WorksheetsUltimate Filipino G8 Q3 Exam
Total questions: 128
Worksheet time: 1hrs 6mins
Mula sa maiikling awitin ang _____ at haiku na puno ng damdamin. Ang bawat _____ ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Naging daan ang _____ upang magpahayag ng damdamin sa kasintahan o nagmamahalan. Kasabay nito, ginamit din ito sa paglalaro ng Aristocrats, kung saan bubuo o lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan ng ibang tao ng dalawang taludtod upang makumpleto ang tula.
TANKA
HAIKU
KIRU O WASTONG ANTALA
PAKSA: pagbabago, pag-iisa, at pag-ibig
TANKA
HAIKU
KIRU O WASTONG ANTALA
SUKAT: tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod
TANKA
HAIKU
KIRU O WASTONG ANTALA
Kasabay ng ika-15 siglo, nabuo ang bagong anyo ng tula ng mga Hapon na tinawag na _____. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang _____. Mahalaga ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto ang _____. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting.
TANKA
HAIKU
KIRU O WASTONG ANTALA
SUKAT: labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod
TANKA
HAIKU
KIRU O WASTONG ANTALA
Ang _____ ay kahawig ng Sesura sa ating panulaan, at ang Kireji naman ay salitang paghihintuan o cutting word. Ang kinalalagyan ng salitang paghintuan ay maaaring makapaghiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa susunod na berso. Mahalagang maunawaan ng babasa ng tanka at haiku ang kultura at gayundin ang paniniwala ng mga Hapones nang sa ganoon ay lubos na mahahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
TANKA
HAIKU
KIRU O WASTONG ANTALA
may limang taludtod
TANKA
HAIKU
Binubuo ng 31 pantig (5-7-5-7-7). Maaaring pagpalitpalitin ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
TANKA
HAIKU
Kinakailangan na magkakatulad ng tunog ang huling pantig ng salita sa bawat taludtod.
TANKA
HAIKU
Pumapaksa sa pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.
TANKA
HAIKU
hi-sa-ka-ta-no
hi-ka-ri-do-ke-ki
ha-ru-no-hi-ri
shi-zu-ko-ko-ro-na-ku
ha-na no chi-ru-ra-mu
This perfectly still
Spring day bathed in soft light
From the spread-out sky
Why do the cherry blossoms
So restlessly scatter down?
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway?
TANKA
HAIKU
may tatlong taludtod
TANKA
HAIKU
Ang unang taludtod ay may limang pantig, ikalawa ay may pito at ikatlo na may lima (5-7-5) o maaaring pagpalit-palitin ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Kinakailangan na magkakatulad ang tunog sa huling pantig ng salita sa bawat taludtod.
TANKA
HAIKU
Pumapaksa sa kalikasan at pag-ibig.
TANKA
HAIKU
ha-tsu shi-gu-re
sa-ru mo ko-mi-no-wo
ho-shi-ge na-ri
An old silent pond…
A frog jumps into the pond,
Splash! Silence again
Matandang sapa
Ang palaka’y tumalon
lumalagaslas
TANKA
HAIKU
Ang _____ ay hango sa salitang Griyego na drama na ang ibig sabihin ay gawin o ikilos. Ito ay isa uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto at maraming mga tagpo.
dula
tagpo
yugto
Ang _____ ay ang paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan.
dula
tagpo
yugto
Ang _____ naman ay mga pangyayari sa isang dula.
dula
tagpo
yugto
panahon at pook na pinangyarihan ng dula
TAGPUAN
TAUHAN
SULYAP SA SULIRANIN
mga nagsisikilos o nagbibigaybuhay sa isang dula
TAGPUAN
TAUHAN
SULYAP SA SULIRANIN
nagpapakita ng problema na haharapin ng pangunahing tauhan sa kuwento
TAGPUAN
TAUHAN
SULYAP SA SULIRANIN
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan na masasangkot sa suliranin
SAGLIT NA KASIGLAHAN
TUNGGALIAN
KAKALASAN
KALUTASAN
pakikipagsapalaran ng tauhan sa mga suliranin na kaniyang kahaharapin, ito ay maaaring sa kaniyang sarili, kapuwa, o sa kalikasan
SAGLIT NA KASIGLAHAN
TUNGGALIAN
KAKALASAN
KALUTASAN
pagtukoy sa solusyon kung paano malulutas ang suliranin
SAGLIT NA KASIGLAHAN
TUNGGALIAN
KAKALASAN
KALUTASAN
pagtatapos ng mga suliranin o tunggalian sa dula
SAGLIT NA KASIGLAHAN
TUNGGALIAN
KAKALASAN
KALUTASAN
Makikita rito ang naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin. Tulad ng ikaw ay nalungkot sa naging pagwawakas ng kuwento.
Bisang Pandamdamin
Bisang Pangkaisipan
Bisang Pangkaasalan
Ito ay nagbibigay ng iyong pananaw o ideya mula sa naging wakas ng kuwento. Ilan sa mga katanungan na kaugnay nito ay "Ano ang natutuhan mo sa nabasa?"
Bisang Pandamdamin
Bisang Pangkaisipan
Bisang Pangkaasalan
Ito tumutukoy sa gabay at natutuhan sa akda na wastong pag-uugali, moral, at asal kung ano ang tama at mali.
