wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4 & 5 BQ Review

Total questions: 155

Worksheet time: 2hrs 38mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa pagtatakda ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng Longhitud at Latitud o paggamit ng sistemang grid.

a)

Lokasyon

b)

Distansiya

c)

Absolute na lokasyon

d)

Relatibong lokasyon

2.

Ang pinagsamang mga likhang isip na guhit na parallel at meridians ang bumubuo ng sistemang ______________.

a)

Teritoryo

b)

Grid

c)

Longhitud

d)

Latitud

3.

Ang LAWAK na nasasakupan ng isang bansa sa pamamagitan ng distansiyang LONGHITUDINAL at LATITUDINAL ay tinatawag na ____________________

a)

Heograpiya

b)

Lawak Heograpikal

c)

Topograpiya

d)

Lawak Topograpiya

4.

Ang likhang isip na guhit na humahati sa Hilagang hating globo at Timog hating Globo.

a)

Prime Meridian

b)

Longhitud

c)

Latitud

d)

Ekwador

5.

Ang likhang isip na guhit na humahati naman sa Silangan bahagi ng globo at Kanlurang bahagi ng globo ay tinatawag na _______________________

a)

Parallel

b)

Meridian

c)

Prime Meridian

d)

Ekwador

6.

Piliin sa mga sumusunod na mga likhang isip na mga guhit ang matatagpuan sa 0 digri?

a)

Ekwador

b)

Meridian

c)

Parallel

d)

Prime Meridian

7.

Ang mga guhit na kahanay ng mga likhang isip na guhit na prime meridian

a)

Ekwador

b)

Latitud

c)

Longhitud

d)

Tropic of Cancer

8.

. Ano ang tawag samga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit

ipinanganak sa Espanya?

a)

Mestizo    

b)

Principalia

c)

Peninsulares

d)

Insulares

9.

Anong antas ng lipunan ang ipinanganak sa Pilipinas na may dugong

purong kastila ang mga magulang?

a)

Mestizo              

b)

Principalia

c)

Peninsulares

d)

Insulares

10.

Anong uri ng lipunan ang tinatawag na Mangmang o kaya walang alam

at di nakapag-aral?

a)

Mestizo 

b)

Indio  

c)

Peninsulares

d)

Insulares

11.

Ang mga paraing _________________ ay hindi nabibilang sa mga anumang orden. Binubuo ito ng mga Pilipino

a)

sekular

b)

orden

12.

3 Pari na kasama sa kilusang sekularisasyon. Sila din ay tinatawag na 3 paring martir. Sila ay nabitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan



(a)  

13.

Ang mga nabanggit ay layunin ng Kilusang Propaganda maliban sa...

a)

Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol.

b)

Ipaglaban ang mga karapatan ng Pilipino at paalisin sa bansa ang mga Espanyol.

c)

Makaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Espanya.

d)

Ipagkaloob sa mga Pilipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pagsasalita.

14.

Ano ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda?

a)

Sucesos de las Islas Filipinas

b)

El Filibusterismo

c)

La Solidaridad

d)

Diaryong Tagalog

15.

Sino ang unang patnugot ng La Solidaridad?

a)

Graciano Lopez- Jaena

b)

Marcelo H. del Pilar

c)

Jose Rizal

d)

Dominador Gomez

16.

Alin sa mga nabanggit ang layunin ng La Solidaridad?

a)
Ang layunin ng La Solidaridad ay ang pagpapalaganap ng kolonyalismo sa Pilipinas.
b)

Ang layunin ng La Solidaridad ay ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito.

c)
Ang layunin ng La Solidaridad ay ang pagpapalaganap ng kahirapan sa Pilipinas.
d)
Ang layunin ng La Solidaridad ay ang pagpapalaganap ng digmaan sa Pilipinas.
17.

Ito ay isang makabayang pahayagang nasa wikang Tagalog at Espanyol noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Itinatag ito ni Marcelo del Pilar noong 1882 at tinustusan naman ni Francisco Calvo ang pagpapalimbag ng pahayagan.

a)

Diyaryong Tagalog

b)

La Solidaridad

c)

Diario de Manila

d)

Kalayaan

18.

Ang Fray Botod ay isa sa mga isinulat ni Jaena, ano ang ibig sabihin ng Fray Botod?

a)

Isang prayleng malaki ang tyan at minamahal ng mga tao dahil sa kanyang aking kapogian.

b)

Isang prayleng malaki ang tiyan na ganid sa kayamanan at laging ibinibigay ang yaman sa mga Pilipino.

c)

Isang prayleng malaki ang tiyan na lumalaban para sa kapakanan o karapatang pantao ng mga Pilipino.

d)
  • Isang prayleng malaki ang tiyan na ganid sa pagkain,

  • maging sa pang-aabuso, kasakiman at kalupitan nito sa mga Pilipino.

