Search Header Logo
FILIPINO 8 Aralin 3

FILIPINO 8 Aralin 3

Assessment

Presentation

Education

8th Grade

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 3+ times

FREE Resource

24 Slides • 11 Questions

1

FILIPINO 8 Aralin 3

Walang Sukat

Ang Sarsuwela at ang mga uri ng dula ayon sa anyo.

Pandiwa (Pagbuo at ang Aspekto ng Pandiwa)

Slide image

2

Layunin

  • Naibibigay ang kasing-kahulugan at kasalungat na kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa akda

  • Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan

  • Napahahalaga-han ang kulturang Pilipino na masasalamin sa pinanood na sarsuwela

  • Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa paksa gamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon resorses

  • Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa isasagawang pagsusuri ng sarsuwela

3

Walang Sugat

Severino Reyes


4


Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama. Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at nais ni Tenyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at ang kanyang ina na si kapitana Puten. Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may dumating namang mangliligaw si Julia, isang mayamang negosyante na nagngangalang Miguel. Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan.


5


Ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang magpakasal kay Miguel. Sa araw na mismo ng Kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong. 


6

Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanyang anak. Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawang ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat! Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia.


7

Ang Sarsuwela at ang mga uri ng dula ayon sa anyo.


8


Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan


Bahagi ng Dula

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing, bawat yugto upang makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.

2. Tanghal – kung kinakailangang magbago ang ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto

3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan

9

Open Ended

Ibigay ang tatlong bahagi ng dula.

10

Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo

3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi

4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawa-tawa

5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito

11

Open Ended

Ano-ano ang mga uri ng Dula?

12

Mga Elemento ng Dula


13

A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula

14

1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon

15

2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap

16

3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangayayari

17


B. Tauhan – kung babantayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.


18


C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita

19

Open Ended

Ibigay ang Elemento ng Dula.

20

Open Ended

Isang tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga tauhang lugar, panahon tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon. Ano ito?

21

Open Ended

Sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap. Ano ito?

22

Pandiwa (Pagbuo at ang Aspekto ng Pandiwa)

23

Ano ang Pandiwa?

Ang pandiwa o verb kung tawagin sa wikang Ingles ay isang salita o bahagi ng salita na nagsasaad ng kilos o galaw, pangyayari, o katayuan ng isang tao, hayop, o bagay.


24


Ito ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap


Mahusay umawit si Kuya Ramil.

Tumatawa ng mag-isa si Erly sa sulok.

Hindi ko alam kung bakit ako malungkot. Kumakain na pala kayo?

Tumakbo na matulin si Rico.

25

Aspekto ng Pandiwa

May apat (4) na aspekto ang pandiwa. Ang Perpektibo o naganap, Imperpektibo o nagaganap, Kontemplatibo o magaganap, at Perpektibong Katatapos o kagaganap.


26

1. Perpektibo (Naganap na o Pangnagdaan)

Ang kilos o galaw ay nagawa na, tapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.


Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Perpektibo

Inayos ko na ang mga gamit na dadalahin ko para bukas.

Tapos na akong kumain.

Nagpunta ako sa simbahan.

Natapon ang tubig sa lamesa.

Tumakbo ako ng mabilis.

27

2. Imperpektibo (Nagaganap o Pangkasalukuyan)

Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Imperpektibo


Ang sanggol ay natutulog.

Natutunaw ang sorbetes na kinakain mo.

Nag-aaral ako ng mabuti.

Umiiyak ang bata sa lansangan.

Bilisan mo’t umuulan na

28

3. Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)

Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Kontemplatibo


Matutulog ako ng maaga mamayang gabi. Bukas ay pupunta kami sa parke ng aking mga kaibigan.

Sa aking kaarawan ay magluluto si Nanay ng spaghetti at pansit.

Maglalaba ako mamaya pag-uwi ko galing sa eskwelahan.

Maliligo kami sa ilog.

29

4. Perpektibong Katatapos (Kagaganap)

Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang ugat.

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Perpektibong Katatapos


Katatapos ko lamang kumain.

Kagagaling ko lang sa paaralan.

Kasusulat ko lang kay Presidente Duterte ng ating mga hinaing.

Kabibili ko lang ng baka sa palengke.

30

Open Ended

Ibigay ang apat na Aspekto ng pandiwa.

31

Multiple Choice

Ang kilos o galaw ay nagawa na, tapos na o nakalipas na

1

Perpektibo

2

Imperpektobo

32

Multiple Choice

Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari

1

Perpiktibo

2

Imperpiktibo

33

Multiple Choice

Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang.

1

Kontemplatibo

2

Perpektibo

34

Multiple Choice

Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa

1

Perpektibong Katatapos

2

Kontemplatibo

35

Multiple Choice

Ang kilos o galaw ay nagawa na, tapos na o nakalipas na

1

Perpektibo

2

Imperpektobo

FILIPINO 8 Aralin 3

Walang Sukat

Ang Sarsuwela at ang mga uri ng dula ayon sa anyo.

Pandiwa (Pagbuo at ang Aspekto ng Pandiwa)

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 35

SLIDE