Bisang Pandamdamin
Bisang Pangkaisipan
Bisang Pangkaasalan
Ang _____ ay nagpapakita ng larawan ng buhay ng isang tao at hindi lamang ito isinusulat bagkus ito ay ipinapakita sa paraan ng pagtatanghal. May iba't ibang uri ng _____. Ito ay maaaring sa haba (isang yugto at tatlong yugto); maaaring ayon sa paksa (komedya-katawa-tawa, trahedyakalungkutan o kamatayan at katapusan, isang melodrama tungkol sa kalungkutan at paghihirap. At gayundin sa lugar na pinagtatanghalan (panlansangan-senakulo, tibag, at panunuluyan, maaari ding pangentablado, panradyo, pantelebisyon, at pampelikula).
dula
ISKRIP
PAGBUO NG ISKRIP
PREWRITING
WRITING
Isa sa pinakamahalagang sangkap ng dula ay ang _____. Ito ang magsisilbing batayan sa pagganap ng mga aktor sa dula. Napakahalaga ng t dahil ito ang pundasyon ng isang palabas o isang dula; ito ang nagsisilbing gabay rin sa direktor, editor, mga technician, at tagaayos ng musika. Ayon kay Sicat sa kaniyang sanaysay na Sa Pagsulat, nagsisimula ito sa mga ideya at imahinasyon na nabuo at pinagsama-sama upang lumitaw ang isang obra.
dula
ISKRIP
PAGBUO NG ISKRIP
PREWRITING
WRITING
Ngayon, kinakailangan ang masusing pag-aaral kung paano ang pagbuo at pagsulat ng isang iskrip. Kinakailangang maging malinaw ang plot o banghay, tauhan at magsisilbing tagpuan at isaalang-alang din ang mahahalagang kaisipan o mensahe na ihahatid sa mga manonood. Maaari din na tingnan ang mga paksa na nangyayari sa tunay na buhay ng isang tao upang maging patok sa manonood o tagapakinig.
dula
ISKRIP
PAGBUO NG ISKRIP
PREWRITING
WRITING
Ang _____ stage ay ang unang hakbang sa proseso ng pagsulat. Sa bahaging ito, ang manunulat ay nag-iisip, nagsasaliksik ng mga ideya, at nagpaplano. Dito binubuo ang konsepto ng kuwento, sino ang mga tauhan na gaganap, saan ang lugar na maaaring ipakita. Nakalahad din dito ang paksa ng iskrip, kung ito ba ay nakakatawa, nakakaiyak, o melodrama.
dula
ISKRIP
PAGBUO NG ISKRIP
PREWRITING
WRITING
Matapos ang prewriting stage, maaari nang simulan ang pagsulat na tinatawag na _____ stage. Ang manunulat ay nag-uumpisa nang sumulat ng kaniyang sentence outline o draft. Ang sentence outline ay isang de-numerong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa istoryang gagawin.
Halimbawa ng isang sentence outline:
1. Malakas at may angking kapangyarihan si Haring Fernando kaya nalampasan niya ang lahat ng pagsubok na ibinigay sa kaniya.
2. Nagpasiya si Maria na hanapin ang nawawalang singsing na pamana ng kaniyang ina.
3. Muling nagsilang ng kambal ang mag-asawang Maria at Ben.
Matapos ang pagbuo ng sentence outline, magtatalaga na ng mga tauhang magsasalita, props, eksena, at iba pa.
Halimbawa ng iskrip: (Dahil sa Anak)
Tauhan:
• Don Archimedes - pinsan ni Don Cristobal at ama ni Manuel
• Rita - isang guro, anak ng labandera, at kasintahan ni Manuel
Tagpuan:
• Sa loob ng tahanan nina Don Archimedes
Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik o sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay ay may ugaling mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya. Sa dakong kaliwa ng nanonood ay naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, at sa dulong kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring pintong patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing ay makikitang nangaka-upo at nag-uusap ang magpinsang si Don Archimedes (suot pambahay) at si Don Cristobal (suot panlakad).
DON CRISTOBAL: Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, Primo, at kung makukuro mo ang magiging hangga’y maaaring magbago ka ng isipin at palagay.
DON ARCHIMEDES: Ang lagay ba’y naparito ka upang ipagtanggol ang walang-hiyang iyan?
dula
ISKRIP
PAGBUO NG ISKRIP
PREWRITING
WRITING
Kapag natapos na ang pagsusulat, muli itong kilatisin at basahin nang sa ganoon ay makita pa ang kailangang idagdag at baguhin. Maaaring ipabasa ito sa ibang tao upang ipasuri sa kanila at makapagbigay sila ng mungkahi sa lalo pang ikagaganda at ikahuhusay ng nabuong iskrip. Dito na papasok ang huling bahagi sa pagbuo at pagsulat, ang t stage. Kinakailangan na sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isaalangalang ang mga natutuhan lalo na sa gramatika at retorika upang higit na magiging maayos, masining, at mabisa ang gagawing dula.