19.

Sya ang nagtatag ng Diaryong Tagalog upang isiwalat ang pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

a)

Marcelo H Del Pilar

b)

Jose Rizal

c)

Graciano Lopez

d)

Andres Bonifacio

20.

Noli Me Tangere: Touch Me Not :: El Filibusterismo:_________________

a)

The Reign of Greed

b)

The Reign of Monarch

c)

The Reign of People

d)

The Reign of Propagandist

21.

Bakit bumagsak ang Kilusang Propaganda?

a)
Bumagsak ang Kilusang Propaganda dahil sa mga internasyonal na pangyayari at sa pagkabigo ng mga rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.
b)

Bumagsak ang Kilusang Propaganda dahil sa pagkakaroon ng malawakang kaguluhan sa Espanya.

c)

Bumagsak ang Kilusang Propaganda dahil sa kakulangan ng kanilang pondo (not enough funds)

d)
Bumagsak ang Kilusang Propaganda dahil sa kakulangan ng suporta mula sa ibang bansa.
22.

Bumalik siya ng Pilipinas at nagtatag ng isa pang samahan – LA LIGA FILIPINA. Sino ang nagtatag ng samahan na ito?

a)
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng La Liga Filipina.
b)
Si Emilio Aguinaldo ang nagtatag ng La Liga Filipina.
c)
Si Jose Rizal ang nagtatag ng La Liga Filipina.
d)
Si Apolinario Mabini ang nagtatag ng La Liga Filipina.
23.

Ano ang motto ng La Liga Filipina?

a)

Ora et Labora

b)

Unus Instar Omnium

c)


Pro Libertate

d)

Unitas humana

24.

Ang _____ ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Progpaganda?

a)

La Liga Filipina

b)

La Solidaridad

c)

Diyaryong Tagalog

25.

Anong samahan ang itinatag ni Jose Rizal na naglalayong mapag-isa ang mga Pilipino sa buong bansa?

a)

La Solidaridad

b)

La Liga Filipina

c)

Kilusang Propaganda

26.

Isa sa mga layunin ng Kilusang Propaganda ay ang mga sumusunod, maliban sa isa.

a)

Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas.

b)

Kilalanin ang bansang Pilipinas bilang bahagi ng lalawigan ng Espanya.

c)

Maging alipin ang mga katutubong Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol.

27.

Sino ang nagtatag ng La Liga Filipina?

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregorio H. Del Pilar

c)

Jose Rizal

28.

Ito ay nobelang isinulat ni Rizal na naghahayag ng pagmamalabis at pagmamalupit ng mga pinuno at prayleng Espanyol. Ano ito?

a)

Noli Me TangereE

b)

El Filibusterismo

c)

La Liga Filipina

29.

Ano ang tawag sa unang pahayagang itinatag ni Marcelo H. Del Pilar?

a)

La Solidaridad

b)

Kilusang Propaganda

c)

Diaryong Tagalog

30.

Ano ang tawag sa mga miyembro ng Kilusang Propaganda?

a)

Prayle

b)

Propagandista

c)

Katipunero

31.

Nagtagumpay ba ang grupo ng mga Propagandista o ang "Kilusang Propaganda"?

a)

Oo

b)

Hindi

32.

Si Jose Rizal ay dinakip at ipinatapon sa Dapitan ,Zamboanga del Norte. Ngunit siya binari sa Bagumbayan noong _____?

a)

Disyembre 25, 1896

b)

Disymebre 30, 1896

c)

Hunyo 12, 1896

33.

Ano ang ginamit ng mga Propagandista sa pagsulong ng kanilang layunin?

a)

dahas

b)

panulat

c)

mga armas

34.

Ang nagpinta ng obrang Spolarium na nagsilbing simbolo ng kalagayan ng mga Pilipino.

a)

Juan Luna

b)

Antonio Luna

c)

Jose Rizal

d)

Marcelo H. Del Pilar

35.

Ito ay isang kilusan gamit ang mapayapang paraan.

a)

La Liga Filipina

b)

Kilusang Propaganda

c)

Circulo Hispano-Filipino

d)

Asociacion Hispano-Filipina

36.

Ang kanyang ginamit na pangalan sa dyaryo ay Plaridel.

a)

Jose Rizal

b)

Graciano Lopez-Jaena

c)

Marcelo H. Del Pilar

d)

Juan Luna

37.

Ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.

a)

Noli Me Tangere

b)

El Filibusterismo

c)

Mi Ultimo Adios

d)

Fray Botod

38.

Araw kung kailan binaril ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal sa Bagumbayan.

a)

Disyembre 31, 1896

b)

Disyembre 30, 1896

c)

Disyembre 31,1989

d)

Disyembre 30, 1989

39.

