NEW
Font size
WorksheetsA&E Practice Test - Life & Career Skills
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Si Juan ay mahilig at magaling umawit simula pagkabata. Nais niyang magtanghal sa entablado tuwing may mahalagang okasyon sa kanilang lugar kagaya ng pista. Masaya siyang pinapalakpakan ng mga tao dahil sa kaniyang pagtatanghal.
Anong kasanayang taglay ni Juan ang maaaring makatulong.upang
malaman ang angkop na career para sa kaniya?
pag-arte
pagkanta
pagsayaw
pagguhit
Ano ang pinakaangkop na career option para kay Juan batay sa kaniyang interes
at talento?
mang-aawit
inhinyero
guro
chef
Bilang isang tao na may interes o hilig sa pagtatanghal, ano ang isa sa mga maaaring benepisyo ni Juan sa kaniyang napiling career?
mataas na suweldo
walang stress sa trabaho
madaling makahanap ng trabaho
pagkakataon na makilala sa kaniyang talent
Ang grupo ng mga mag-aaral sa Baitang 6 ay nagplanong gumawa ng bagong produkto para sa kanilang bazaar. Ang produkto nila ay tinatawag na "EcoBag," isang bag na gawa sa recycled materials tulad ng plastic wrappers at tela. Ayon sa kanilang pananaliksik, maraming produkto na katulad ng EcoBag sa pamilihan, ngunit kakaiba ang kanilang diseny dahil bawat bag ay handmade at may kasamang detachable na mga bulsa na maaaring gamitin bilang coin purse o pouch. Dagdag pa rito, ang bawat pagbili ng EcoBag ay makatutulong sa pagtatanim ng puno, dahil bahagi ng kita ay mapupunta sa isang tree-planting project.
Ano ang pangunahing katangian ng EcoBag na nagbibigay rito ng kalamangan
kumpara sa iba pang mga bag sa pamilian?
Ang EcoBag ay mas magaan kaysa sa ibang mga bag.
Ang EcoBag ay gawa sa tela na madaling mabasa ng tubig.
Ang EcoBag ay mas mahal kumpara sa ibang mga produkto.
Ang EcoBag ay gawa sa recycled materials at may detachable na mga bulsa.
Ang grupo ng mga mag-aaral sa Baitang 6 ay nagplanong gumawa ng bagong produkto para sa kanilang bazaar. Ang produkto nila ay tinatawag na "EcoBag," isang bag na gawa sa recycled materials tulad ng plastic wrappers at tela. Ayon sa kanilang pananaliksik, maraming produkto na katulad ng EcoBag sa pamilihan, ngunit kakaiba ang kanilang diseny dahil bawat bag ay handmade at may kasamang detachable na mga bulsa na maaaring gamitin bilang coin purse o pouch. Dagdag pa rito, ang bawat pagbili ng EcoBag ay makatutulong sa pagtatanim ng puno, dahil bahagi ng kita ay mapupunta sa isang tree-planting project.
Paano nagiging kakaiba ang produkto ng mga mag-aaral kumpara sa iba pang
produktong eco-friendly?
Ang bawat EcoBag ay handcrafted, may detachable na bulsa, at tumutulong sa
isang tree-planting project.
Ang EcoBag ay ibinibenta sa mas mataas na presyo kumpara sa iba pang mga
eco-friendly na bag.
Ang EcoBag ay may kasamang plastic straw bilang dagdag na regalo.
Ang EcoBag ay may mga diseny na nai-print gamit ang makina.
Ang grupo ng mga mag-aaral sa Baitang 6 ay nagplanong gumawa ng bagong produkto para sa kanilang bazaar. Ang produkto nila ay tinatawag na "EcoBag," isang bag na gawa sa recycled materials tulad ng plastic wrappers at tela. Ayon sa kanilang pananaliksik, maraming produkto na katulad ng EcoBag sa pamilihan, ngunit kakaiba ang kanilang diseny dahil bawat bag ay handmade at may kasamang detachable na mga bulsa na maaaring gamitin bilang coin purse o pouch. Dagdag pa rito, ang bawat pagbili ng EcoBag ay makatutulong sa pagtatanim ng puno, dahil bahagi ng kita ay mapupunta sa isang tree-planting project.