(a)
Ang _____ o maikling katha ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay. Ito ay maaaring likhang-isip lamang ng may-akda o batay sa kaniyang sariling karanasan na nagiiwan ng aral sa mambabasa at tagapakinig. Dahil sa maikli lamang ang ilang mga pangyayari dito, kayangkayang basahin ang buong akda sa isang upuan lamang. Tulad ng isang nobela at dula, isa rin itong pagsasalarawan at pagpapakita ng realidad ng buhay ng isang tao o isang madulang pangyayari. Si Deogracias A. Rosario ay itinuturing na Ama ng _____ng Tagalog.
maikling kuwento
Banghay ng Maikling Kuwento
TAGPUAN
TAUHAN
PAPATAAS NA PANGYAYARI
Isa sa mga elemento ng maikling kuwento ay ang banghay. Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Isa itong balangkas na nagbibigay ng direksiyon o gabay sa daloy ng mga pangyayari. Tulad ng ibang akdang pampanitikan, may mga bahagi rin ang maikling kuwento—simula o panimula, papataas na pangyayari o aksiyon, kasukdulan, kakalasan, at wakas.
maikling kuwento
Banghay ng Maikling Kuwento
TAGPUAN
TAUHAN
PAPATAAS NA PANGYAYARI
panahon at pook na pinangyarihan ng dula
maikling kuwento
Banghay ng Maikling Kuwento
TAGPUAN
TAUHAN
PAPATAAS NA PANGYAYARI
Maaaring maihanay sa protagonista (bida) at antagonista (kontrabida). Ang protagonista ay siyang nagsisilbing pangunahing _____. Sa kaniya umiikot ang buong pangyayari sa kuwento. Ang antagonista ay katunggali ng bida. Siya naman ang kahaharapin ng pangunahing _____ sa kuwento.
maikling kuwento
Banghay ng Maikling Kuwento
TAGPUAN
TAUHAN
PAPATAAS NA PANGYAYARI
Sa _____ o aksiyon (rising action) ipinapakita ang mga pangyayari sa tunggalian o maaaring kaharapin na problema ng pangunahing tauhan. Halimbawa nito ang pangyayaring unti-unting ilalahad ang pagsubok na kahaharapin ng bida at ano ang mga hakbang na maaari niyang gawin upang malampasan ito.
maikling kuwento
Banghay ng Maikling Kuwento
TAGPUAN
TAUHAN
PAPATAAS NA PANGYAYARI
Ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
KASUKDULAN
KAKALASAN
WAKAS
Ang unti-unting pagkaayos ng suliranin sa kuwento.
KASUKDULAN
KAKALASAN
WAKAS
Maaaring masaya o malungkot na pagtatapos ng kuwento sa mga bahagi ng banghay ng kuwento. Dito mailalahad ng may-akda ang kaniyang nais na kalutasan ng kuwento.
KASUKDULAN
KAKALASAN
WAKAS
Sa bawat kuwento, madalas na kapansin-pansin ang pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa kaniyang mga problema o suliranin na hinaharap. Nabibigyan ng gabay ang mga mambabasa sa maaaring gawin nila kung sakaling kahaharapin ang kaparehong sitwasyon. Ang pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga suliranin ay tinatawag na _____. Ang _____ ay may apat na uri.
Tunggalian
Tao laban sa SARILI
Tao laban sa TAO
Tao laban sa LIPUNAN
Tao laban sa KALIKASAN
Makikita rito ang pakikipaglaban ng pangunahing tauhan sa kaniyang sariling damdamin, isipan, at moralidad. Sa ganitong tunggalian, maaari itong maging laban sa sariling takot, pagaalinlangan, galit, o mga pansariling hangarin. Halimbawa: Ang batang lalaki ay nagdadalawang-isip kung sasabihin niya sa magulang na hindi siya pumasa sa unang pagsusulit dahil baka siya ay mapagalitan.
Tunggalian
Tao laban sa SARILI
Tao laban sa TAO
Tao laban sa LIPUNAN
Tao laban sa KALIKASAN
Isang uri ng interpersonal na tunggalian na nagpapakita ng paglalaban ng dalawang tauhan—ang bida at kontrabida. Karaniwan na ang ganitong klase ng tunggalian sa isang kuwento. Maaaring magkaiba ang interes o pananaw ng dalawang tauhan kaya nagkakaroon ng hindi magandang pangyayari. Halimbawa: Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng alitan ang dalawang magkaibigan sapagkat nabunyag ang matagal nang tinatagong lihim.
Tunggalian
Tao laban sa SARILI
Tao laban sa TAO
Tao laban sa LIPUNAN
Tao laban sa KALIKASAN
Makikita sa tunggaliang ito ang isyung panlipunan tulad ng diskriminasyon, katiwalian, o hindi makatarungang gawi ng institusyon o pangkat. Makikita rito na ang tauhan ay humaharap sa mga balakid na dulot ng mga patakaran at sistema sa lipunan na sa kaniyang palagay ay hindi makatarungan. Halimbawa: Matutunghayan na ang tauhan ay lumalaban para sa kaniyang karapatan sa lipunan. Gumagawa siya ng hakbang upang ipaliwanag ang kaniyang panig at ilahad ang karapatan ng bawat isa.
Tunggalian
Tao laban sa SARILI
Tao laban sa TAO
Tao laban sa LIPUNAN
Tao laban sa KALIKASAN
Makikita na ang tauhan ay nakikipaglaban sa mga puwersa ng kalikasan, kasama ang mga elemento ng kapaligiran, ang kalamidad tulad ng lindol, sunog, at baha. Karaniwang ito ay nagpapakita ng pakikipaglaban ng tao upang mabuhay at makaligtas sa mga panganib na dala ng kalikasan. Halimbawa: Bumuhos ang malakas na ulan hatid ng Super Typhoon na nagdulot ng pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian at kabuhayan.
