Search Header Logo
Q2-WK1-FILIPINO-6

Q2-WK1-FILIPINO-6

Assessment

Presentation

Other

6th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

ROSEMINDA BUEN

Used 6+ times

FREE Resource

25 Slides • 14 Questions

1

Q2-WK1-FILIPINO-6

by ROSEMINDA BUEN

2

Aralin 1

Mga Tanong Mula sa Nabasang Talaarawan/Anekdota

3

Pagbibigay ng Wakas sa Teksto

4

​LAYUNIN:

1.    Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang talaarawan at anekdota (F6RC-IIdf-3.1.1 F6RC-IId-f-3.1.1)

2.    Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3.1)

3.    Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto

5

PAUNANG PAGSUBOK:

BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG ANEKDOTA

6

Ang Tsinelas-Anekdota ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumewang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

7

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang bangka ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

8

"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

9

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG BATAY SA NABASANG ANEKDOTA.

10

Multiple Choice

1. Saan inihambing ang bangkang may layag?

1

tutubing puti na nagsasayawan

2

palakang berde na kumakanta

3

puting paru-parong naghahabulan

4

puting ibon na lumilipad

11

Multiple Choice

2. Ano ang karaniwang gamit ng bangka sa kanilang lalawigan?

1

A.   sa pangingisda

2

B.   sa paligsahan

3

C.   sa pagdala ng mga kargamento

4

D.   ginagamit sa pagtawid sa ibayong dagat

12

Multiple Choice

3. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng anekdota?

1

A. nagpapabatid ng isang katangian ng pangunahing tauhan

2

B.  talaan ng mga karanasan at nakasulat ang petsa ng pangyayari

3

C.  gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan

4

D.  nagpapahayag ito ng mga pangyayari sa isang lugar

13

Multiple Choice

4. Ano ang nais ipabatid ng may-akda sa mga mambabasa?

1

A.  tularan ng mga mambabasa ang kaniyang nagawa

2

B.  huwag gayahin ng mga mambabasa ang nangyari

3

C.  iwasan ng mga mambabasa na mawala ang kanilang tsinelas

4

D. maging madamot pagdating sa mga sariling kagamitan

14

Multiple Choice

5. Sa tingin mo, ano ang naging wakas ng seleksyon na iyong binasa?

1

A.  papagalitan siya ng kaniyang nanay

2

B.  mayroong nakapulot ng pares na tsinelas

3

C.  hindi na siya ibinili ng bagong tsinelas

4

D.  nagsisi siya sa kaniyang ginawa

15

​BALIK-TANAW:

MAGBIGAY NG MAIKLING TALATA TUNGKOL SA NAKIKITA NINYONG LARAWAN.

media

16

BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG ANEKDOTA:

Ang Nelson Mandela International Day, o tinatawag ring Nelson Mandela Day, o Mandela Day, ay isang holiday na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 18. Ito ay opisyal na ideneklara ng United Nations noong 2009 ngunit ang holiday ay unang ipinagdiriwang noong Hulyo 18, 2009 sa ika-91 na kaarawan ni Nelson Mandela.

17

Ang araw na iyon ay naging inspirasyon ng dahil sa isinalaysay ni Nelson Mandela na ginawa niya isang taon bago ang kaniyang kapanganakan, kung saan sinabihan niya ang susunod na mga henerasyon na labanan ang kabigatan ng pamumuno sa pagtugon ng kawalan ng katarungang panlipunan sa mundo, at sinabing, “It is in your hands now.”

Simple lang ang mensahe ng Mandela Day. Bawat indibidwal ay may abilidad at responsibilidad na magpapabago ng mundo para sa ikabubuti ng lahat. Ang Mandela Day ay naghahangad na tularan at maging isang Nelson Mandela ang bawat isa, na magiging lider at magkaroon ng maayos na pagbabago ang mundo.

18

​BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG TALAARAWAN.

MULA SA TALAARAWAN NI MARIA:

19

Ika-7 ng Hulyo, 2014 – Sinulatan ni Ikay ang paborito kong libro. Hindi ko na tuloy Mabasa ang ilang bahagi dahil natakpan na ng permanenteng guhit ng pangkulay. Sana lapis na lang ang ginamit niya para mabura ko pa.

Pinagalitan ko si Ikay dahil pinakialaman niya ang gamit ko. Maingat pa naman ako sa mga libro at laruan ko. Sabi ni Nanay, kailangan ko raw unawain si Ikay dahil bata pa siya at minsan hindi pa niya alam kung ano ang ginagawa niya. Noong tatlong taong gulang daw ako, malikot din ako! Sinabi ko kay Nanay na sisikapin kong maging mas mabuting kapatid kay Ikay. Tuturuan ko na lang siya ng tama.

