WorksheetsESP 9-3RD QUARTER EXAM
Total questions: 53
Worksheet time: 26mins
Name
Class
Date
1.
Name (LASTNAME, Firstname, Middle Initial)
4 lines
2.
Grade and Section
4 lines
3.
Date
4 lines
4.
1. Bakit kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa?
a)
A. ito ang pinag-uutos ng batas
b)
B. ito ang pinag-uutos ng magulang
c)
C. dahil tungkulin niya ang maging isang makatarungan
d)
D. dahil siya ay tao at namumuhay sa lipunan ng mga tao
5.
2. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang taong makatarungan?
a)
A. Ginagalang mo ang karapatan ng iyong kapwa tao.
b)
B. Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas.
c)
C. Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao.
d)
D. lahat ng nabanggit.
6.
3. Alin sa sumusunod ang sumasalamin sa HINDI makatarungang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa?
a)
A. Pagpapasara sa isang negosyo na walang permit.
b)
B. Pakikialam sa buhay at pamumuhay ng kapitbahay.
c)
C. Pagbibigay ng parusa sa taong nagkamali sa batas.
d)
D. Pagsumbong sa otoridad sa kapitbahay na gumagamit ng droga.
7.
4. Ang pandaraya sa negosyo ay nagdudulot ng kawalan ng katarungan
a)
A. Tama, basta sumusunod lamang sa umiiral na batas.
b)
B. Mali, natural lamang ang ganitong gawain sa negosyo.
c)
C. Tama, dahil hindi ito nagdudulot ng kabutihan para sa lahat.
d)
D. Mali, dahil hindi lahat ng tao ay may kaalaman sa pandaraya.
8.
5. Ano ang pangkalahatang batayan ng isang makatarungang lipunan?
a)
A. Ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa batas sibil.
b)
B. Ang lahat ng mamamayan ay may oportunidad na makapaghanapbuhay.
c)
C. Ang lahat ng mamamayan ay kumikilos at nakikinabang sa kabutihang panlahat.
d)
D. Ang lahat ng mamamayan protektado sa lahat ng uri ng krimen at pang- aabuso.
9.
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Camille sa kalipunang kanyang kinabibilangan?
a)
A. Ang pagtulong sa matanda upang makatawid sa lansangan.
b)
B. Ang paggalang sa lahat ng guro sa kanyang paaralang pinapasukan.
c)
C. Ang paggalang sa opinyon ng kaibigan tungkol sa relihiyon at paniniwala.
d)
D. lahat ng nabanggit.
10.
7. Sa aling uri ng batas napapaloob ang pagpapanatili ng maayos na ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa at sa lipunan?
a)
A. batas sibil
b)
B. moral na batas
c)
C. batas sibil at moral na batas
d)
D. batas ng Diyos
11.
8. Hindi makatarungan ang isang batas sibil kung hindi nasusunod ang batas moral. Ang pahayag ay _________.
a)
A. Mali, walang kaugnayan ang batas sibil sa batas moral.
b)
B. Tama, dahil parehas lamang ang kahulugan ng mga batas.
c)
C. Tama, sapagkat ang batas sibil ay nakabatay sa batas moral.
d)
D. Mali, hindi tama na iugnay ang dalawang magkaibang uri ng batas.
12.
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sumasalamin sa tungkulin ng magulang upang mahubog ang pagkamakatarungan ng anak?
a)
A. Ipaliwanag sa anak ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa.
b)
B. Gabayan ang anak upang maiwasan ang di-makatarungang gawain.
c)
C. Turuan ang anak upang isaayos ang mga pagkakamaling nagawa sa kapwa.
d)
D. Turuan ang anak na ipagtanggol ang sarili sa mga mang-aapi na kaklase at ipaglaban ang kanyang karapatan.
13.
10. Ang pagkakaisa ay maaring magbunga ng kapayapaan. Ang pahayag ba ay tama o mali?
a)
A. Tama, kung ang lahat ay kikilos tungo sa kabutihang panlahat.
b)
B. Tama, kung matutulungan ang mahihirap na umangat sa buhay.
c)
C. Mali, dahil mahirap na isantabi ang personal na adhikain sa buhay.
d)
D. Mali, imposible na magkaisa ang mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng paniniwala at prinsipyo.
14.