Tunggalian
Tao laban sa SARILI
Tao laban sa TAO
Tao laban sa LIPUNAN
Tao laban sa KALIKASAN
Ang _____ ayon kay Alejandro G. Abadilla ay mula sa dalawang salitang sanay at salaysay na kapag pinagsama ay nangangahulugang salaysay ng isang sanay. Ang _____ ay nagpapahayag ng opinyon, saloobin, kaisipan, at reaksiyon ng isang manunulat.
sanaysay
malikhaing sanaysay
BIOGRAPIYA
AWTOBIOGRAPIYA
PERSONAL NA SANAYSAY
Ang _____ ay isang anyo ng sanaysay na naglalahad ng sariling pananaw ng may-akda at ang kaniyang punto de bista. Gumagamit ito ng salitang "ako" o unang panauhan bilang tugon sa pananaw ng may-akda. Ito rin ay sulatin na naglalaman ng sariling puna, opinyon, palagay, obserbasyon, o pagmumuni-muni na kaniyang nasaksihan at kaniyang karanasan.
sanaysay
malikhaing sanaysay
BIOGRAPIYA
AWTOBIOGRAPIYA
PERSONAL NA SANAYSAY
naglalahad ng kasaysayan sa buhay ng isang tao
sanaysay
malikhaing sanaysay
BIOGRAPIYA
AWTOBIOGRAPIYA
PERSONAL NA SANAYSAY
naglalaman ng talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat
sanaysay
malikhaing sanaysay
BIOGRAPIYA
AWTOBIOGRAPIYA
PERSONAL NA SANAYSAY
o pagsasalaysay ng personal na pangyayari sa buhay o tungkol sa tala sa paglalakbay
sanaysay
malikhaing sanaysay
BIOGRAPIYA
AWTOBIOGRAPIYA
PERSONAL NA SANAYSAY
Ito ay ang pangunahing tema o isyu na tinatalakay sa sanaysay. Maaaring ang _____ ay pampolitikal, panlipunan, pangkapaligiran, personal, at kultural. Halimbawa: Isang sanaysay tungkol sa kabayanihan na ginawa ng isang bayani sa bayan na siyang nagdulot ng katagumpayan sa kaniyang mga nasasakupan.
PAKSA
KAISIPAN
ANYO O ESTRUKTURA
DAMDAMIN O HIMIG
WIKA AT ESTILO
Ito ang pangunahing ideya o tema na nais iparating ng mayakda sa kaniyang mambabasa. Halimbawa: Dahil sa subok nang kagitingan at pagkamakabayan ni Laurel sa tungkulin, nang matapos pasinayaan ang Malasariling Pamahalaan (Komonwelt) noong 1935 ay hinirang ni Quezon si Laurel na maging mahistrado sa Kataastaasang Hukuman.
PAKSA
KAISIPAN
ANYO O ESTRUKTURA
DAMDAMIN O HIMIG
WIKA AT ESTILO
Tumutukoy ito sa paraan ng pagkakasulat at damdaming ipinapahayag ng manunulat. Mahalaga ang maayos na pagkakasunodsunod ng mga ideya at pagpapaliwanag tungkol sa paksa. Halimbawa: Panimula: Ang buhay ni Jose P. Laurel mula pagkabata hanggang maging kagawad ng gabinete at pangulo ng bansang Pilipinas noong panahon ng pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas ay masasabing nakaumang sa mga panganib. Katawan: Nang sumiklab ang Digmaan sa Pasipiko noong ika-8 ng Disyembre, 1941, si Laurel ay naging Kalihim-Panloob. Palibhasa'y maselan ang kalagayan ng bayan, si Quezon ay tumawag ng pulong ng kaniyang gabinete na dinaluhan nina Laurel, Sergio Osmeña, Jose Yulo, Jose Abad Santos, Quintin Paredes, Serafin Marabut, Rafael Alunan, Sotero Baluyot, Jorge Vargas, Teofilo Sison, Basilio Valdes, Heneral Guillermo Francisco, at Manuel Roxas. Ipinailiwanag ni Quezon na nais ni Heneral MacArthur na makaiwas sila sa mga Hapon. Ipinasiya ni Quezon na isama sa Corregidor sina Osmeña, Abad Santos, Roxas, at Valdes. Iniwan si Vargas at si Laurel, na hinirang maging Kalihim-Panloob at pansamantalang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman. Wakas (Kongklusyon): Naninibang si Laurel sa mga Pilipino at gayon din sa mga Hapon, subalit hindi nawala sa kaniya ang tunay na diwa ng mga Pilipino. Tumanggi siyang magdeklara ng pakikidigma laban sa Estados Unidos at Gran Britanya. Gayundin, tumanggi siyang isuko ang kaniyang kumpareng si Manuel Roxas sa dahilang may kaugnayan ito sa mga gerilya. Kailanman, ang larawan ni Laurel sa harap ng bayan ay walang bahid-dungis at pinagtibay ito ng kasaysayan.
PAKSA
KAISIPAN
ANYO O ESTRUKTURA
DAMDAMIN O HIMIG
WIKA AT ESTILO
Tumutukoy ito sa paraan ng pagkakasulat at damdaming ipinapahayag ng manunulat. Maaaring magkapagdama ng kasayahan, katuwaan, pagpapasalamat, o galit. Halimbawa: pagkadismaya "Hindi ako makapagpapatuloy ng paglilingkod sa isang tanggapang batid kong ang katulad ni Ray Canley ay napagkilalang may pagkakasalanang nagawa."
