Search Header Logo
ESP_M2

ESP_M2

Assessment

Presentation

Arts, Religious Studies

6th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Venus Arce

Used 4+ times

FREE Resource

12 Slides • 18 Questions

1

ESP_M2

Pagtupad sa Pangako

Slide image

2

SUBUKIN

Piliin ang titik ng tamang sagot.

3

Multiple Choice

1.Madalas mahuli sa klase si Arriane kaya pinagsabihan siya ng kanyang guro na dapat matuto siyang pumasok ng maaga. Tumango lamang ito.

1

Kinabukasan nauna pa si Arriane pumasok sa kanyang mga kaklase.

2

Hindi na pumasok si Arriane.

3

Nagpalipat si Arriane sa ibang paaralan.

4

Nagkasakit si Arriane.

4

Multiple Choice

2.Napansin ng kanyang mga magulang si Carlos na malalim ang iniisip. Nilapitan nila ito at kinausap at napag-alamang may pinangakuan pala si Carlos na bibigyan niya ng regalo ang kanyang matalik na kaibigan kaso wala pa siyang naipon.

1

Pagagalitan si Carlos ng kanyang mga magulang

2

Kakausapin ng kanyang mga magulang ang kaibigan ni Carlos.

3

Pagsasabihan muna si Carlos at saka bibigyan ng pambili ng regalo.

4

Hahayaan na lang nila si Carlos.

5

Multiple Choice

3.Araw ng Linggo, nangako ka na gigising nang maaga upang makadalo sa banal na misa na mapapanood sa telebisyon dahil pinagbabawal pa ang pagtitipon katulad ng pagsisimba.

1

Sasabihin ko na mamayang hapon na lang ako magsisimba.

2

Gigising nang maaga manonood at makikinig sa banal na misa.

3

Hindi ako magsisimba dahil sa telebisyon lang naman.

4

Ipagpapatuloy ko pa rin ang pagtulog kahit mapagalitan ako.

6

Multiple Choice

4. “Balang araw yayaman din tayo Inay,” ang pangako ni Zandro sa kanyang ina.

1

Nag-sikap si Zandro sa pag-aaral hanggang makatapos siya.

2

Hanggang pangarap na lang si Zandro.

3

Kinalimutan na ni Zandro ang kanyang pangako.

4

Iniwan na si Zandro ng kanyang ina.

7

Multiple Choice

5. Minsan namasyal si Sara sa bahay ng kanyang kaibigan, marami siyang nakitang litrato ng pamilya ng kanyang kaibigan. Isa sa nakakuha ng kanyang atensyon ay ang litratong namasyal sa bansang Japan ang pamilya nila. Ano sa palagay ninyo ang magiging pangako ni Sara sa kanyang sarili?

1

Nangangako si Sara sa sarili na magkaroon ng pamilya.

2

Nangangako si Sara na makapupunta rin siya sa bansang Amerika.

3

Nangangako si Sara na makakarating din siya sa bansang Japan kasama ang pamilya.

4

Makakapunta rin siya ng Japan na mag-isa.

8

Pagtupad sa Pangako

Ang pagtupad sa ipinangako ay isang ugaling hangad natin na dapat taglayin ng bawat taong makasasalamuha natin. Alam natin na ang pagtatagal at ikagaganda ng bawat ugnayan sa pagitan ng mga tao ay nakasalalay sa tiwalang ipinagkaloob ng bawat isa sa kaniyang kasama. Kapag may pagdududa ka sa pagiging may isang salita ng iyong kasama at hindi ka sigurado sa kanyang katapatan, malamang maging ganoon din ang magiging pakikitungo niya sayo. Ang isang ugnayan na walang tiwala sa isa’t isa ay tiyak na hindi magtatagumpay sa layunin nito.


9

Balikan

Pag-aralan ang nasa larawan. Ano-ano ang kanilang propesyon? Sino-sino sa ang tinatawag na mga frontliners? At Bakit? 

Slide image

10

Tuklasin

Basahin nang mabuti ang balita pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito.

Slide image

11

Agosto 18 nang mag-viral ang larawan ni Lorrainne habang tinutulungan ang inang wala pala talagang tahanan kaya naman napaanak na lamang sa lansangan. Nakunan din ng video ang eksenang ito at makikitang hindi talaga matatawaran ang hirap at sakripisyo ng mga nurse, doktor at iba pang fronliners may pandemya man o wala. "May sinumpaan kami, yung 'Good Samaritan'. Wherever you are, kahit outside of work ka, kapag may nangailangan (sa iyo), in the name of humanity you have to help because you're a nurse," pagtatapos ni Lorrainne.

12

Open Ended

Sino si Lorraine Pingol?

13

Open Ended

1. Ano ang kanyang pangako sa sinumpaang propesyon?

14

Open Ended

1. Paano niya tinupad ang kanyang pangako o tungkulin?

15

Pangarap ni Annie


Asynchronous

Pahina 3, Modyul 2

Sagutin ang mga katanungan sa Virtual Portfolio.

