

ESP6_Q2_W4
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Venus Arce
Used 5+ times
FREE Resource
13 Slides • 27 Questions
1
ESP6_Q2_W4
Modyul 4: Naipapakita Ang Kahalagahan Ng Pagiging Matapat
2
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
3
Multiple Choice
May pagsusulit kayo sa ESP, nalimutan mong magdala ng iyong ballpen, pero may nakita kang ballpen sa may ilalim ng desk ng iyong kaklase. Ano ang iyong gagawin?
Kukunin at ipamimigay sa iba.
Hanapin ang may-ari at hiramin ang ballpen.
Huwag na lang magsulat, maglaro na lang.
Kukunin niya at huwag na lang kikibo kung may maghanap.
4
Multiple Choice
Nawawala ang pera ni Rona sa loob ng inyong silid aralan at ang
pinagbibintangan niya ay ang katabi niyang si Eddie. Kung ikaw ang pangulo ng klase, ano ang gagawin mo?
Aawayin ito at tutuksuhin.
Isusumbong sa guro si Eddie.
Kakausapin ko si Eddie na kung siya ba ang kumuha ng pera ni Rona.
Sasabihin ko sa aking mga kamag-aral na huwag munang manghusga, at tiyakin muna kung paano nawala ang pera ni Rona.
5
Multiple Choice
Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na pupunta sa Computer Shop na malapit sa inyong paaralan pagkatapos ng klase upang gumawa ng inyong proyekto. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo?
Hindi ka na lang pupunta.
Ipaalam sa magulang ang sitwasyon upang maunawaan ang kahalagahan ng iyong pakikiisa sa pangkat.
Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain.
Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao.
6
Multiple Choice
Ibinili ka ng iyong nanay ng bagong damit. Ito ay maganda at mura lang ang halaga. Nagustuhan ito ng iyong kaibigan at tinanong ka kung magkano ang halaga nito. Ano ang sasabihin mo?
Hindi sasagutin
Sabihin na hindi alam ang halaga
Sabihing mahal para hindi niya kayang bilhin.
Sabihin ang tama at totoong halaga.
7
Multiple Choice
Lumapit sa iyo ang dalawa mong matalik na kaibigan upang humingi ng payo. Sinabi nila sa iyo na niyayaya sila ng iba ninyong kaibigan na
mamasyal at huwag nang magpaalam sa magulang. Ano ang maipapayo mo sa kanila?
Huwag na lang sumama.
Magpaalam muna sa magulang bago sumama.
Sasama kahit hindi ka nagpaalam sa magulang.
Sumama bago magsabi sa magulang.
8
Gaano ang pagsang-ayon mo sa mga sitwasyong ito?
Lagyan ng tsek(/) ang hanay na nag papakita kung gano ang pag-sang-ayon mo.
9
Poll
Sumama sa away ng kaibigan
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
10
Poll
Sang-ayunan ang nagagalit na kaibigan
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
11
Poll
Patawarin ang naiinis na kamag-aral dahil nagalit ito.
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
12
Poll
Alamin nang mahinahon kung bakit galit nag alit ang iyong kaibigan sa iyo
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
13
Poll
Pakinggan ang paliwanag ng bawat isa sa nag-aaway na mga kaibigan
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
14
Poll
Pagalitan pareho ang nag-aaway na kaibigan
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
15
Poll
Maging tagapagkasundo sa mga kaibigang nagkakainisan
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
16
Poll
Agad magbigay ng pagpapasiya dahil kilala mong mabuti ang mga katangian ng iyong mga nag-aaway na kaibigan
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
17
Poll
Sigawan ang nagagalit na kaibigan
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
18
Poll
Humingi ng paumanhin kaagad sa kaibigan kapag nagkamali
Lubos
Hindi Gaano
Sang-ayon
Lubos na Di Sumasang-ayon
19
Asynchronous
Gawin sa Portfolio ang Tuklasin at Suriin pahina 3-4. Basahin ang kuwentong pinamagatang, Kitang-kita Ko ang Nangyari.
20
KITANG-KITA KO ANG NANGYARI
21
Labasan noon. Nagmamadali ang mga batang panghapong pumasok sa Paaralan. Paroo’t parito ang mga sasakyan. May mga traysikel, dyip at iba pang uri ng mga sasakyan na nagdaran sa J.P. Rizal.
Krit….krit…rit..rit….t! Biglang preno ng sasakyan. Nagsigawan ang mga tao.
“Damputin ang bata! Walang malay! Walang malay!”. Nagsigawan ang mga tao sa paligid.
22
Biglang dinampot naman ng driver ng jeep ang kaawa-awang bata. Dinala kaagad ito sa malapit na ospital. Lalong dumami ang tao. Nagtatanungan. Kanya-kanya ang umpukan na nagsasalaysay tungkol sa nangyari. Maya-maya’y may narinig kaming sigaw ng isang ina.
23
“Nasaan ang anak ko? Ano ang nangyari?” sunod-sunod na tanong ng isang babae. Halos walang makapagsabi kung ano ang tunay na nagyari. Umiiyak ang ina at naghihintay ng tamang balita tungkol sa kanyang anak.