PAKSA
KAISIPAN
ANYO O ESTRUKTURA
DAMDAMIN O HIMIG
WIKA AT ESTILO
Ito ay ang paraan upang maging malinaw at masining ang sanaysay. Ang paggamit ng angkop na _____ ay mahalaga upang maging epektibo ang teksto sa mambabasa. Halimbawa: Ang wikang ginamit sa sanaysay na "Jose P. Laurel" ni Teodoro Agoncillo ay nasa bahaging pormal kung saan nagbibigay ng mga kongkretong patunay ng kabayanihang ginawa ni Laurel sa ating bayan. Higit na makatotohanan ang mga salitang ginamit.
PAKSA
KAISIPAN
ANYO O ESTRUKTURA
DAMDAMIN O HIMIG
WIKA AT ESTILO
Pag-isipan ang pinakalayunin ng gagawing sanaysay. Siguraduhing maayos ang pagbibigay-paliwanag upang higit na makapanghikayat ito sa mga mambabasa.
Pumili ng angkop na paksa
Bumuo ng iyong balangkas o outline (may panimula, katawan, at wakas)
Magsimula sa isang makatawag-pansing panimula upang kunin ang atensiyon ng mambabasa
Gumamit ng malinaw at angkop na wika
Bago magsimula ay tiyakin muna ang mga impormasyon na gagawin. Isa-isahin ang mahahalagang detalye sa iyong paksa.
Pumili ng angkop na paksa
Bumuo ng iyong balangkas o outline (may panimula, katawan, at wakas)
Magsimula sa isang makatawag-pansing panimula upang kunin ang atensiyon ng mambabasa
Gumamit ng malinaw at angkop na wika
Kilalanin ang iyong mga mambabasa. Kinakailangan na ang mga salita at paksa na gagamitin ay nakatuon dito. Tiyakin na malinaw ang panimula at higit na makatawag-pansin upang higit na maging interesado ang iyong mga mambabasa.
Pumili ng angkop na paksa
Bumuo ng iyong balangkas o outline (may panimula, katawan, at wakas)
Magsimula sa isang makatawag-pansing panimula upang kunin ang atensiyon ng mambabasa
Gumamit ng malinaw at angkop na wika
Kinakailangan na malinaw ang baybay ng mga salita at akma ito sa iyong mga mambabasa.
Pumili ng angkop na paksa
Bumuo ng iyong balangkas o outline (may panimula, katawan, at wakas)
Magsimula sa isang makatawag-pansing panimula upang kunin ang atensiyon ng mambabasa
Gumamit ng malinaw at angkop na wika
Maaaring mag-iwan ng hamon o aral para sa mga mambabasa sa pagtatapos ng sanaysay
Magwakas nang malinaw at makabuluhan
Maging orihinal at tapat sa gagawing sanaysay
Maging tapat sa iyong sariling pananaw. Laging tandaan na ang sanaysay ay isang personal na akda, kaya kinakailangan na ito ay nasa orihinal na aspekto.
Magwakas nang malinaw at makabuluhan
Maging orihinal at tapat sa gagawing sanaysay
Ang _____ ay isang uri ng panulat na may layon na maglahad, magpabatid, maglarawan, magpaliwanag, magbigay impormasyon, o magturo tungkol sa isang tiyak na paksa. Gumagamit ito ng lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya at detalye upang maipaliwanag nang malinaw ang konsepto. Maaari itong sumagot sa mga tanong na ano at bakit.
Ayon kay Alejo, ang _____ ay nagbibigay ng iba't ibang pamamaraan ng paglalahad ng isang teksto, kung paano ito susulatin o babasahin. Gayundin, gumagamit ng mga tiyak na grapiko gaya ng grap, ilustrasyon, at iba pa upang higit na mailahad ang tiyak na impormasyon.
Mga Halimbawa ng _____:
• Mga aklat na naglalaman ng impormasyon
• Mga sanaysay at talumpati
• Mga artikulo na makikita sa dyaryo o magasin na nagpapakita ng mahahalagang pangyayari
Halimbawa ng pagkakasunodsunod ng mga pangyayari na nakatuon sa maayos na paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa paksa:
Proseso ng Pagsasaka
1. Paghahanda sa Lupa
2. Pagtatanim
3. Pag-aalaga
4. Pag-aani
5. Pagbebenta
tekstong ekspositori
Malinaw ang paghahanay sa mga ideya
Sapat na mga kaalamang inilahad
Tiyak
Empasis
mas magiging mabisa ang tekstong ekspositori kung madali itong maunawaan
tekstong ekspositori
Malinaw ang paghahanay sa mga ideya
Sapat na mga kaalamang inilahad
Tiyak
Empasis
kinakailangang may kaisahan ang mga ideyang inilahad sa isang teksto
tekstong ekspositori
Malinaw ang paghahanay sa mga ideya
Sapat na mga kaalamang inilahad
Tiyak
Empasis
kinakailangang maging _____ ang manunulat sa mga datos na kaniyang ilalahad sa teksto
tekstong ekspositori
Malinaw ang paghahanay sa mga ideya
Sapat na mga kaalamang inilahad
Tiyak
Empasis
nagbibigay-diin ang ilan sa mga karagdagang impormasyon na makatutulong sa mambabasa upang mas maunawaan ang teksto
tekstong ekspositori
Malinaw ang paghahanay sa mga ideya
Sapat na mga kaalamang inilahad
Tiyak
Empasis
naglalahad ng opinyon, pananaw, kaisipan, at saloobin ng manunulat
SANAYSAY
EDITORYAL
SURING-BASA O REBYU
BALITA O ULAT
PAGLALAHAD NG PROSESO
naglalaman ng opinyon, pananaw o pahayag ng isang editor hinggil sa mga isyu o paksa na may kaugnayan sa lipunan, ekonomiya, kultura, at iba pa
SANAYSAY
EDITORYAL
SURING-BASA O REBYU
BALITA O ULAT
PAGLALAHAD NG PROSESO
isang uri o pagtataya sa isang akda tulad ng libro, dula, pelikula, at iba pa. Nakatutulong ito sa mga manonood at mambabasa upang maging mapanuri sa pagpili ng akdang tatangkilikin.
