Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangsuring Basa sa Filipino 10

Total questions: 60

Worksheet time: 1hrs 28mins

Name
Class
Date
1.

Nais ni Haring Ahmad na mawala sa pamumuno si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan sa kilos at gawi ni Haring Ahmad?

a)

Duwag

b)

Mapaghiganti

c)

Mapanlinlang

d)

Sakim

2.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong kilos at gawi ni Liongo?

a)

Panlilinlang sa sariling pamilya

b)

Pagtiwala sa kanyang kapwa

c)

Pagtatago sa kanyang kahinaan

d)

Matapang na pagharap sa mga kaaway

3.

Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya. Anong kahinaan ni Liongo bilang tauhan ang ipinapakita sa pahayag na ito?

a)

Ang pagtatanggol sa dangal

b)

Ang labis na pagtitiwala sa kapwa

c)

Ang kanyang katapangan sa labanan

d)

Ang kanyang katalinuhan sa pakikidigma

4.

Ano ang pangunahing suliranin sa mitolohiyang Liongo?

a)

Ang alitan ng dalawang kaharian

b)

Ang kahirapan ng mga mamamayan

c)

Ang inggit at takot ng mga pinuno kay Liongo

d)

Ang paghahanap ni Liongo ng tunay na pagkakakilanlan

5.

Anong desisyon ni Liongo ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay?

a)

Ang paglayo sa kaharian

b)

Ang pakikipagkasundo sa hari

c)

Ang pagtanggi sa kapangyarihan

d)

Ang pagsisiwalat ng kanyang kahinaan

6.

Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilo ng nasa wikang isasalin?

a)

Gramatika

b)

Pagpapakahulugan

c)

Pagsasaling-wika

d)

Panlapi

7.

Ano ang pangunahing layunin ng pagsasaling-wika?

a)

Paikilin ang orihinal na teksto

b)

Palitan ang lahat ng salita sa orihinal na teksto

c)

Pagandahin ang teksto kahit magbago ang kahulugan

d)

Maipahayag ang mensahe ng orihinal sa ibang wika nang tapat at wasto

8.

.Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin?

a)

Basahin nang paulit-ulit.

b)

Ikumpara ang ginawang salin.

c)

Suriin ang bawat salita sa isinasalin.

d)

May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

9.

Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

a)

“Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”

b)

“Ang negatibong isipan ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

c)

“Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”

d)

“Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”

10.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI kabilang sa pamantayan sa pagsasaling-wika?

a)

Isagawa ang unang pagsasalin.

b)

Basahin at suring mabuti ang pagkakasalin.

c)

Rebihisin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

d)

Ang isinasalin ay ang bawat salita ng talata at hindi ang diwa nito.

11.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin MALIBAN sa isa. Alin ito?

a)

Kumonsulta sa diksyunaryo.

b)

May sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

c)

Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

d)

May sapat na kaalaman sa gramatika ng isang wikang kasangkot sa pagsasalin.

12.

Suriin ang anekdotang “Akasya o Kalabasa” batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor. Isulat ang letra ng tamang sagot. Ang paksa sa anekdotang “Akasya o Kalabasa” ni Consolation P. Conde ay ang __________.

a)

pag-aaral

b)

paghahalaman

c)

pagmamahal

d)

pamilya

13.

Suriin ang anekdotang “Akasya o Kalabasa” batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor. Sa anekdotang “Akasya o Kalabasa” ay nabanggit ang sumusunod na tagpuan maliban sa __________.

a)

Kamias

b)

Linang

c)

Maynila

d)

Simbahan

14.

Suriin ang anekdotang “Akasya o Kalabasa” batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor. Siya ang Ama ni Iloy na may pagka-agresibo na patapusin ang kanyang anak sa pag-aaral sa mabilis na panahon.

a)

Mang Matias

b)

Mang Pablo

c)

Mang Santiago

d)

Mang Simon

15.

Suriin ang anekdotang “Akasya o Kalabasa” batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor. Ang motibo ng awtor sa pagsulat ng anekdotang “Akasya o Kalabasa” ay __________.

a)

Maipabatid sa mga mambabasa ang paggalang sa matatanda.

b)

Maipabatid sa mga mambabasa ang pagmamahalan ng pamilya.

c)

Maipabatid sa mga mambabasa ang pagsunod sa utos ng magulang.

d)

Maipabatid sa mga mambabasa na walang madaling proseso upang makamit ang tagumpay.

