Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGTATAYA

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Bakit mahalaga para sa kabataan ang pagiging mapanuring botante?

a)

A. Para maipakita lang na botante na sila.

b)

B. Dahil ang kabataan ay may papel sa kinabukasan ng ating bansa.

c)

C. Upang makilala lamang sila sa social media.

d)

D. Para maging sikat sa klase dahil sila ay ganap na botante.

2.

2. Bago ang halalan, nagpadala ng limang kilong bigas at 500 ang isang kandidato kapalit ang iyong boto, Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Tanggapin ang bigas at pera, pero iboto ang sariling napili.

b)

B. I-report sa COMELEC ang kandidato at huwag iboto dahil ito ay vote-buying.

c)

C. Tanggapin ang bigas at pera at iboto sila dahil kailangan ito ng iyong pamilya.

d)

D. Tanggapin ang bigas at pera pero iboto ang kalaban na kandidato.

3.

3. Ano ang pinakamahalagang basehan sa pagpili ng kandidato?

a)

A. Sila ay sikat sa social media at maraming followers.

b)

B. Pagendorso ng kamag-anak o kaibigan.

c)

C. Suriin ang track record, kakayahan at plataporma ng mga kandidato.

d)

D. Dahil maganda ang campaign jingle at poster ng Isang kandidato.

4.

4. Bakit itinuturing na karapatan ang pagboto sa isang demokratikong bansa?

a)

A. Dahil ito ay paraan para makapunta sa eleksyon.

b)

B. Dahil ito ay nagbibigay sa mamamayan ng kapangyarihang pumili ng lider at makilahok sa pamahalaan.

c)

C. Dahil obligado ang lahat na pumunta sa halalan kahit ayaw nila.

d)

D. Dahil ito ay paraan para makakuha ng regalo sa mga politiko sa panahon ng eleksyon.

5.

5. Nakita mo sa Facebook na nangunguna sa survey ang isang kandidato. Dapat mo ba siyang iboto dahil sigurado nang siya ay mananalo?

a)

A. Oo, dahil sayang ang aking boto kung matatalo lang din ang pipiliin ko.

b)

B. Hindi, dahil hindi natatapos ang halalan sa survey at dapat magsaliksik pa ukol sa kanila.

c)

C. Oo, dahil mas marunong ang mga survey firm kaysa sa akin.

d)

D. Hindi, dahil hindi ako naniniwala sa resulta ng survey.

6.

6. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang katangian ng isang kandidatong dapat iboto?

a)

A. Nagmula sa prominente o kilalang pamilya.

b)

B. May integridad at katapatan.

c)

C. Makikita sa mga billboard at patalastas.

d)

D. Nagtapos sa perstisyosong kolehiyo.

7.

7. Paano mo malalaman kung totoo ang mga impormasyon tungkol sa isang kandidato sa social media?

a)

A. Paniwalaan agad kung galing ito sa sikat na vlogger.

b)

B. Icheck ang legit na balita, fact-check sites, at official sources.

c)

C. Paniwalaan kung maraming nag-share.

d)

D. Huwag maniwala sa mga nakikita sa social media.

8.

8. Bakit mahalagang piliin ang kandidatong may malinaw na plataporma?

a)

A. Dahil sikat siya sa social media.

b)

B. Dahil may konkretong plano siyang tumugon sa mga suliranin.

c)

C. Dahil marami siyang kaibigan sa politika.

d)

D. Dahil magaling siyang magsalita.

9.

9. Paano maipapakita ng isang mamamayan ang pagiging mulat at mapanuri sa impormasyon na kanyang nababasa o napapanood?

a)

A. Agad na ibinabahagi ang impormasyon kahit hindi tiyak ang pinagmulan.

b)

B. Pinaniniwalaan ang lahat ng nakikita sa social media.

c)

C. Sinusuri ang pinagmulan at kinukumpirma ang impormasyon sa mapagkakatiwalaang sanggunian.

d)

D. Iniiwasang magbasa ng balita.

10.

10. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain upang makaiwas sa disimpormasyon?

a)

A. Ibahagi agad ang balita kahit hindi pa nababasa nang buo.

b)

B. Maniwala sa impormasyon dahil maraming nag-like.

c)

C. Suriin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon.

d)

D. Umasa lamang sa sabi-sabi.