11. Kung magpapatuloy ang pagsasawalang-kibo ng marami sa mga nakikitang katiwalian sa ating pamahalaan, ano ang maaring mangyari sa atin?
a)
A. Patuloy na dadami ang mga gumagawa ng katiwalian sa pamahalaan.
b)
B. Hindi maipagkaloob sa mamamayan ang serbisyo at proyekto
c)
C. Aalis sa bansa ang mga dayuhang mamumuhunan
d)
D. Aangat ang kabuhayan sa bansa
15.
12. Tungkulin ng bawat isa na tumulong sa mga nangangailangan.Ito ay________.
a)
A. tama dahil ikaw ay tao
b)
B. ideya lamang at hindi maaari
c)
C. hindi tunay dahil nasa konteksto lamang
d)
D. nauukol dahil iginagalang mo ang karapatan ng bawat isa
16.
13. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang pinag-uugatan ng katiwalian ng ilang opisyal ng pamahalaan?
a)
A. Mababang sweldo at kahirapan
b)
B. Kawalan ng malasakit sa mga mamamayan
c)
C. Taglay na pagiging makasarili at ayaw magsakripisyo
d)
D. Pagsasawalang kibo ng mga mamamayan sa anomalyang nakita
17.
14. Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay:
a)
A. Pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa kalipunan
b)
B. Pakikipagtulungan sa mga mayayaman
c)
C. Paglilingkod sa Karapatan ng naaapi
d)
D. Pakikisalamuha sa kapwa
18.
15. Ang may pananagutan sa mga pagtugon ng pangangailangan sa kapwa ay:
a)
A. Kapulisan
b)
B. Pamahalaan
c)
C. Sangkatauhan
d)
D. Simbahan
19.
16. Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?
a)
A. Sumunod sa tamang proseso
b)
B. Ikulong ang lumabag sa batas.
c)
C. Patawarin ang humingi ng tawad
d)
D. Bigyan ng limos ang namamalimos
20.
17. Ang pagbibigay ng nararapat sa kapwa ay pagpapakita ng Katarungan. Alin ang patunay dito?
a)
A. May “feeding of love” ang Boy Scouts sa paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
b)
B. May bumili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
c)
C. Pinayuhan ang kaklase na gawin ang kanyang proyekto ng maayos
d)
D. Kumakain ng sabay-sabay ang isang pamilya
21.
18. Alin sa mga pagpapahalaga ang susi upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa/lipunan?
a)
A. Pagmamahal, Sipag at Kapayapaan
b)
B. Pagkakaisa, Disiplina at Kapayapaan
c)
C. Pagkakaisa, Katotohanan at Kapayapaan
d)
D. Paggalang sa Dignidad, Tiyaga at Bukod-Tangi
22.
19. Alin ang patunay na HINDI pagtugon sa pagiging makatarungan?
a)
A. Ang pagbibigay ng limos sa pulubi sa kalye
b)
B. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Malaysia
c)
C. Ang pag-unawa sa kaibigan ng lumisan sa klase dahil may sakit
d)
D. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase
23.
20. Alin ang HINDI patunay na tayo ay may tungkulin na ibigay ang nararapat sa ating kapwa o pamayanan?
a)
A. Taglay ko ang kamalayang dapat kong isaalang-alang lalo na ang may kaugnayan sa likas na batas moral
b)
B. Ibibigay ko ang aking sarili upang mapabuti ang katarungang panlahat.
c)
C. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao
d)
D. Tinutupad ko ang aking mga pangako sa buhay.
24.
21. Pinalitan mo ang Pangulo ng Student Government sa inyong paaralan dahil lumipat siya sa malayong lugar. Maraming nagsasabi na hindi mo kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating nya. Alin sa sumusunod ang dapat mong linangin upang mapatunayan na ikaw ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa iyo?
a)
A. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating pangulo ng Student Government
b)
B. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay ng iyong trabaho/responsibilidad
c)
C. Sundin ang payo ng mga nakakatandang kasamahan upang maging maganda ang iyong relasyon sa mga ito.
d)
D. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
25.