Sila ang mga panggitnang-klase mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. May kahulugang "isang taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan

a)

Indio

b)

Filibusterismo

c)

Mestizo

d)

Ilustrado

40.

2.Ang nobelang Noli Me Tangere ni Rizal ay tumatalakay sa__________.

a)

Pagmamalabis, pagmamalupit at pagkaganib ng pinuno at prayleng Espanyol sa mga Pilipino.

b)

Pagmamalabis,pagmamalupit at pagkaganib ng pinunong at prayleng Pilipino sa mga Espanyol.

c)

Pagsupil sa mga karapatang pantao at ang maling pamamalakad ng gobyerno at simbahan.

d)

Pagbibigay tulong ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

41.

4.Ito ay isang akda ni graciano Lopez Jaena na Patungkol sa isang prayle na Malaki ang tiyan na ganid sa pagkain, maging sa pang-aabuso, Kasakiman at kalupitan nito sa mga Pilipino.

a)

Noli Me Tangere  

b)

La Solidaridad

c)

Fray Botod

d)

Diaryong Tagalog

42.

Ano ang mahalagang ambag ni Graciano Lopez - Jaena sa Kilusang Propaganda?

a)

Naging patnugot siya ng pahayagang La Solidaridad

b)

Nagtatag siya ng Kilusang Katipunan

c)

Sumulat siya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo

d)

Itinatag niya ang La Liga Filipina

43.

Anong samahan ang itinatag ni Jose Rizal na naglalayon ng pagkakaisa ng mga Pilipino?

a)

La Solidaridad

b)

Noli me Tangere

c)

La Liga Filipina

d)

Kilusang Katipunan

44.

Ang mga sumusunod ay layunin ng Kilusang Propaganda MALIBAN sa isa. Alin Ito?

a)

Makamit ng Pilipinas ang kalayaan

b)

Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas

c)

Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Spain

d)

Matamo ang pantay-pantay na pagtingin ang mga Espanyol sa mga Pilipino

45.

Saan ibinabatay ang pagbabayad ng buwis sa panahon ng pag usbong ng mga propagandista?

a)

Kakayahan ng mga tao

b)

Base sa kanilang natamong kayamanan

c)

Batay sa kakayahan ng mga tao at tinatawag itong cedula    

d)

Sa pamamagitan ng pagbigay ng natamong kayamanan

46.

Ang Kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa mga    

        reporma. Alin sa mga sumusunod ang kabilang ng kanilang layunin?

a)

Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa Pilipino

b)

Maging alipin ang mga Pilipino sa mga kastila.

c)

Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino para sa pamahalaan

d)

Ang mga kastilang pari lamang ang may karapatan na magsilbi sa

    simbahan.

47.

Ano ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa pagkagalit ng mga Pilipino sa mga Kastila?

a)

Pagpapataw ng buwis

b)

Pangingibang bansa ni Dr. Jose Rizal

c)

Pagbabawal sa pakikipaglaban

d)

Pagpatay sa tatlong paring martir

48.

Sino ang tatlong paring martir?

(a)  

49.

Maipapakita natin ang damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng:

a)

Pakikiisa at pagtaguyod ng mga pagbabago sa lipunan.

b)

Hindi pakikialam sa mga pangyayari sa bansa.

c)

Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis.

d)

Hindi pakikisama sa mga pandaigdigang kalakalan.

50.

Ang Cavite Mutiny ay naging dahilan sa pagbitay sa tatlong paring martir.

a)

TAMA

b)

paring sekular

c)

sekularisasyon

d)

paring regular

51.

Ang mga paring regular ay kinabibilangan ng mga Pilipinong pari.

a)

TAMA

b)

paring Pilipino

c)

paring sekular

d)

paring Espanyol

52.

Si Padre Mariano Gomez ang namuno sa Kilusang Sekularisasyon.

a)

Jacinto Zamora

b)

Pedro Pelaez

c)

TAMA

d)

Jose Burgoz

53.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng “Cavite Mutiny?’

a)

Mahigpit na pamamalakad ng mga Espanyol.

b)

Paghahadlang sa sekularisasyon ng mga Parokya.

c)

Paglimita sa pamamahayag ng mga Pilipino.

d)

Pagbibigay ng libreng Edukasyon sa mga Pilipino.

54.

Ano ang naging bunga ng pagkakahuli sa mga nag-alsa sa Cavite?

a)

Paggarote kina GOMBURZA

b)

Pagbaril kay Dr, Jose Rizal

c)

Pagpatay kay Andres Bonifacio

d)

Pagkakulong kay Donya Teodora

55.

