wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP7 Q3

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang tumutugon sa matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling bansa?

a)

Imperyalismo

b)

Nasyonalismo

c)

Kolonyalismo

d)

Neokolonyalismo

2.

Alin sa sumusunod ang tumutugon sa kondisyon ng isang estado,bansa o nasyon na pinamamahalaan ang sarili at Malaya sa anumang impluwensya o panghihimasok mula sa labas ng bansa?

a)

Bansang-Estado

b)

Kasarinlan

c)

Ethnocentrism

d)

Pagkabansa

3.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagmamahal at katapatan ng isang indibidwal sa bansang pinagmulan nang hindi pinagiisipang nakakihiit ito sa ibang bansa?

a)

Kasarinlan

b)

Nasyonalismo

c)

Pagkabansa

d)

Partyriotismo

4.

Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?

a)

Pagtangkilik sa sariling produkto

b)

Pagpapatibay ng ugnayang panlabas

c)

Pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa

d)

Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa

5.

Ano ang natutunan ng mga mamamayan sa pag-usbong ng damdaming Nasyonalismo?

a)

Naging mapagmalasak sa kapwa

b)

Naging laging handa sa panganib

c)

Nakisalamuha sa mga mananakop

d)

Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin

6.

Paano mo maipapakita bilang mag-aaral ang iyong pagmamahal sa bayan bilang hakbang sa paglayaa?

a)

1 at 2

b)

2 at 4

c)

3 at 4

d)

1 at 4

7.

Ano ang mga pahayag ng mga Propagandista na humihingi ng panlipunan at pampolitikang pagbabago?

a)

Diaryong Tagalog

b)

Kalayaan

c)

Kartilla

d)

La Solidaridad

8.

Ano ang dahilan ng pagpunit ni Andres Bonifacio at ng mga Katipunero ng kanilang sedula?

a)

Hindi na nila ito kailangan at dapat nang palitan

b)

Upang maipakita na simula na ang pakikipaglaban

c)

Naglalaman ng listahan ng mga kalaban ng Katipunan

d)

Kasama ito sa mga dokumento ng Katipunan at ayaw ipasa sa iba

9.

Bakit ginusto ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling pamahalaan?

a)

Para mapaalis ang mga Amerikano

b)

Upang mapatunayan ang angking galing

c)

Dahil sakia ang mga Pilipino sa Kalayaan

d)

Upang mapaghandaan ang pamamalakad sa sariling bansa

10.

Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikang Pilipino ng 1896?

a)

Wala itong mahusay na pinuno

b)

Hindi malinaw ang layunin nito

c)

Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino

d)

Kaunti ang bilang mga mamamayang Pilipino

11.

Sino ang kinilalang “Father of the Nation, Father of Independence at Father of Tatmdaw o Hukbong Sandatahan” ng Myanmar?

a)

Aung San

b)

Saya San

c)

Sir Hubert Rance

d)

U Nu

12.

Ano ang pagkilos na ginawa ng bayani ng bansang Myanmar?

a)

Nakipaglaban si Ho Chi Minh sa mga Tsino at British

b)

Sinimulan ni Diponogerog ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Dutch

c)

Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang labanan ang mga Espanyol

d)

Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa British noong 1930-1932

13.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Java?

a)

Pagdami ng Negosyo

b)

Pagkakaroon ng maraming turista

c)

Pagkakaroon ng modernong teknolohiya

d)

Pag-usbong ng edukasyon at kamalayan

14.

Ano ang layunin ng “Sarekat Islam”?

a)

Pag-unlad ng teknolohiya

b)

Pagpapalaganap ng kultura

c)

Pagpapalaganap ng edukasyon

d)

Pagkakaroon ng repormang pangkapayapaan at pangkabuhayan

15.

Ano ang dalawang aspeto ng patakarang kolonyal ng mga Pranses na nagpaunlad ng nasyonalismong “Vietnamese”?

a)

Pagbibigay ng karapatang sibil at pagsasama sa edukasyon

b)

Pagbubukod sa edukasyon at pagbibigay ng karapatang sibil

c)

Kawalan ng karapatang sibil at pagbubukod sa modernisasyon ng ekonomiya

d)

Pagbibigay ng karapatang sibil at pagsasama sa modernisasyon ng ekonomiya

16.

Ano ang kasunduan na naghati sa Vietnam na Demilitarized Zone sa Hilaga at Timog Vietnam?

a)

Kasunduan sa Bandung

b)

Kasunduan sa Geneva

c)

Kasunduan sa Paris

d)

Kasunduan sa Versailles

17.

Kailan binitay ang “GOMBURZA”?

a)

Enero 20, 1870

b)

Pebrero 17, 1872

c)

Nobyembre 17,1869

d)

Setyembre 19, 1874

18.

