Worksheets3rd quarter review
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ipinagpatuloy ni Truman ang mga programa ni Roosevelt para sa Pilipinas particular na ang pagkakaloob ng kalayaan sa Pilipinas noong _____.
Hulyo 4, 1947
Hunyo 12, 1946
Hunyo 3, 1948
Hulyo 4, 1946
Naging laganap ang suliranin sa pabahay at pagsisikip kung kaya itinatag ng pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan sa Paglilipat-tirahan at Pagsasaayos.
National Housing Program
Military Assistance Agreement
National Resettlement Administration
National Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hamon at suliranin sa kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig MALIBAN sa isa, alin ito?
Ang pamamayani ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa.
Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa pamamagitan ng pag- aangkat ng mga bagong makinarya
Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng pagkabangkarote ng pamahalaan sanhi ng pananakop ng Hapones.
Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking kakulangan sa mga hayop na gagamitin sa pagsasaka na namamatay sanhi ng digmaan.
Sinong pangulo ng bansa mula 1946–1957 ay may suliraning pangkabuhayang kinaharap sa lupain at agrikultura?
Jose P. Laurel
Elpidio Quirino
Manuel A. Roxas
Ramon Magsaysay
Kilala si Ramon Magsaysay sa mga sumusunod na katangian MALIBAN sa isa, alin ito?
Nagbukas ng Malakanyang para sa mga karaniwang tao.
Malapit sa mga ordinaryong mamamayan at nakikisalamuha sa mga tao.
Kauna-unahang pangulo na nagsuot ng barong Tagalog sa kanyang inagurasyon.
Nagpakita ng nepotismo sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga kamag-anak sa pamahalaan.
Kasunduang nilagdaan ni Pangulong Roxas na kung saan nagbigay ng tulong ang Amerika na 120milyonparasaimprastraktura, 100 milyong halaga ng mga lumang kagamitang pangmilitar, at $400 milyon para sa iskolarship ng mga Pilipinong ipadala sa Estados Unidos.
Bell Trade Act
Parity Rights
Military Base Agreement
Philippine Rehabilitation Act o pagbabagong tatag
Ito ay itinakda ng Bell Trade Act na nagkaloob sa mga Amerikano na magkaroon ng pantay na karapatan gaya ng tinatamasa ng mga Pilipino ang mga Amerikano na magnegosyo sa bansa.
Philippine Rehabilitation Act
Colonial Mentality
Parity Rights
Military Base Agreement
Ito ay bunga ng pananatili ng malawak na impluwensiya ng mga Amerikano sa buhay ng mga Pilipino na mas ginusto nilang tangkilikin ang mga gawang imported o stateside kaysa sa mga gawang local.
Neocolonialism
Colonial Mentality
Parity Rights
Colonial
Ang pangunahing suliraning kinaharap ni Manuel A. Roxas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Kalakalan
Makapili
Pagbabagong-tatag o Rehabilitasyon
Pamamayani ng dayuhan sa kalakalan
Ano ang nakasaad sa kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa Base Militar na pinirmahan noong Mayo 14, 1947?
pagtatanggol sa isa’t isa (US-RP Mutual Defense Treaty)
nakasaad na bibigyan ang United States ng karapatan na panatilihin ang mga base military sa Pilipinas sa loob ng 99 na taon.
bawat Pilipino ay bibigyang parusa kung sino ang lalabag sa batas military.
nakasaad na bibigyan ng tulong ang mga military (Military Assistance Agreement)
Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa Amerika?
makuha ang bansang Amerika
ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho.
magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.
mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas dahilan ng pagkawasak sa digmaan.
Sino ang tinaguriang “Pangulo ng Masa at Tagapagtanggol ng Demokrasya?”
Elpidio R. Quirino
Ramon F. Magsaysay
Carlos P. Garcia
Diosdado M. Macapagal
Ang lahat ay naganap sa administrasyong Magsaysay MALIBAN sa _____.
Farmers’ Cooperative Marketing Association (FACOMA)
Quirino-Foster Agreement
Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA)
Land Tenure Reform Law
Pangulong tinaguriang “Ama ng Industrialisasyon ng Pilipinas”
Ramon Magsaysay
Manuel Quezon
Diosdado Macapagal
Elpidio Quirino
Siya ang nagwikang “Kung ano ang makabubuti sa karaniwang tao ay makabubuti sa buong bansa”.
