Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

Total questions: 81

Worksheet time: 2hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Aling sistemang pang-ekonomiya ang nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala ng mga tao?

a)

Market Economy

b)

Command Economy

c)

Traditional Economy

d)

Mixed Economy

2.

Sa Command Economy, sino ang may pangunahing tungkulin sa pagpapasya kung anong produkto ang lilikhain?

a)

Konsyumer

b)

Pamahalaan

c)

Prodyuser

d)

Pamilihan

3.

Ano ang tawag sa doktrinang naniniwala na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa galaw ng pamilihan?

a)

Command Economy

b)

Laissez-faire

c)

Sosyalismo

d)

Alokasyon

4.

Paano nagkakaiba ang Market Economy at Command Economy?

a)

Sa Market, gobyerno ang nagpapasya; sa Command, tao ang nagpapasya.

b)

Sa Market, malaya ang tao; sa Command, ang estado ang may kontrol.

c)

Sa Market, walang kompetisyon; sa Command, matindi ang kompetisyon.

d)

Pareho lamang ang dalawa sa lahat ng aspeto.

5.

Bakit itinuturing na "pinaghalong ekonomiya" ang Mixed Economy?

a)

Dahil pinagsasama nito ang agrikultura at industriya.

b)

Dahil pinagsasama nito ang pribadong pagmamay-ari at kontrol ng pamahalaan.

c)

Dahil ito ay ginagamit ng mahihirap at mayayamang bansa.

d)

Dahil pinagsasama nito ang barayti ng mga produkto.

6.

Kung ang Pilipinas ay lilipat sa isang pure Command Economy, ano ang posibleng mangyari sa mga lokal na negosyo sa bansa?

a)

Lalong lalakas ang kompetisyon sa pagitan ng mga hotel.

b)

Magkakaroon ng kalayaan ang mga tindera sa palengke sa pagtatakda ng presyo.

c)

Mawawalan ng karapatan ang mga negosyante na magpasya para sa kanilang sariling kita.

d)

Dadami ang mga dayuhang mamumuhunan sa lungsod.

7.

Anong bansa ang kilala sa paggamit ng Command Economy sa kasalukuyan?

a)

United States

b)

North Korea

c)

Philippines

d)

Japan

8.

Ano ang pangunahing layunin ng alokasyon?

a)

Upang maging sikat ang isang bansa.

b)

Upang tugunan ang suliranin ng kakapusan.

c)

Upang pigilan ang pag-unlad.

d)

Upang magkaroon ng maraming pera.

9.

Sa Traditional Economy, paano sinasagot ang tanong na "Para kanino ang gagawin?"

a)

Para sa mga mayayaman.

b)

Batay sa pangangailangan ng tribu o pamilya.

c)

Para sa mga dayuhan.

d)

Para sa gobyerno.

10.

Ano ang tawag sa "invisible hand" ayon kay Adam Smith?

a)

Kamay ng gobyerno

b)

Mekanismo ng pamilihan

c)

Kapangyarihan ng militar

d)

Tradisyon ng ninuno

11.

Ano ang tawag sa pagbili at paggamit ng produkto upang matugunan ang pangangailangan?

a)

Produksyon

b)

Alokasyon

c)

Pagkonsumo

d)

Distribusyon

12.

Aling salik ang tumutukoy sa paggaya sa mga nakikitang trend sa social media o telebisyon?

a)

Kita

b)

Demonstration Effect

c)

Mga Inaasahan

d)

Panlasa

13.

Kapag tumaas ang presyo ng bilihin, ano ang karaniwang nangyayari sa pagkonsumo?

a)

Tumataas

b)

Bumaba

c)

Walang pagbabago

d)

Humihinto

14.

Ano ang ugnayan ng kita at pagkonsumo ayon kay John Maynard Keynes?

a)

Habang lumalaki ang kita, lalong lumalaki ang kakayahang kumonsumo.

b)

Walang kinalaman ang kita sa pagkonsumo.

c)

Ang taong walang kita ay mas maraming nakokonsumo.

d)

Kapag malaki ang kita, dapat ay itigil ang pagkonsumo.

