NEW
Font size
WorksheetsESP 6 Reviewer 3rd Quarter
Total questions: 51
Worksheet time: 25mins
Sino ang kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya na tumanggap ng International Children Peace Prize Award noong 2012?
Kesz Valdez
Sarah Geronimo
Andrea Brillantes
Mitch Lastimoso
Sino ang itinanghal bilang kauna-unahang Pilipinang nagkamit ng Laurence Olivier Award dahil sa kahusayan sa pag-awit?
Lea Salonga
Sarah Geronimo
Regine Velasquez
Sharon Cuneta
Sino ang nagkamit ng 8 Division World Champion sa larangan ng boksing?
Johnriel Casimero
Manny Pacquiao
Nonito Donaire
Onyok Velasquez
Sino ang kauna-unahang babaeng naging pangulo ng Pilipinas?
Gloria Macapagal Arroyo
Corazon Aquino
Imelda Marcos
Melchora Aquino
Sino ang Pilipinong kilala sa larangan ng billiards?
Warren Kiamco
Efren Bata Reyes
Mark Pingris
Jimmy Alapag
Araw-araw ang pag-eensayo ni Hidilyn Diaz sa weight lifting upang makamit ang gintong medalya sa Asian Games noong 2018. Tukuyin ang mabuting katangiang ipinapakita.
Masipag
Matulungin
Matiyaga
Masunurin
Mula sa kanyang kabataan, tumutulong na si Ronald Callao sa kanyang mga magulang sa pagnenegosyo. Namulat siya sa pagnenegosyo sa karinderya ng kanyang ina. Naitatag niya ang negosyong Food cart na Kanin Boy na ngayon ay may 25 sangay na. Tukuyin ang mabuting katangiang ipinapakita.
Masipag
Matulungin
Matiyaga
Masunurin
Maagang pumasok sa paaralang pambubliko si Librada. Nagpakita siya ng kasipagan sa pag-aaral. Pinagsumikapan niyang pag-aralan ang matematika, heyograpiya, wikang Espanyol, wikang Ingles. Noong 1889, ipinasya niya ang pagsusulit sa pagiging guro ng elementarya. Noong 1907, itinatag nila ng kanyang kaibigan na sina Carmen De Luna at Fernando Salas ang Centro Escolar de Señoritas na kilalang pioneer sa makabagong edukasyon para sa mga kababaihan. Tukuyin ang mabuting katangiang ipinapakita.
Magalang
Matalino
Responsible
Mapagmahal
Patuloy ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao sa pagboboksing kahit na siya ay isa nang senador. Maliban sa paglilingkod sa bayan gusto niya ring magbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng boksing. Anong katangian ang ipinapakita?
Makabayan
Matapang
Matulungin
Masunurin
Mahirap ang buhay na kinalakihan ni Kesz kaya’t kahit bata pa ay namuhay na siya sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura. Anong katangian ang ipinakita?
Makabayan
Magalang
Masipag
Mapagbigay
Sa mga bundok, dapat tayong _______.
Magtapon ng basura kahit saan
Magtanim ng mga puno at halaman
Manghuli ng mga nanganganib na hayop
Magtatag ng maliit na kumpanya ng logging
Upang maiwasan ang red tide, dapat _______.
Linisin ang mga barko
Linising mabuti ang isda bago iluto
Panatilihin ang kalinisan ng katubigan
Isulong ang pagtatayo ng mga beach resort
Maraming kompanya ng construction ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa mga bundok. Ang mga masasamang epekto nito ay _______.
Pagguho ng lupa
Pagyaman ng bansa
Pagbaha at lindol
Pagkatuyo ng mga bukal
Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda, dapat nating pagsikapang mabuti na _______.
Bigyan sila ng ibang trabaho
Tulungan silang mangisda buong araw
Sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
Tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang mga isda
Imungkahing ni nanay mo na bumili ng corals para sa inyong aquarium. Narinig niya na mayroong tindahan sa palengke na nagbebenta ng corals sa mababang halaga. Ngunit nalaman mo sa klase na hindi dapat kinukuha sa dagat ang corals dahil dito tumitira ang kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo sa nanay mo na _______.
Siya na lang ang bumili
Hindi dapat kunin sa dagat ang corals
Binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng corals
Dapat siyang bumili ng marami upang ibenta sa iba sa mas mataas na halaga
Ang katagang “Bawal ang Pagtotrozo” ay nangangahulugang _______.
Hindi pwedeng manggagantong dito
I-preserba ang malaking kahoy
Magtanim ng punongkahoy
Magkaingin dito
Ano ang naidudulot ng maitim na usok sa ating kapaligiran?
