Search Header Logo
APP6 ARALIN 10

APP6 ARALIN 10

Assessment

Presentation

Education

12th Grade

Hard

Created by

Maricho Barrit

Used 1+ times

FREE Resource

13 Slides • 0 Questions

1

APP6 ARALIN 10

Pictorial Essay

Slide image

2

Kabanata 2

Aralin 10: Pictorial Essay


3

Sa katapusan ng araling tio, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.   Natutukoy ang kahulugan ng pictorial essay;

2.   Nasusuri ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng pictorial essay;

3.   Nakabubuo ng isang pictorial essay.

4

Pagnilay-nilayan Natin

Tayong mga Pilipino ay may magagandang kaugaliang dapat panatilihin. Ang mga ito’y tatak na ng ating lahi na maaari natingipagmalaki. Isa sa mga ito’y ang pagiging malikhain na nagiging daan upang tayo’y lubusang magkaunawaan. Pinili nating humanap ng isang paraan sa hangaring ikauunawa ng lahat. Tunguhin ng isa’t isa na maipahayag ang kanyang mensahe sa malinaw at malikhaing paraan. Kaya, napagtanto kong may magagawa ang pictorial essay. Tara na at silipin natin ang nilalaman ng sulating ito.

5

Silipin Natin Ito


6

Karamihan sa mga sulatin ay kinapapalooban ng mga ideya o konsepto ukol sa kaisipang inihahayag dito. Subalit ang ilan sa mga ito ay may natatanging kahalagahan upang magbigay-linaw sa kaisipang nais ipamahagi sa sulating ito. Katulad na lamang ng pictorial essay, sa pagkakataong ito matutunan mong bigyan ng interpretasyon at pagpapakahulugan ang isang sulatin batay sa mga larawang inilahad.


7

Ayon kay Peh WCG, ang pictorial essay ay isang uri ng sulatin na mau mas maraming larawan kaysa sa mga salita. Nakatuon ito sa isang tema, maging ito man ay paksa tulad ng digmaan o sa isang partikular na estado. Ito’y madalas na personal at maaaring isang epektibong paraan upang lumikha ng isang personal na mensahe upang ibahagi sa publiko. Kilala rin sa tawag na pictorial reviews ang pictorial essay.


8

Ito ay isang uri ng pang-edukasyon na artikulo na naglalayon na magbigay ng parehong tekstuwal at biswal na paglalarawan ng isang pangkasalukuyang isyu. Ito ay karaniwang binubuo ng isang maikling haka-hakang hindi nakabalangkas, maikling pagpapakilala, at pamagat upang ayusin ang materyal at isang buod.

9

Ang pictorial essay ay isang uri ng artikulong pampagtuturo na naglalayong magbigay ng isang napapanahong paglalarawang-biswal ng isang partikular na paksa. Ang ganitong uri ng artikulo ay nagbibigay-daan para sa isang malaking bilang ng mga ilustrasyon na dapat magkaroon ng mga pang-edukasyon na halaga at maging mataas na kalidad. Ang isang deskripsyon ng larawan ng pictorial essay ay hindi dapat lalagpas sa 60 salita. Simple lang dapat at hindi pupunuin ng mga salita.

10

Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga ilustrasyon, ang pictorial essay ay naglalayong makapagbigay ng biswal na impormasyon sa isang kaakit-akit na paraan.

11

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Pictorial Essay

1.   Ang pamagat ay dapat maikli, kaakit-akit at nagbibigay-kaalaman.

2.   Dapat tumpak na ihatid sa mga mambabasa ang mga nilalaman ng pictorial essay sa pinakakaunting salita lamang.

3.   Dapat naglalaman ito ng sapat na impormasyon upang makatatayo itong mag-isa o maging isang matibay na patunay.

4.   Ang panimula ay dapat maikli, karaniwang nasa isa hanggang dalawang pangungusap ang haba.

12

Gawin Mo!

Gumawa ng sariling PICTORIAL ESSAY. Muling balikan ang halimbawa ng Pictorial Essay na makikita sa inyong PDF copy.


Ipasa ang iyong gawa sa PADLET. kopyahin lamang po ang link.

https://padlet.com/mbarrit/ahjuoxm0fxvckoam

13

Maraming salamat po.



APP6 ARALIN 10

Pictorial Essay

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 13

SLIDE