SANAYSAY
EDITORYAL
SURING-BASA O REBYU
BALITA O ULAT
PAGLALAHAD NG PROSESO
madalas nababasa o napapakinggan sa radyo, naglalahad ng iba't ibang impormasyon na nagaganap sa loob at labas ng bansa
SANAYSAY
EDITORYAL
SURING-BASA O REBYU
BALITA O ULAT
PAGLALAHAD NG PROSESO
pagpapakita o pagpapaliwanag ng mga hakbang o yugto ng isang gawain
SANAYSAY
EDITORYAL
SURING-BASA O REBYU
BALITA O ULAT
PAGLALAHAD NG PROSESO
Ang pangulong tudling o _____ ay isang bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu o paksa. May layuning magpabatid, magpakahulugan, mamuna, magmungkahi, maglibang, magparangal, at magpahalaga.
editoryal
NAMEPLATE O FLAG
HEADLINE
COLUMN
EDITOR
nakalimbag na pamagat (pangalan at logo) ng pahayagan
editoryal
NAMEPLATE O FLAG
HEADLINE
COLUMN
EDITOR
pamagat ng isang artikulo o balita sa isang pahayagan
editoryal
NAMEPLATE O FLAG
HEADLINE
COLUMN
EDITOR
artikulo na lumalabas araw-araw sa pahayagan
editoryal
NAMEPLATE O FLAG
HEADLINE
COLUMN
EDITOR
tao na namamahala sa mga patakaran sa editoryal
editoryal
NAMEPLATE O FLAG
HEADLINE
COLUMN
EDITOR
makina na naglilimbag ng pahayagan
PRESS
MASTHEAD
PANIMULA
KATAWAN
WAKAS
detalye ng publisher, lugar ng publikasyon, kawani ng editoryal, at impormasyon sa pahayagan
PRESS
MASTHEAD
PANIMULA
KATAWAN
WAKAS
Dito ipinapakita ang isyu, paksa, o balitang tatalakayin. Halimbawa: MARAMING namatay na mga Pilipino at Amerikano sa Bataan bago pa ito bumagsak sa kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. At para mapigilan pa ang pagkalagas ng mga sundalo, mas pinili ng American commander na si Gen. Edward King na sumurender kahit pa mahigpit ang utos ng kanyang mga superiors na huwag sumuko at patuloy na lumaban.
PRESS
MASTHEAD
PANIMULA
KATAWAN
WAKAS
Sa bahaging ito, makikita ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot. Maaari niya itong ipakita sa pamamaraan ng paglalarawan, maaaring ito ay pro (pagpanig) at con (kasalungat) mula sa isyung tinalakay. Halimbawa: Tama lang ang naging desisyon ni King na sumuko na sapagkat wala nang magagawa pa. Masyadong malakas at marami ang mga Hapones na mapa-lupa, mapa-dagat at himpapawid ay sumasalakay. Dahil doon, maraming namatay at iyon ang iniwasan ni King kaya minabuting sumuko. Ayon sa report, nasa 76,000 sundalong Pinoy at Amerikano ang sumuko.
PRESS
MASTHEAD
PANIMULA
KATAWAN
WAKAS
Dito ipinapahayag ang panghihikayat o panghuling saloobin o lagom upang maipakita sa mambabasa ang pananaw na nais niyang ipahayag. Halimbawa: Ngayong Araw ng Kagitingan, hindi sana malimutan ang kabayanihan ng mga Pilipinong nagpakamatay para sa bayan. Sila ang mga tunay na bayani. Sila ang nagbuwis ng buhay maipagtanggol lang ang bayan. Sila ang dapat ipagdasal sa ginawang kabayanihan.
PRESS
MASTHEAD
PANIMULA
KATAWAN
WAKAS
Maging kawili-wili ang gagawing editoryal upang maganyak na basahin ang sinoman.
Tama
Mali
Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag.
Tama
Mali
Kailangan na maging makatwiran ang pagbibigay ng kuro-kuro.
Tama
Mali
Wag ilahad nang maayos at may mga patunay tungkol sa paksa
Tama
Mali
Wag tiyakin na maayos at malinaw ang mga salitang gagamitin upang higit na maintindihan ng mga mambabasa
Tama
Mali
Wag kinakailangan na ipakita ang katotohanan sa halip na palagay.