15.

Paano nakaaapekto ang "Mga Inaasahan" sa kasalukuyang pagkonsumo kung balitang magkakaroon ng lockdown?

a)

Bababa ang pagkonsumo dahil matatakot ang tao.

b)

Tataas ang pagkonsumo dahil sa panic buying.

c)

Walang bibili ng kahit ano.

d)

Maghihintay ang tao hanggang matapos ang lockdown.

16.

Aling uri ng pagkonsumo ang nagaganap kapag bumili ka ng tela para itahi at gawing damit?

a)

Tuwirang Pagkonsumo

b)

Produktibong Pagkonsumo

c)

Maaksayang Pagkonsumo

d)

Mapanganib na Pagkonsumo

17.

Anong batas ng pagkonsumo ang nagsasaad na habang tumataas ang pagkonsumo, bumababa ang karagdagang kasiyahan?

a)

Law of Variety

b)

Law of Diminishing Utility

c)

Law of Harmony

d)

Law of Imitation

18.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng "Maaksayang Pagkonsumo"?

a)

Pagbili ng gamot para sa may sakit.

b)

Pagbili ng pagkain na hindi naman mauubos at itatapon lang.

c)

Pagbili ng sapatos na gagamitin sa paaralan.

d)

Pagbili ng kuryente para sa bahay.

19.

Sa gitna ng mataas na implasyon, paano mo mapapanatili ang talino sa pagkonsumo?

a)

Bibili ng lahat ng gusto habang mura pa.

b)

Maglilista ng prayoridad at bibili lamang ng kailangan.

c)

Mangungutang upang makabili ng mga luho.

d)

Hindi na kakain para makatipid.

20.

Ang mga Igorot sa Benguet ay mas madalas kumonsumo ng kape kaysa sa mga taong nasa mainit na lugar. Anong salik ito?

a)

Kita

b)

Panlasa/Klima

c)

Demonstration Effect

d)

Presyo

21.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging "Makatwiran" na mamimili?

a)

Bumibili ng pinakamahal na brand.

b)

Sinusuri ang sangkap, presyo, at timbang bago bumili.

c)

Nagpapadala sa matatamis na salita ng tindera.

d)

Nag-aabang lagi ng sale kahit hindi kailangan ang gamit.

22.

Ano ang dapat gawin ng isang mamimili kung ang nabiling de-lata ay may sira o kalawang?

a)

Itapon na lamang.

b)

Ibalik sa tindahan at gamitin ang karapatang mabayaran sa pinsala.

c)

Isumpa ang tindahan sa social media.

d)

Ibigay sa alagang hayop.

23.

Aling karapatan ang nagsasabing dapat may sapat na supply ng pagkain at tubig sa presyong abot-kaya?

a)

Karapatan sa Kaligtasan

b)

Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan

c)

Karapatang Pumili

d)

Karapatan sa Edukasyon

24.

Bakit mahalaga ang "Consumer Act of the Philippines"?

a)

Upang protektahan ang interes ng mga mamimili laban sa mapanlinlang na negosyo.

b)

Upang bigyan ng libreng pera ang mga tao.

c)

Upang paboran ang mga malalaking kumpanya.

d)

Upang limitahan ang binibili ng mga tao.

25.

Anong ahensya ang nilalapitan para sa mga maling timbang ng timbangan sa palengke?

a)

Department Trade and Industry

b)

LGU/Municipal Treasurer

c)

Department of Education

d)

Department of Health

26.

Kung ikaw ay nakakita ng isang tindahan na nagbebenta ng expired na gatas, ano ang pinakatamang aksyon?

a)

Hahayaan na lamang dahil hindi naman ako ang bibili.

b)

Kakausapin ang may-ari at kung hindi makinig ay isusumbong sa DTI o DOH.

c)

Bibili pa rin dahil mura ito.

d)

Kukuha ng litrato para i-post sa Facebook nang walang paliwanag.