Bakit mahalagang malaman ng mga mamimili na bahagi ng kita mula sa EcoBag
ay mapupunta sa isang tree-planting project?
para mas malaman ng mga mamimili ang presyo ng produkto
para mabawasan.ang bilang ng mga ibinebentang bag sa pamilihan
para mahikayat ang ibang mga negosyo na bumiling EcoBag sa mas malaking halaga
para mahikayat ang mga mamimili na suportahan ang produkto dahil
makakatulong ito sa kalikasan
Si Nica ay nagtitinda ng mga damit, mantel o tapete, punda, at kumot. Noong
nag-uumpisa sa negosyo, siya ay umaasa lamang sa pisikal na tindahan at personal na pakikipag-usap sa mga mamimili at suppliers. Kailangan niyang magbiyahe upang magbayad sa mga taga-suplay, at ang mga mamimili ay limitado s a mga taong dumaraan sa kaniyang tindahan.
Ngayon, dahil sa mga makabagong teknolohiya, nagkaroon si Nica ng oportunidad na gamitin ang social media, e-wallet, online banking, at iba pang digital tools upang mapadali ang mga transaksyon at mapalawak ang kaniyang market. Sa pag-unlad ng kaniyang negosyo, mahalaga ang paggamit ng tamang teknolohiya upang mapabilis ang proseso at mapanatili ang tiwala ng kaniyang mga mamimili at taga-suplaý sa negosyo.
Anong mabisang digital device ang maaaring gamitin ni Nica para madaling
maipakilala at mapalawak ang pagtangkilik sa kaniyang negosyo?
printer
smart TV
calculator
mobile phone
Si Nica ay nagtitinda ng mga damit, mantel o tapete, punda, at kumot. Noong
nag-uumpisa sa negosyo, siya ay umaasa lamang sa pisikal na tindahan at personal na pakikipag-usap sa mga mamimili at suppliers. Kailangan niyang magbiyahe upang magbayad sa mga taga-suplay, at ang mga mamimili ay limitado s a mga taong dumaraan sa kaniyang tindahan.
Ngayon, dahil sa mga makabagong teknolohiya, nagkaroon si Nica ng oportunidad na gamitin ang social media, e-wallet, online banking, at iba pang digital tools upang mapadali ang mga transaksyon at mapalawak ang kaniyang market. Sa pag-unlad ng kaniyang negosyo, mahalaga ang paggamit ng tamang teknolohiya upang mapabilis ang proseso at mapanatili ang tiwala ng kaniyang mga mamimili at taga-suplaý sa negosyo.
Alin sa sumusunod ang pinakamabilis at pinakamadaling gamitin ni Nica para sa
pagbabayad sa mga taga-suplay ng kaniyang mga paninda?
e-wallet
telegrama
social media
Matagal nang pangarap ni Jane na magtayo ng pares na kainan. Nakuha niya ang inspirasyon mula sa mga nag-trending sa social media na paresan na dinadayo ng mga tao. Plano niyang simulan ito sa kanilang lugar sa susunod na linggo. Ngunit napansin niyang ang kapitbahay niyang si Maria ay nagtitinda ng mga pagkaing pang-almusal tulad ng kakanin, lugaw, lomi, at pansit na patok at tinatangkilik ng mga mamimili.
Anong oportunidad sa negosyo ang maaaring simulan ni Jane batay sanakitang sitwasyon sa kanilang lugar?
Magbenta ng mga pagkaing hindi katulad ng mga paninda ni Maria.
Magkunwaring interesadong maging kasosyo sa negosyo si Maria.
Gayahin si Maria at magbenta ng parehong mga produkto.
Tumigil sa plano at maghanap ng ibang pagkakakitaan.
Matagal nang pangarap ni Jane na magtayo ng pares na kainan. Nakuha niya ang inspirasyon mula sa mga nag-trending sa social media na paresan na dinadayo ng mga tao. Plano niyang simulan ito sa kanilang lugar sa susunod na linggo. Ngunit napansin niyang ang kapitbahay niyang si Maria ay nagtitinda ng mga pagkaing pang-almusal tulad ng kakanin, lugaw, lomi, at pansit na patok at tinatangkilik ng mga mamimili.
