Search Header Logo
Module 2 Q2

Module 2 Q2

Assessment

Presentation

History

6th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Rutchelle Orbe

Used 46+ times

FREE Resource

18 Slides • 12 Questions

1

Module 2 Q2

Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan 

Slide image

2

Aralin 2

Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan 

3

BALIK-ARAL

Uri ng Pamahalaan at Patakarang Ipinatupad Sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano 

4

Multiple Choice

Tungkulin ng komisyong ito na magmasid, magsiyasat, mag-ulat ng mga pangyayari sa Pilipinas.

1

Komisyon ng Pilipinas

2

Komisyong Schurman

3

Komisyong Taft

4

Komisyon sa Karapatang Pantao

5

Multiple Choice

Anong panukalang batas ang nagtatakda ng pagtatapos ng pamahalaang militar sa Pilipinas?

1

Batas Jones

2

Batas Sedisyon

3

Susog Spooner o Spooner Amendment

4

Payne-Aldrich Tariff Act

6

Multiple Choice

Ano ang ipinalit sa titulong gobernador sibil?

1

gobernador

2

gobernadorcillo

3

gobernador militar

4

gobernador heneral

7

Multiple Choice

Ano ang kapangyarihan ni William H. Taft bilang kauna-unahang gobernador sibil?

1

Gumawa at magpasunod ng batas.

2

Supilin ang dumadaming bilang ng gerilya.

3

Magsiyasat at magbigay ng rekomendasyon.

4

Pamahalaan ang Pilipinas ayon sa kanyang kagustuhan.

8

Multiple Choice

Si Hen. Wesley Meritt ang unang gobernador militar samantalang si ________________ naman ang kauna-unahang gobernador sibil.

1

William Howard Taft

2

James Francis Smith

3

Luke Edward Wright

4

Jacob Schurman

9

Multiple Choice

Ano ang ipinalit sa titulong gobernador sibil?

1

gobernador

2

gobernadorcillo

3

gobernador militar

4

gobernador heneral

10

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN 

Ang malasariling pamahalaan o Komonwelt sa Pilipinas ay dumaan sa isang mahabang proseso ng mga hakbang at batas. Nagpunyagi ang mga Pilipino maging ang mga Amerikano na nagnanais na makamtan ito at mabigyan ang Pilipinas ng kalayaan. Tinatawag na Pilipinisasyon ang unti-unting paglipat ng kapangyarihang pulitikal sa mga Pilipino mula sa mga Amerikano. Sa modyul na ito, iisa-isahin natin ang mga prosesong kinaharap ng mga Pilipino upang magkaroon ang bansa ng isang Malasariling Pamahalaan o mas kilala bilang Pamahalaang Komonwelt. 

11

TUNGO SA MALASARILING PAMAHALAAN 

Batas Pilipinas 1902

Ang batas na ito ay tinatawag ding Philippine Organic Act of 1902. Kilala rin ito bilang Cooper Act na kinuha sa tagapagtaguyod nito na si Henry Allen Cooper. Dito, inilipat sa Kongreso ng Amerika ang pamamahala sa bansa noong Hulyo 1902. Ang batas na ito ay nagtatakda ng ilang mahahalagang nilalaman para sa pagtataguyod ng kalayaan ng bansa sa hinaharap.

Ilan sa mga itinatadhana nito ay ang pagkakaroon ng talaan ng karapatan ng mga mamamayang Pilipino. Iniutos din ng Amerika ang pagtatatag ng kagawaran o departamento sa bansa. Higit sa lahat ang batas na ito ay nagtatadhana nang pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas.

12

Ang Asamblea ng Pilipinas


Ang Asamblea ng Pilipinas ay binubuo ng mga Pilipino na may tungkuling gumawa ng batas ng bansa.


Ito ay nagsilbing pagsasanay nila para pamahalaan ang malasariling pamahalaan o Komonwelt

13

Asamblea ng Pilipinas 

Dahil sa bisa ng Batas Pilipinas 1902, naitatag ang Asambea ng Pilipinas. Noong Oktubre 16, 1907 na kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong mamahala sa bansa. Ang mga kinatawan nito ay halal ng mga tao mula sa iba’t ibang lalawigan ng bansa. Ang pangunahing tungkulin nila ay gumawa ng batas

14


Nahirang sina Sergio Osmeña Sr. bilang tagapagsalita o ispiker at si Manuel Quezon naman bilang lider ng minorya. Ilan sa mga batas na nagawa ng Asamblea ay mga batas tungkol sa

1. pagtatakda ng unang araw ng Mayo bilang Araw ng Paggawa.

2. ay ang pagtatatag ng Pambansang Aklatan at mga gusali sa bansa.

Isa sa mahalagang batas na inaprubahan sa ilalim ng Asamblea ng Pilipinas ay ang Gabaldon Act noong 1907.

3. Gabaldon Act ay nagtatakda ng paglalaan ng isang milyong piso para sa pagpapatayo ng mga paaralan sa bansa



15

Philippine Autonomy Act/Batas Jones

Ito ay mas kilala sa pangalang Batas Jones mula sa pangalan ng mambabatas na Amerikanong si William Atkinson Jones. Pinagtibay ito ng Kongeso ng Amerika noong ika-29 ng Agosto 1916.

Ang Batas Jones:

> ay ang kauna-unahang pangako ng kalayaan sa Pilipinas kapag naipatupad ang mga isinasaad dito.

> ay nagtatadhana ng pagbibigay ng tatlong sangay ng pamahalaan sa kamay ng mga Pilipino maliban sa sangay ng ehekutibo. 