Ano ang tawag sa kasapi ng Katipunan?

a)

Katipunero

b)

Katipon

c)

Propagandista

d)

Kasama

56.

Ito ang pinakamataas na antas ng pamunuan na namamahala sa buong samahan ng Katipunan.

a)

Kataas-taasang Sanggunian o Supreme Council

b)

Sangguniang Bayan

c)

Sangguniang Balangay

d)

Sangguniang Hukuman

57.

Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan at tinaguriang "Utak ng Katipunan"

a)

Deodato Arellano

b)

Emilio Jacinto

c)

Pio Valenzuela

58.

Ang Katipunan o KKK ay isang makabayang kilusang itinatag ni Andres Bonifacio at iba pang kasapi. Ano ang ibig sabihin ng KKK?

a)

Kataastaasang kagalanggalang na KKK

b)

Kataasang Kagalanggalangang Katipunan

c)

Kataastaasang Kagalanggalang ng mga Katipunero

d)

Kataastaasang kagalanggalang na Katipunero

59.

Kung si Andres Bonifacio ay kinilala bilang supremo, ano ang katawagan kay Emilio Jacinto?

a)

Ama ng Balintawak

b)

Dakilang Lumpo

c)

Utak ng Himagsikan

d)

Utak ng Katipunan

60.

Ang Katipunan ay naghangad na makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol. Ano ang paraan ng mga Katipunero upang maging matagumpay sa kanilang layunin?

a)

Dahas at pakikipaghimagsik

b)

Demonstrasyon sa lansangan

c)

Panulat sa pahayagan

d)

Payapang pagpupulong sa mga Espanyol

61.

Sa paanong paraan unang nanghikayat ang kilusan ng mga kasapi nito?

a)

Nagpaskil sila at nanawagan sa mga nais lumahok.

b)

Gumamit sila ng anunsiyo sa mga pahayagan at lathalain.

c)

Nagtungo sa mga pampublikong lugar upang manghikayat.

d)

Palihim na nanghikayat at gumamit ng sistemang tatsulok.

62.

Sino ang pinuno ng Katipunan na nahalal bilang Direktor ng Interyor sa Kumbensiyon sa Tejeros?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Mariano Trias

d)

Artemio Ricarte

63.

Ano ang idineklara ni Andres Bonifacio na walang bisa?

a)

Ang Resulta ng Halalan sa Kumbensyon sa Tejeros

b)

Ang Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Malolos

c)

Ang Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Cavite

d)

Ang Katipunan

64.

Ano ang ginawa ni Emilio Aguinaldo nang malaman niya ang pagpapalabas ni Andres Bonifacio ng Acta de Tejeros?

a)

Nagpadala ng delegasyon upang himukin si Bonifacio na makipagtulungan

b)

Nagpadala ng sulat kay Bonifacio

c)

Nagpadala ng tulong sa mga labanan sa Cavite

d)

Nagpadala ng mga tauhan upang dakpin si Bonifacio

65.

Ano ang parusang ibinigay kay Andres Bonifacio at Procopio?

a)

Parusang kamatayan

b)

Parusang pagkakakulong

c)

Parusang pagpapalayas

d)

Parusang pagbabawal sa politika

66.

Saan nagpulong ang mga kinatawan ng kongreso?

a)

Barasoain Church

b)

San Jose Church

c)

Manila Cathedral

d)

Malate Church

67.

Ito ay nabuo dahil sa hangarin ng mga Pilipino na magkaroon ng kasarinlan. Ito ay may 85 na kinatawan na nabibilang sa may mataas na pinag-aralan, matalino at mayroong kaya sa buhay.

a)

KKK

b)

Kongreso ng Malolos

c)

Tejeros Convention

d)

Sigaw sa Pugad Lawin

68.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakapaloob sa Saligang Batas ng Malolos?

a)

Paghihiwalay ng simbahan at estado

b)

Pagkilala sa karapatang pantao

c)

Libreng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo

d)

Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura at hukuman

69.

Siya ang nagsilbing unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

a)

Andres Bonifacio

b)

Apolinario Mabini

c)

Jose Rizal

d)

Emilio Aguinaldo

70.

Layunin nito na paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino at pagsasa-ayos ng serbisyo sibil ng bansa.

a)

Commission

b)

Philippine commission

c)

Taft commission

d)

Schurman commission

71.

Layunin nito na matiyak na maayos at magkaroon ng gabay ang Estadus Unidos sa pamamahala ng Pilipinas.

a)

Commission

b)

Philippine commission

c)

Schurman commission

d)

Taft commission

72.

Binili ng Estados Unidos ang Isla ng Pilipinas mula sa Espanya sa halagang_____?

a)

$40,000,00

b)

$200,000,000

c)

$10,000,000

d)

$20,000,000

73.