Tama
Mali
ipinaliliwanag o binibigyang-linaw ang isang isyu o paksa upang higit na maunawaan ang balita o pangyayari
NAGPAPABATID
NAGPAPAKAHULUGAN
NAMUMUNA
binibigyang-kahulugan ang isang pangyayari o napapanahong kalagayan na sang-ayon sa paningin o pananaw ng isang pahayagan
NAGPAPABATID
NAGPAPAKAHULUGAN
NAMUMUNA
May layunin itong magbigay ng mungkahi o pagsang-ayon sa paninindigan ng pahayagan
NAGPAPABATID
NAGPAPAKAHULUGAN
NAMUMUNA
Ang _____ ay isang uri ng sulatin na may layunin na makumbinsi o mahikayat ang mga mambabasa na tanggapin ang paniniwala o posisyon ng may-akda sa pamamagitan ng malinaw na pangangatwiran, lohikal na ebidensiya, at kredibilidad na makumbinsi ang mga mambabasa.
tekstong nanghihikayat
ETHOS (ETIKAL)
LOGOS (LOHIKA)
PATHOS(EMOSYONAL)
Paggamit ng kredibilidad ng mayakda upang maglahad ng argumento. Ito ay ginagamit upang makahikayat ng kaisipan. Halimbawa: Paglalagay ng sertipikasyon o kwalipikasyon ng may akda, isang artista na nanghihikayat sa turista na bumisita sa isang lugar.
tekstong nanghihikayat
ETHOS (ETIKAL)
LOGOS (LOHIKA)
PATHOS(EMOSYONAL)
Makatwirang pangangatwiran at ebidensiya upang suportahan ang isang argumento. Halimbawa: Mga istadistikal na datos at pagsusuri, Isang taong nanghihikayat na bumili ng isang produkto.
tekstong nanghihikayat
ETHOS (ETIKAL)
LOGOS (LOHIKA)
PATHOS(EMOSYONAL)
Paggamit ng emosyonal na elemento upang makaantig ng damdamin ng kaniyang mambabasa. Halimbawa: Personal o karanasan ng may-akda
tekstong nanghihikayat
ETHOS (ETIKAL)
LOGOS (LOHIKA)
PATHOS(EMOSYONAL)
Tumutukoy sa emosyonal na estado o pakiramdam ng isang tao. Ito ay maaaring galit, saya, poot, takot, paghanga, o iba pang emosyon.
DAMDAMIN
TONO
LAYUNIN
PANANAW
Tumutukoy sa saloobin at pananaw ng may-akda sa paksa. Ang tono ay maaaring mapagbiro, masaya, malungkot, o iba pa.
DAMDAMIN
TONO
LAYUNIN
PANANAW
Tumutukoy sa tiyak at inaasam na resulta na nais makamit. Nagsisilbi itong gabay o direksiyon sa paggawa ng anomang desisyon at mga hakbang.
DAMDAMIN
TONO
LAYUNIN
PANANAW
Tumutukoy sa punto de vista ng may-akda. Maaaring ito ay base sa kaniyang karanasan, _____, kultura, at paniniwala. Kadalasan ay makikita ito gamit ang panghalip na ako, ko, sa aking _____, ikaw, iyo, kanila, siya, niya, at iba pa.
DAMDAMIN
TONO
LAYUNIN
PANANAW
Ang _____ o pictorial essay ay isang anyo ng sanaysay na kadalasang gumagamit ng mga larawan upang magkuwento, maglahad ng impormasyon, o magpahayag ng damdamin at ideya. Narito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng _____:
1. Pumili ng makabuluhang paksa na ayon sa iyong interes.
2. Magsaliksik ng impormasyon o detalye tungkol sa iyong paksang napili.
3. Kumuha ng mga larawan na magpapakita ng damdamin at emosyon upang maengganyo ang mga mambabasa. Ang bawat larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging kuwento.
4. Magbigay ng maikling caption sa bawat larawan upang magbigay ng konteksto at paliwanag. Isaalang-alang ang iyong target na mambabasa sa pagbuo ng iyong mga _____.
5. Maaaring humingi ng payo sa ibang tao tungkol sa ginawang larawangsanaysay upang maging maayos at epektibo ang ginawa.
larawang-sanaysay
lakbay-sanaysay
Sa pagsulat ng isang _____ o travel essay/travelogue, nangangailangan ng galing, pamamaraan, at kaalaman ang isang manlalakbay at isang manunulat. Mahalaga ang paggamit ng makulay at detalyadong paglalarawan sa lugar upang mabigyan ng buhay ang mga lugar at iyong karanasan. Ang manlalakbay ay kinakailangan na interesado sa kasaysayan, kultura, heograpiya ng lugar, pamumuhay ng tao, panitikan, wika, relihiyon ng isang lugar. Sa ganitong paraan, ang iyong _____ ay nagiging kapaki-pakinabang at nakapagbibigay ng inspirasyon para sa mga nais na maglakbay at matuto tungkol sa mundo.
Ito ay binubuo ng tatlong konsepto, ang sanaysay, sanay, at lakbay ayon kay Nonon Carandang. Mula naman sa naging pananaw ni Patti Marxsen, nabuo ang The Art of the Travel Essay na siyang naglalaman ng mapanghikayat na _____. Ayon sa higit na magiging matagumpay ang iyong _____ kung ito ay nakapag-iiwan ng malinaw na alaala sa mga mambabasa bagama't hindi pa nila ito napuntahan.
larawang-sanaysay
lakbay-sanaysay
Layunin ng larawang-sanaysay na pukawin ang damdamin at interes ng mambabasa o manonood.
Maghatid ng Damdamin
Magbigay ng Mensahe o Pag-unawa
Dokumentasyon ng Realidad
Ang larawang-sanaysay ay nakapagbibigay ng makabuluhang mensahe at pananaw. Maaaring ito ay tungkol sa lipunan, personal na karanasan, o kultura.
Maghatid ng Damdamin
Magbigay ng Mensahe o Pag-unawa
Dokumentasyon ng Realidad
Ito ay upang ipakita ang katotohanan at makapagbigay ng konkretong ebidensiya tungkol sa sitwasyon o sa paksa.
