Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M. Aquino_Si Rizal at Ang Kanyang Obra Maestra

Total questions: 23

Worksheet time: 46mins

Name
Class
Date
1.

Kailan ipinanganak si Jose Rizal?

a)

Hunyo 12, 1869

b)

Hunyo 19, 1861

c)

Disyembre 30, 1872

d)

Mayo 1, 1865

2.

Saang bayan ipinanganak si Jose Rizal?

a)

Calamba, Laguna

b)

Binan, Laguna

c)

San Pablo, Laguna

d)

Lipa, Batangas

3.

Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?

a)

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

b)

Jose Protacio Rizal del Pilar y Lopez

c)

Jose Protacio Realonda y Mercado

d)

Jose Protacio Mercado y Rizal

4.

Ano ang unang tulang isinulat ni Jose Rizal noong siya ay walong taong gulang?

a)

El Amor Patrio

b)

Sa Aking Mga Kababata

c)

A La Juventud Filipina

d)

Mi Último Adiós

5.

Ano ang huling naisulat ni Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan?

a)

El Filibusterismo

b)

Noli Me Tangere

c)

Mi Último Adiós

d)

Junto al Pasig

6.

Sino sa mga babaeng ito ang unang pag-ibig ni Jose Rizal?

a)

Josephine Bracken

b)

Leonor Rivera

c)

Segunda Katigbak

d)

O-Sei-San

7.

Anong uri ng panitikan ang Noli Me Tangere?

a)

Sanaysay

b)

Talambuhay

c)

Nobela

d)

Dula

8.

Ano ang kahulugan ng pamagat na Noli Me Tangere?

a)

"Huwag mo akong hawakan" – isang babala laban sa kasamaan

b)

"Paglingkuran mo ako" – isang utos ng mga prayle sa mamamayan

c)

"Ipaglaban mo ang iyong karapatan" – isang panawagan sa mga Pilipino

d)

"Pagbabalikwas ng bayan" – isang mensahe ng rebolusyon

9.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?

a)

Upang libangin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng isang kathang-isip na kwento

b)

Upang ilantad ang mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa Pilipinas

c)

Upang hikayatin ang mga Pilipino na maglunsad ng isang madugong rebolusyon

d)

Upang mapasaya ang mga prayle at opisyal ng pamahalaan

10.

Anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?

a)

Don Quixote ni Miguel de Cervantes

b)

The Count of Monte Cristo ni Alexandre Dumas

c)

Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe

d)

Les Misérables ni Victor Hugo

11.

Sino ang pangunahing grupo sa lipunan na matinding pinuna sa nobela?

a)

Mga guro na nagtataguyod ng edukasyon sa bansa

b)

Mga prayle at opisyal ng pamahalaang kolonyal

c)

Mga katutubong lider ng tribu sa Luzon at Mindanao

d)

Mga negosyanteng dayuhan na nagtatayo ng negosyo sa Maynila

12.

Bakit naging kontrobersyal ang Noli Me Tangere sa panahon ng pananakop ng Espanya?

a)

Dahil naglalaman ito ng mga kwentong kathang-isip na labag sa batas ng Simbahan

b)

Dahil tinuligsa nito ang pagmamalabis at katiwalian ng mga prayle at opisyal ng gobyerno

c)

Dahil ito ay isinulat sa wikang Pilipino sa halip na Kastila

d)

Dahil isinulat ito ni Rizal nang walang pahintulot mula sa pamahalaang Espanyol

13.

Paano pinondohan ni Rizal ang pagpapalimbag ng Noli Me Tangere?

a)

Mula sa donasyon ng mga Pilipinong ilustrado at kaibigan niya

b)

Ibinenta niya ang kanyang mga alahas at ari-arian

c)

Humingi siya ng tulong mula sa pamahalaang Espanyol

d)

Nangutang siya sa mga mayayamang Kastila

14.

