WorksheetsPagsusulit sa Pagsasagawa ng Kurso
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, at pagbubuo ng masistemang paraan sa pagkuha ng datos?
Hilig
Pagpapahalaga
Kakayahan
Talento
Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang na sa Baitang 9, ano ang pinakamahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
Pahalagahan at paunlarin
Pagtuunan ng pansin at palaguin
Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
Makinig sa mga gusto ng kaibigan
Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
Humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay din nito ang pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad sa pagsali sa mga paligsahan sa loob at labas ng paaralan. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
kakayahan
mithiin
hilig
pagpapahalaga
Nakasanayan na ni Melchor ang pagsasaayos at pagsisinop sa mga kasangkapan at kagamitan sa bahay. Kaya naisip niya na mag-aaral ng kursong Engineering sa Unibersidad ng Dapitan. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo?
katayuang pinansyal
pagpapahalaga
mithiin
kakayahan
Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha naman niya sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa‘t bukas siya pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
mithiin
pagpapahalaga
kasanayan
hilig
Alin sa mga sumusunod na paraan ang mainam gamitin upang tuklasin ang sariling talento dahil ito ay nakaangkla sa teorya ni Dr. Howard Gardner?
RIASEC
Tseklist ng mga Kasanayan
Pagsusuri ng Pagpapahalaga
Multiple Intelligences Survey Form
Sa Multiple Intelligences Survey form, matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intellegences?
Spatial
Existentialist
Auditory
Kinesthetic
Ang RIASEC ay isang paraan upang matukoy ang Hilig ng isang tao kung saan ang R ay Realistic, I ay Investigative, A ay Artistic, S ay Social, at E ay Enterprising, Ano naman ang kinakatawan ng titik C?
Conventional
Cooperation
Conference
Caring
Ang kakayahan ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng track o kurso. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Tseklist batay sa Uri ng Kakayahan.
Kakayahan sa Pakikiharap sa Tao
Kakayahan sa mga Datos
Kakayahan sa mga Bagay-bagay
Kakayahan sa mga solusyon sa problema