Kaginhawaan
Kalinisan
Mikrobyo
Polusyon
Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay _______.
Nakapapagbango ng hangin
Masama sa kapaligiran
Mainam sa katawan
Magiging fertilizer
Alin ang tamang pagtapon ng basura? Itapon ito sa _______.
Kahit saan
Gilid ng kalsada
Basurahan
Tapat ng kapitbahay
Mayroong proyekto ang inyong kapitan sa inyong barangay tungkol sa “Clean and Green” at gagawin ito sa araw na Sabado. Magtatanim at maglilinis sila ng buong barangay. Ano kaya ang pwede mong maiambag?
Uutusan ang mga batang maliit na magwalis sa kalsada
Hikayatin ang mga batang tulad ko na sasali
Sasabihin sa mga bata na pabayaan sila
Tutulong ng kaunti at aalis
Ang RA 9147 ay tungkol sa _______.
Pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng mailap na hayop
Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng basura
Konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa mailap na hayop
Pagdedeklara ng national park
Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa _______.
Pagpapanatili ng ecological diversity
Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa
Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin
Batas Pambansa 7638 at ang Pagtatatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong _______.
Ipagbawal ang mga gawang nagpapadumi sa hangin
Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
Isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992) ay tungkol sa _______.
Pagtatag ng DOE (Department of Energy)
Batas na bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
Paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity
Pagkilala sa pangangailangang mapanatili ang balanse ng ekolohiya at kalikasan
RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay naglalayon para sa _______.
Pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
Pagpapanatili ng mga pangmatagalang pamamaraan upang epektibong mawasak ang mga sanhi ng maduming hangin
Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste
Pagpapanatili ng malinis na hangin
Ano ang mainam na paggamit ng mga pira-pirasong tela na maaaring pagkakitaan?
Pampusnas ng alikabok
Pansala sa paggamit ng graba
Paggawa ng damit
Pantakip sa mga muwebles
Anong etiko sa paggawa ang katangian na hindi manggagaya kahit sa iyong paligid ay usong uso ito? Dapat maging _______.
Iba ka
Una ka
Orihinal
Pinakamabuti ka
Alin ang nagpapatunay na “Kung may tiyaga, may nilaga.”?
Nagpapabaya sa kanyang pag-aaral si Tally
Palaging naglalaro ng online games si Maria
Lakwastero si Estoy kaya’t hindi nakatapos ng pag-aaral
Nagsusumikap sa kanyang pag-aaral si Max kung kaya’t nakahanap siya ng disenteng trabaho
Ano ang ibig sabihin ng etiko sa paggawa?
Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain
Pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto sa paggawa ng gawain
Pagsunod sa tamang pamantayan sa paghahatid ng produkto o serbisyo
Pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid
Maraming kabataan ang nag-iistambay sa mga tindahan kung gabi at namamansin ng mga taong dumaan. Ano ang masasabi mo rito?
Okey ang ganitong gawain kung naglilibang lamang sila
Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na tularan ang ganitong gawain
Hindi tama ang kanilang ginagawa at nararapat na bigyan sila ng nararapat na aksiyon
Hikayatin sila na sumali sa mga programang pangkabuhayan na pinanguluhan ng barangay
Paano ka makatutulong nang hindi para sa iyong sarili lamang?
Gawin ito ng mabilisan
Gumawa kahit hindi inuutosan
Mag-utos pa ng iba para may kasama sa paggawa
Hintayin ang kapangkat para mabuo ang proyekto
Nagpupulong ang mga mag-aaral ni Gng. Montes tungkol sa darating na Christmas Party ng kanilang seksyon. Bilang pangulo ikaw ang nautusang mamuno nito. Paano mo ito gagawin?
Pagsalitain sila sabay-sabay
Pakinggan lang ang mga kaibigan
Ikaw na lang ang magdesisyon para matapos agad
Kunin ang kanilang mga ideya at pagbotuhan sa klase
Siya ay nag-aral ng Fine Arts sa UP. Naging kilala sa larangan ng paggawa ng kasuotan ng mga modelo. Sino ito?
Brillante Mendoza
Danica Magpantay
Lydia De Vega
Michael Cinco
Siya ay isang tanyag na Pilipinong direktor ng Indie film sa Pilipinas. Sino ito?
Brillante Mendoza
Cathy Molina
Michael Cinco
Patricia Evangelista
Kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa Ford’s Supermodel of the World International noong 2011. Sino ito?