16.

Suriin ang anekdotang “Akasya o Kalabasa” batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor. Bakit inihambing ng punong-guro ang mahabang kurso sa akasya at ang maikling kurso sa kalabasa?

a)

Para maging palaisipan ito sa mag-ama

b)

Para ipakita na mabilis makukuha ang benepisyo

c)

Para maipakita kung gaano kahirap ang paghahalaman

d)

Para ipakita ang halaga ng tiyaga at proseso sa edukasyon

17.

Suriin ang anekdotang “Akasya o Kalabasa” batay sa paksa, tauhan, tagpuan at motibo ng awtor. Paano magagamit ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na buhay ang aral ng anekdotang binasa?

a)

Upang magmadali sa lahat ng gawain

b)

Upang sumunod sa utos ng kanilang guro

c)

Upang planuhin nang mabuti ang mga hakbang at magsikap

d)

Upang ipakita ang pagsisikap ng kanilang magulang para sa kanilang pag-aaral

18.

Ang edukasyon ay mahalaga para sa matagumpay na kinabukasan.

a)

Madaling makuha

b)

Mataas ang presyo

c)

Mabigat ang bagay

d)

May malaking kahalagahan

19.

Si Nathan ay tinutulungan ng kanyang mga kaklase sa paggawa ng proyekto.

a)

Tumutulong sa sarili

b)

Tumulong sa iba

c)

Binibigyan ng tulong

d)

Nanghihingi ng tulong

20.

Ang taong tumutulong ay nagpapakita ng malasakit sa kapwa.

a)

Tumutulong sa sarili

b)

Tumulong sa iba

c)

Binibigyan ng tulong

d)

Nanghihingi ng tulong

21.

Hindi tama na pinagtatawanan ang mga taong nagkakamali.

a)

nakapagbibigay saya sa tao

b)

dalawang taong nasisiyahan

c)

pinagkakasiyahan ng ibang tao

d)

isang bagay na nararamdaman ng tao

22.

Nauwi sa katatawanan ang kanyang kuwento dahil sa kanyang binitiwang biro.

a)

nakapagbibigay saya sa tao

b)

dalawang taong nasisiyahan

c)

pinagkakasiyahan ng ibang tao

d)

isang bagay na nararamdaman ng tao

23.

Ano ang ipinahihiwatig ng unang saknong tungkol sa ulan?

a)

Ang ulan ay sanhi ng kalungkutan

b)

Ang ulan ay nakakakapagpabago ng panahon

c)

Ang ulan ay tanda ng kapangyarihan ng Diyos

d)

Ang ulan ay parang pag-ibig na hindi mapipigilan

24.

Ano’ng uri ng pahayag ang “Ang mga ulap sa langit ay tila naghahabulan”?

a)

payak

b)

simbolo

c)

tambalan

d)

tayutay

25.

Sa unang saknong, ano ang kahulugan ng salitang tumampisaw?

a)

lumusong sa tubig

b)

nabasa

c)

naligo

d)

umibig

26.

Sa ikatlong saknong, ano ang ibig sabihin ng “ngiting nalukot”?

a)

nagalit

b)

naiyak

c)

nalungkot

d)

nangamba

27.

Ano ang talinghaga ng tula?

a)

Tungkol sa bawal na pag-ibig

b)

Tungkol sa wagas na pag-ibig

c)

Tungkol sa malakas na ulan

d)

Tungkol sa paglaro sa pag-ibig

28.

Ano ang sinisimbolo ng ulan?

a)

Pag-ibig na panandalian

b)

Pag-ibig na walang hanggan

c)

Pag-ibig na hindi nagbabago

d)

Pag-ibig na hindi magmamaliw

29.

Unawain ang mga taludtod mula sa tulang “Ang Pagbabalik” at piliin ang pinakanaaangkop na damdamin: “Isang panyong puti ang ikinakaway, Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan.”

a)

Kalungkutan

b)

Kamatayan

c)

Kasiyahan

d)

Pagluluksa

30.

