
FIL7: Pagsulat ng Editoryal
Presentation
•
World Languages
•
7th Grade
•
Easy
Arman Mangilinan
Used 3+ times
FREE Resource
15 Slides • 1 Question
1
Pagsulat ng Editoryal
Filipino 7
Happy Homeschool
Teacher Arman
2
Sang-ayon o Di Sang-ayon?
Ano ang iyong opinyon sa mga kaganapang panlipunan
3
4
Poll
Sang-ayon ka ba kay Sen. Manny Pacquiao na tanggalin si Sec. Duque sa kanyang posisyon bilang Health Secretary ng bansa?
Sumasang-ayon
Di sumasang-ayon
Hindi ko alam
5
Ang Pilipinas ay isang bansang demokratiko
Ginagarantiyahan sa ating Saligang Batas ang kalayaan sa pamamahayag. Isinasaad din dito na hindi pahihintulutan ang anomang panukalang batas na maaaring makahadlang sa kalayaan sa pamamahayag. Ito ang dahilan kung bakit makaririnig táyo ng mga komentarista sa radyo at telebisyon na malayang nakapagpapahayag ng kanilang pananaw tungkol sa iba’t ibang isyu, kahit pa nga batikusin ang gobyerno.
6
Editoryal
Isang pitak o kolum sa pahayagan na tumatalakay ng isang napapanahong isyu.
Karaniwan isinusulat ng punòng-patnugot o editor-in-chief.
Nakabatay sa sariling pananaw ng sumulat nitó.
Dapat ibatay ng editor ang pananaw niya sa katotohanan.
Hindi dapat maging espasyo sa pamimintang o paninirang-puri.
Dapat maging responsable sa paggamit ng kalayaan sa pamamahayag.
7
3 Bahagi ng Editoryal
Panimula - nagpapakilála sa isyu. Dito tinatalakay ng may-akda ang konteksto o pinanggagalingan ng isyu, maging ang dahilan kung bakit mahalaga itong pag-usapan.
Katawan - Dito naman tinatalakay ang iba’t ibang argumento pabor at kontra sa paksa. Dito binibigyan ng pagkakataon na marinig ang magkabilâng panig na may kinalaman sa isyu. Sa hulí, kailangang mailatag ng may-akda ang sarili niyang pananaw o paninindigan tungkol sa isyu.
Kongklusyon - ukod sa pagbibigay-diin sa pinakamahahalagang púntong nais niyang maiwan sa mga mámbabasá, maaari din ditong mag-iwan ng hámon ang may-akda.
8
Bukod sa pagpapabatid, pagtuturo, at pagmumulat, isa pa sa mga gawain ng editoryal
ay ang panghihikayat. Masasabing doble ang tagumpay ng editoryal kung naihain nito ang pananaw ng may-akda tungkol sa isyu at nahikayat din ang mga mámbabasá na panigan ito.
9
Mga Pahayag sa Panghihikayat sa Pagsulat ng Editoryal
10
Mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw
Ipinapakíta ng mga pahayag na ito ang kakayahan ng may-akda na makabuô ng sariling opinyon.
Halimbawa ng mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw ay sa aking palagay/pananaw, sa tingin ko, ang opinyon ko diyan ay, kung ako lang, para sa akin, at iba pa.
11
Mga pahayag sa pagbibigay-halimbawa
Ipinapakilála ng mga ito ang mga karagdagang impormasyon, saliksik o pag-aaral, pangyayari, sitwasyon, at iba pang datos na maaaring lalong makapagpatibay sa mga argumento.
Halimbawa ng mga pahayag sa pagbibigay-halimbawa ay halimbawa, isang kaso ang, isa pa ang, bukod pa rito, gayundin, bílang karagdagan, at, sakâ, kunwari, at iba pa.
12
Mga pahayag sa paghahambing
Pinagtatabi nitó ang dalawang kaso upang makíta ng mga mámbabasá ang magkabilâng panig ngunit sa hulí, palalabasin ng may-akda na ang panig na kinikilingan niya ang mas maganda o nakalalamang.
Halimbawa ng mga pahayag ay samantala, habang, kung ihahambing sa, kompara sa, gaya ng/ tulad ng, kung titingnan ang, sa kabilâng banda, gayumpaman, subalit, ngunit, pero, datapwat, at iba pa.
13
Mga pahayag ng katiyakan
Ito ang mga apirmatibong pahayag na nagbibigay ng pagiging tiyak o sigurado sa impormasyon.
Halimbawa ng mga pahayag ng katiyakan ay tunay, talaga, tiyak, totoo, natural, sigurado, sa katunayan, walang duda, walang pasubali, at iba pa.
14
Gawaing Pangkatan
Sumulat ng mga pangungusap na nanghihikayat mula sa napanuod na video clip ng isang pista sa Kabisayaan
15
16
Daghang Salamat!
Pagsulat ng Editoryal
Filipino 7
Happy Homeschool
Teacher Arman
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 16
SLIDE
Similar Resources on Wayground
12 questions
Funkcije i metode za rad sa znakovnim nizovima
Presentation
•
7th Grade
8 questions
INTERAKSI SOSIAL
Presentation
•
7th Grade
10 questions
Les Aventures d'Isabelle - Chapitre 3: Les statues
Presentation
•
7th - 8th Grade
10 questions
E7 Literary Context Review
Presentation
•
7th Grade
11 questions
Bab 10: Sarawak dan Sabah
Presentation
•
7th Grade
10 questions
LÀM QUEN CHỮ CÁI O, Ô, Ơ
Presentation
•
KG
12 questions
80 ans JC
Presentation
•
KG
12 questions
Primera Ley del Movimiento de Newton
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade