NEW
Font size
WorksheetsMga Tanong Tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Ano ang naging isang malaking hamon ng pamahalaang Komonwelt?
kawalan ng hanapbuhay
kawalan ng mapapasyalan
marami ang namamatay
walang nagugutom
Bakit naghirap ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?
Umaasa sa ayuda ng gobyerno.
Nawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino.
Minamaliit ang kakayahan ng mga Pilipino.
Kinaugalian ng mga Pilipino ang manana habit.
Bakit kailangan nating pahalagahan ang kasunduang base militar ng mga Amerikano sa Pilipinas?
Nagkaroon ng pantay na karapatang tinatamasa ang mga Pilipino.
Naisaayos ang mga taniman at sakahan at muling napakinabangan.
Nalutas ang suliranin sa salapi dulot ng pananakop ng mga Hapones
Nakapagbibigay sila ng proteksyon laban sa ibang mananakop at nakakatulong ito upang sanaying ang sundalong Pilipino.
Ano ang kasunduang nilagdaan ni Pangulong Manuel A. Roxas kasama ang kanyang pangalawang Pangulo Elpidio Quirino at US Ambassador Paul V. Mcnutt sa loob ng Malacañang Palace?
Batas Tydings-McDuffie
Bell Trade Act
Military Bases Agreement
National Defense Act
Ano ang dahilan ng pagbabago ng takbo ng kalakalan at kalinangan sa muling pagtatag ng lungsod ng Maynila?
digmaan
inggitan
pagkakaisa
pagtutulungan
Sino ang pangulo nang nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Andres Bonifacio
Elpidio Quirino
Emilio Aguinaldo
Manuel A. Roxas
Bakit nakipagsundo si Pangulong Manuel Roxas sa mga Amerikano hinggil sa base militar?
Dumami ang mga illegal settlers.
Maituturing na ganap na estado ang Pilipinas.
Mabilis ang paglaki ng populasyon sa mga pook-urban.
Matinding kahirapan ang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa.
Ang ating mga bayaning sundalong Pilipino noon ay nakipaglaban upang makamit ang kalayaan nating tinatamasa ngayon. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang katapangan at katapatan sa bansa?
Pagsali sa mga rally at pag-aalsa
Mangarap na maging sundalo paglaki
Makipag-away sa mga kalaro at kaklase
Pagsunod sa mga batas at pag-aaral nang mabuti
Anong taon ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang Batas Payne-Aldrich?
1809
1890
1909
1990
Ano ang batas na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas?
Batas Payne-Aldrich
Batas Underwood-Simmons
Malayang Kalakalan
Parity Rights
Ang mga sumusunod ay batas ukol sa kalakalan at karapatan sa likas na yaman ng Pilipinas, maliban sa isa. Ano ito?
Parity Rights
Payne-Aldrich
Tydings-McDuffie
Underwood-Simmons
Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo mahihikayat ang mga kabataang Pilipino na tangkilikin ang produktong Pilipino?
Pagandahin ang kalidad ng produksyon.
Dagdagan ang presyo ng mga produkto.
Kontrolin ang katangian ng ating produkto.
Pagkakaroon ngkalabisan at kakulangan sa mga produkto.
Ano ang ipinalit sa pagmamano sa mga magulang na kaugalian ng mga Pilipino?
Paghalik sa kamay
Pakikipagkamay
Pagbati ng Hi
Pagbati ng Ni Hao
Kailan inaprubahan ng kongreso ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights?
Hunyo 2,1946
Hunyo 2,1964
Hulyo 2,1946
Hulyo 2,1964
Paano nakaapekto sa ating bansa ang Philippine Rehabilitation Act sa larangan ng impraestruktura?
Maraming gusali ang hindi naisaayos.
Nagkaroon ng trabaho ang maraming Pilipino.
Gumanda ang hanapbuhay ng mga mamamayan.
Naisaayos ang mga nasirang tulay, kalsada at gusali.
Ano ang nakasaad sa kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa Base Militar na pinirmahan noong Mayo 14, 1947?
Pagtatanggol sa isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty).
Bawat Pilipino ay bibigyang parusa kung sino ang lalabag sa batas military.
Nakasaad na bibigyan ng tulong ang mga military( Military Assistance Agreement).
Nakasaad na bibigyan ang United States ng karapatan upahan ang mga base military sa loob ng 99 na taon.
