Search Header Logo
FLORANTE AT LAURA (Kabanata 8-14)

FLORANTE AT LAURA (Kabanata 8-14)

Assessment

Presentation

Education

8th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 9+ times

FREE Resource

19 Slides • 5 Questions

1

FLORANTE AT LAURA (Kabanata 8-14)

FILIPINO 8

Slide image

2

LAYUNIN

Nasusuri ang mga katangian ng akda batay sa napakinggang mga bahagi F8PN-IVd-e-35

 

Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap nasalitang mula sa aralin batay sa denotatibo at konotatibon kahulugan F8PT-IVd-e-35

3

Kabanata 8: Panganib na Nakaamba


4


Sa kabanatang ito, dinig na dinig ang paghihirap, panaghoy, at pagpapaalam ni Florante. Nagsasaad ito ng pamamaalam kay Laura nang biglang dumating ang dalawang leon na tila gutom na gutom na nakaambang, na kahit anong oras ay handang sakmalin ang nakagapos na binata. Subalit isang himala na huminto ang mga leon at tila naawang tumitig at nakinig sa kaniyang panaghoy. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kaniyang paglilingkod at gayundin kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kaniyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang hindi angkin ang pag-ibig ni Laura.

5

Open Ended

Bakit dapat maging huwaran ang isang ama sa kanayang anak/mga anak?

6

Kabanata 9: Ang Tagapagligtas

7


Sa pagkakataong ito, hindi na natiis ng gerero na si Alladin ang naririnig na daing at panaghoy. Matinding awa ang kaniyang nadarama sa lalaking kaniyang naririnig. Kaya hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang sa marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Nang makita niya ay nagdalawang isip siyang tumulong kaagad, sapagkat ang binatang nakagapos ay Kristiyano na mortal na kalaban ng mga morong katulad niya.

8

Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Sinugod at pinatay ng gerero ang dalawang leon, pagkatapos ay kinalagan ng tali ang binatang noon ay wala nang malay. Alalang-alala siya sa kaniyang iniligtas. Hinaplos niya ang mukha at dibdib nito upang damhin kung humihinga pa. Napayapa lamang si Alladin nang magsimulang kumilos at makitang buhay pa ang Kristiyanong kaniyang tinulungan.

9

Open Ended

Bakit mahalagang tumulong sa nangangailanagn kahit pa siya ay itinuturing mong isang kaaway? Ano ang maaaring ibunga ng pagtulong sa isang kaaway?

10

Kabanata 10: Pagkalinga ng Isang Kaaway


11

Nang matauhan at magising ang binata na si Florante, si Laura agad ang unang nasambit na pangalan at hinanap. Nagulat siya nang mamalayang nasa kandungan siya ng isang morong itinuturing na kaaway ng kaniyang lahi at wala siya sa kandungan ni Laura. Pinilit niyang bumangon subalit hindi niya kinaya. Ipinaliwanag ng gerero na hindi niya natiis na hindi tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sa kaniyang puso ang pagtulong sa kapwa gaya ng iniuutos ng langit. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas.

12

Kabanata 11: Mga Mapagpalang Kamay


13


Walang kibuan ang dalawang binata na sina Florante at Aladin hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang malapad at malinis na bato. Pinakain ng Moro ang binata na hindi nagtagal ay nakatulog sa kaniyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Kinabukasan ay nagsimula nang manumbalik ang lakas ni Florante. Dahil sa pagtataka, itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob ni Florante.

14

Open Ended

Sino ang agad na naalala ni Florante nang una niyang idilat ang kanyang mga mata? Ano ang pinatutunayan nito sa kanya?

15

Kabanata 12: Bugtong na Anak


16


Isinalaysay ng binatang Kristiyano ang kaniyang buhay. Nagbalik-tanaw siya sa kaniyang nakaraan mula nang siya ay isilang hanggang sa masadlak sa kaawaawang kalagayan. Siya ay si Florante na nag-iisang anak nina Duke Briseo ng Albanya at Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kaniyang ama ay tanungan o sanggunian ni Haring Linceo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo. 

17

Ibinahagi rin ni Florante sa gerero ang ilang mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay lalo na noong siya ay bata pa lamang. Nang sanggol pa siya ay muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw naman, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa kanilang salas at dinagit ang kaniyang diyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya ay siyam na taon na, pinalilipas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa ay natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.


18

Kabanata 13: Laki sa Layaw


19


Naibahagi rin ni Florante sa gerero na lumaki siya sa galak at binibigay ang lahat ng naisin ngunit ngayon niya napagtanto na hindi dapat palakihin sa layaw ang bata, sapagkat sa mundong ito ay higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at hindi makatatagal sa hirap ng buhay. Alam ito ni Duke Briseo kaya tiniis ng kaniyang ama ang luha ng kaniyang ina. Masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadala siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

20

 

Kabanata 14: Nahubdan ng Balatkayo 


21


Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, anak ng marangal na si Konde Sileno. Bukambibig ang pangalan ni Adolfo sa Atenas dahil sa kaniyang angking talino. Ngunit hindi naglaon ay naungusan siya ni Florante bagamat bago lamang sa Atenas. 

22

Higit na bata rin si Florante ng dalawang taon kay Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika. Naging mas tanyag si Florante sa Atenas dahil sa kaniyang talino. Ang dating papuring inilalaan kay Adolfo ay nabaling na kay Florante. Dito nakilala ang totoong pagkatao ni Adolfo na sa una pa lang ay nadama na ni Florante na pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo.

23

Open Ended

Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang pagtulong ni Aladin sa isang taong itinuturing na kaaway ng kanilang lahi? Ipaliwanang.

24

Open Ended

Kung ikaw si Aladin, tutulong ka rin ba sa isang taong nangangailangan kahit pa itinuturing na kalaban siya ng iyong lahi? Ipaliwanag.

FLORANTE AT LAURA (Kabanata 8-14)

FILIPINO 8

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 24

SLIDE