagaan na

d)

Walang pinagkaiba ang dagat noon at ngayon

21.

Ano ang ginawa ng mga taga-nayon upang maging malinis ang kanilang paligid?

a)

Hinayaan nila itong marumi

b)

Nagtulungan silang linisin ito

c)

Pinanood lang nila ang mga dumadaan

d)

Nanghintay ng tulong mula sa iba

22.

Dahil nagtulungan ang mga tao sa nayon, ang kanilang lugar ay naging _______.

a)

Malinis at makulay

b)

Magulo at marumi

c)

Makinang at maayos

d)

Maunlad at maganda

23.

Biglang napatigil sa paglalakad si Maan at napatingin sa madilim na daan habang pauwi mag-isa. Ano ang naramdaman ni Maan?

a)

masaya

b)

galit

c)

takot

d)

nagulát

24.

“Isang linggo na lang ay uuwi na tayo sa probinsya,” sabi ni Hanna. Ano ang kanyang nararamdaman?

a)

masaya

b)

galit

c)

takot

d)

nagulát

25.

Alin ang salitang tumutukoy sa mga bagay na likas o natural tulad ng puno, ilog, at hayop?

a)

komunidad

b)

kalikasan

c)

kabuhayan

d)

kagubatan

26.

Alin ang salitang tumutukoy sa lugar na maraming puno?

a)

bayan

b)

dagat

c)

kagubatan

d)

kapatagan

27.

Basahin ang kuwento: SAVE OUR SEAS — Si Miguel ay nakatira sa isang baybaying baryo, malayo sa lungsod. Araw-araw ay naglalakad siya sa tabing-dagat bago pumasok sa paaralan. Isang umaga, napansin niya ang maraming isdang patay na inanod sa dalampasigan. Nalungkot si Miguel at nag-isip kung ano ang dahilan nito. Napansin niya na ang ilog na dumadaloy patungo sa dagat ay kulay-itim at mabaho. Nalaman niya mula sa mga matatanda sa kanilang lugar na ang lokal na kumpanya ng pagmina ay nagtatapon ng basura at kemikal sa ilog, na siyang humahantong sa dagat. Dahil dito, nagpasya si Miguel na iparating ang kanyang saloobin. Araw-araw, isinulat niya sa buhangin ang mensaheng S.O.S. “SAVE OUR SEAS” upang ipakita ang kanyang panawagan na pangalagaan ang kalikasan. Maraming tao ang nakapansin sa kanyang ginagawa. Kalaunan, napansin ito ng mga opisyal ng barangay at ng kumpanya. Nagsimula silang maglinis ng ilog at dagat at nagpatupad ng mga paraan upang hindi na magtapon ng basura sa tubig. Dahil sa tapang at malasakit ni Miguel, unti-unting gumanda muli ang dagat at bumalik ang mga isda. Natutunan ng mga tao sa baryo na ang pagtutulungan at pangangalaga sa kalikasan ay mahalaga para sa kinabukasan ng lahat. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

a)

Ang may-ari ng kumpanya

b)

Ang alcalde

c)

Miguel

d)

Ang mga mangingisda

28.

Basahin ang kuwento: SAVE OUR SEAS — Si Miguel ay nakatira sa isang baybaying baryo, malayo sa lungsod. Araw-araw ay naglalakad siya sa tabing-dagat bago pumasok sa paaralan. Isang umaga, napansin niya ang maraming isdang patay na inanod sa dalampasigan. Nalungkot si Miguel at nag-isip kung ano ang dahilan nito. Napansin niya na ang ilog na dumadaloy patungo sa dagat ay kulay-itim at mabaho. Nalaman niya mula sa mga matatanda sa kanilang lugar na ang lokal na kumpanya ng pagmina ay nagtatapon ng basura at kemikal sa ilog, na siyang humahantong sa dagat. Dahil dito, nagpasya si Miguel na iparating ang kanyang saloobin. Araw-araw, isinulat niya sa buhangin ang mensaheng S.O.S. “SAVE OUR SEAS” upang ipakita ang kanyang panawagan na pangalagaan ang kalikasan. Maraming tao ang nakapansin sa kanyang ginagawa. Kalaunan, napansin ito ng mga opisyal ng barangay at ng kumpanya. Nagsimula silang maglinis ng ilog at dagat at nagpatupad ng mga paraan upang hindi na magtapon ng basura sa tubig. Dahil sa tapang at malasakit ni Miguel, unti-unting gumanda muli ang dagat at bumalik ang mga isda. Natutunan ng mga tao sa baryo na ang pagtutulungan at pangangalaga sa kalikasan ay mahalaga para sa kinabukasan ng lahat. Saan naganap ang kuwento?

a)

Sa lungsod

b)

Sa bundok

c)

Sa baybayin malapit sa dagat

d)

Sa paaralan

29.

Sinasara ni Timtim ang ilaw kapag hindi ginagamit. Ito ay isang uri ng ________.

a)

Hindi pangangalaga

b)

Pangangalaga sa kapaligiran

c)

Walang epekto

d)

Nakakasama

30.