27.

Ang pagiging "Hindi Nagpapadaya" ay isang katangian ng ______.

a)

Matalinong Mamimili

b)

Kuripot na Tao

c)

Maaksayang Tao

d)

Tamad na Mamimili

28.

Aling karapatan ang nilabag kung ang isang patalastas ay nagsasabing nakagagaling ng kanser ang isang juice ngunit hindi naman pala totoo?

a)

Karapatan sa Impormasyon

b)

Karapatang Pumili

c)

Karapatang Dinggin

d)

Karapatan sa Kaligtasan

29.

Ang tungkulin na "Mapanuring Kamalayan" ay nangangahulugang ______.

a)

Maging mapagmasid sa kalidad at presyo ng produkto.

b)

Magkaroon ng malasakit sa kapaligiran.

c)

Magkaisa sa ibang mamimili.

d)

Bumili ng local products.

30.

Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng mamimili pagdating sa kalikasan?

a)

Pagbili ng mga plastic na hindi natutunaw.

b)

Pagtatapon ng basura sa kalsada.

c)

Kamalayan sa Kapaligiran (Environmental Awareness).

d)

Pagpili ng mga produktong galing sa endangered species.

31.

Anong batas ang RA 7394?

a)

Clean Air Act

b)

Consumer Act of the Philippines

c)

Agrarian Reform Law

d)

Anti-Distracted Driving Act

32.

Ang "Hyper-consumerism" ay nagpapakita ng ______.

a)

Tamang pagtitipid

b)

Sobrang pagbili ng hindi kailangang gamit

c)

Pagkakaroon ng sapat na supply

d)

Pag-iimpok sa bangko

33.

Sino ang sentro ng lahat ng sistemang pang-ekonomiya?

a)

Gobyerno

b)

Tao

c)

Salapi

d)

Negosyo

34.

Ano ang kinalaman ng klima sa pagkonsumo ng mga tao sa Mountain Province?

a)

Mas mataas ang konsumo sa aircon.

b)

Mas mataas ang konsumo sa makakapal na damit at mainit na inumin.

c)

Walang epekto ang klima.

d)

Mas madalas silang kumain ng ice cream kaysa sa Manila.

35.

Sa Mixed Economy, sino ang nagmamay-ari ng mga yaman?

a)

Estado lamang

b)

Pribadong sektor lamang

c)

Estado at pribadong sektor

d)

Dayuhan lamang

36.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng alokasyon sa sistemang pang‑ekonomiya?

a)

Ang alokasyon ay hindi kailangan kung walang sistemang pang‑ekonomiya.

b)

Ang sistemang pang‑ekonomiya ang nagsisilbing balangkas kung paano isinasagawa ang alokasyon.

c)

Ang alokasyon ay para lamang sa mga bansang may Command Economy.

d)

Walang kaugnayan ang dalawang konsepto sa isa’t isa.

37.

Paano nagkakatulad ang Mixed Economy at Market Economy?

a)

Pareho silang walang pakikialam sa karapatan ng mga mamimili.

b)

Pareho nilang pinahihintulutan ang pribadong pagmamay‑ari at pagkakaroon ng insentibo sa negosyo.

c)

Pareho silang kontrolado ng militar at simbahan.

d)

Pareho silang hindi gumagamit ng pera sa palitan.

38.

Sa isang komunidad sa Mountain Province, ang mga ani ay pinaghahati‑hatian batay sa utos ng konseho ng mga nakatatanda (Elders). Anong sistemang pang‑ekonomiya ang pinaka‑angkop na naglalarawan dito?

a)

Market Economy

b)

Command Economy

c)

Traditional Economy

d)

Mixed Economy

39.