Anong mga batas ang hinimok ni Pangulong Roxas na ginawa ng Kongreso ng Amerika?
Rehabilitation Finance Corporation
Republic Act No. 34 o Agrarian Reform
Report of the Philippine-United States Agricultural Mission 1947
Tydings Act( Philippine Rehabilitation Law) at Bell Act( Philippine Trade Law)
Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na yaman?
Base Militar
Batas Militar
Parity Rights
Philippine Rehabilitation Act
Alin sa mga sumusunod ang naging reaksyon ng karamihang mga Pilipino sa epekto ng Parity Rights?
nabahala
nabigla
natuwa
tumutol
Paano ipinahayag ng mga mamamayan ang kanilang damdamin tungkol sa di- pantay na kasunduan ng base militar?
pagwewelga
pagkakaroon ng malaking handaan
pagpupunit ng papel ng kasunduan
pagkakaroon ng sayawan,at kantahan
Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng Amerika?
Elpidio Quirino
Emilio Aguinaldo
Manuel A. Roxas
Rodrigo R. Duterte
Ano ang tawag sa isa sa mga kapangyarihan ng ating bansa bilang estado?
mamamayan
Pamahalaan
Soberanya
Teritoryo
Ang soberanya ng bansa ay nangangahulugan ng lubos na _______________.
Kalakalan
Kalayaan
Kapangyarihan
Pakikipag-ugnayan
Bakit mahalaga ang soberanya ng isang estado?
dahil parte ito ng isang pamahalaan
parte ito sa mga nagkakaisang bansa
naninirahan at matatagpuan sa loob ng teritoryo
kapag nakamit ng isang estado ang soberaniya, maaari na nitong ituring ang sarili bilang kapantay ng ibang bansa
Kailangan natin bumili ng documentary stamp para sa sertipikasyong pang negosyo. Sa anong kapangyarihan nabibilang ito?
Kapangyarihang magbuwis
Kapangyarihang Pampulisya
Kapangyarihan para sa Eminent Domain
Kapangyarihang mamamahala ng ari-arian
Lahat ng malalayang bansa ay pantay-pantay ayon sa _____________.
Amerika
China
Russia
United Nations
Anong hukbo ang nangangalaga ng katahimikan ng ating himpapawid?
Philippine National Police
Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army)
Hukbong Pandagat ng Pilipinas (Philippine Navy)
Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Philippine Airforce)
Bakit nararapat na ipagtanggol ng mamamayan ang kalayaan at teritoryo ng bansa?
Upang sa kalaunan masakop ang Pilipinas ng ibang bansa.
Upang ito ay mapangalagaan para sa kapakanan ng mga dayuhan.
Upang may mga mamamayan ng Pilipinas ang tumangkilik sa produkto ng ibang bansa.
Upang mapangalagaan ang mamamayan na siyang bumubuo sa isang bansa at ito ang ating teritoryo.
Ano ang nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas Artikulo II, Seksiyon 4?
Isang doktrina ng teritoryo ng dagat o karagatan
Nakatakdasabatasnaito ang baseline o hangganan ng teritoryo ng Pilipinas
Bahagi ng karagatannaitinatadhana ng United Nation Convention on the Law of the Sea
Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
Anong batas ang itinadhana ng UNCLOS?
Batas ng Bansa
Doktrinang Pangkapuluan
Eksklusibong Sonang Ekonomiko
Kasunduan sa Paris
Anong batas umiiral ang lapad na 200 milyang hangganan ng Pilipinas mula sa dalampasigan?
Atas ng Pangulo
Batas ng Bansa
Doktrinang Pangkapuluan
Eksklusibong Sonang Ekonomiko
Sinong pangulo ang nagkaroon ng kontribusyon sa pagsasaayos ng elektripikasyon?
Elpidio R. Quirino
Manuel A. Roxas
Ramon F. Magsaysay
Rodrigo R. Duterte
Sinong Pangulo ang naglunsad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon upang maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga Pilipino?
Elpidio R. Quirino
Manuel A. Roxas
Ramon F. Magsaysay
Rodrigo R. Duterte
Sinong pangulo ng Ikatlong Republika ang tinaguriang “Kampeon ng Masang Pilipino”?
Diosdado P. Macapagal
Ferdinand E. Marcos
Manuel A. Roxas
Ramon F. Magsaysay
Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika?
Carlos P. Garcia
Ferdinand E. Marcos
Manuel A. Roxas
Ramon F. Magsaysay