Unawain ang mga taludtod mula sa tulang “Ang Pagbabalik” at piliin ang pinakanaaangkop na damdamin: “Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim, Ang nagsisalubong sa aking pagdating.”

a)

Kalungkutan

b)

Kamatayan

c)

Kasiyahan

d)

Pagluluksa

31.

Unawain ang mga taludtod mula sa tulang “Ang Pagbabalik” at piliin ang pinakanaaangkop na damdamin: “Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan nama’y ibig nang magniningning.”

a)

Kasiyahan

b)

Pag-asa

c)

Pagmamahal

d)

Pagluluksa

32.

Unawain ang mga taludtod mula sa tulang “Ang Pagbabalik” at piliin ang pinakanaaangkop na damdamin: “Ang sagot ko’y ‘Oo, hindi magluluwat!’ Nakangiti akong luha’y nalaglag…”

a)

Kalungkutan

b)

Kamatayan

c)

Kasiyahan

d)

Pagluluksa

33.

Unawain ang mga taludtod mula sa tulang “Ang Pagbabalik” at tukuyin ang kahulugan ng salitang kabiyak: “At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;”

a)

Asawa

b)

Kapatid

c)

Kasinatahan

d)

Pamilya

34.

Unawain ang mga taludtod mula sa tulang “Ang Pagbabalik” at piliin ang pinakanaaangkop na damdamin: “Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;”

a)

Pag-asa

b)

Pagdadalamhati

c)

Pagmamahal

d)

Pamamaalam

35.

Isaayos ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin, kung saan ang bilang 3 ang pinakamasidhing antas: pagmamahal, pagsinta, paghanga

a)

3 Paghanga; 2 Pagsinta; 1 Pagmamahal

b)

3 Paghanga; 2 Pagmamahal; 1 Pagsinta

c)

3 Pagmamahal; 2 Pagsinta; 1 Paghanga

36.

Isaayos ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin, kung saan ang bilang 3 ang pinakamasidhing antas: sigaw, salita, bulong

a)

3 Bulong; 2 Salita; 1 Sigaw

b)

3 Sigaw; 2 Salita; 1 Bulong

c)

3 Sigaw; 2 Bulong; 1 Salita

37.

Isaayos ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin, kung saan ang bilang 3 ang pinakamasidhing antas: galit, poot, inis

a)

3 Poot; 2 Galit; 1 Inis

b)

3 Inis; 2 Galit; 1 Poot

c)

3 Galit; 2 Poot; 1 Inis

38.

Isaayos ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin, kung saan ang bilang 3 ang pinakamasidhing antas: napunit, natastas, sira-sira

a)

3 Natastas; 2 Napunit; 1 Sira-sira

b)

3 Sira-sira; 2 Natastas; 1 Napunit

c)

3 Sira-sira; 2 Napunit; 1 Natastas

39.

Isaayos ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin, kung saan ang bilang 3 ang pinakamasidhing antas: umiyak, humihikbi, humahagulgol

a)

3 Humahagulgol; 2 Umiyak; 1 Humihikbi

b)

3 Humihikbi; 2 Umiyak; 1 Humahagulgol

c)

3 Humahagulgol; 2 Humihikbi; 1 Umiyak

40.

Isaayos ang mga salita batay sa sidhi ng damdamin, kung saan ang bilang 3 ang pinakamasidhing antas: natatakot, nangangamba, nababahala

a)

3 Natatakot; 2 Nangangamba; 1 Nababahala

b)

3 Nababahala; 2 Natatakot; 1 Nangangamba

c)

3 Nababahala; 2 Nangangamba; 1 Natatakot

41.

Ibigay ang hinihinging katumbas na salita mula sa talahayan ng pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot: Tono : kanta :: _________ : sayaw

a)

Ritmo

b)

Kumpanya

c)

Langit

d)

Pagka-abo ng bagay

42.

Ibigay ang hinihinging katumbas na salita mula sa talahayan ng pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot: Pintor : kulay :: Manunulat : __________

a)

Kalusugan

b)

Salita

c)

Langit

d)

Pagka-abo ng bagay

43.

