wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3RD QUARTER MAKABANSA

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang pagka-Pilipino ay tumutukoy sa ______.

a)

Pagkakakilanlan at katangian ng mamamayan sa Pilipinas.

b)

Pagkakaroon ng maraming lahi.

c)

Pagdiriwang ng pista.

d)

Pagtuturo ng wika.

2.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagka-Pilipino?

a)

Pananakit sa Kapwa

b)

Pag-aaksaya ng pagkain

c)

Pagmamalasakit sa kapwa

d)

Pagwawalang-bahala sa batas

3.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng karapatan?

a)

Upang maprotektahan ang sarili at ang kapwa.

b)

Upang magkaroon ng kapangyarihan.

c)

Upang abusuhin ang ibang tao.

d)

Upang umiwas sa batas.

4.

Isa sa mga pangunahing karapatan ng tao ay ang karapatang mabuhay. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

Maaaring saktan ang ibang tao.

b)

Maaaring alisin ng gobyerno ang buhay ng sinuman.

c)

Ang mayayaman lamang ang may karapatang mabuhay.

d)

May karapatan ang bawat isa na maging ligtas at mabuhay ng may dignidad.

5.

Alin ang naglalarawan sa pambansang watawat ng Pilipinas?

a)

May pula, puti, at asul na kulay na may araw at bituin.

b)

Kulay berde na may dahon

c)

Kulay puti, berde at pula

d)

Kulay itim na may agila

6.

Alin ang pambansang awit ng Pilipinas?

a)

Bayang Magiliw

b)

Lupang Hinirang

c)

Ako ay Pilipino

d)

Bayan Ko

7.

Ang Pambansang ibon na Agila ay nagpapakita ng katangiang ______.

a)

pagiging matatag at malaya

b)

pagiging mahiyain at tamad

c)

pagiging mapaglaro at malikot

d)

pagiging maramdamin at iyakin

8.

Ang Bayanihan ay kaugnay ng katangiang ________.

a)

pagiging tamad

b)

pagiging mahiyain

c)

pagiging makasarili

d)

pagiging matulungin at mapagkaisa

9.

Ano ang disiplina?

a)

Pagbibiro sa klase

b)

Pagtutulungan sa komunidad

c)

Pagpapanatiling malinis ang sariling gamit

d)

Pagsunod sa alituntunin at paggawa ng tama kahit walang nakatingin.

10.

Alin ang nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan?

a)

Pagnanakaw

b)

Pagsisinungaling

c)

Panlalamang

d)

Pagtulong sa kapwa

11.

Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa bayan?

a)

Pagtulong sa mga kaklase

b)

Pakikipaglaro wsa mga kaibigan

c)

Pagsusuot ng mamahaling damit

d)

Pagpapakita ng malasakit sa bansa sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran at pagsunod sa batas

12.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na ugnayan? Ang pagiging matulungin ay naiuugnay sa:

a)

Pagmamahal sa bayan

b)

Bayanihan

c)

respeto

d)

Disiplina

13.

Alin ang wastong pag-uugnay ng sariling katangian at kaisipan ng pagka-Pilipino?

a)

Ang pagkamasayahin ay para sa disiplina

b)

Ang pagiging magalang ay para sa respeto

c)

Ang pagiging makulit ay para sa bayanihan

d)

Ang pagiging tamad ay para sa nasyonalismo

14.

Alin sa mga ito ang isang sariling katangian?

a)

Pagmamahal sa bayan

b)

Kabaitan

c)

Pagkakaisa

d)

Nasyonalismo

15.

Ano ang pinakamabuting paliwanag ng pagkakaisa?

a)

Pagtutulungan ng bawat isa upang makamit ang iisang layunin

b)

Pagbibigay-galang sa nakatatanda

c)

Pagpapanatili ng kalinisan sa bahay

d)

Pagsama-sama para maglaro

16.

Kapag ang isang bata ay tumulong sa batang nahulog ang gamit, Ipinapakita niya ang:

a)

Kasipigan

b)

Disiplina

c)

Paggalang

d)

Pagiging matulungin

17.