Ano ang magiging epekto sa pagkonsumo ng isang pamilya kung ang presyo ng kuryente (MOPRECO) at tubig ay sabay na tumaas nang husto?

a)

Tataas ang kanilang kakayahang bumili ng luho.

b)

Mababawasan ang badyet para sa ibang pangangailangan tulad ng pagkain at edukasyon.

c)

Hindi magbabago ang kanilang gawi sa paggastos.

d)

Lalong dadami ang kanilang maiipon sa bangko.

40.

Bakit itinuturing na "Mapanganib na Pagkonsumo" ang labis na paggamit ng sigarilyo at alak?

a)

Dahil ito ay mahal at nakakaubos ng pera.

b)

Dahil ito ay nagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng tao at sa lipunan.

c)

Dahil hindi ito mabibili sa lahat ng tindahan.

d)

Dahil bawal itong ibenta sa mga bata.

41.

Kung ikaw ay bibili ng gatas sa supermarket at nakita mong magkaiba ang presyong nakalagay sa shelf (price tag) at sa presyong lumabas sa scanner (POS), anong karapatan ang dapat mong ipaglaban?

a)

Karapatan sa Kaligtasan

b)

Karapatan sa Impormasyon

c)

Karapatang Dinggin

d)

Karapatan sa Edukasyon

42.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng "Pangangailangan" at "Kagustuhan" sa usapin ng pagkonsumo?

a)

Ang pangangailangan ay panandalian, ang kagustuhan ay pangmatagalan.

b)

Ang pangangailangan ay mahalaga para sa kaligtasan, ang kagustuhan ay para sa luho o prestihiyo.

c)

Ang pangangailangan ay hindi nauubos, ang kagustuhan ay may hangganan.

d)

Pareho lamang ang dalawa at walang pagkakaiba.

43.

Sa kasalukuyang panahon ng "Online Shopping," paano mo maipakikita ang iyong tungkulin bilang isang mamimili na may "Mapanuring Kamalayan"?

a)

Pag‑order agad ng mga produkto dahil sa malaking discount o sale.

b)

Pagbabasa ng mga reviews, pag‑check sa legit na rating ng shop, at pagsusuri sa detalye ng produkto bago mag‑check out.

c)

Pagpili sa produkto na may pinakamaraming likes kahit hindi kailangan.

d)

Pag‑aaway sa delivery rider kapag hindi nagustuhan ang item.

44.

Paano nakaaapekto ang "Kalamidad" (tulad ng bagyo sa CAR) sa mekanismo ng alokasyon ng isang probinsya?

a)

Mas magiging maluwag ang pamahalaan sa pamamahagi ng yaman.

b)

Nagkakaroon ng prayoridad sa alokasyon ng mga relief goods at pangunahin serbisyo para sa mga apektado.

c)

Humihinto ang lahat ng sistemang pang‑ekonomiya at walang nagaganap na palitan.

d)

Ibinibenta ang lahat ng yaman sa ibang bansa upang makabangon.

45.

Bilang isang mamimili, paano mo maisasagawa ang tungkuling "Pagkakaisa" (Solidarity) sa loob ng iyong paaralan?

a)

Pakikipag‑away sa kantina kapag mahal ang tinda.

b)

Pagsali sa mga organisasyong nagsusulong ng proteksyon sa kapakanan ng mga mag‑aaral bilang mamimili.

c)

Hindi pagbili sa loob ng paaralan.

d)

Paggawa ng sariling tindahan sa loob ng classroom.

46.

Ano ang ugnayan ng "Batas ng Pagkakaiba‑iba" (Law of Variety) sa kasiyahan ng isang tao sa pagkonsumo?

a)

Mas nasisiyahan ang tao kapag isang uri lamang ng produkto ang kanyang ginagamit.

b)

Mas mataas ang antas ng kasiyahan kapag may iba’t ibang uri o barayti ng produkto na mapagpipilian.

c)

Walang kinalaman ang dami ng pagpipilian sa kasiyahan ng tao.

d)

Ang sobrang barayti ay nagdudulot lamang ng kalituhan at galit.