Ibigay ang hinihinging katumbas na salita mula sa talahayan ng pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot: Baha : pagkaapaw ng tubig :: Sunog : _________

a)

Kalusugan

b)

Kumpanya

c)

Langit

d)

Pagka-abo ng bagay

44.

Ibigay ang hinihinging katumbas na salita mula sa talahayan ng pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot: Tula : saknong :: Sanaysay : _________

a)

Kalusugan

b)

Kumpanya

c)

Langit

d)

Talata

45.

Ibigay ang hinihinging katumbas na salita mula sa talahayan ng pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot: Punungguro : paaralan :: Punong Tagapamahala : __________

a)

Kalusugan

b)

Kumpanya

c)

Langit

d)

Pagka-abo ng bagay

46.

Ibigay ang hinihinging katumbas na salita mula sa talahayan ng pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot: Aklat : Kaalaman :: Gamot : __________

a)

Kalusugan

b)

Kumpanya

c)

Langit

d)

Pagka-abo ng bagay

47.

Panuto: Gumamit ng angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag upang malinaw na maipahayag ang sumusunod na mensahe. Isulat ang letra ng tamang sagot. “Mahalaga ang edukasyon,” sabi ni Nanay. Ano ang pinakaangkop na salin nito sa di-tuwirang pahayag?

a)

Sinabi ni nanay na mag-aral mabuti.

b)

Sinabi ni nanay na pumasok araw-araw.

c)

Sinabi ni nanay na mahalaga ang edukasyon.

48.

Panuto: Gumamit ng angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag upang malinaw na maipahayag ang sumusunod na mensahe. Isulat ang letra ng tamang sagot. “Sana ay muli na tayong magkásama,” wika ni Ramon sa kanyang kasintahan. Ano ang pinakaangkop na salin nito sa di-tuwirang pahayag?

a)

Sinabi ni Ramon na ayaw na niya sa kanyang kasintahan.

b)

Sinabi ni Ramon na gusto na niyang makasama ang kanyang kasintahan.

c)

Sinabi ni Ramon na gusto na niyang makipaghiwalay sa kanyang kasintahan.

49.

Panuto: Gumamit ng angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag upang malinaw na maipahayag ang sumusunod na mensahe. Isulat ang letra ng tamang sagot. “Posible ang Noche Buena para sa pamilyang may apat na miyembro gamit ang budget na ₱500 kung pipiliin ang abot-kayang pagkain tulad ng ham, spaghetti, at macaroni salad,” ayon kay Cristina Aldeguer-Roque. Ano ang pinakaangkop na salin nito sa di-tuwirang pahayag?

a)

Ayon kay Cristina Aldeguer-Roque, sapat ang ₱500 na budget para sa Noche Buena ng isang pamilya.

b)

Ayon kay Cristina Aldeguer-Roque, tama lang ang ₱500 na budget para sa Noche Buena ng isang pamilya.

c)

Ayon kay Cristina Aldeguer-Roque, maaaring magkasiya ang ₱500 na budget para sa Noche Buena ng isang pamilya.

50.

Panuto: Gumamit ng angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag upang malinaw na maipahayag ang sumusunod na mensahe. Isulat ang letra ng tamang sagot. Nagpaalam si Sofia sa kanyang magulang upang dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan. Ano ang angkop na tuwirang pahayag ang maaaring gamitin?

a)

“Dadalo po ako sa kaarawan ng aking kaibigan.”

b)

“Gusto kong dumalo sa kaarawan ng aking kaibigan.”

c)

“Maaari po ba akong dumalo sa kaarawan ng aking kaibigan?”

51.

Panuto: Gumamit ng angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag upang malinaw na maipahayag ang sumusunod na mensahe. Isulat ang letra ng tamang sagot. “May sakit po palagi si Mark,” sabi ng Nanay ni Mark sa kanyang guro. Ano ang ipinahihiwatig ng tuwirang pahayag na ito?

a)

Sakitin si Mark.

b)

Tinatamad pumasok si Mark.

c)

Hindi makakapasok si Mark sa paaralan.

52.

