NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsESP 10 3rd Summative Test SY 2025-2026
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Name
Class
Date
1.
Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang
a)
kawangis ng Diyos
b)
kamukha ng Diyos
c)
kamanlilikha ng Diyos
d)
katuwang ng Diyos
2.
Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang
katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay:
a)
higit na mabuti ang magpakatotoo ka.
b)
ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para
sa kanya.
c)
ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto.
d)
marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba.
3.
Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang
a)
kasipagan.
b)
katalinuhan.
c)
kabutihan.
d)
kagandahan.
4.
Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia?
“Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay
ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.”
a)
Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.
b)
Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo
sa Kanya.
c)
Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
d)
Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito.
5.
Ano ang kahulugan ng pahayag?
Ang mga biyayang bigay ng Diyos
ay isang paraan ng pasasalamat sa Kanya.
a)
Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.
b)
Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
c)
Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay.
d)
Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-
unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.
6.
TAMA o MALI: Walang dapat asahan ang tao kung hindi ang kanyang sarili upang
umunlad sa buhay.
a)
TAMA
b)
MALI
7.
TAMA o MALI: Ang guhit ng tadhana ang dapat maging pamantayan ng tao sa
pagharap sa buhay.
a)
TAMA
b)
MALI
8.
TAMA o MALI: Pananalig sa Diyos ang kalasag ng tao sa mga hamon ng pang-araw-
araw ng pamumuhay.
a)
TAMA
b)
MALI
9.
TAMA o MALI: Katangi-tanging pagpapahalaga ng mga Pilipino ang pananalig
sa Diyos.
a)
TAMA
b)
MALI
10.
TAMA o MALI: Kapag may pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangan ng taong
kumilos at magtrabaho pa.
a)
TAMA
b)
MALI
11.
TAMA o MALI: Nakikipag-usap ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagtulong sa
mga nangangailangan.
a)
TAMA
b)
MALI
12.
TAMA o MALI: Ang pagbabasa ng Banal na Aklat o Koran ng relihiyong
kinabibilangan ay nagsisilbing gabay sa buhay.
a)
TAMA
b)
MALI
13.
TAMA o MALI: Puno ng pag-asa ang mga taong may mahinang pananampalataya.
a)
TAMA
b)
MALI
14.
TAMA o MALI: Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at
nahahawakan.
a)
TAMA
b)
MALI
15.
TAMA o MALI: Walang pinipiling kalagayan sa buhay ang pagkakaroon ng
matatag ng buhay ispiritwal.
a)
TAMA
b)
MALI
16.
“Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa
kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay______.
a)
Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
b)
Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsisisimba.
c)
Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting
ugnayan sa Kaniya.
d)
Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos
kung minamahal din ang kapwa.
17.
Araw-araw ay nagsisimba si Aling Jomalyn at hindi nakalilimot na
magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit
ganito, malupit si Aling Jomalyn sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan
niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Jomalyn ng
kaniyang pananampalataya?
a)
Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
b)
Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng
Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
c)
Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
d)
Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
18.
Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng baha. Wala silang
matutuluyan dahil naanod nang baha ang kanilang bahay. Ano ang dapat
mong gawin?
a)
Sasabihin ko na masikip na ang aming bahay.
b)
Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
c)
Tatanggapin sila ng maayos.
d)
Hindi sila papansinin.
19.
Mayroon kayong bagong kaklase mula sa isang malayong lugar, lagi siyang
nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
a)
Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
b)
Lalayuan ko siya at hindi kakausapin.
c)
Hindi ko siya papansinin.
d)
Sasabihan ko siya na bumalik na sa lugar nila.
20.
Alin ang wastong pag-uugali sa pakikitungo sa kasambahay o katulong?
a)
Mag-utos ng sunud-sunod dito.
b)
Sigawan at palaging pagalitan.
c)
Magsumbong sa mga magulang ng hindi totoo tungkol dito.
d)
Mahalin at igalang din sila.
21.
Ang marapat na pakikitungo sa kapuwa ay ________
a)
nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b)
nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c)
pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
d)
pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
22.
Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa _______________.
a)
kakayahan ng taong umunawa
b)
pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c)
espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d)
pagtulong at pakikiramay sa kapwa
23.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal
sa kapwa?
a)
“Bakit ba nahuli ka na naman?”
b)
“Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana kasi umalis ka ng
bahay nang mas maaga.”
c)
“Sana sa susunod hindi ka na mahuli sa usapan natin.”
d)
“Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
24.
Ang pagmamahal sa kapwa ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang
pagmamahal at ___________________.
a)
pagiging matagumpay
b)
relasyon sa kanyang kumunidad
c)
pananampalataya sa Diyos
d)
pagkakaroon ng samahan
25.
Sa ________________, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan
sa taong iyong minamahal.
a)
pananampalataya
b)
pagtulong
c)
pagsisikap
d)
pagmamahal
26.
Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat
Pilipino, maliban sa
a)
Paggalang
b)
Kapayapaan
c)
Pagmamahal sa sarili
d)
Katarungan
27.
Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagmamahal
sa bayan?
a)
Mangopya at magpakopya para sa mga kaibigan.
b)
Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura
kahit saan.
c)
Iwasan ang anumang gawain na nakakapagod para maglibang.
d)
Bumili ng produktong peke o smuggled.
28.
Ito ay pagpapakilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay
ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng
bawat mamamayan.
a)
Pagsunod sa Batas
b)
Pagsunod sa Tao
c)
Batas Moral
d)
Makatarungang Batas
29.
Paano napalalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?
a)
Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema
ng bayan.
b)
Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan
at kaalaman.
c)
Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa,
magtulungan, at magdamayan.
d)
Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas
mabuting pamumuno.
30.
Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad
ng isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a)
Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
b)
Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c)
Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d)
Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.
31.
Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang
buong husay at may pagmamahal ay nagpapakita ng
a)
Katatagan at kasipagan
b)
Kabayanihan at katapangan
c)
Kasipagan
d)
Kaayusan
32.
“Ang _____________ ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan
na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-
ambag sa kabutihang panlahat.”
a)
Kasipagan
b)
Dignidad
c)
Pagmamahal sa bayan
d)
Integridad
33.
Ano ang pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon?
a)
Paggalang
b)
Dignidad
c)
Pagmamahal sa bayan
d)
Integridad
34.
Ano ang elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat, naipakikita
kapag ang karapatan ng isang mamamayan ay hindi natatapakan at
naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan ang
dignidad niya bilang tao?
a)
Paggalang
b)
Dignidad
c)
Pagmamahal sa bayan
d)
Integridad
35.
Alin ang hindi angkop na kilos ng isang nagmamahal sa bayan?
a)
Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng
pagkakataon.
b)
Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c)
Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sarili.
d)
Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
36.
Tayo ay iminumulat tungkol sa mga natatanging kaganapan sa __________
ng ating bansa.
a)
tradisyon
b)
kahalagahan
c)
kasaysayan
d)
nasyonalismo
37.
Ipinakilala rin nila sa atin ang ilan sa mga mayayamang kultura,
__________, mga paniniwala at sining.
a)
tradisyon
b)
kahalagahan
c)
kasaysayan
d)
nasyonalismo
38.
Nakakalimutan na kaya ng ilan sa atin ang __________ng pagmamahal
sa bayan?
a)
tradisyon
b)
kahalagahan
c)
kasaysayan
d)
nasyonalismo
39.
Sa asignatura na lamang ba tayo napaaalalahanan tungkol sa totoong ibig
sabihin ng __________ at pagiging maka-bayan?
a)
tradisyon
b)
kahalagahan
c)
kasaysayan
d)
nasyonalismo
40.
Siya, bukod sa ating sariling mga pamilya ang __________ sa ating pagkatao.
a)
kabuluhan
b)
likas na yaman
c)
pananagutan
d)
sumasalamin
41.
Bawat isa sa atin ay may __________ o responsibilidad na dapat tandaan
a)
kabuluhan
b)
likas na yaman
c)
pananagutan
d)
sumasalamin
42.
Hitik siya sa mga __________ at napakabuluhan ng kanyang kasaysayan at
pinagdaanan.
a)
kabuluhan
b)
likas na yaman
c)
pananagutan
d)
sumasalamin
43.
Kung walang pagmamahal, walang saysay o __________ ang pagkakaibigan.
a)
kabuluhan
b)
likas na yaman
c)
pananagutan
d)
sumasalamin
44.
Ito ay parang _______ lamang o pagpapakitang-tao habang kasama ang iba.
a)
sense of belongingness
b)
pagbabalat-kayo
c)
pakikisalamuha
d)
mithiin
45.
Mararamdaman pa rin natin ang __________; na ang bawat isa sa atin ay
mahalagang bahagi na bumubuo sa pamilya.
a)
sense of belongingness
b)
pagbabalat-kayo
c)
pakikisalamuha
d)
mithiin
46.
Ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa bawat isa.
a)
bahay
b)
buhay
c)
ari-arian
d)
magulang
47.
May malaking impluwensiya sa bawat kilos at desisyon na isinasagawa sa
pang araw-araw na buhay.
a)
katalinuhan, pag-ibig, kalayaan
b)
kalayaan, pamilya, isip
c)
isip, kilos-loob, kalayaan
d)
isip, problema, desisyon
48.
Ito ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng isa o higit pang
mga panig o posiyon na magkasalungat at nangangailangan ng mapanuring
pag-aaral upang malutas.
a)
mga balita sa kasalukuyan
b)
personal na problema
c)
isyu ng buhay
d)
kuro-kuro o opinyon
49.
Ito ay itinuturing na banal at sagrado.
a)
buhay
b)
pamilya
c)
lipunan
d)
simbahan
50.
Ito ay mga epekto ng paggamit ng droga maliban sa isa.
a)
pagkasira sa kinabuksan
b)
paggawa at pagtaas ng krimen
c)
nagpapahina sa tao
d)
nagdudulot ng tagumpay sa buhay ng tao
Reset
