wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Page 1

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Nabalitaan mong may dayuhang kompanya na nagnanais magmina sa isang bundok na sagrado sa mga katutubo at mahalaga sa kalikasan. Bilang isang Pilipino, ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

Manahimik dahil desisyon ito ng gobyerno

b)

Suportahan agad ang proyekto dahil may kikitain

c)

Makilahok sa mapayapang panawagan upang ipagtanggol ang kalikasan

d)

Ipagwalang-bahala ang isyu

2.

Nakita mo sa balita na may ahensiya ng gobyerno na mabilis tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Ano ang nararapat mong saloobin?

a)

Negatibo dahil may kakulangan pa rin

b)

Positibo dahil ginampanan nila ang kanilang tungkulin

c)

Walang pakialam

d)

Galit dahil kulang ang tulong

3.

May kaibigan kang nag-post sa social media ng maling impormasyon laban sa isang ahensiya ng gobyerno. Ano ang tamang gawin?

a)

Sumang-ayon agad sa post

b)

Ibahagi pa ang post

c)

Ipaliwanag nang maayos ang tamang impormasyon

d)

Makipag-away sa comment section

4.

Bakit mahalagang ipagtanggol ng mga Pilipino ang pambansang interes?

a)

Para sumunod lamang sa utos

b)

Para maprotektahan ang yaman at karapatan ng bansa

c)

Para makilala sa ibang bansa

d)

Para maiwasan ang responsibilidad

5.

Ano ang layunin ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas?

a)

Magbigay ng edukasyon

b)

Magpatayo ng mga gusali

c)

Magbigay ng trabaho

d)

Tiyakin ang kapayapaan at seguridad

6.

Sino ang kasalukuyang Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas?

a)

Ferdinand Marcos Sr.

b)

Rodrigo Duterte

c)

Bongbong Marcos

d)

Leni Robredo

7.

Ano ang pangunahing tungkulin ng Hukbong Katihan?

a)

Magpatrolya sa mga karagatan

b)

Magbigay ng tulong sa mga tao

c)

Ipagtanggol ang bansa sa digmaan

8.

Ano ang ahensiyang nangangalaga sa kapayapaan at kaayusan sa lokal na pamahalaan?

a)

Kagawaran ng Kapaligiran

b)

Kagawaran ng Hustisya

c)

Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal

d)

Kagawaran ng Uganayang Panlabas

9.

Ano ang tungkulin ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan?

a)

Magtayo ng mga paaralan

b)

Magturo ng mga aralin

c)

Magbigay ng pagkain

d)

Mangalaga sa mga likas na yaman

10.

Bakit mahalaga ang pangangalaga sa teritoryo ng bansa?

a)

Upang magbigay ng pagkain

b)

Upang magtayo ng mga paaralan

c)

Upang masakop ng ibang bansa

d)

Upang mapakinabangan ang likas na yaman