Sino ang pinakabatang heneral at itinuturing na bayani ng Pasong Tirad?

a)

Antonio Luna

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Gregorio del Pilar

d)

Marcelo del Pilar

74.

Ang kasunduang Bates ay isang kasunduan sa pagitan ni Heneral John Bates at ng Sultan ng Jolo na si ____________

a)

Jamal Kiram

b)

Januario Galut

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Jamal Ul Kiram II

75.

Ano ang dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang Labanan sa Pasong Tirad?

a)

kakulangan sa sandata

b)

kakulangan sa kasanayan sa pakikipaglaban

c)

kakulangan sa tao

d)

pagtataksil ng kapwa nila Pilipino

76.

Ano ang ugat ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano?

a)

dahil sa alitan sa lupa

b)

dahil sa hindi pagkakaunawaan

c)

dahil sa paglaban ng mga Pilipino

d)

dahil sa pagpapalaganap ng Kristyanismo

77.

Anong kasunduan ang nagtakda sa ugnayan ng mga Amerikano at mga Muslim sa Mindanao?

a)

Kasunduan sa Paris

b)

Kasunduang Bates

c)

Kasunduan sa Biak-na-Bato

d)

Kasunduang Datu

78.

Ito ay isang makitid na landas patungo sa Cervates, Lepanto, Ilocos Sur kung saan namatay si Del Pilar habang lumalaban sa mga Amerikano.

a)

Pasong Tirad

b)

Bud Dajo

c)

Palanan

d)

Jaro, Iloilo

79.

Saan nadakip si Aguinaldo?

a)

Cavite

b)

Palanan

c)

Mindanao

d)

Bulacan

80.

Sino ang humalili sa posisyon ni Aguinaldo at namuno sa pakikipaglaban sa Batangas?

a)

Manuel Tinio

b)

Macario Sakay

c)

Miguel Malvar

d)

Simeon Ola

81.

Sino ang nagtatatag ng Republika ng Katagalugan na naglayong muling itanghal ang simulain ng Katipunan?

a)

Manuel Tinio

b)

Macario Sakay

c)

Miguel Malvar

d)

Simeon Ola

82.

Anong pangyayari ang naganap noong Pebrero 4, 1899 na siyang sinasabing simula ng Digmaang Pilipino – Amerikano?

a)

Nagpaputok ang Amerikanong si William Walter Grayson sa mga Pilipino

habang nagpapatrolya sa panulukan ng Calle Sociego at Calle Silencio, Sta. Mesa.

b)

Lumusob ang mga mandirigmang Pilipino sa himpilan ng mga Amerikano

sa bayan ng Balangiga, Samar.

c)

Dinakip ng mga Amerikanong sundalo si Emilio Aguinaldo.

d)

Nabunyag ang Treaty of Paris na nilagdaan ng mga Amerikano at mga

Espanyol.

83.

Anong kasunduan ang naganap sa pagitan ng España at Estados Unidos kung saan binenta nila ang Pilipinas sa halagang $20, 000, 000?

a)

Kasunduan sa Biak na Bato

b)

Kumbensyon sa Tejeros

c)

Kasunduan sa Paris

84.

Sino ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan?

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregorio del Pilar

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Emilio Jacinto

85.

Anong pangyayari ang naging “ganti” ng mga Amerikano sa matagumpay na pag-atake ng mga Pilipino sa Samar na ikinamatay ng maraming sundalong Amerikano?

a)

Labanan sa Pasong Tirad

b)

Benevolent Assimilation

c)

Pagbagsak ng Malolos

d)

Balangiga Massacre

86.

Siya ay sang repormista na nagtatag ng La Liga Filipina at nagsulat ng mga kilalang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo

a)

Melchora Aquino

b)

Manuel L. Quezon

c)

Dr. Jose Rizal

d)

Graciano Lopez-Jaena

87.

Siya ang nagtatag ng pamahalaan sa katagalugan at napagbintangan ng maraming kasalanan.

a)

Macario Sakay

b)

Severino Reyes

c)

Manuel L. Quezon

d)

Hen. Emilio Aguinaldo

88.

Siya ang magiting na babaeng heneral sa Katagalugan na tinaguriang “Joan of Arc”.

a)

Melchora Aquino

b)

Graciano Lopez-Jaena

c)

Julian Felipe

d)

Agueda Kahabagan

89.

Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.

a)

Manuel L. Quezon

b)

Julian Felipe

c)

Dr. Jose Rizal

d)

Faustino Ablen

90.

Sila ang mga paring hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote.

a)

KATIPUNERO

b)

KAWAL

c)

GOMBURZA

d)

LA LIGA FILIPINA

91.