Bakit may potensyal na maging matagumpay ang pares na negosyo ni Jane sa
kanilang lugar?
Maraming tao ang naghahanap ng masarap at abot-kayang pagkain gaya ng pares.
Karamihan sa mga tao sa kanilang lugar ay nagluluto na ng sarili nilang pagkain.
Dahil masarap ang mga tinda ni Maria at maraming bumibili sa kaniya.
Ang mga tao ay may interes lamang sa pang-almusal na pagkain.
Matagal nang pangarap ni Jane na magtayo ng pares na kainan. Nakuha niya ang inspirasyon mula sa mga nag-trending sa social media na paresan na dinadayo ng mga tao. Plano niyang simulan ito sa kanilang lugar sa susunod na linggo. Ngunit napansin niyang ang kapitbahay niyang si Maria ay nagtitinda ng mga pagkaing pang-almusal tulad ng kakanin, lugaw, lomi, at pansit na patok at tinatangkilik ng mga mamimili.
Paano maaaring gawing kakaiba ni Jane ang kaniyang paresan upang ito ay
makasabay sa kompetisyon sa pamilihan sa kanilang lugar?
Mag-alok ng mga parehong pagkain na tinda ni Maria.
Magbenta ng pares sa mas mataas na presyo kaysa sa karaniwan.
Iwasang mag-advertise at umasa na lang sa mga nakakasalubong na mamimili.
Gumamit ng mga espesyal na sangkap at mag-alok ng mas malaking serving
Sinuri ng mga mananaliksik ng Harvard School of Public Health (HSPH) mula sa Department of Nutrition— na pinamumunuan ni Emily Hu, research assistant, at Qi Sun, research associate - ang apat na naunang pag-aaral tungkol sa kaugnayan ng pagkain ng kanin mula sa puting bigas at pagtaas ng risk sa type 2 diabetes ay kinabibilangan ng higit sa 352,000 katao mula sa China, Japan, United States, at Australia na sinusubaybayan sa pagitan ng apat hanggang 22 taon. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga taong kumakain ng pinakamaraming kanin mula sa puting bigas - tatlo hanggang apat na servings sa isang araw – ay 1.5 beses na mas malamang na magkaroon ng diabetes kaysa sa mga taong kumakain ng hindi bababa sa isa hanggang dalawang servings na daming bigas sa isang linggo; habang sa bawat karagdagang malaking mangkok ng puting bigas na kinakain ng isang tao bawat araw, ang panganib ay tumaas ng 10 porsiyento. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mas malakas para sa mga tao sa mga bansa sa Asya, na pangkaraniwang kumakain ng tatlo hanggang apat na servings ng putting bigas bawat araw. Ang mga tao sa mga bansang Kanluranin ay kumakain, sa karaniwang, isa hanggang dalawang servings sa isang linggo.
Batay sa pag-aaral, kung ikaw ay mamimili na may kamalayan sa kalusugan, ano ang dapat mong gawin kaugnay ng pagkonsumong puting bigas?
Bawasan ang pagkonsumo ng puting bigas at palitan ito ng alternatibong carbohydrate (brown rice) o pagkaing-ugat (kamote).
Magpatuloy sa pagkain ng tatlo hanggang apat na servings ng puting bigas kada araw dahil ito ay staple food.
Kumain ng puting bigas at magdagdag ng mas maraming asukal para mapataas ang enerhiya.
Kumain lamang ng puting bigas dahil ito ang karaniwang pagkain sa Pilipinas.