Slide image

16

Pagyamanin

Panuto: Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagtupad sa pangako? Lagyan ng bituin ang kahon bago ang bilang ang nagsasaad nito at ekis naman pag hindi.

17

Poll

1. May usapan ang magkaibigang Mabel at Jane na dadalaw sa kanilang dating kaklase na kararating lang galing probinsya, subalit di dumating si Jane.

18

Poll

2. Nagpaalam si Janeth sa kanyang guro na hihiramin niya ang aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao at nangako na ibabalik din, pagkatapos agad naman itong sinoli.

19

Poll

3. Binilinan ka ng iyong ina na maaari lamang gamitin ang kompyuter ng tatlong oras subalit pinagpatuloy mo pa rin ito dahil maganda ang iyong pinapanood.

20

Poll

4. Magkakaroon kayo ng pangkatang gawain at ang bawat isa ay may dadalhin, sinabi mo na magdadala ka ng kakailanganin gamit at ito naman ay iyong dinala.

21

Poll

5. Kasama ka sa nangunguna sa klase, kaya lalo mo pang ginalingan ito dahil nangako ka sa iyong mga magulang na mabigyan sila ng karangalan.

22

          pagkatao      pangako    pagyamanin

              katangian             naniniwala

Ang isang mabuting tao ay marunong tumupad ng (1) _________at dahil dito marami rin ang (2) ___________sa kanya. Sa panahon natin ngayon bihira na ang mayroong ganitong (3) ________ na kailanman hindi dapat mawala bagkus lalo pa itong (4) _________na makakatulong na humubog sa mabuting (5)  ___________.


23

Isaisip

Ang pangako ay isang panata na dapat tinutupad na may takdang oras/araw na may pagmamahal at sa pamamagitan nito magkakaroon ka ng maraming kaibigan na handang magtiwala at maniniwala pa sa iyo.

Ayon kay “Les Brown”, Tuparin ang iyong pangako nang may integridad. Bawat isa ay may tungkulin na dapat gampanan at tupdin ayon sa sinumpaan o pangako. Mahalaga na matutunang tumupad sa usapan sa lahat ng pagkakataon at ipakita ang iyong katapatan sa sarili, pamilya, kaibigan at pamayanan.

24

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot.

25

Multiple Choice

1. Matalik na magkaibigan sina Juancho at Lucio lagi silang nagsasabihan ng kanilang mga problema sa kanilang pamilya at gaya ng kanilang pinagsumpaan walang makakaalam ng kanilang pinag-usapan ngunit isang araw nasalubong ni Juancho ang nanay ni Lucio at tinanong ito.

1

Iibahin niya ang kwento para di masabi ang totoo.

2

Sasabihin niya dahil nanay naman niya ito.

3

Wala siyang sasabihin gaya ng pangako niya sa kanyang kaibigan.

4

Magkukwento na lang siya tungkol sa kanyang buhay.

26

Multiple Choice

2. May ipinatagong pera ang iyong bunsong kapatid ibinili mo muna ng kagamitan sa proyekto.

1

A. Sasabihin ko na hiniram ko muna at papalitan din.

2

A. Hahayaan ko na maghanap siya.

3

A. Gagawa ako ng kwento at sasabihing nawala ito.

4

A. Hindi ko sasabihin sa kanya

27

Multiple Choice

3. Umalis ang inyong ina upang mamili ng mga pangangailangan sa bahay. Sinabi niya sa inyo na maglinis ng bahay at maghugas ng pinggan. Bilang panganay sa magkakapatid sinabi mo na gagawin mo ito. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita nito?

1

A. Iniutos niya ito sa kanyang mga kapatid.

2

A. Agad niyang ginawa ang sinabi ng kanyang nanay.

3

A. Hinati niya ang mga gawain ibinigay sa mga kapatid.

4

A. Dumating ang nanay na wala siyang ginawa.

28

Multiple Choice

4. May ginawang hindi maganda ang iyong kaklase, tinanong ng guro kung sino ang nakakaalam ng bahay nito upang sunduin ang kanyang mga magulang. Ano ang gagawin mo?

1

Babaguhin ko ang tirahan ng kaklase ko.

2

Hindi ako kikibo.

3

Sasabihin ko ang bahay ng aking kaklase.

4

Magbingi-bingihan na lang ako.

29

Multiple Choice

5. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. Sino sa kanila ang nagpapahayag nito?

1

Ang pangulo ng samahan ng manggagawa na hindi nagsasabi ng totoo.

2

Ang traysikel drayber na ibinalik ang naiwang cellphone ng pasahero.

3

Ang tindera ng isda sa palengke na nandadaya ng timbangan.

4

Ang nagtitinda ng prutas sa bangketa na naghahalo ng bulok.

30

Asynchronous

Gawin sa inyong virtual portfolio ang mga gawain sa Module 2 Isaisip at Isagawa.

ESP_M2

Pagtupad sa Pangako

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 30

SLIDE