Siya ang tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad”.

a)

Hen. Emilio Aguinaldo

b)

Graciano Lopez-Jaena

c)

Emilio Jacinto

d)

Hen. Gregorio Del Pilar

92.

Siya ang pangunahing patnugot ng pahayagang La Solidaridad.

a)

Graciano Lopez-Jaena

b)

Hen. Emilio Aguinaldo

c)

Macario Sakay

d)

Julian Felipe

93.

Siya ang tinaguriang “Utak ng Katipunan”.

a)

Faustino Ablen

b)

Emilio Jacinto

c)

Hen Emilio Aguinaldo

d)

Hen. Gregorio del Pilar

94.

Siya ang pangunahing tagapayo ni Emilio Aguinaldo at tinaguriang “Utak ng Himagsikan”.

a)

Miguel Malvar

b)

Emilio Jacinto

c)

Apolinario Mabini

d)

Julian Felipe

95.

Siya ay isa sa mga Ormocanon sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

a)

Faustino Ablen

b)

Macario Sakay

c)

Severino Reyes

d)

Julian Felipe

96.

Saan unang naganap ang unang labanan ng Espanyol at Amerikano sa Pilipinas?

a)

Manila Bay

b)

Kawit, Cavite

c)

Malolos, Bulacan

97.

Sino ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Manuel L. Quezon

98.

Ano ang tunay na pakay ng mga Amerikano sa ating bansang Pilipinas…??

a)

Makipag alyansa laban sa Espanyol

b)

Sakupin at gamitin ang Pilipinas

c)

Kumuha lamang ng likas na yaman

99.

Nuong Septyembre 15, 1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos sa…?

a)

Simbahan ng Sumapang Bata

b)

Simbahan ng Barasoain

c)

St. Agustine Parish

100.

Sino ang namumuno sa Kongreso ng Malolos?

a)

Heneral Anderson

b)

Gob. Fermin Juadnes

c)

Felipe Calderon

101.

Ano ang tatlong sangay ng Republika ng Pilipinas?

(a)  

102.

Amerikanong Commodore na pumunta sa Pilipinas upang labanan ang mga Espanyol..?

(a)  

103.

Ito ang patakarang ipinahayag ng presidente ng Estados Unidos, na makikipagtulungan ang mga Amerikano sa mga Pilipino.

(a)  

104.

Sino ang utak ng himagsikan, na siya rin ay taga pagpayo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo?

(a)  

105.

Kailan itinatag ang Araw ng Kalayaan?

(a)  

106.

Kailan nagsimula ang Rebolusyong Pilipino?

a)

1896

b)

1897

c)

1895

d)

1800

107.

Saan nangyari ang labanan ng Amerikano at Espanyol kung saan nagapi ng mga Amerikano ang mga Espanyol?

a)

Leyte

b)

Mindanao

c)

Look ng Maynila

d)

Bulacan

108.

Kailan unang idineklara ang araw ng kalayaan?

a)

Hulyo 12, 1898

b)

Hunyo 12, 1898

c)

Agusto12, 1898

d)

December 12, 1898

109.

Ano ang tawag sa ating pambansang await noon?

a)

Ang bayan ko

b)

Bayang Magiliw

c)

Lupang Hinirang

d)

Marcha National Filipina

110.

Saan ginawa ang ating Pambansang watawat na iwinagayway sa proklamasyon ng ating kalayaan?

a)

Manila

b)

Espanya

c)

Hongkong

d)

Cavite

111.

Tukuyin lahat ng mga taong kasama sa pagawa ng ating pambansang watawat.

a)

Marcella Agoncillo

b)

Lorenza Agoncillo

c)

Delfina Herboza

d)

Josefa Llanes Escoda

112.

Sino ang lumikha ng atong Pambansang awit?

a)

Julian Felipe

b)

Jose Palma

c)

Jose Rizal

d)

Emilio Aguinaldo

113.

Ano-anu ang tatlong sangay ng pamahalaan ayon sa konstitusyong nilikha ng kongreso ng Malolos?

a)

Senado

b)

Hudikatura

c)

lehislatura

d)

ehekutibo

114.

Sa tatlong sangay ng pamahalaan, saan napabilang ang Pangulo?

a)

Ehekutibo

b)

Lehislatura

c)

Hudikatura

115.

Sa tatalong sangay ng pamahalaan , saan napabilang ang mga kongresista?

a)

ehekutibo

b)

lehislatura

c)

hudikatura

116.

Sa tatlong sangay ng pamahalaan saan naman napabilang ang mga mambabatas/ senador?

a)

ehekutibo

b)

lehislatura

c)

hudikatura

117.

Anu ang pinakamahalagang nagyari sa rebolusyon mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

Pagtatag ng Republika ng Pilipinas

b)

Kasunduan sa BIak na Bato

c)

Pagpapahayag ng Kalayaan

118.