Sinusunog ni Aling Mileng ang mga basurang plastik at papel. Ito ay isang uri ng ________.

a)

Mabuting gawain

b)

Hindi pangangalaga sa kapaligiran

c)

Tama

d)

Wasto

31.

“Si Aling Nena ay matanda, mabait, at mahilig magluto ng kakanin.” Ang pangungusap ay nagpapakita ng:

a)

Pag-iisa-isa

b)

Pag-uulat

c)

Paglalarawan

d)

Paghahambing

32.

Ano ang tawag sa larawang nagpapakita ng datos gamit ang guhit o simbolo?

a)

Kuwento

b)

Grap

c)

Awit

d)

Liham

33.

Ano ang gamit ng grap sa pagbasa ng impormasyon?

a)

Magkwento ng karanasan

b)

Magpakita ng damdamin

c)

Maglarawan ng datos

d)

Magturo ng sayaw

34.

Alin ang halimbawa ng paglalarawan?

a)

Kabilang dito ang mansanas, mangga, at ubas.

b)

Sa kabuuan, mas gusto ng mga bata ang prutas.

c)

Ang ubas ay kulay ube at matamis kapag hinog.

d)

Tulad ng nakita sa talaan, marami ang bumoto.

35.

Alin ang tamang pangungusap na may hudyat ng paglalarawan?

a)

Ang bulaklak ay mabango at makulay.

b)

Una, nagtanim siya.

c)

Pagkatapos, umulan.

d)

Sa wakas, natapos ang gawain.

36.

Ano ang tawag sa larawang nagpapakita ng lugar at mga kalsada?

a)

Guhit

b)

Mapa

c)

Aklat

d)

Kwento

37.

Alin ang halimbawa ng hudyat ng simula?

a)

Pagkatapos

b)

Sa huli

c)

Una

d)

Sumunod

38.

Anong hudyat ang ginagamit kapag kasunod na pangyayari?

a)

Sa wakas

b)

Una

c)

Ikalawa

d)

Simula

39.

Paano nakatutulong ang mapa sa paglalakbay?

a)

Para magkulay

b)

Para magbasa

c)

Para malaman ang tamang daan

d)

Para maglaro

40.

Alin ang tamang pagkakasunod-sunod? ___ lumakad papunta sa parke ___ dumaan sa tapat ng barangay hall ___ dumating sa paaralan

a)

Sa huli – Una – Ikalawa

b)

Una – Ikalawa – Sa huli

c)

Ikalawa – Sa huli – Una

d)

Una – Sa huli – Ikalawa

41.

Alin ang pinaka-magalang na paraan ng pagsasabi ng “Huwag kang pahara-hara, daanan ako”?

a)

Umalis ka diyan.

b)

Tumabi ka nga.

c)

Makikiraan po sana ako.

d)

Lumayo ka.

42.

Ano ang tamang pangungusap na naglalarawan ng isang tao?

a)

Siya ay masipag at matalino.

b)

Siya ay umalis kaninang umaga.

c)

Siya ay nag-aral ng mabuti.

d)

Siya ay nagluto ng hapunan.

43.

Alin sa mga sumusunod ang tamang hakbang upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran?

a)

Huwag magtulong-tulong sa paglilinis

b)

Magtayo ng mga pabrika sa tabi ng ilog

c)

Mag-iwan ng kalat sa daan

d)

Magtapon ng basura sa tamang lalagyan

44.

Alin ang kasingkahulugan ng salitang masaya?

a)

Malungkot

b)

Masigla

c)

Pagod

d)

Walang gana

45.

Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paglilinis ng kapaligiran? ___ magtulong-tulong sa paglilinis ___ magtapon ng basura sa tamang lalagyan ___ magplano ng mga gawain

a)

Una – Sa huli – Ikalawa

b)

Una – Ikalawa – Sa huli

c)

Ikalawa – Una – Sa huli

d)

Sa huli – Ikalawa – Una

46.

Ano ang dapat gawin kung may mga basurang nakakalat sa paligid?

a)

Maglinis at magtapon ng basura sa tamang lalagyan

b)

Huwag pansinin

c)

Magreklamo sa barangay

d)

Mag-imbita ng mga kaibigan

47.

Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan sa komunidad?

a)

Upang makapagdaos ng mga selebrasyon

b)

Upang magkaroon ng mas maraming kaibigan

c)

Upang mas mabilis na malutas ang mga problema

d)

Upang makilala ang bawat isa

48.

Ano ang ibig sabihin ng salitang nakabuntot sa konteksto ng pagsunod?

a)

Huminto

b)

Nawala

c)

Nauna

d)

Sumunod

49.

Alin sa mga sumusunod ang tamang hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

a)

Simula

b)

Pagkatapos

c)

Una

d)

Sa huli

50.

Ano ang tawag sa proseso ng paglikha ng mga ideya o solusyon?

a)

Pagsusulat

b)

Pag-iisip

c)

Pagsasagawa

d)

Pagsusuri