Sinuri ng mga mananaliksik ng Harvard School of Public Health (HSPH) mula sa Department of Nutrition— na pinamumunuan ni Emily Hu, research assistant, at Qi Sun, research associate - ang apat na naunang pag-aaral tungkol sa kaugnayan ng pagkain ng kanin mula sa puting bigas at pagtaas ng risk sa type 2 diabetes ay kinabibilangan ng higit sa 352,000 katao mula sa China, Japan, United States, at Australia na sinusubaybayan sa pagitan ng apat hanggang 22 taon. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga taong kumakain ng pinakamaraming kanin mula sa puting bigas - tatlo hanggang apat na servings sa isang araw – ay 1.5 beses na mas malamang na magkaroon ng diabetes kaysa sa mga taong kumakain ng hindi bababa sa isa hanggang dalawang servings na daming bigas sa isang linggo; habang sa bawat karagdagang malaking mangkok ng puting bigas na kinakain ng isang tao bawat araw, ang panganib ay tumaas ng 10 porsiyento. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mas malakas para sa mga tao sa mga bansa sa Asya, na pangkaraniwang kumakain ng tatlo hanggang apat na servings ng putting bigas bawat araw. Ang mga tao sa mga bansang Kanluranin ay kumakain, sa karaniwang, isa hanggang dalawang servings sa isang linggo.
Kung ang isang pamlya ay nais na bawasan ang panganlb ng diabetes, ano ang mas angkop na desisyon nila kaugnay ng pagkan ng puting bigas ayon sap ag-aaral?
Magdagdag ng mas maraming servings ng puting bigas sa kanilang pang- araw-araw na diyeta.
Limitahan ang kanilang pagkonsumo ng puting bigas at subukang palitan ito ng alternatibong carbohydrates.
Kumain lamang ng puting bigas sa mga espesyal na okasyon upang maiwasan ang labis na pagkonsumo.
Ipagpatuloy ang pagkain ng puting bigas araw-araw dahil mas mahalaga ang tradisyon kaysa kalusugan.
Sinuri ng mga mananaliksik ng Harvard School of Public Health (HSPH) mula sa Department of Nutrition— na pinamumunuan ni Emily Hu, research assistant, at Qi Sun, research associate - ang apat na naunang pag-aaral tungkol sa kaugnayan ng pagkain ng kanin mula sa puting bigas at pagtaas ng risk sa type 2 diabetes ay kinabibilangan ng higit sa 352,000 katao mula sa China, Japan, United States, at Australia na sinusubaybayan sa pagitan ng apat hanggang 22 taon. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga taong kumakain ng pinakamaraming kanin mula sa puting bigas - tatlo hanggang apat na servings sa isang araw – ay 1.5 beses na mas malamang na magkaroon ng diabetes kaysa sa mga taong kumakain ng hindi bababa sa isa hanggang dalawang servings na daming bigas sa isang linggo; habang sa bawat karagdagang malaking mangkok ng puting bigas na kinakain ng isang tao bawat araw, ang panganib ay tumaas ng 10 porsiyento. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mas malakas para sa mga tao sa mga bansa sa Asya, na pangkaraniwang kumakain ng tatlo hanggang apat na servings ng putting bigas bawat araw. Ang mga tao sa mga bansang Kanluranin ay kumakain, sa karaniwang, isa hanggang dalawang servings sa isang linggo.
Bilang isang mamimili na isinasaalang-alang ang kalusugan at kabutihan ng pamilya, paano makaaapekto ang impormasyong ito sa iyong desisyon sa pagbili ng pagkain?
Pipiliin ang pagbili ng mas maraming puting bigas dahil ito ang mura at madaling mahanap na pagkain.
Pipili ng mas balanseng diyeta na may kaunting puting bigas at mas maraming prutas, gulay, at whole grains.
Titigil sa pagkain ng bigas kahit walang alternatibong pagkain dahil sa takot s a diabetes.
Magpatuloy sa pagbili ng maraming bigas dahil ito ang pangunahing pagkain ng karamihan.
Sa isang lokal na pamayanan, maraming negosyo ang lumálago mula sa iba't ibang sektor ng ekonomiya. Ang produkto ay mga bagay na pisikal na maaaring mabili at magamit, tulad ng pagkain, damit, at mga gamit sa bahay. Halimbawa, ang mga magsasaka ay nagbebenta ng palay, mais, at tubo sa mga pamilihan. Samantala, ang serbisyo ay mga gawaing ginagawa para sa iba. Halimbawa nito ay ang mga kompanya ng transportasyon na naghahatid ng mga pasahero, ang mga hotel at kainan na nagbibigay-serbisyo sa pagkain at akomodasyon, at ang mga ospital na nagbibigay ng serbisyong medikal. Sa lokal na ekonomiya, parehong produkto at serbisyo ang mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan at magpatuloy ang pag-unlad ng pamayanan.
Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng produkto mula sa sektor ng
agrikultura?
pagtatanim at pagbebenta ng palay
pagtuturo ng mga guro sa paaralan
transportasyon ng mga pasahero
pagkumpuni ng mga sasakyan
Sa isang lokal na pamayanan, maraming negosyo ang lumálago mula sa iba't ibang sektor ng ekonomiya. Ang produkto ay mga bagay na pisikal na maaaring mabili at magamit, tulad ng pagkain, damit, at mga gamit sa bahay. Halimbawa, ang mga magsasaka ay nagbebenta ng palay, mais, at tubo sa mga pamilihan. Samantala, ang serbisyo ay mga gawaing ginagawa para sa iba. Halimbawa nito ay ang mga kompanya ng transportasyon na naghahatid ng mga pasahero, ang mga hotel at kainan na nagbibigay-serbisyo sa pagkain at akomodasyon, at ang mga ospital na nagbibigay ng serbisyong medikal. Sa lokal na ekonomiya, parehong produkto at serbisyo ang mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan at magpatuloy ang pag-unlad ng pamayanan.
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang serbisyo?
gawang sapatos
tindang gulay sa pamilihan
mga tapos na produkto mula sa niyog
pangangalaga ng doktor sa mga pasyente ng ospital
Sa isang lokal na pamayanan, maraming negosyo ang lumálago mula sa iba't ibang sektor ng ekonomiya. Ang produkto ay mga bagay na pisikal na maaaring mabili at magamit, tulad ng pagkain, damit, at mga gamit sa bahay. Halimbawa, ang mga magsasaka ay nagbebenta ng palay, mais, at tubo sa mga pamilihan. Samantala, ang serbisyo ay mga gawaing ginagawa para sa iba. Halimbawa nito ay ang mga kompanya ng transportasyon na naghahatid ng mga pasahero, ang mga hotel at kainan na nagbibigay-serbisyo sa pagkain at akomodasyon, at ang mga ospital na nagbibigay ng serbisyong medikal. Sa lokal na ekonomiya, parehong produkto at serbisyo ang mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan at magpatuloy ang pag-unlad ng pamayanan.
Bakit parehong mahalaga ang produkto at serbisyo sa ekonomiya ng isang
komunidad?
dahil ang produkto ay ginagamit lamang sa tahanan, habang ang serbisyo ay ginagamit lamang sa opisina
dahil pareho itong nagbibigay ng kita at kabuhayan sa mga tao
dahil ang mga produkto at serbisyo ay parehong libre
dahil ang produkto ay mas mura kaysa serbisyo
Ano ang pangunahing benepisy ng paggamit ng internet para transaksyong pinansyal?
mas kaunting tao ang may access sa internet kumpara sa mobile phone
mas kaunting tao ang gumagamit ng internet para sa transaksyon
lahat ng tao ay gumagamit ng internet para sa mga transaksyon
mas mabilis at madaling magawa ang transaksyong pinansyal
Batay sa datos, ano ang maipapalagay sa paggamit ng mobile phone para sa
transaksyong pinansyal?
Kaunti lamang ang gumagamit ng mobile phone para sa transaksyong pinansyal,
kaya maaaring kulang sa kaalaman ang mga tao sa seguridad.
Napakaraming tao ang gumagamit ng mobile phone para sa transaksyong pinansyal,
kaya mataas ang panganib ng pagkawala ng pera.
Mas maraming tao ang gumagamit ng mobile phone kaysa sa internet.
Ang lahat ng mobile phone users ay bihasa sa online banking.
Batay sa datos, ano ang maaaring maging pakinabang ng mga negosyo sa paggamit ng e-commerce?
Palawakin ang paggamit ng mobile phone at internet para sa mas ligtas at mabilis na transaksyon.
Iwasan ang paggamit ng internet dahil mas mabagal ito kaysa sa traditional na paraan ng pagbabayad.
Limitahan ang e-commerce dahil kaunti lamang ang gumagamit ng mobile phone para sa transaksyon.
Gumamit lamang ng internet para sa pagbabayad dahil mas kakaunti ang gumagamit ng mobile phone.
