NEW
Font size
WorksheetsVAED REVIEWER
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Bakit mahalaga ang pagiging totoo sa bawat ugnayan ng tao?
A. Para maging modelo sa paaralan sa paggawa ng mabuti.
B. Pagkakaroon ng pagkakaunawaan at respeto sa bawat isa.
C. Upang hindi mapagalitan ng magulang sa anomang pagkakamali.
D. Nagdudulot ng maraming kaibigan sa pamamagitan ng pakikipagkapuwa
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging totoo sa salita at gawa?
A. Pagiging bukas at tapat sa iyong nararamdaman at iniisip.
B. Maingat sa pagbabahagi ng iyong opinyon sa anomang usapin.
C. Pagpapanggap na iba upang tanggapin ng mga taong nakasasalamuha.
D. Manatiling tahimik na lamang upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.
Ano ang maaaring maging positibong bunga ng pagiging tapat?
A. Matibay na relasyon at tiwala sa isa't isa
B. Maraming kasundo dahil sa katotohanan.
C. Kinagigiliwan ng marami dahil sa pagiging direkta.
D. Mabuting samahan at nagbibigay ng lakas ng loob.
Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong pangunahing tungkulin na dapat tuparin?
A. Pagkamit ng matataas na marka sa lahat ng asignatura.
B. Pagpapanatili ng magandang reputasyon sa kapuwa mag-aaral.
C. Paglahok sa mga gawaing nagpapayaman ng kaalaman at kasanayan.
D. Pagiging magalang at masunurin sa lahat ng payo ng mga guro at
magulang.
Bilang isang mamamayan, ano ang iyong pangunahing tungkulin upang makatulong sa pagbuo ng matapat na lipunan?
A. Paglahok sa lahat ng social gatherings sa komunidad.
B. Pagsuporta sa lahat ng mga proyekto ng pamahalaan.
C. Pagiging aktibo online tungkol sa mga usaping politika.
D. Pagsunod sa mga batas at pagbabayad ng tamang buwis.
Si Mang Tony, isang opisyal ng barangay ay nangakong aayusin ang kalsada sa kanilang lugar. Ginawa niya ito sa loob ng itinakdang panahon. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Mang Tony?
A. Maasikaso sa kaniyang napiling tungkulin.
B. Mataas ang pangarap para sa susunod na halalan.
C. Mapagkatitiwalaan sa pagbibigay serbisyo sa publiko.
D. Responsible at masipag sa paghahanap ng gagamiting pondo.
7. Ano ang maaaring maging positibong resulta ng pagiging matapat ng mga mamamayan sa kanilang komunidad?
A. Pagiging popular sa mga lokal na kaganapan.
B. Pag-iwas sa mga responsibilidad sa komunidad.
C. Pagpapalakas ng integridad ng mga institusyon at serbisyo.
D. Pagkakaroon ng higit na maraming tagasunod sa social media.
8. Bakit mahalaga ang pagtutugma ng salita at kilos sa pakikipagkapuwa?
A. Makilala at maging katanggap-tanggap sa lahat.
B. Magkaroon ng maraming kaibigan at tagasunod.
C. Maging makabuluhan ang relasyon na may pagtitiwala.
D. Maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan at kaguluhan.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pinakamabisang pagtugon sa hindi pagkakaunawaan?
A. Pagpapakita ng pagwawalang-bahala upang hindi lumaki ang isyu.
B. Pag-unawa sa pinagmulan ng kanilang damdamin at perspektiba.
C. Pagbibigay-diin sa pagkakaiba ng inyong paniniwala upang magkaroon ng
linaw.
D. Pagpapahayag ng opinyon nang may diin upang maipakita ang iyong
katatagan.
Bakit itinuturing na mahalaga ang pagpapanatili ng kalmado sa gitna ng hindi pagkakasundo?
A. Nagbibigay pagkakataon upang suriin ang situwasiyon nang walang
kinikilingan.