Kailan natin ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan ngayon?

a)

Hulyo 12

b)

Hunyo 12

c)

Agosto 12

d)

Desyembre 12

119.

Anong pamahalaan ang ipinalit sa pamahalaang diktatoryal?

a)

Pamahalaang Kolonya

b)

Pamahalaang Liberal

c)

Pamahalaang Rebulosyunaryo

d)

Pamahalaang Demokrasya

120.

Tukuyin ang tatlong G na nais makamit ng mga Espanyol sa kanilang pananakop sa Pilipinas?

a)

Glory

b)

Greatness

c)

Gold

d)

God

121.

1. Paano nagsimula ang alitan sa pagitan ng mga Espanyol at Amerikano?

a)

Tinulungan nila ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.

b)

Tinulungan nila ang Cuba laban sa mga Espanyol.

c)

Pinasabugan nila ang mga barko ng mga Espanyol.

d)

Nakipag-usap sila kay Emilio Aguinaldo.

122.

2. Ano ang unang pangyayari sa Battle of Manila Bay

a)

Dumating ang iskwadron ng mga Amerikano sa pamumuno ni Commodore George Dewey.

b)

Binomba ng mga Amerikano ang makabagong barko ng mga Espanyol.

c)

Natalo ang mga Espanyol at sumuko.

d)

Nanatili at naghintay ng supurta ang mga Amerikano mula sa kanilang bansa.

123.

3. Ano ang mahalagang pangyayari noong Hunyo 12, 1898?

a)

Iniutos ni Apolinario Mabini ang kalayaan ng Pilipinas.

b)

Nagtipon ang mga Katipunan at nagsaya.

c)

Ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas

d)

Ginawa ang pambansang bandila ng Pilipinas.

124.

4. Sino ang lumikha ng Marcha Nacional Filipina?

a)

Juan Luna

b)

Juan Dela Cruz

c)

Julian Felipe

d)

Jose Palma

125.

5. Bakit inalok na bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas habang nasa Singapore siya?

a)

Ito ay dahil natatalo na ang mga Espanyol.

b)

Kasi hindi parin nagtatagumpay ang mga Pilipino.

c)

Kasi tinulungan siya ng Amerika upang maging Pangulo siya.

d)

Ito ay dahil nagpadala ng telegrama kay Aguinaldo para tulungan sa himagsikan.

126.

6. Sino ang naglapat ng titik sa pambansang awit ng Pilipinas?

a)

Fernando Amorsolo

b)

Jose Palma

c)

Marcela Agoncillo

d)

Emilio Aguinaldo

127.

7. Kailan naging isa sa pinakamakapangyarihang bansa ang United States?

a)

Ika-17 siglo

b)

Ika-18 siglo

c)

Ika-19 siglo

128.

8. Sa panahong narinig ang bansang US, sinamantala nila ang pangyayaring ito upang magsimulang manakop.

a)

paghihimagsik ng mga kolonya ng Spain gaya ng Cuba

b)

pagbaba ng ekonomiya

c)

paghihimagsik ng Pilipinas sa mga Espanyol

d)

pagbalik ni Aguinaldo sa Pilipinas

129.

9. Ito ang pamahalaang itinatag ni Emilio Aguinaldo na nagtagal lamang ng 5 araw.

a)

Pamahalaang Diktaduryal

b)

Pamahalaang Rebolusyonaryo

130.

10. Sang-ayon ba si Apolinario Mabini sa pagdeklara ng kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898?

a)

Oo

b)

Hindi

131.

Anong uri ng pamahalaan ang unang itinatag ng mga Amerikano?

a)

Pamahalaang Sibil

b)

Pamahalaang Militar

c)

Pamahalaang Komonwelt

d)

Pamahalaang Amerikano

132.

Sino ang namuno sa kauna-unahang komisyong ipinadala ng mga Amerikano sa Pilipinas?

a)

William Howard Taft

b)

John Spooner

c)

Jacob Schurman

d)

William McKinley

133.

Sino ang tagapangulo ng komisyon na naging unang gobernador-heneral ng Amerika sa Pilipinas?

a)

William Howard Taft

b)

John Spooner

c)

Jacob Schurman

d)

William McKinley

134.

Anong komisyon ang ipinadala sa Pilipinas upang magsiyasat sa kalagayan nito at magmungkahi kung ano ang angkop na paraan sa pamamahala rito?

a)

Komisyon ng Pilipinas

b)

Komisyong Taft

c)

Komisyong Schurman

135.

Anong komisyon ang nangasiwa sa pagtatatag ng pamahalaang sibil at naghanda sa mga Pilipino sa pamamahala sa bansa?

a)

Komisyon ng Pilipinas

b)

Komisyong Taft

c)

Komisyong Schurman

136.