Ano ang naging epekto ng Noli Me Tangere sa mga Pilipino noong panahon ng pananakop?

a)

Nagdulot ito ng matinding takot sa mga Pilipino kaya’t hindi nila ito binasa

b)

Wala itong naging epekto dahil hindi ito ipinagbawal ng mga awtoridad

c)

Nagdulot ito ng aliw at libangan sa mga Pilipino kaya’t nakalimutan nila ang pang-aapi

d)

Naging inspirasyon ito para sa mga Pilipino upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan

15.

Ano ang pangunahing kondisyon ng lipunan noong isinulat ni Rizal ang nobela?

a)

May maunlad na ekonomiya at pantay-pantay ang mga mamamayan

b)

May pang-aabusong ginagawa ng mga prayle at ng gobyernong kolonyal

c)

Mas maraming Pilipino ang may edukasyon at malayang nagpapahayag ng kanilang opinyon

d)

Ang mga Pilipino ay malaya nang magpasya sa sarili nilang pamahalaan

16.

Bakit ginamit ni Rizal ang mapanuring pagsasalaysay sa kanyang akda?

a)

Upang takutin ang mga Pilipino na huwag lumaban

b)

Upang itago ang tunay niyang intensyon sa pagsulat

c)

Upang ipakita ang katotohanan ng lipunan nang hindi tahasang naghihikayat ng rebolusyon

d)

Upang makuha ang suporta ng mga Kastila para sa mga Pilipino

17.

Ano ang papel ng simbahan sa pamamahala ng mga Pilipino ayon sa nobela?

a)

Tagapagtanggol ng mga Pilipino laban sa mga abusadong opisyal

b)

Tagasuporta ng mga reporma sa gobyerno

c)

Isa sa mga pangunahing institusyong nang-aabuso at nagpapahirap sa mamamayan

d)

Isang samahang walang kinalaman sa politika at panlipunang usapin

18.

Ano ang naging reaksyon ng mga prayle at opisyal ng pamahalaang Espanyol nang mailathala ang Noli Me Tangere?

a)

Pinuri nila ito bilang isang mahusay na nobela

b)

Ipinagbawal at sinunog nila ang mga sipi ng aklat

c)

Ginamit nila ito bilang bahagi ng kurikulum sa edukasyon

d)

Wala silang interes dito dahil hindi ito isinulat sa Kastila

19.

Sino sa mga sumusunod ang matalik na kaibigan ni Rizal na tumulong sa pagpapalimbag ng Noli Me Tangere?

a)

Juan Luna

b)

Ferdinand Blumentritt

c)

Maximo Viola

d)

Marcelo H. del Pilar

20.

Ano ang isa sa mahahalagang aral na maaaring matutunan mula sa Noli Me Tangere?

a)

Ang tahimik na pagsunod sa pamahalaan ay laging nagdudulot ng kabutihan

b)

Ang edukasyon at pagmumulat ng diwa ay maaaring maging sandata laban sa pang-aapi

c)

Ang paglayo sa sariling bayan ay ang tanging solusyon sa katiwalian

d)

Ang relihiyon ay walang kinalaman sa pang-aabuso sa Lipunan

21.

Ilang sipi ng Noli Me Tangere ang unang nailimbag sa Berlin, Alemanya?

a)

1,000 sipi

b)

2,000 sipi

c)

500 sipi

d)

300 sipi

22.

Bakit hindi agad nalimbag ang Noli Me Tangere matapos itong matapos ni Rizal?

a)

Wala siyang sapat na pera para sa pagpapalimbag

b)

Hindi siya sigurado kung tatanggapin ito ng mga Pilipino

c)

Wala siyang publisher na gustong maglimbag nito

d)

Natatakot siyang baka hindi ito tangkilikin sa Europa

23.

Ilang taon si Jose Rizal nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere?

a)

21 taon

b)

24 taon

c)

26 taon

d)

28 taon