Ang paggamit ng "po" at "opo" sa pakikipag-usap ay tanda ng paggalang sa mga:

a)

Kabataan lang

b)

Mga guro lang

c)

Dalaga at binata lang

d)

Matatanda o may edad na

18.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na ugnayan? Ang pagiging matulungin ay naiuugnay sa:

a)

Pagmamahal sa bayan

b)

Bayanihan

c)

Respeto

d)

Disiplina

19.

Alin ang wastong pag-uugnay ng sariling katangian at kaisipan ng pagka-Pilipino?

a)

Ang pagkamasayahin ay para sa disiplina

b)

Ang pagiging magalang ay para sa respeto

c)

Ang pagiging makulit ay para sa bayanihan

d)

Ang pagiging tamad ay para sa nasyonalismo

20.

Ang pagtutulungan ng mga kapitbahay sa paglilinis ng kanal ay nagpapakita ng:

a)

respeto

b)

kasipagan

c)

bayanihan

d)

pagmamahal sa bayan

21.

Ang "Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting" ay nangangahulugang _______

a)

Ang Pilipinas ay tirahan ng matatapang at matutuwid

b)

Marami ang likas na yaman ng bansa.

c)

Mataas ang populasyon ng Pilipinas.

d)

Maraming tradisyon ang Pilipino.

22.

Ano ang pinahihiwatig ng linyang "Sa manlulupig, di ka pasisiil"?

a)

Katapangan at hindi pagpapasakop sa sinumang mananakop.

b)

Kahandaan ng Pilipinas na makipagkaibigan.

c)

Pagiging masunurin ng bansa sa ibang lahi.

d)

Pag-iwas sa anumang tunggalian.

23.

Ang linyang "Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan" ay nangangahulugang ___________.

a)

Mas mahal ang ibang bansa kaysa sa Pilipinas

b)

Hindi mahalaga ang pagkakaroon ng sariling bansa

c)

Pinipili lamang mahalin ang bansa kapag may okasyon

d)

May malaking pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling bayan

24.

Ano ang ipinahihiwatig ng "Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang"?

a)

Hindi pagsunod sa nakatatanda

b)

Pagbibigay-galang at paggalang sa kanilang aral at gabay

c)

Pagwawalang-bahala sa paalala

d)

Pagtatalo sa mga magulang

25.

Bakit mahalaga ang paggalang sa pambansang awit?

a)

Para mas mabilis matapos ang Flag Ceremony

b)

Para ipakita ang pagmamahal sa bansa

c)

Para makipaglaro sa mga kaklase

d)

Para umalis agad sa linya

26.

Ano ang aral na ibinigay ng Panatang Makabayan sa mga bata?

a)

Maging makasarili

b)

Kalimutan ang bayan

c)

Mahalin at igalang ang Pilipinas

d)

Gumawa ng gulo kapag binibigkas ito

27.

Alin sa mga ito ang ipinapangako sa Pantang Makabayan?

a)

Maging tamad sa lahat ng oras

b)

Sumunod sa batas

c)

Manira ng gamit

d)

Maging tamad

28.

Bakit mahalaga ang pakikinig sa mga kwento at alamat mula sa matatanda?

a)

Para matutunan ang kultura at tradisyon

b)

Para makalimot sa takdang-aralin

c)

Para madaling makatulong

d)

Para tumawa

29.

Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang kultura gaya ng pagiging mainit sa pagtanggap ng mga bisita. Ito ay dahil _______

a)

Sila ay mapagpatuloy at magiliw

b)

Sa gusto nila ng maraming bisita

c)

Mahilig silang magluto

d)

Gustong magpasikat

30.

Bakit mahalaga ang pagsusuot ng tradisyonal na kasuotan sa mga okasyon?

a)

Para ikahiya ang kagandahan ng kultura at tradisyon

b)

Para ipakita ang kagandahan ng kultura at tradisyon

c)

Para itago ang kagandahan ng kultura at tradisyon

d)

Para ipagyabang ang kagandahan ng kultura at tradisyon