Ano ang tawag sa masters o lider sa wikang Burmese?

a)

Lugi

b)

Pegu

c)

Sayagi

d)

Thakins

19.

Kailan opisyal na nakamit ng Myanmar ang kasarinlan mula sa Britanya?

a)

Agosto 15,1947

b)

Disyembre 25,1948

c)

Enero 4, 1948

d)

Pebrero 12, 1947

20.

Ano ang layunin ng Viet Nam Quoc Dan Dang?

a)

Pagtatatag ng pamahalaang komunista

b)

Pagbibigay ng karapatang sibil sa mga Vietnamese

c)

Pagsasama ng mga Vietnamese sa modernisasyon ng ekonomiya

d)

Pagtatatag ng pamahalaang republican democratic na hindi napanghimasukan ng mga dayuhan

21.

Ano ang ibig sabihin ng Budi Otomo?

a)

Dakilang Pag-asa

b)

Dakilang Pagkakaisa

c)

Dakilang Pagmamahal

d)

Dakilang Pagpupunyagi

22.

Anong hamon sa pagkabansa ang inilalarawan ng sitwasyon na ang isang opisyal ng pamahalaan ang gumamit ng pondo ng bayan para sa pansariling Negosyo?

a)

Cronyism

b)

Diktadura

c)

Korapsyon

d)

Nepotismo

23.

Ano ang bagong paraan ng kolonyalisasyon sa isinasagawa sa pamamagitan ng impluwensya o pagkontrol sa aspetong pampulitika,pang-ekonomiya,pangkultura,at kahit sa larangang pangmilitar ng isang mananakop na bansasa hindi maunlad na bansa.

a)

Benevolent Assimilation

b)

Colonial Mentality

c)

Labis na Pagdepende

d)

Neokolonyalismo

24.

Ano ang tawag sa pagkakaloob ng pabor ng isang politiko o kawani ng pamahalaan sa isang kaibigan o kasamahan?

a)

Cronyism

b)

Diktadura

c)

Korapsyon

d)

Nepotismo

25.

Ano ang ipinapakita kung ang pangulo ay nagtalaga ng ng kapatid at kamag-anak sa matataas na posisyon kahit may mas kwalipikado?

a)

Demokrasya

b)

Nasyonalismo

c)

Nepotismo

d)

Reporma

26.

Aling konsepto ang inilalapat ng sitwasyon kung ang isang negosyante ay patuloy na nakatatanggap ng malalaking kontrata dahil sa personal na ugnayan sa pangulo?

a)

Cronyism

b)

Kapitalismo

c)

Korapsyon

d)

Nepotismo

27.

Alin ang pinakamaainam na hakbang bilang responsableng mamamayan kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng Batas Militar at may nalabag na karapatang pantao?

a)

Tanggapin ang kalagayan

b)

Manahimik upang manatiling ligtas

c)

Suportahan ang pang-aabuso ng pamahalaan

d)

Makilahok sa mapayapang pagkilos at ipaglaban ang Karapatan

28.

Ano ang tumutukoy sa pang-aabuso ng kapangyarihan na ipinagkatiwala sa isang indibidwal para sa sariling kapakinabangan?

a)

Cronyism

b)

Diktadura

c)

Korapsyon

d)

Nepotismo

29.

Ano ang tawag sa sitwasyon kung saan ang iisang pamilya ay sunud-sunod o sabay-sabay na humahawak ng posisyon sa pamahalaan?

a)

Demokrasya

b)

Federalismo

c)

Nepotismo

d)

Political Dynasty

30.

Alin ang pinakanaainam na pasya upang matugunan ang negatibong epekto ng political dynasty kung ikaw ay isang botante?

a)

Iwasan ang pagboto

b)

Bomoto batay sa apelyido

c)

Tanggapin na lamang ang umiiral na sistema

d)

Surin ang plataporma, kakayahan at integridad ng kandidato

31.

Alin ang sumusunod ang pinakamalakas na argumento laban sa political dynasty bilang hamon sa pagkabansa?

a)

Pinapabilis nito ang paggawa ng desisyon

b)

Pinapalakas nito ang impluwensiya ng pamilya

c)

Pinananatili nito ang tradisyon ng pamumuno

d)

Pinahihina nito ang checks and balances sa pamahalaan

32.

Alin sa sumusunod ang pinakamalinaw na epekto ng korapsyon, nepotismo, at cronyism sa pagkabansa ng Pilipinas?

a)

Pag-unlad ng ekonomiya

b)

Pagkakaisa ng mamamayan

c)

Pagtaas ng disiplina sa lipunan

d)

Pagbaba ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan

33.

Sino ang pangulo na nagpatupad ng Batas Militar sa Pilipinas?

a)

Diosdado Macapagal

b)

Elpidio Quirino

c)

Ferdinand Marcos

d)

Ramon Magsaysay

34.