B. Nagpapakita ito ng pagkontrol sa emosyon at aksiyon ng isang tao sa sitwasyon.
C. Nakatutulong ito upang mapanatili ang kanilang magandang kalusugan at ayos ng sarili.
D. Nagiging gabay upang magkaroon ng maraming kaibigan upang masolusyonan ang problema.
11. Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagpapatawad sa proseso ng paglutas ng alitan?
A. Nagpapagaan ito ng iyong sariling konsensya.
B. Nagpapakita ito ng iyong pagiging superyor sa situwasiyon.
C. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa paghilom at pagpapatuloy.
D. Nagtuturo ito ng leksyon sa iyong kapuwa tungkol sa responsibilidad.
12. Paano mo ipahahayag ang iyong hindi pagsang-ayon sa bagong ordinansa ng lokal na pamahalaan tungkol sa curfew ng mga menor de-edad sa mga may awtoridad nang may kahinahunan?
A. Ipagsawalang bahala ang mga ordinansa upang maipakita ang iyong pagtutol.
B. Ipalaganap sa social media iba pang epektibong ordinansa na makatutulong sa mga kabataan.
C. Sumulat ng pormal na liham sa lokal na pamahalaan na nagpapaliwanag ng iyong mga alalahanin at nagmumungkahi ng alternatibo.
D. Mag-organisa ng protesta sa kalye at magbigay ng ibang ordinansya sa ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na kapaki-pakinabang para sa lahat.
Ibinalik ng iyong kaibigan ang iyong paboritong aklat na may punit na pahina. Ano ang nararapat mong isakilos sa situwasyon para maisalba ang inyong pagkakaibigan?
A. Magalit sa iyong kaibigan at singilin siya para sa pagkasira ng libro.
B. Ipahayag ang iyong pagkadismaya nang mahinahon, at tanungin kung paano ito nangyari.
C. Ipagkalat sa iba pang mga kaibigan ang kaniyang kapabayaan upang malaman nito na galit ka.
D. Patawarin na lamang ang kaibigan sa nagawa upang hindi masira ang inyong pinagsamahan.
Bakit kailangang pag-aralan ang mga paraan sa pagharap sa hindi pagkakaunawaan ng iyong kapuwa?
A. Maging popular at respetado sa iyong komunidad.
B. Magkaroon ng maraming kaibigan at mga kakilala.
C. Lumalalim at maging makabuluhan ang koneksyon sa iba.
D. Madaling makakamit ang iyong mga personal na layunin sa kapuwa.
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong kapuwa kahit hindi kayo magkasundo?
A. Pagbibigay-puwang sa kanilang mga ideya nang walang paghusga.
B. Pagtatanong tungkol sa kanilang mga motibo tungkol sa usapin at intensyon.
C. Pag-iwas sa anumang paksa na maaaring pagmulan ng hindi pagkakasundo.
D. Pagpapakita ng interes sa kanilang personal na buhay na dahilan ng hindi pagkakaunawaan.
Sa talakayan tungkol sa seksuwalidad, may kaklase kang nagsabing pribado ito, at may isa pang nagsabing dapat itong pag-usapan. Ano ang pinakamainam na hakbang para magkaroon ng pantay na pananaw sa seksuwalidad?
A. Paliwanagan ang may ibang pananaw.
B. Pilitin ang lahat na maniwala sa iyong pananaw.
C. Tanungin nang magalang ang bawat isa tungkol sa kanilang dahilan at karanasan.
D. Iwasan na lang pag-usapan upang hindi magkaroon ng alitan at maiwasan ang tampuhan.
May kaibigan ka na nag-aalinlangan sa sarili dahil sa kaniyang seksuwal na identidad. Ano ang pinakamabisang aksyon upang ipakita ang pagrespeto?
A. Unawain at igalang ang situwasyon ng kaibigan.
B. Magbigay ng mga paalala at payo kahit hindi niya hiniling.
C. Makinig nang walang paghuhusga bilang pagsuporta at pag-unawa sa situwasyon.
D. Sabihing malalampasan niya ito nang walang pag-aalinlangan at may paggalang
18. Ano ang pinakamahusay na paraan para turuan ang bagong miyembro ng grupo tungkol sa pagpapakita ng paggalang sa seksuwalidad ng kapuwa?