Danica Magpantay
Janine Tugonon
Maureen Wroblewitz
Patricia Evangelista
Ang paghahanap ng mga luma subalit magagandang kagamitan para sa anuman bagay na gagawin ay pagpapamalas ng pagiging _______.
Malikhain
Masinop
Masipag
Matatag
Ito ay nangangahulugan ng kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba o paunlarin ang mga bagay na naimbento na. Ano ito?
Pagkamakabago
Pagkamalikhain
Pagkamasinop
Pagka-orihinal
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang malikhaing tao?
Orihinal
Mayaman sa ideya
Pagkamasinop
Pagka-orihinal
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting naidudulot ng pagiging malikhain?
Nakapagpapadali ng gawain
Nagagamit ang trabaho ng iba
Nakakagawa ng panibagong imbensyon
Naiaangat ang kalagayang ekonomikal ng isang tao
Ang matapat at mabuting paggawa ay isang mabisang paraan upang makuha ang tiwala ng mga kasamahan sa gawain. Ano ang halagang itinatampok?
Katapatan sa paggawa
Positibong pananaw
Pagiging mapamaraaan
Tiwala ng kapuwa
May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng mga mag-aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?
Hindi makialam
Ipagbigay-alam sa gurong tagapayo
Sabihin sa iyong mga kaibigan na iwasang pumunta roon
Sabihin sa iyong mga magulang upang maipabatid nila sa kinauukulan
May nag-aalok sa iyo ng trabaho sa isang pabrika ng paputok na may suweldo higit pa sa baon mo. Sinabi niyang maaari kang umalis ng bahay niyo at magkunwaring pumapasok sa paaralan at tumuloy sa pabrika. Ano ang gagawin mo?
Magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
Sabihin agad sa iyong guro o mga magulang
Magpapasama ka sa iyong kaibigang pumunta sa pabrika
Sabihan ang iyong mga kamag-aral na nangangailangan ng pera na sabay kayong pumunta sa pabrika
May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko sasabihin kahit kanino
Sumang-ayon at sumama sa tao
Humingi ng pera bago sumama sa tao
Ipaalam agad sa iyong guro o magulang
Batas Pambansa 7638 at ang Pagtatatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong _______.
Ipagbawal ang mga gawang nagpapadumi sa hangin
Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
Isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
Sa paanong paraan mo maipakita ang pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa kalsada?
Si Oscar ay tumatakbo habang tumatawid
Si Roy sumasabay sa mga taong tumatawid
Si Anghel gumagamit ng “Sky Walk” sa pagtawid sa kalsada
Si Pedro nakikipagtintero sa mga sasakyan habang tumatawid
Produktibo ang isang tao kung marunong siyang mag-isip ng paraan kung papaano magiging _______. Pumili ng pinakamainam na sagot.
Kapaki-pakinabang sa gawain
Mabisa sa paggamit ng oras
Mahusay sa pagbuo ng plano
Masinop sa gamit
Alin sa mga sumusunod ang kanyang katangiang tinataglay kung kapaki-pakinabang ang bawat makita sa kanyang kapaligiran?
galante
maaasahan
mabait
malikhain
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa?
Si Onyok na nililinis ang harap ng bahay at sinusunog ang mga basura.
Si Awra na gumagamit ng net na may maliliit na butas sa panghuhuli ng isda.
Si Ryza na gumagamit ng chemical fertilizer sa mga pananim upang dumami ang kita.
Si Cardo na ginagamit ang mga patapong bagay tulad ng bote ng mineral water bilang taniman ng halaman.
Si Angela ay dumalo sa kaarawan ng kanyang kaklase. Nakita niya na maraming balat ng Zest-O mula sa idinaos na okasyon. Ano ang maaari niyang gawin sa balat ng Zest-O upang maging kapaki-pakinabang ito?
Gagawin niyang bag.
Ibibigay niya sa basurero.
Itatapon niya sa basurahan.
Hahayaan niya lamang na nakakalat.
Si Nena ay nagbebenta ng isda. Sa pagbabalot, ginagamit niya ang plastik. Alin sa mga sumusunod ang dapat sabihin sa kanya?
“Isusumbong kita kay kapitan, Nena.”
“Huwag kang gagamit ng plastik, Nena.”
“Wala kang pagmamahal sa kapaligiran, Nena.”
“Nena, mas mainam na hikayatin ang mga mamimili na magdala ng eco bag.”
Ang paglikha ng panibagong kagamitan mula sa patapong bagay ay nagpapakita ng pagiging ______.
maagap
malikhain
masipag
masunurin