22. Bata ka pa lamang ay pinangarap mo ng maging isang guro tulad ng iyong mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang upang maging madali sa iyong abutin ang iyong pangarap at sa huli’y magkaroon ka ng kagalingan sa paggawa
a)
A. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b)
B. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
c)
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit at magaling makipag-usap
d)
D. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
26.
23. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tiningnan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
a)
A. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
b)
B. Itinuring niya itong hamon na kailangang lampasan
c)
C. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
d)
D. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
27.
24. Alin ang HINDI nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama?
a)
A. Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pangmusika si Roberto del Rosario, imbentor ng karaoke.
b)
B. Gumugugol ng maraming oras si Leonardo da Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon.
c)
C. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem.
d)
D. Bumubuo ng refleksyon ayon sa konklusyon na nabuo ng mga Scientist habang inoobserbahan ang kanilang specimen.
28.
25. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito.
a)
A. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
b)
B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
c)
C. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkatiwala ito sa kanya.
d)
D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang kapwa at ng bansa.
29.
26. Si Allen ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
a)
A. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
b)
B. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito.
c)
C. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
d)
D. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.
30.
27. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas?
a)
A. Tutok sa prayoridad
b)
B. May nabuo na tunguhin ng gawain
c)
C. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan
d)
D. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa.
31.
28. Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa pagkakataong ito?
a)
A. Bumuo ng iskedyul
b)
B. Magtakda ng tunguhin
c)
C. Gumawa ng prayoritisasyon
d)
D. Pamahalaan ang pagpabukas-bukas
32.
29. “Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
a)
A. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.
b)
B. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
c)
C. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kanyang gawin sa pagpapaunlad sa bansa.
d)
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa.
33.
30. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyul ng mga gawain?
a)
A. May tunguhin, prayoridad, pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.
b)
B. May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.
c)
C. May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa at master iskedyul.
d)
D. May tunguhin, prayoridad, espasyo para sa interapsyon, pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.
34.
31. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan, MALIBAN sa:
a)
A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b)
B. Ito ay pagtingin ng may kasiyahan at positibo sa isang gawain.
c)
C. Ito ay nakatutulong sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapwa, at lipunan.
d)
D. Ito ay paglalaan ng sapat na panahon upang maisakatupan ang isang gawain.
35.
32. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kaya ang palatandaan ng kasipagan ang taglay ni Rony?
a)
A. Hindi umiiwas sa anomang gawain.
b)
B. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
c)
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
d)
D. Hindi nagrereklamo sa paggawa.
36.
33. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makamit ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
a)
A. Kasipagan
b)
B. Katatagan
c)
C. Pagpupunyagi
d)
D. Pagsisikap
37.
34. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao upang higit na makapagbigay sa iba.
a)
A. Pag-iimpok
b)
B. Pagkakawanggawa
c)
C. Pagtitipid
d)
D. Pagtulong
38.
35. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
a)
A. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento.
b)
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong.
c)
C. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple.
d)
D. Maging masipag at matutong maging matiyaga.
39.
36. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paraan ng pagtitipid?
a)
A. Sa tuwing nanonood ng teleserye si Rosa, inoorasan niya ang paggamit ng TV.
b)
B. Si Ben ay gumagamit ng tabo at timba sa tuwing siya ay naliligo.
c)
C. Tinitipid ni Luis ang kanyang pera upang mabili niya ang imported na laruan na gusto niya.
d)
D. Ginagamit lamang ni Pilar ang data load sa cellphone niya tuwing may kailangang isaliksik na aralin sa internet.
40.
37. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan, MALIBAN sa:
a)
A. Hindi umiiwas sa anomang gawain.
b)
B. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
c)
C. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
d)
D. Binibigay ang buong oras sa kanyang gawain.
41.
38. Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng birtud na ito?
a)
A. Magtipid upang guminhawa ang sariling buhay.
b)
B. Ito ay nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana.
c)
C. Kapag ang tao’y marunong magtipid, marunong din siyang magbigay lalong-lalo na sa mga nangangailangan.
d)
D. Gamitin ang birtud na ito upang higit na makapagbigay sa iba.
42.