47.

Kung ang isang bansa ay may sistemang "Command Economy," paano nito sinasagot ang katanungang "Paano gagawin ang produkto?"

a)

Sa pamamagitan ng kompetisyon ng mga pribadong kumpanya.

b)

Batay sa pinakamurang paraan na mapagpapasyahan ng mga negosyante.

c)

Batay sa itinakdang plano at teknolohiya ng pamahalaan.

d)

Batay sa hiling ng mga mamimili sa pamilihan.

48.

Bakit mahalaga ang "Standardization" (tulad ng PS Mark o ICC Sticker) sa mga produktong binibili natin?

a)

Upang maging maganda ang itsura ng produkto.

b)

Upang matiyak na ang produkto ay dumaan sa pagsusuri at ligtas gamitin ng mamimili.

c)

Upang madaling makilala kung sinong artista ang nag‑endorso nito.

d)

Upang mapataas ang presyo ng produkto sa pamilihan.

49.

Ang Engel’s Law ay nagsasabing habang tumataas ang kita, bumababa ang bahagdan ng kitang inilalaan para sa pagkain.

a)

Tama

b)

Mali

50.

Ang Consumer Act ay pinatutupad upang bigyang-proteksyon ang mga negosyante lamang.

a)

Tama

b)

Mali

51.

Ang pag-eendorso ng mga artista sa TV ay isang uri ng Demonstration Effect.

a)

Tama

b)

Mali

52.

Ang matalinong mamimili ay bumibili base sa emosyon at hindi sa pangangailangan.

a)

Tama

b)

Mali

53.

Ang Standardization ay ang pagtatakda ng kalidad ng mga produkto upang maging ligtas ang mamimili.

a)

Tama

b)

Mali

54.

Ang BTRCP (Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection) ay ahensya sa ilalim ng DTI.

a)

Tama

b)

Mali

55.

Ang pagkakaroon ng Brand Loyalty ay nagpapabilis sa pagpapasya ng isang mamimili.

a)

Tama

b)

Mali

56.

Ang mga Igorot ay gumagamit ng Batangan System bilang isang paraan ng tradisyunal na alokasyon at proteksyon sa yaman.

a)

Tama

b)

Mali

57.

Ang Poverty Line ay ang minimum na kitang kailangan para sa basic needs.

a)

Tama

b)

Mali

58.

Ang pagiging mapagmatyag ay tungkulin ng mamimili.

a)

Tama

b)

Mali

59.

Ang Command Economy ay mainam sa panahon ng digmaan upang mabilis ang distribusyon.

a)

Tama

b)

Mali

60.

Ang pagkonsumo ng alak ay isang halimbawa ng produktibong pagkonsumo.

a)

Tama

b)

Mali

61.

Ang karapatang dinggin ay nagpapahintulot sa mamimili na makilahok sa pagbuo ng batas.

a)

Tama

b)

Mali

62.

Ang hoarding ay mabuting gawain ng isang mamimili.

a)

Tama

b)

Mali

63.

Ang Presyo ay hindi salik sa pagkonsumo.

a)

Tama

b)

Mali

64.

Ang mabisang alokasyon ay sagot sa kakapusan.

a)

Tama

b)

Mali

65.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Karapatang Pumili.

a)

Sapat na pagkain, damit, at tirahan.

b)

Pagpili sa iba’t ibang brand.

c)

Karapatang mabigyan ng refund o kapalit.

d)

Proteksyon laban sa mapanlinlang na ads.

66.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Karapatan sa Impormasyon.

a)

Sapat na pagkain, damit, at tirahan.

b)

Proteksyon laban sa mapanlinlang na ads.

c)

Pagreklamo sa maling serbisyo.

d)

Pagiging alerto sa presyo at kalidad.