24
Hindi ako makapagpigil at ikinuwento kong lahat ang aking nakita. Sinabi kong ang kanyang anak ay isa sa maraming batang lulan ng traysikel. Hindi ito nakakapit na mabuti kaya biglan nakabitiw sa kanyang pagkakahawak.
25
Nahulog siyang bigla at mabuti nalang at hindi siya nasagasaan ng nakasunod na jeep. Tiyak kong gasgas lamang ang nangyari sa bata at marahil ay ilang maliliit na sugat sa kanyang binti at braso.
“Sundan na lamang ninyo ang inyong anak sa OSMAK,” wika ko sa ina ng bata.
26
Open Ended
1. Kung ikaw ang nakakita sa nangyari, isasalaysay mo ba ito o hindi? Bakit?
27
Open Ended
2. Bakit kailangang maging matapat ka sa pagbibigay ng impormasyon?
28
Piliin ang OO kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng katapatan at HINDI kung hindi.
29
Multiple Choice
1. Lumabis ng dalawang puntos sa pagwawasto sa pagsusulit sa iyong sagutang papel. Agad mo itong ipinagbigay alam sa iyong guro.
Oo
Hindi
30
Multiple Choice
2. Nakita mong nahulog ang isang libong pisong papel mula sa bulsa ng babaeng pumasok sa isang restaurant. Agad mong dinampot ang pera at hinabol ang babae para isauli ito.
Oo
Hindi
31
Multiple Choice
3. Nanood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon kagabi. Dahil dito hindi mo nagawa ang iyong asignatura. Nang tinanong ka ng iyong guro sinabi mong may nilalakad kayo ng iyong mga magulang at ginabi nang uwi kaya hindi mo nagawa ang takdang aralin.
Oo
Hindi
32
Multiple Choice
4. Ginabi ka ng uwi sa bahay dahil niyaya kang maglaro ng iyong kamag-aral. Sinabi mo sa iyong ina na kaya ka ginabi dahil may pinatapos ang iyong guro na gawain sa paaralan.
Oo
Hindi
33
Multiple Choice
5. Nabasag mo ang paboritong plorera ng iyong ina. Kahit alam mong magagalit ito sinabi mo parin sa kanya ang tunay na nangyari.
Oo
Hindi
34
Tayahin
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan, pagkatapos piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
35
Multiple Choice
Nanghiram ka ng pera sa iyong kaibigan at nangakong babayaran pagkalipas ng dalawang araw. Ano ang iyong gagawin?
Ibalik ang hiniram na pera sa takdang oras na ipinangako
Iwasan ang kaibigan sa oras ng bayaran.
Kalimutan na lamang ito.
Kausapin ang kaibigan at hingin nalang ang halagang inutang.
36
Multiple Choice
Kausap mo ang iyong kapatid na magkikita kayo ng 7:30 ng umaga sa harap ng simbahan, ngunit hindi ka sanay gumising ng ganoon kaaga. Ano ang gagawin mo?
Dadating ka sa takdang-oras ng usapan
Hindi ka darating dahil gusto mo pang matulog.
Kalilimutan ang usapan ninyong magkapatid.
Paghihintayin mo ang iyong kapatid ng matagal.
37
Multiple Choice
May kasabihan tayo na dapat ang bawat isa ay may “Palabra de Honor”. Ano ang pinagtitibay o ang kahulugan ng mga salitang “Palabra de honor”?
Pagbabago ng pasya.
Pagmamalaki sa magagawa
Pagsunod sa utos.
Pagtupad sa pangako
38
Multiple Choice
Kung ikaw ay nangako dapat mo itong tuparin. Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?
Ito ay isang pag-uutos.
Ito ay makakaapekto at makakaabala sa ibang tao kapag hindi ka marunong tumupad.
Ito ay makakabawas sa iyong marka
Ito ay makakasira sa iyong marka
39
Multiple Choice
Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na balita ang iyong matalik na kaibigan na hindi naman totoo. Ano ang gagawin mo?
Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak
Iimbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon kung totoo ang isinumbong tungkol sa kanya ng kamag-anak mo
Makikipaghiwalay sa matalik na kaibigan
Sisigawan ang kaibigan at aawayin
40
Asynchronous
Gawin sa Portfolio ang Isaisip at Isagawa pahina . 6-7
ESP6_Q2_W4
Modyul 4: Naipapakita Ang Kahalagahan Ng Pagiging Matapat
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 40
SLIDE
Similar Resources on Wayground
31 questions
esp7q3w56
Presentation
•
KG
34 questions
Cybersecurity L3: Legal and Ethical Issues of Internet Content
Presentation
•
6th Grade
39 questions
Q2-WK1-FILIPINO-6
Presentation
•
6th Grade
32 questions
Khủng long
Presentation
•
6th - 7th Grade
40 questions
Concordância verbal
Presentation
•
KG
36 questions
Unit1 Aralin 1 Batayang Pangheograpiya
Presentation
•
6th Grade
35 questions
Evaluation Form(Asean)
Presentation
•
6th Grade
33 questions
TAMBALANG SALITA & PANGUNGUSAP
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Other
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
36 questions
6th Grade Math STAAR Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
14 questions
Context Clues
Quiz
•
4th - 6th Grade
20 questions
Graphing Inequalities on a Number Line
Quiz
•
6th - 9th Grade