Elpidio Quirino
Rodrigo R. Duterte
Ramon Magsaysay
Ferdinand Marcos
Anong tulong ang hiningi ni Pangulong Elpidio Quirino sa pagtungo nya sa Estados Unidos?
Manggagawa at Kapangyarihan
Kalayaan at Salapi
Teknikal at Salapi
Kayamanan at Kapangyarihan
Ano ang ginawa ni Quirino matapos mapasuko ni Ramon Magsaysay ang pinuno ng Huk at mga miyembro nito?
Pinakulong
Dinakip at pinatapon sa ibang bansa
Pinarusahan ng kamatayan
Sa pamamagitan ng amnestiya, binigyan sila ng pagkakataong magbagong buhay
Sa panahon ng administrasyong Quirino ano ang kanyang pinagtuonan ng pansin.
Pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng turismo.
Pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng kalakalan.
Pagpapaunlad ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa ibang bansa.
Pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon.
Sino ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural? (Rural Health Law)
Diosdado P. Macapagal
Elpidio R. Quirino
Ferdinand Marcos
Ramon F. Magsaysay
Isang panukala sa panahon ni pangulong Carlos P. Garcia na may layuning magkaroon ng matatag na kabuhayan ang mga mamamayan?
Karaniwang mamamayan
Peninsulares at Insulares
Ilustrado at Mestizong Espanyol
“Pilipino Muna”
Sino ang nag-utos ng paglipat ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12?
Ferdinand Magellan
Diosdado P. Macapagal
Carlos P. Garcia
Elpidio Quirino
Ang Agricultural Land Reform Law (Republic Act No. 3844) ay naglalayong? _____.
Libreng pag-aaral sa mga pampublikong paaralan
Mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka
Mabigyan ng karapatan ang mga Pilipino sa paggamit ng likas na yaman
Walang karapatan ang mga Pilipino na gamitin ang mga likas na yaman ng Pilipinas
Pangulo ng Pilipinas na nagpahayag na “ang Pilipinas ay magiging dakilang muli”.
Ramon Magsaysay
Carlos P. Garcia
Ferdinand Marcos
Elpidio R. Quirino
Programa ni Pangulong Macapagal na ipinagpatuloy ni Pangulong Marcos sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Reporma sa Lupa
Imprastraktura
Green Revolution
Paglinang sa Kulturang Pilipino
Itinatag ang programang ito upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain.
Filipino First Policy
Green Revolution
Land Tenure Reform Law
Rehabilitation Finance Corporation
Ang proyektong imprastraktura ay pagtatayo at pag-aayos ng mga _____.
patubig, daungan, paliparan
kalsada, tulay, riles
paaralan, pagamutan, parke
lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay mga nagawang pagbabago ni Pangulong Marcos sa kanyang unang apat na taon na panunungkulan sa bansa. Alin dito ang hindi kabilang?
Pagdeklara ng Batas Militar o Martial Law
Pagtulong sa mga magsasaka upang maparami ang ani ng bigas.
Paglulunsad ng malawakang imprastraktura
Pagsasakatuparan ng higit sa malawakang reporma sa lupa
Ipinatupad ni Pangulong Marcos ang modernong irigasyon o patubig at paraan ng pagsasaka upang _____.
Mahikayat ang mga tao na maging magsasaka
Mapalaki ang produksiyon ng bigas at mais
Mapalawak ang katubigan sa sakahan
Maparami ang ani ng mga prutas at gulay
Dahilan ng paglunsad ng malawakang programa ng imprastraktura sa panahon ng panunungkulan ni Marcos.
Maisakatuparan ang hangarin ng mamamayan.
Masayang makapamasyal ang mga tao.
Mapabilis ang pag-unlad ng kabuhayan at ekonomiya ng bansa.
Ang halamang butil na itinanim ng mga magsasaka sa panahon ni Pangulong Marcos.
Masagana Rice
Miracle Rice
Yellow Corn
wala sa nabanggit
Ang sumusunod ay mga paraan na ginawa ni Pangulong Marcos upang matustusan ang mga proyektong imprastraktura maliban sa isa. Ano ito?
