NEW
Font size
WorksheetsReview for AP 7
Total questions: 14
Worksheet time: 6mins
Ano ang tawag sa konsentrasyon ng kapangyarihan at impluwensya sa kamay ng iilang mayayaman at may pinag-aralan sa kabila ng sistemang demokratiko?
Komunismo
Demokratikong Elitismo
Neokolonyalismo
Totalitarianismo
Kailan idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas?
Pebrero 7, 1986
Marso 29, 1969
Septyembre 21, 1972
Hunyo 12, 1898
Anong mapayapang rebolusyon ang nagtapos sa rehimeng diktadura ni Marcos noong 1986?
Battle of Manila
EDSA People Power Revolution
Moro Separatist Movemen
Sigaw ng Pugad Lawin
Ano ang tawag sa pagkakaloob ng pabor ng isang maimpluwensyang politiko sa kaniyang kamag-anak?
Cronyism
Active Bribery
Nepotismo
Patronage
Ito ay tumutukoy sa pagsasamantala ng isang makapangyarihang bansa sa isa pang bansa upang mapanatili ang mga kapakinabangan nito.
Imperyalismo
Neokolonyalismo
Kolonyalismo
Globalisasyon
Ano ang layunin ng Moro National Liberation Front (MNLF) nang itatag ito noong 1972?
Makapagtatag ng estadong komunista
Makapagtatag ng malayang estadong Islamic.
Mapabagsak ang rehimeng Espanyol
Maging bahagi ng Estados Unidos
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng "Cronyism"?
Pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak sa gobyerno
Paghirang sa mga malalapit na kaibigan sa mahahalagang posisyon sa negosyo o gobyerno kapalit ng suporta.
Pagkuha ng porsyento o "kickback" mula sa mga proyekto ng bayan.
Panunuhol sa mga opisyal upang mapabilis ang isang transaksyon.
Ang pamilya nina Mayor, Vice-Mayor, at ang Board Member ng isang lalawigan ay magkakapamilya sa loob ng 20 taon. Dahil sa kanilang yaman at impluwensya, tila sila lamang ang may kakayahang manalo sa bawat eleksyon, na nagreresulta sa konsentrasyon ng kapangyarihan sa iisang pamilya lamang.
Hamong Politikal
Hamon ng Malawakang Katiwalian
Hamong Pang-ekonomiya
Hamon ng Neokolonyalismo
Hamon ng Diktadura
Noong 1972, sinuspinde ang writ of habeas corpus at ipinasara ang mga istasyon ng radyo at telebisyon na bumabatikos sa pamahalaan. Ang lahat ng sangay ng gobyerno ay nasa ilalim ng direktang kontrol ng Pangulo, at ang mga lumalaban ay ipinakukulong nang walang warrant.
Hamong Politikal
Hamon ng Malawakang Katiwalian
Hamong Pang-ekonomiya
Hamon ng Neokolonyalismo
Hamon ng Diktadura
Isang opisyal ng gobyerno ang tumanggap ng "grease money" o padulas mula sa isang dayuhang kumpanya upang mapadali ang pagpapalabas ng permit para sa isang proyektong makakasama sa kalikasan. Bukod dito, napatunayang may mga "ghost employees" sa kaniyang opisina na tumatanggap ng sweldo mula sa kaban ng bayan.
Hamong Politikal
Hamon ng Malawakang Katiwalian
Hamong Pang-ekonomiya
Hamon ng Neokolonyalismo
Hamon ng Diktadura
Ang Pilipinas ay nangutang ng malaking halaga sa International Monetary Fund (IMF). Bilang kapalit, pinilit ang bansa na buksan ang merkado sa mga imported na produkto kahit ito ay ikinalulugi ng mga lokal na magsasaka, at pinayagan ang pananatili ng mga dayuhang base militar sa bansa.
Hamong Politikal
Hamon ng Malawakang Katiwalian
Hamong Pang-ekonomiya
Hamon ng Neokolonyalismo
Hamon ng Diktadura
Ang mga katutubong pangkat sa Mindanao ay nakararanas ng diskriminasyon at unti-unting nawawalan ng karapatan sa kanilang lupang ninuno dahil sa pagpasok ng mga malalaking kumpanya ng pagmimina na hindi kumikilala sa kanilang tradisyon at kultura.
Hamong Politikal
Hamon ng Malawakang Katiwalian
Hamon ng Neokolonyalismo
Hamong Pangkultura at Panlipunan
Hamong Pang-ekonomiya
Ang mga katutubong pangkat sa Mindanao ay nakararanas ng diskriminasyon at unti-unting nawawalan ng karapatan sa kanilang lupang ninuno dahil sa pagpasok ng mga malalaking kumpanya ng pagmimina na hindi kumikilala sa kanilang tradisyon at kultura.
Hamong Politikal
Hamon ng Malawakang Katiwalian
Hamon ng Neokolonyalismo
Hamong Pangkultura at Panlipunan
Hamong Pang-ekonomiya
Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari:
1. Pormal na pagkilala sa kasarinlan ng Pilipinas (July 4, 1946).
2. Pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth (Batas Tydings-McDuffie).
3. Pananakop ng mga Hapones at paglaban ng mga gerilya.
4. Pagbabalik ng demokrasya sa pamamagitan ng EDSA People Power.
5. Deklarasyon ng Batas Militar sa ilalim ni Ferdinand Marcos.
1-2-3-4-5
2-3-1-5-4
2-1-4-3-5
1-2-4-5-3
