Search Header Logo
FILIPINO 7 KABANATA 3 ARALIN 2

FILIPINO 7 KABANATA 3 ARALIN 2

Assessment

Presentation

Education

7th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Maricho Barrit

Used 6+ times

FREE Resource

19 Slides • 5 Questions

1

FILIPINO 7

KABANATA 3


ARALIN 2

Slide image

2

Katangian ng Mito, Alamat, ay Kuwentong-Bayan


Hudyat sa pagkakasunod0sunod ng mga Pangyayari at Iba pang Panandang Pantalakayan.


3

KASANAYAN

F7PS-IIId-e-14 Naisasalaysay nang maayos at magkakaugnay ang mga pangyayari sa nabasa o napanood na mito/alamat/ kuwentong-bayan


F7WG-IIId-e-14 Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda

4

Simulan Natin....


5

Multiple Choice

Ito ay isang uri ng panitikan na pinapaksa tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay.

1

kuwentong-bayan

2

Alamat

6

Multiple Choice

Uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.

1

Mito

2

Kuwentong-bayan

7

Multiple Choice

Ito ay kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uro ng mga mamamayan sa isang lipunan.

1

Mito

2

Kuwentong-bayan

8

KATANGIAN NG MITO, ALAMAT, AT KUWENTONG-BAYAN


9

MITO

Ang mga mito o mitolohiya ang parte ng mga karunungang-bayan. Ito ay mga kwentong naipasa sa satin ng mga sinaunang Pilipino. Kaya naman, dapat ito bigyang halaga at ingatan. Pero ano nga ba ang mga katangian ng mga kwentong ito?

10


Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.

           Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral.


11

ALAMAT

 Alamat ang tawag sa pasalitang literature na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggagaling ang maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran. Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay bathala, sa kalikasan, sa kultura, at sa pinanggalingan ng mga hayop at halaman.


12


Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang “Legendus” ng wikang latin at “Legend” ng wikang Ingles na ibig sabihin ay “upang mabasa”. Sinasabi na bukod sa nakaaaliw ito sa mga mambabasa ay nakapagtuturo rin ito ng aral upang makamit natin ang kabuuang kaunlaran.


13

KUWENTONG-BAYAN

Ang kuwentong-bayan (Ingles: folklore) ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uro ng mga mamamayan sa isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa kasalukuyang pamumuhay. Maari nilang gawing basehan lalo na ang mga wastong pag-uugali at mga aral na gustong ibigay ng kuwento.


14

• Ang mga halimbawa nito ng kuwentong bayan ay ang sumusunod:

1. Mito

2. Alamat

3. Pabula

4. Parabula

5. Maikling kuwentong bayan


15

Ang mga halimbawa ay lumaganap at nagpasalin salin na sa ibat-ibang henerasyon sa pamamagitan din ng pagkuwento ng mga matatanda sa mga nakababata. Ito ay anyong panitikan ng isang bansa mula sa mga katutubong panitikan. Mayroon ng kuwentong bayan ang mga ninuno noon bago pa man tayo nasakop ng mga kastila at iba pang dayuhang mananakop. Ang kuwentong bayan ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon, pamumuhay ng mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain. Malaki ang ambag nito sa pagpapanatili ng kultura, tradisyon panitikan at lahi ng mga Pilipino.Dahil sa kuwentong bayan napapanatili pa din ang mga nakaugaliangg tradisyon at pamumuhay ng mga tao noong unang panahon.


16

Panoorin ang isang video kaugnay sa kuwento tatalakayin sa araw na ito.

17

Open Ended

Mahalagang Tanong

1. Anong pangunahing aral ang nagging hatid ng maikling kuwento sa iyong buhay?

18

Kasanayang Pangwika 


Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

at iba pang Panandang Pantalakayan


19

May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pahayag. Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinakatawan ng mga pang-ugnay. Ipinakikilala nito ang mga pang-ugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto.


20

      May mga tungkuling ginagampanan ag mga panada. Ilan sa mga ito ang sumusunod:


21

1.   Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain


·        sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una

·        sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka

·        sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas

22

2.   Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita

3.   Pagbibigay-pokus- bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa

4.   Pagdaragdag- muli, kasunod, din/rin

5.   Paglalahat- bilang paglallahat, sa kanuoan, samakatwid

6.   Pagtitiyak o pagpapasidhi- siyang tunay, walang duda

23

Open Ended

Magbigay ng limang halimbawa na mga pahayag sa mga Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

at iba pang Panandang Pantalakayan.

24

Maraming Salamat sa Pakikinig..

FILIPINO 7

KABANATA 3


ARALIN 2

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 24

SLIDE