39. Ito ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
a)
A. Kahinahunan
b)
B. Kakayahan
c)
C. Katamaran
d)
D. Kaganapan
43.
40. Ayon kay Francisco Colayco, “kinakailangan ang pag-impok ay tratuhin na isang obligasyon”. Ito ay nangangahulugang…
a)
A. Opsiyonal lamang ang pag-iimpok.
b)
B. Gawing tradisyon ang pag-iimpok.
c)
C. Kailangang may determinasyon sa pag-iimpok.
d)
D. Tungkulin ng bawat isa ang mag-impok.
44.
41. Si Thomas Edison, isang Amerikanong imbentor, ang siyang nakaimbento ng electric light bulb. Bago niya ito natapos, dumaan siya sa maraming pagsubok. Maraming beses siyang nagkamali ngunit hindi siya tumigil bagkus nagpatuloy pa siya ng husto hanggang sa nakuha niya ng tama ang kaniyang imbensiyon. Siya ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ___
a)
A. Hangarin sa buhay
b)
B. Kakayahan sa paggawa
c)
C. Determinasyon
d)
D. Kaganapan sa buhay
45.
42. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
a)
A. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b)
B. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c)
C. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d)
D. Lahat ng nabanggit
46.
43. Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa. Ano ang ibig sabihin nito?
a)
A. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anomang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya.
b)
B. Tunay na mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa itong susi sa magandang kinabukasan at magbubunga ng maraming biyaya.
c)
C. Sinisiguro na magiging maayos ang kalabasan ng kaniyang gawain at ibinibigay niya ang kanyang buong kakayahan, lakas, at panahon upang matapos nang buong husay.
d)
D. Gaano man ang iyong pagdaraan na hirap sa iyong gawain ay pagsumikapan mo itong gawing mabuti sapagkat darating ang araw na malalasap mo ang kaligayahan at tagumpay na dulot nito.
47.
44. Nangangailangan ng _____________, maingat na pagpaplano, at patuloy na pagtutulak ng sarili upang makaahon tayo sa nakasanayan nating ugali na hindi paggawa ng gawain sa tamang oras.
a)
A. determinasyon
b)
B. kasipagan
c)
C. pagpupunyagi D. paglaan ng oras
d)
D. paglaan ng oras
48.
45. Kung ikaw ay may katangian tulad ni Thomas Edison, ano ang iyong gagawin upang magbunga ng tagumpay ang iyong kasipagan?
a)
A. Ipapasa-Diyos na lamang ang mga pagsubok at balakid.
b)
B. Magpatuloy lamang sapagkat maaring makapagbigay ito sa iyo ng masagana at magandang buhay.
c)
C. Panghinaan ng loob dahil sa pagsubok.
d)
D. Sumuko sa hamon ng buhay sa pagkamit ng mithiin.
49.
46. Ang sumusunod ay mga magandang dulot ng pagtatakda ng mithiin MALIBAN sa…
a)
A. Makagagawa ka ng mahusay na plano para maisakatuparan ang iyong mithiin sa buhay.
b)
B. Natutukoy ang mga balakid upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga ito.
c)
C. Hahaba ang panahon sa paggamit ng oras sa mga gawain.
d)
D. Magiging inspirasyon ito upang magsikap kang matupad ang itinakdang mithiin.
50.
47. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
a)
A. Kasipagan
b)
B. Katatagan
c)
C. Pagpupunyagi
d)
D. Pagsisikap
51.
48. Ang sumusunod ay mga kalakip ng magpupunyagi MALIBAN sa…
a)
A. Kasipagan at Determinasyon
b)
B. Pagtitiyaga
c)
C. Pagtitiis
d)
D. Pagkabatugan
52.
49. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
a)
A. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
b)
B. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c)
C. Ipagpasa-Diyos nalang ang mga itinakdang mithiin
d)
D. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin.
53.
50. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay resulta ng katamaran MALIBAN sa:
a)
A. Ito ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
b)
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c)
C. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d)
D. Ito ay magdadala ng kasaganahan sa iyong buhay.
100 %