Anong komisyon ang binigyan ng Estados Unidos ng tanging kapangyarihang tagapagbatas?

a)

Komisyon ng Pilipinas

b)

Komisyong Taft

c)

Komisyong Schurman

137.

Anong batas ang nagbigay ng kapangyarihan sa pangulo ng Estados Unidos na bumuo ng isanag pamahalaang sibil ng Pilipinas?

a)

Batas Militar

b)

Brigandage Act

c)

Cooper Act

d)

Spooner Amendment

138.

Anong batas ang nagtatag sa Asamblea ng Pilipinas bilang mababang kapulungan?

a)

Batas Militar

b)

Brigandage Act

c)

Cooper Act

d)

Spooner Amendment

139.

Anong batas ang isa sa mga ginamit ng Amerika upang supilin ang nasyonalismong Pilipino?

a)

Batas Militar

b)

Brigandage Act

c)

Cooper Act

d)

Spooner Amendment

140.

Anong uri ng pamahalaan ang upinairal ng Amerika sa Pilipinas sa panahon ng pananakop nito?

a)

Pamahalaang Sibil

b)

Pamahalaang Militar

c)

Pamahalaang Komonwelt

d)

Pamahalaang Amerikano

141.

Sino ang nagtatag ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas?

a)

William Howard Taft

b)

John Spooner

c)

Jacob Schurman

d)

William McKinley

142.

Sino ang kauna-unahang gobernador-militar na komander ng hukbong Amerikano?

a)

William Howard Taft

b)

Wesley Merritt

c)

Jacob Schurman

d)

William McKinley

143.

Anong batas ang nagpapabawal na manghikayat o magpahayag ng paglaban at pagpuna sa pamamahala ng mga Amerikano, pagsusulong ng kalayaan at paghiwalay ng Pilipinas sa Estados Unidos?

a)

Batas Panunulisan (Brigandage Act)

b)

Batas Sedisyon (Sedition Law)

c)

Batas Rekonsentrasyon (Reconcentration Act)

d)

Batas Watawat (Flag Law)

144.

Anong batas ang nagsasaad ng paglilipat ng tirahan sa mamamayang nasa kanayunan sa mga sonang militar upang itayo sa mga rebolusyonaryong binansagang tulisan, bandido, at magnanakaw na kumukuha ng suporta sa mga magsasaka?

a)

Batas Panunulisan (Brigandage Act)

b)

Batas Sedisyon (Sedition Law)

c)

Batas Rekonsentrasyon (Reconcentration Act)

d)

Batas Watawat (Flag Law)

145.

Anong batas ang nagsasaad ng pagbabawal ng pagsasabit, paglaladlad, o pagpapakita ng watawat ng Pilipinas?

a)

Batas Panunulisan (Brigandage Act)

b)

Batas Sedisyon (Sedition Law)

c)

Batas Rekonsentrasyon (Reconcentration Act)

d)

Batas Watawat (Flag Law)

146.

Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-alsa ng mga Pilipino.

a)

Pamahalaang Sibil

b)

Pamahalaang Merritt

c)

Pamahalaang Schurman

d)

Pamahalaang Militar

147.

Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino?

a)

Makataong Asimilasyon

b)

Pamahalaang Militar

c)

Asamblea ng Pilipinas

d)

Pamahalaang Sibil

148.

Ano ang tawag sa ipinanukala ni Senador John Spooner noong 1901?

a)

Susog John

b)

Susog Spooner

c)

Batas John

d)

Batas Spooner

149.

Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil sa bisa ng patakarang ______________.

a)

Pilipino Muna

b)

Pilipinisasyon ng Pilipinas

c)

Pilipinas ay para sa mga Pilipino

d)

Makataong Asimilasyon

150.

Alin sa sumusunod ang ipinangako ng Pamahalang Sibil sa pamumuno ni Gobernador Taft?

a)

Pagpapahalaga ng mga karapatang sibil at pagsasanay sa malayang pamamahala sa sarili.

b)

Pagpaparami ng magsasaka

c)

Pagpapadami ng sundalong Pilipino

d)

Pagbibigay ng libreng pabahay

151.

Siya ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos.

(a)  

152.

Nahirang na kauna-unahang Gobernador Sibil ng Pilipinas at siya rin ang naging Pangulo ng Komisyon ng Pilipinas o Tagapagbatas.

(a)  

153.

Ang Makataong Asimilasyon o (a)   ay ginamit ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino.

154.

Ang (a)   naman ang nagpatupad ng mga mungkahing hakbang ng Komisyong Schurman.

155.

Ang (a)   ang nagtakda ng mga hakbang upang makapagplano ang Estados Unidos ng pamamahala sa Pilipinas.