A. Isaisip at isabuhay ang mga payo ng magulang.
B. Deretsuhin siya kapag nagkamali at para maitama ang mali at matuto siya agad.
C. Magpakita ng respeto at magbigay ng pagkakataon na magtanong sa isang ligtas na kapaligiran.
D. Ibigay ang mahigpit na listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin nang walang diskusyon sa miyembro.
19. Ito ay halimbawa ng positibong interaksyon tungkol sa seksuwalidad?
A. Pakikinig nang may empatiya at paggalang.
B. Pagpapalaganap ng natutunan sa eskwelahan.
C. Pagsang-ayon kapag pareho ang opinion ng isat-isa
D. Pagbabasa ng mensahe ng karelasyon nang meron pahintulot.
20. Paano makatutulong ang edukasyon tungkol sa seksuwalidad sa pagpapanatili ng positibong pag-iisip?
A. Nagdudulot ito ng kalinawan ng isip tungkol sa sekswalidad.
B. Nagtuturo na tanggapin ang ibang tao ayon sa paniniwala at nakasanayan.
C. Nagpapalawak ng tamang impormasyon at nagbabawas ng maling akala.
D. Pinalalaganap ang impormasyon sa komunidad na nagbibigay ng kalinawan ng isip
21. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng isang epektibong paraan para mapanatili ang positibong pag-iisip tungkol sa sariling seksuwalidad?
A. Mag-aral tungkol sa seksuwalidad.
B. Magpraktis ng positibong self-talk at regular na self-care.
C. Magbahagi agad ng lahat ng personal na detalye sa social media.
D. Ilabas ang damdamin at palaging gawing usapan ang tungkol sa seksuwalidad.
22. Bilang isang kaibigan na naghahangad na panatilihin ang positibong pag-iisip tungkol sa seksuwalidad ng sarili at kapuwa, ano ang pinakamabisang hakbang na maaaring gawin upang tugunan ang situwasiyon at bakit?
A. Magbahagi ng mga paraan sa tamang pakikipagkapuwa-tao sa iba.
B. Hayaan na lamang na mawala ang usapan dahil baka lumala ang sitwasyon.
C. Maingat na harapin ang nagpapatawa, ipaliwanag kung bakit nakasasakit ang biro.
D. I-post ang insidente sa social media upang malaman na hindi tama ang nagpapatawa.
23. Ano ang dapat gawin kung may hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba ng paniniwala?
A. Iwasan ang pag-uusap para hindi lumala ang hidwaan.
B. Magsimula ng pagtatalo upang patunayan na ikaw ang tama.
C. Makinig nang mabuti sa kanilang paliwanag at subukang intindihin sila.
D. Hanapin ang pagkakapareho sa ideya sa halip na pagkakaiba at iyon ang sundin.
24. Paano nakatutulong ang maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng relihiyon sa lipunan?
A. Nagdudulot ito ng alitan at sigalot.
B. Nagpapatibay ito ng pagkakaibigan at kapayapaan.
C. Pinipilit ang lahat na sumunod sa kanilang paniniwala.
D. Nagtatatag ito ng pagkakaisa at kapayapaan sa iilang ta
25. Ano ang pinakamabisang paraan upang mapanatili ang mapayapang relasyon sa mga taong may iba’t ibang paniniwala?
A. Pilitin ang lahat na magkaisa sa iisang paniniwala.
B. Iwasan ang taong may ibang relihiyon dahil nagiging daan ito para magkaroon ng pagtatalo.
C. Sumunod na lamang dahil nakapagpapalakas ito ng pagkakaunawaan at respeto sa iba.
D. Makinig at ipakita ang paggalang sa kanilang paniniwala kahit na hindi kayo magkapareho.