Panuto: Gumamit ng angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag upang malinaw na maipahayag ang sumusunod na mensahe. Isulat ang letra ng tamang sagot. Nais ni Ben na magpatulong sa kanyang kaibigan sa kanyang assignment sa Math. Ano ang angkop na tuwirang pahayag ang maaaring gamitin?

a)

“Gusto mo ba akong turuan sa aking assignment sa Math?”

b)

“Maaari mo ba akong turuan sa aking assignment sa Math?”

c)

“Tulungan mo naman akong gawin ang assignment ko sa Math.”

53.

Panuto: Basahin ang mga bahagi ng nobelang “Paglisan” sa ibaba at piliin ang pinaka angkop na pananaw pampanitikan na saklaw ng nilalaman nito. Isulat ang titik ng tamang sagot. Ang mga babaeng Moombi ay may gawi ng pag-aasawa ng maraming Asawang lalaki. Polyandry ang tawag dito na matatagpuan sa ilang lugar sa Kenya.

a)

Eksistensyalismo

b)

Feminismo

c)

Naturalismo

d)

Romantisismo

54.

Panuto: Basahin ang mga bahagi ng nobelang “Paglisan” sa ibaba at piliin ang pinaka angkop na pananaw pampanitikan na saklaw ng nilalaman nito. Isulat ang titik ng tamang sagot. Nakararamdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna.

a)

Eksistensyalismo

b)

Feminismo

c)

Humanismo

d)

Romantisismo

55.

Panuto: Basahin ang mga bahagi ng nobelang “Paglisan” sa ibaba at piliin ang pinaka angkop na pananaw pampanitikan na saklaw ng nilalaman nito. Isulat ang titik ng tamang sagot. Kagaya ni Okonkwo, ang mga tao ay padalos-dalos din sa mga desisyon na kanilang pinagsisisi­han sa bandang huli. Gaya na lamang ng pag­taga ni Okonkwo kay Ikemefuna.

a)

Feminismo

b)

Humanismo

c)

Naturalismo

d)

Realismo

56.

Panuto: Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay ang mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula. Hanapin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon. PAGSUSURI SA PELIKULANG HELLO LOVE GOODBYE: Ang pangunahing tauhan na si Joy ay napakasipag na anak at kapatid sa kanyang pamilya. Itinuturing siyang breadwinner na masasabi bilang pangkaraniwan na sitwasyon (56) ______ sa mga panganay na anak ng pamilya lalo na sa Pilipinas.

a)

dahil dito

b)

kahit

c)

nang sa gayo’y

d)

ngunit

e)

para

57.

Panuto: Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay ang mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula. Hanapin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon. PAGSUSURI SA PELIKULANG HELLO LOVE GOODBYE: Sa simula pa lang ng pelikula, makikita ang determinasyon ni Joy na kumita ng pera, upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya. Mataas ang kanyang mga pangarap, (57) ______ makikita rin sa pelikula ang kanyang paghihirap sa pagtatrabaho sa Hong Kong.

a)

dahil dito

b)

kahit

c)

nang sa gayo’y

d)

ngunit

e)

para

58.

Panuto: Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay ang mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula. Hanapin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon. PAGSUSURI SA PELIKULANG HELLO LOVE GOODBYE: Naghahanap siya ng mga “raket”, (58) ______ labag ito sa batas ng Hong Kong, upang kumita pa ng dagdag na pera subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat para sa kanyang mga gastusin.

a)

dahil dito

b)

kahit

c)

nang sa gayo’y

d)

ngunit

e)

para

59.

Panuto: Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay ang mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula. Hanapin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon. PAGSUSURI SA PELIKULANG HELLO LOVE GOODBYE: Gusto niyang makapagt­rabaho sa Canada (59) ______ mabago ang estado ng kanyang pamumuhay.

a)

dahil dito

b)

kahit

c)

nang sa gayo’y

d)

ngunit

e)

para

60.

Panuto: Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay ang mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula. Hanapin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon. PAGSUSURI SA PELIKULANG HELLO LOVE GOODBYE: Subalit siya ay sinubok ng pagkakataon nang magipit ang kanyang amo at akmang siya ay tatanggalin na sa trabaho. (60) ______, napilitan siyang mag-apply bilang ilegal na waitress sa isang bar at dito niya nakilala si Ethan.

a)

dahil dito

b)

kahit

c)

nang sa gayo’y

d)

ngunit

e)

para