Maghatid ng Damdamin
Magbigay ng Mensahe o Pag-unawa
Dokumentasyon ng Realidad
Kinakailangang makita agad ng mambabasa ang paksa ng larawan
Malinaw na Paksa
Orihinal
Estruktura
Paggamit ng Wika at Gramatika
Mas makukuha ang interes ng mambabasa kung bago sa panlasa ang makikita. Hindi paulit-ulit at may dating sa madla ang mga larawan na ilalahad
Malinaw na Paksa
Orihinal
Estruktura
Paggamit ng Wika at Gramatika
Mas magiging epektibo ang larawang-sanaysay kung may maayos itong daloy at magkakaugnay ang bawat bahagi nito
Malinaw na Paksa
Orihinal
Estruktura
Paggamit ng Wika at Gramatika
Isa sa napakahalagang bahagi ng pagbuo ng larawang-sanaysay ang paggamit ng wastong salita na may kaugnayan sa paksa
Malinaw na Paksa
Orihinal
Estruktura
Paggamit ng Wika at Gramatika
Ang dula ay umiikot sa isang pamilyang labis ang paniniwala at pananampalataya na pinamumunuan ni _____.
Don Archimedes
Don Cristobal
Nag-ugat ang matinding tensiyon nang malaman niyang _____ ang kaniyang anak
nagtanan
nagkaanak
na si _____ at kasintahan nitong si Rita
Manuel
Don Cristobal
nang hindi pa sila _____, na itinuring niyang isang malaking kasalanan.
nakapagtatapos
kasal
Dahil dito, halos _____ na niya ang kaniyang anak.
tanggapin
itakwil
Si _____, ang pinsan ni _____,
Manuel
Don Cristobal
Don Archimedes
ang siyang nagsilbing _____.
kalaban
tagapayo
Pilit niyang ipinaliwanag na ang mga magulang ay dapat _____ at maging _____ ng mga anak sa oras ng kagipitan.
magpatawad
magalit
problema
sandigan
Bilang tugon sa galit ng ama, nagdesisyon si _____ na _____,
Manuel
Don Cristobal
magpakasal
magpari
isang hakbang na ikinagalit lalo ng ama dahil mapuputol ang kanilang _____.
lahi
yaman
Sa huli, nanaig ang pagmamahal at pang-unawa. Dahil sa payo ng pinsan at sa takot ng ama na tuluyang mawala ang kaniyang anak, sumang-ayon siya na _____ang magkasintahan.
magpakasal
maghiwalay
Ipinakita ng dula ang kapangyarihan ng pamilya at ang kahalagahan ng _____ upang malampasan ang pagsubok.
paghihiganti
pagpapatawad
Ang kuwento ay nagsimula sa pag-alis ni _____ at ng kaniyang Tiya Juana at Tiyo Goryo sakay ng _____
Dando
Danding
tren
dyip
mula sa Maynila patungo sa probinsiya ng _____ upang dumalo sa libing ng kanilang kamag-anak, si Tata Inong.
Cebu
Malawig
Habang naglalakbay, naalala ni _____ na rito ipinanganak at lumaki ang kaniyang _____.
Dando
Danding
ama
ina
Dahil dito, nakaramdam siya ng matinding pananabik sa lugar, ngunit nang makarating sila, tila _____ siya sa unang malas dahil sa pagiging ordinaryo ng nayon at tanging ang langit lang ang tila maganda. Gayunpaman, pinalakas niya ang kaniyang loob sa pag-iisip na sa mga simpleng nayon tulad nito isinilang ang mga bayani. Pagdating sa bahay, sinalubong sila ng maraming kamag-anak. Sa loob ng bahay, nilapitan niya ang kabaong at nakita niya ang bahagyang pagkakahawig ng mukha ng namatay niyang kamag-anak sa kaniyang ama. Nakaramdam siya ng awa at lungkot.
namangha
nabigo
Pagkatapos kumain, nagtungo siya sa bukid sa likuran ng bahay at doon niya nakita ang kaniyang _____. Nakipag-usap siya sa matanda na nagbahagi ng _____ na mga alaala tungkol sa kabataan ng kaniyang ama. Ang mga kuwentong ito ay nagbigay ng bagong kahulugan sa paligid para sa kaniya.
Lolo Tasyo
Lolo Inggo
masigla
malungkot
Sa libingan, naramdaman niya ang tindi ng kamatayan at ang malungkot na pagkakawalay. Pagkatapos ng libing, muli siyang nagtungo sa _____. Sa pag-upo niya sa lupa sa ilalim ng mga puno ng kawayan habang lumalamig ang hangin, nakaramdam siya ng matinding kapayapaan at pagkakaugnay sa lupang iyon. Sa sandaling iyon, naintindihan niya ang lihim ng pag-ibig sa _____. Hindi lang ito tungkol sa mga dakilang pangungusap o kabayanihan, kundi tungkol sa kapirasong lupa na siyang pinag-ugatan ng kanilang mga tahanan, ng kanilang pamilya, at nagtatago ng pamana ng kanilang mga ninuno, na minsa'y diniligan ng luha at umalingawngaw sa halakhak ng kaniyang ama.
bukid
dagat
pamilya
lupang tinubuan
Ang kuwento ay nagtatapos sa _____ niya sa bukid nang gabi, bitbit ang bagong pagkaunawa at pagmamahal sa kaniyang pinag-ugatan.
pananatili
pag-alis
