Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GMRC GRADE 3

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng angkop na pananalita sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa?

a)

Bakit ang tagal mo?

b)

Umalis ka nga diyan!

c)

Wala akong pakialam.

d)

Pwede bang pakiusap na lang?

2.

Bakit mahalagang maging mapagpasensiya sa pakikitungo sa kapuwa?

a)

Para matakot sila sa atin

b)

Para hindi tayo masaktan

c)

Para makuha natin ang gusto natin

d)

Para magkaroon ng maayos na samahan

3.

Kapag may hindi sinasadyang makabangga sa iyo, ano ang angkop mong sasabihin upang maipakita ang pagiging mapagpasensiya?

a)

Ang tanga mo!

b)

Lumayo ka nga!

c)

Okey lang, hindi mo naman sinasadya.

d)

Tingnan mo nga ang ginagawa mo, ang yabang mo!

4.

Nahulog ng kaklase mo ang kanyang lapis sa lapag. Anong gagawin mo?

a)

Tawanan siya

b)

Sawayin siya

c)

Huwag pansinin

d)

Kunin at ibigay sa kanya nang may ngiti

5.

Si Ana ay laging nauunang kumain kahit may pila. Anong masasabi mo tungkol dito?

a)

Maganda ang ginagawa niya

b)

Dapat siyang pagsabihan ng may galit

c)

Hayaan na lang, baka nagmamadali siya

d)

Maaaring hindi siya sanay sa pila, kausapin siya ng mahinahon

6.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagiging mapagmalasakit?

a)

Pagpuri sa sariling gawa

b)

Pagsumbong sa kaibigan

c)

Pagtulong sa matandang tumatawid

d)

Pagtatawanan ang nahulog na kagamitan ng kamag-aral.

7.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng malasakit sa kapwa?

a)

Ipinagtatago ang lapis ng kaklase

b)

Inaalo ang umiiyak na kaibigan

c)

Tinutulungan ang matandang tumawid

d)

Binibigyan ng pagkain ang walang baon

8.

Si Freddie ay may dalawang payong. Umuulan at walang payong si Robert. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Iwanan si Robert

b)

Ialok ang isang payong kay Robert

c)

Sabihing mabilis na lang tumakbo si Robert

d)

Ipagkait ang payong para hindi mabasa ang kanya

9.

Si Dulnuan ay tumulong sa kapitbahay nilang nag-aayos ng sirang bubong kahit siya ay may ginagawa. Ano ang ipinakikitang ugali ni Dulnuan?

a)

Pagiging tamad

b)

Pagiging mapaglaro

c)

Pagiging makasarili

d)

Pagiging mapagmalasakit

10.

Kung makikita mong may batang nadapa at nasugatan sa daan, ano ang pinakamahusay na gawin?

a)

Tawanan siya

b)

Tawagin ang matanda at umalis

c)

Lapitan at alalayan siya sa clinic

d)

Umuwi agad para hindi madamay

11.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa PWD o Person with Disability?

a)

Iwasang pansinin

b)

Tumulong kung kinakailangan

c)

Tawanan ang kapansanan ng iba

d)

Ipagkalat ang kanilang kondisyon

12.

Bakit mahalagang maging magalang sa mga taong may kapansanan?

a)

Dahil madalas silang magalit

b)

Dahil natatakot tayo sa kanila

c)

Dahil sila ay palaging masaya

d)

Dahil sila ay natatangi at may damdamin din

13.

Paano mo maipapakita ang wastong pakikipag-ugnayan sa isang batang may kapansanan sa inyong paaralan?

a)

Pagtawanan siya

b)

Iwasan siyang kausapin

c)

Maglaro ng walang kasama

d)

Anyayahan siyang makilahok sa laro

14.

May nakita kang batang naka-wheelchair na nahihirapan pumasok sa silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Magtago

b)

Hahayaan na lang siya

c)

Tumulong na itulak ang wheelchair

d)

Tatawagin ang kaklase para tumawa

15.

May bagong kaklase na may kapansanan sa pandinig. Paano mo maipakikita ang respeto sa kanya?

a)

Sigawan siya para marinig

b)

Huwag na lang siyang kausapin

c)

Mag-aya ng laro na hindi kailangan ng pakikipag-usap

d)

Alamin kung paano siya nakikipag-usap at subukang gawin din