Ano ang pinakamahalagang epekto ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng diktadura sa pagkabansa ng Pilipinas?

a)

Lumakas ang kapangyarihan ng militar

b)

Bumilis ang pagpapatupad ng mga batas

c)

Naging mas disiplinado ang mamamayan

d)

Nahati at natakot ang mamamayan na makilahok sa pamahalaan

35.

Paano magkakaugnay ang korapsyon, nepotismo at diktadura bilang hamon sa pagkabansa?

a)

Lahat ay nagpapalakas ng demokrasya

b)

Lahat ay nagdulot ng agarang kaunlaran

c)

Lahat ay nakatuon sa aspeto ng ekonomiya lamang

d)

Lahat ay nagpapahina sa tiwala ng mamamayan at sa mga institusyon ng pamahalaan

36.

Alin sa sumusunod ang pinakanaaangkop na aral na maaaring makuha mula sa karanasan ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Mas epektibo ang pamahalaang may isang pinuno

b)

Hindi mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan

c)

Hindi maiiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan

d)

Mahalaga ang mabuting pamamahala, pananagutan at aktibong mamamayan

37.

Ano ang tumutukoy sa karapatan ng sinumang dinakip na sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis bago bigyan ng karampatang hatol ng hukuman?

a)

Writ of Amparo

b)

Writ of Execution

c)

Writ of Habeas Corpus

d)

Writ of Habeas Data

38.

Ano ang tawag sa pagbabago sa klima na nagdudulot ng malalang epekto sa kalikasan at pamumuhay ng tao?

a)

Climate Change

b)

Diskriminasyon

c)

Globalisasyon

d)

Migrasyon

39.

Alin sa sumusunod ang isang hamon na nararanasan ng mga pangkat-etniko sa Pilipinas?

a)

Pagtaas ng sahod

b)

Pag-usbong ng teknolohiya

c)

Pagkakaroon ng sapat na edukasyon

d)

Kakulangan sa karapatan at serbisyo mula sa pamahalaan

40.

Sino ang naging hari ng Cambodia noong 1993 matapos maibalik ang constitutional monarchy?

a)

LON NOL

b)

Norodom Sihamouk

c)

Pol Pot

d)

Prince Kanaridah

41.

Alin ang teorya na nag-aakalang ang pamahalaan, tulad ng demokrasya, ay pinamumunuan ng ilang mayayaman at hindi ng nakararami?

a)

Cronyism

b)

Demokrasyang Elit

c)

Diktadura

d)

Neokolonyalismo

42.

Ano ang tawag sa sistema kung saan ang isang politiko ay nagbibigay ng pabor, trabaho o tulong kapalit ng suporta ng mga tao?

a)

Demokrasya

b)

Federalismo

c)

Eleksyon

d)

Sistemang Patronage

43.

Anong patakaran ang bumagsak sa Thailand bunga ng paglaganap ng “patronage network at koneksyong political” sa bansa?

a)

Bureaucratic policy

b)

Meritocracy

c)

Soft Authoritarianism

d)

Thai Rak Thai

44.

Ilang bansa ang dumalo sa “Bandung Conference”?

a)

27

b)

28

c)

29

d)

30

45.

Anong organisasyon ang pinamunuan ni Pol Pot na nagtatag ng agrikultural at komunista lipunan sa Cambodia?

a)

Cambodian People’s Union

b)

French Indochinese Union

c)

Khmer Rouge

d)

National Unity Party

46.

Bakit nagtagumpay ang repormang pang-ekonomiya ng Vietnam?

a)

Ginamit nito ang alituntuning meritocracy sa bansa

b)

Naging export-oriented na sosyalista ang ekonomiya ng Vietnam

c)

Ipinagbawal ng bansa ang pagpasok ng anumang kalakal sa bansa

d)

Pinagbuklod-buklod nito ang mga Vietnamese sa pagpapaunlad ng industriyalisasyon

47.

Ano ang repormang pang-ekonomiya ang pinatupad ng Vietnam?

a)

Doi moi

b)

Khmer Rouge

c)

Nam theum

d)

Pathet Law

48.

Ano ang isang hamon sa pagkabansa ng Malaysia matapos ang Bandung Conference?

a)

Madalas na lindol

b)

Pagkawala ng mga isla

c)

Kakulangan sa turismo

d)

Alitang etniko at relihiyon

49.

Sino ang lider ng Indonesia na nagpatupad ng “guided democracy”?

a)

Rhman

b)

Rhazak

c)

Sukarno

d)

Suharto

50.

Ano ang dating bahagi ng Indonesia ang binigyan ng kalayaan noong 2002?

a)

Bandung

b)

Java

c)

Sumatra

d)

Timor Leste