67.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Kamalayan sa Kapaligiran.

a)

Tungkuling pangalagaan ang kalikasan.

b)

Karapatang mabigyan ng refund o kapalit.

c)

Pagreklamo sa maling serbisyo.

d)

Tungkuling ipahayag ang sarili at magkaisa.

68.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Karapatang Mabayaran sa Pinsala.

a)

Pagreklamo sa maling serbisyo.

b)

Karapatang mabigyan ng refund o kapalit.

c)

Pagpili sa iba’t ibang brand.

d)

Tungkuling ipahayag ang sarili at magkaisa.

69.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Karapatang Dinggin.

a)

Sapat na pagkain, damit, at tirahan.

b)

Pagreklamo sa maling serbisyo.

c)

Pagiging alerto sa presyo at kalidad.

d)

Pagpili sa iba’t ibang brand.

70.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Pangunahing Pangangailangan.

a)

Sapat na pagkain, damit, at tirahan.

b)

Pagreklamo sa maling serbisyo.

c)

Pagpili sa iba’t ibang brand.

d)

Tungkuling ipahayag ang sarili at magkaisa.

71.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Mapanuring Kamalayan.

a)

Pagiging alerto sa presyo at kalidad.

b)

Proteksyon laban sa mapanlinlang na ads.

c)

Karapatang mabigyan ng refund o kapalit.

d)

Pagreklamo sa maling serbisyo.

72.

Piliin ang tamang paglalarawan para sa Pagkilos.

a)

Pagreklamo sa maling serbisyo.

b)

Pagpili sa iba’t ibang brand.

c)

Pagiging alerto sa presyo at kalidad.

d)

Tungkuling ipahayag ang sarili at magkaisa.

73.

Anong ahensya ng gobyerno ang pangunahing nangangalaga sa karapatan ng mga mamimili?

a)

DOH

b)

DTI

c)

DA

d)

DSWD

74.

Isang uri ng pagkonsumo kung saan ang produkto ay agarang nagbibigay ng kasiyahan.

a)

Tuwirang Pagkonsumo

b)

Mapanganib na Pagkonsumo

c)

Produktibong Pagkonsumo

d)

Maaksayang Pagkonsumo

75.

Ang tawag sa paraan ng pamamahala sa limitadong yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan.

a)

Produksyon

b)

Distribusyon

c)

Alokasyon

d)

Interaksiyon

76.

Sino ang kinikilalang "Ama ng Makabagong Ekonomiks"?

a)

John Maynard Keynes

b)

Adam Smith

c)

Karl Marx

d)

Milton Friedman

77.

Ang tungkulin ng mamimili na magsama‑sama upang magkaroon ng lakas at kapangyarihan.

a)

Pagkilos

b)

Pagkakaisa (Solidarity)

c)

Mapanuring Kamalayan

d)

Pagbabayad ng Buwis

78.

Ang salitang Griyego na pinagmulan ng Ekonomiks na nangangahulugang pamamahala ng sambahayan.

a)

Nomos

b)

Oikonomia

c)

Agora

d)

Polis

79.

Ang sitwasyon kung saan ang supply ng yaman ay hindi sapat sa demand ng tao.

a)

Sobra

b)

Inflasyon

c)

Kakapusan

d)

Overproduction

80.

Ang lungsod sa CAR na sentro ng kalakalan ng gulay at ukay‑ukay.

a)

La Trinidad

b)

Baguio City

c)

Tabuk City

d)

Bontoc

81.

ESSAY QUESTION (10 Points). Panuto: Sagutin ang tanong sa loob ng 5–8 pangungusap.

Bilang isang mag‑aaral sa Cordillera Administrative Region (CAR), paano mo maipamamalas ang pagiging isang matalinong mamimili sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Magbigay ng malinaw at kongkretong sitwasyon kung saan ipinagtatanggol mo ang iyong karapatan bilang mamimili habang ginagampanan ang iyong tungkulin.

4 lines