16

Mga Sangay ng Pamahalaan 

1. Ehekutibo - ang kapangyarihan ay nasa kamay

ng gobernador heneral na hinirang ng Amerika

2. Lehislatibo - ang kapangyarihan ay nasa kamay ng tagapagbatas na kinatawan

3. Hudikatibo - ang kapangyarihan ay nasa kamay ng hukuman 

17


Nakapaloob sa Batas Jones ang pagkakaroon ng dalawang kapulungan ng lehislatibo ng bansa. Binubuo ito ng:

1. Mababang Kapulungan na binubuo ng 91 kinatawan ng bansa.

2. Mataas na kapulungan na binubuo ng 24 Senador.

22 dito ay halal ng mga Pilipino at 2 ay itinalaga ng Gobernador Heneral.

Sa Maynila pinasinayaan ang kauna-unahang Lehislatura ng Pilipinas. Hinirang sina Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Senado at si Sergio Osmeña Sr. bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan



18

Mga Misyong Pangkalayaan 

Upang humingi ng kalayaan sa bansang Amerika, nagpadala ang Pilipinas ng mga Misyong Pangkalayaan. Taong 1919-1923, mahigit kumulang 12 na Misyong Pangkalayaan ang ipinadala sa Amerika. Hindi lahat ng mga misyong ito ay nagtagumpay na makahingi ng kasagutan sa Amerika maliban noong 1933 at 1934. Sa mga taong ito inilabas ng Amerika ang Batas Hare Hawes Cutting at Batas Tydings McDuffie

Mas pinanigan nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña ang Batas Tydings McDuffie na nilagdaan ni Pangulong Roosevelt ng Amerika taong 1934.

19


Sa batas na ito, unti-unting inilipat ang pamamahala ng bansa sa kamay ng mga Pilipino. Ayon sa Batas Tydings McDuffie, maibibigay ng Amerika ang kalayaan ng bansa kapag naihanda na ng Pilipinas ang mga sumusunod:

1. pagkakaroon ng Malasariling Pamahalaan (Komonwelt) na tatagal ng sampung taon

2. pagkakaroon ng ng isang kumbensyong babalangkas ng Saligang Batas

3. pagkakaroon ng halalan na ang mananalo ay inaatasang mamuno sa bansa

4. pagtatakda ng petsa ng pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas sa Hulyo 4, 1946 matapos ang sampung taong Malasariling Pamahalaan. 


20

Kombensyong Konstitusyunal 

Isa sa mga hinihingi ng Batas Tydings McDuffie ay ang pagkakaroon ng Saligang Batas bago bigyan ang bansa ng kalayaan. Dahil dito, bumuo ang Asamblea ng Pilipinas ng Kombensyong Konstitusyonal o Constitutional Convention (Con-Con).

Layunin nito na bumalangkas ng Saligang Batas ng bansa. Pinangunahan ito ni Claro M. Recto kasama ang kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ika-8 ng Pebrero 1935 pinagtibay ang Saligang Batas ng 1935 na magiging gabay sa Malasariling Pamahalaan o Komonwelt

21

Mga Mahahalagang itinatadhana ng Saligang Batas 1935: 

1. Pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan na mayroong pantay - pantay na kapangyarihan. Ito ay ang sangay nga ehekutibo, lehislatibo at hudikatibo

2. Pagkakaroon ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na halal ng mga Pilipino. Sila ay mananatili sa kanilang kapangyarihan sa loob ng 6 na taon.

3. Ang sangay ng ehekutibo ay nasa kamay ng Kataas-taasang Hukuman at iba pang mababang hukuman.

4. Pagkakaroon ng Talaan ng mga Karapatan o Bill of Rights

5. Ang kapangyarihan ng lehislatibo ay nasa kamay ng Asamblea ng Pilipinas na inihalal ng mga mamamayang kwalipikadong bumoto at may terminong 3 taon

22


Naganap ang eleksyon ng Pamahalaang Commonwealth noong Hulyo 1935.


Sa halalang ito nanalo si Manuel L. Quezon bilang pangulo ng bansa.

Tinalo ni Manuel Quezon sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay.


Si Sergio Osmeña naman ang naging Pangalawang Pangulo ng bansa. 

23

Ipapasa sa Classwork

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN pahina 9 ng module 2.

24

Formative Test

25

Multiple Choice

Ang pangalan na mas kilala bilang Philippine Authonomy Act of 1916.

1

Batas Pilipinas 1902

2

Batas Tydings - McDuffie

3

Batas Jones

4

Batas Brigandage

26

Multiple Choice

Siya ang nahirang na Ispiker ng mababang kapulungan.

1

Manuel Roxas

2

Manuel Quezon

3

Sergio Osmeña

4

Emilio Aguinaldo

27

Multiple Choice

Ito rin ang katawagan sa Philippine Organic Act of 1902.

1

Batas ng Pilipinas

2

Batas Pilipinas 1902

3

Commonwealth Act of 1902

4

Saligang Batas

28

Multiple Choice

Ito ay itinatag noong Oktubre 16, 1907 na nagbibigay ng karapatang makilahok ang mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan.

1

Philippine Organic Act

2

Asamblea ng Pilipinas

3

Pamahalaang Militar

4

Pamahalaang Sibil

29

Multiple Choice

Ang Saligang Batas ng Pilipinas na naihanda para sa mala-sariling pamahalaan ng bansa.

1

Saligang Batas ng 1987

2

Saligang Batas ng Malolos

3

Saligang Batas ng 1943

4

Saligang Batas ng 1935

30

Multiple Choice

Ang pangalan na mas kilala bilang Philippine Authonomy Act of 1916.

1

Batas Pilipinas 1902

2

Batas Tydings - McDuffie

3

Batas Jones

4

Batas Brigandage

Module 2 Q2

Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling Pamahalaan 

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 30

SLIDE