Hinimok ang Kongreso na magpatibay ng mga bagong batas tungkol sa pagtaas ng buwis
Umutang sa mga bangko
Umutang sa ibang bansa
Nagbenta ang pamahalaan ng mga ari-arian
May takdang aralin sina Rasel at Jomel tungkol sa mga dating pangulo ng Pilipinas. Ano ang dapat nilang gawin?
Hanapin ito sa aklat at pag-aralan para malaman ang ginawa nila para sa bansa
Huwag nalang pansinin ang takdang aralin
Hindi nila gusto ang mga pangulo kaya hindi na lang gagawa ng takdang aralin
Ipagawa ito sa kanilang mga magulang
Nabasa ni Edgar de la Cruz ang talambuhay ni Pangulong Ramon F. Magsaysay at nalaman ang kabutihang ginawa nito para sa mamamayan lalo na mahihirap. Ano ang maaari niyang gawin?
Kalimutang nalang kasi hindi siya interesado
Wala siyang pakialam
Ituro sa mga kapwa bata ang kaniyang natutunan at sikaping maging mabuting mamamayan
Sabihin sa mga kaklase na huwag paniwalaan ang kanilang natutunan kasi hindi naman ito totoo
Nakita ni Princess na pinaglaruan at pinupunit ng kaniyang mga kaklase ang mga larawan ng mga dating pangulo. Ano ang maaari niyang gawin?
Hahayaan sila sa kanilang ginagawa
Aalis na lang
Makisali sa ginagawa ng kaniyang mga kaklase
Pinangaralan at sinabihan ang kapwa bata na igalang ang mga dating pangulo at ibahagi sa kanila ang kanilang mga nagawa para sa pambansang interes
Bakit mahalaga na makilala at matutunan natin ang ginawa ng mga dating pangulo para sa pambansang interes?
Para mapahalagahan ang kanilang ginawa para sa ating bayan at maging inspirasyon sa mga kabataan na gawin ang nararapat para sa kapakanan ng nakararami
Para sumikat ang mga pangulo
Para maipagyabang sa ibang bansa
Wala sa nabanggit
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan sa mga ginawa ng mga pangulo para sa pambansang interes?
Ipagmalaki sa mga kababayan at sa ibang lahi ang ginawang kabutihan ng mga pangulo para sa pambansang interes
Pagsalaysay sa mga naging programa ng mga dating pangulo lalo na para sa mahihirap
Pagbiro ng hindi maganda tungkol sa pangalan at buhay ng mga dating pangulo
Pagsali sa mga patimpalak tungkol sa talambuhay ng mga dating pangulo
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang uri ng karapatan na tinutukoy. Ang Pilipinas ay nagpapadala ng mga kinatawan sa UN at nagkakaroon ng boses sa pagpasya sa mahahalagang isyu na nilulutas ng samahan.
Karapatan sa Pantay na Pagkilala
Karapatang Magsarili
Karapatang Ipagtaggol ang Kalayaan
Karapatang Makipag-ugnayan
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang uri ng karapatan na tinutukoy. Nakasaad sa Saligang Batas na sa panahon na nasa panganib ang bansa ang sinumang mamamayang Pilipino na nasa tamang edad babae man o lalaki ay maaaring maglingkod personal, militar man o sibil.
Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
Karapatang Ipagtaggol ang Kalayaan
Karapatang Mag-angkin ng Ari-arian
Karapatang Makipag-ugnayan
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang uri ng karapatan na tinutukoy. Ang banta ng terorismo at droga ay ilan sa mga suliraning hinaharap ng bansa. Karapatan ng Pilipinas na gumawa at magpatupad ng mga batas upang supilin ang mga ito.
Karapatang Mamahala sa Nasasakupan
Karapatang Ipagtaggol ang Kalayaan
Karapatang Makapagsarili
Karapatang Makipag-ugnayan
Bakit mahalaga ang soberanya ng isang estado?
dahil parte ito ng isang pamahalaan
parte ito sa mga nagkakaisang bansa
naninirahan at matatagpuan sa loob ng teritoryo
kapag nakamit ng isang estado ang soberaniya, maaari na nitong ituring ang sarili bilang kapantay ng ibang bansang malaya at estado sa daigdig