20

Ika-10 ng Hulyo, 2014 – Naku! Ang ingay-ingay ni Ikay! Umiiyak siya ngayon dahil natanggal ang isang mata ng manyika niya. Gumagawa ako ng takdang-aralin, pero nakabibingi ang ingay dito sa bahay dahil sa pag-iyak ni Ikay. Di ko tuloy natapos ang takdang-aralin ko. Maya-maya ko na tatapusin. Minsan, parang gusto ko na ring sabayan ang pag-iyak ni Ikay. Paano ako mag-aaral? Bakit palaging magulo sa bahay namin?

Tinatawag ako ni Nanay. Kumuha raw ako ng karayom at sinulid para maayos na ang laruan ni Ikay. Hay, ang hirap maging panganay kung minsan.

21

Ika-11 ng Hulyo, 2014 – inuutusan ako ni Nanay na ipasyal si Ikay sa labas. Pumunta kami sa parke para makipaglaro sa ibang mga bata. Naroon din ang nanay ni Tina, karga-karga ang kapatid nilang sanggol pa. Naalala ko pa noong sanggol pa lang si Ikay. Natutulog lang siya buong maghapon. Napakatahimik niya at napakadaling alagaan. Ngayon, kay hirap na niyang pagsabihan. Minsan, naiisip kong sana naging sanggol na lang siya at hindi na lumaki pa.

22

Ika-13 ng Hulyo, 2014 –

nakatatakot ang nangyari kanina! Naglakad kami ni Ikay papunta sa tindahan para bumili ng sabon. Natuwa siya sa mga bagong tuta nina Aling Puring. Naku! Kapapanganak pa lang ng aso nila kaya mabagsik ito; binabantayan niya ang mga anak niya. Nagalit ang aso at muntik nang habulin si Ikay! Buti na lamang at nakatali ito kaya hindi niya naabot ang kapatid ko. Kung nagkataon, baka nasaktan pa si Ikay. Kay kulit-kulit niya kasi! Pero buti na lang at hindi siya nasaktan. Makulit man siya, kapatid ko pa rin siya at ayaw kong may mangyaring masama

23

​TANDAAN:

Ang talaarawan ay:

  -talaan ng mga karanasan at gawaing naganap o ginawa na. nakasulat dito ang petsa o panahon ng pangyayari

-maaaring magamit bilang pangunahing sanggunian dahil ang nilalaman nito ay personal na tala tungkol sa mga pangyayari

24

Ang anekdota ay:

     isang uri ng panitikan sa anyong tuluyan na karaniwang payak, maikli, at tumatalakay sa kakaiba o nakatutuwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kakilala, sikat, o tanyag na tao

• may layuning magpabatid ng isang katangian ng pangunahing tauhan kaya kahit sino ay maaari ring magbahagi nito.

25

PAGSAGOT SA MGA TANONG:

26

Multiple Choice

Ilan ang kapatid ni Maria?

1

  isa

2

dalawa

3

tatlo     

4

wala

27

Multiple Choice

Bakit nahihirapan si Maria na mag-aral sa bahay?

1

A. Maingay ang kaniyang kapatid.

2

   Lagi siyang inuutusan ng kaniyang mga magulang.

3

Sinusulatan ng kaniyang kapatid ang kaiyang kuwaderno.

4

Maingay ang kanilang alagang aso.

28

Multiple Choice

Ano ang ginawa ni Maria noong Hulyo 11?

1

A. Muntik nang makagat ng aso si Ikay.

2

B.   Pumunta siya sa parke kasama si Ikay.

3

C.   Pinagalitan niya si Ikay dahil sinulatan nito ang kaniyang paboritong libro.

4

D.   Naglaro siya kasama ang mga kaibigan sa parke.

29

Multiple Choice

Bakit hindi na nagagalit si Maria sa kaniyang kapatid?

1

A. Ipinagbabawal ito ng kaniyang ina.

2

B.  Walang ginagawang masama ang kaniyang kapatid.

3

C.  Bata pa siya at hindi pa niya naiintindihan ang ginagawa niya.

4

D.  Pagagalitan siya ng kaniyang ina.

30

Multiple Choice

Ano ang napagtanto ni Maria nang muntik nang makagat ng aso ang kapatid niya?

1

A.   Napakakulit ng kaniyang kapatid.

2

B.   Mahilig pala sa aso ang kaniyang kapatid.

3

C.   Ayaw niyang masaktan ang kaniyang kapatid.

4

D.   Wala siyang pakialam sa kaniyang kapatid.

31

​PANGWAKAS NA GAWAIN/PAGSUSULIT

Anekdota ni Ramon Magsaysay

32

Si Ramon “Monching” del Fierro Magsaysay (31 Agosto 1907-17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas 30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinasadyang pagbagsak ng eroplanong sinasakyan.

Siya ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 nina Exequiel Magsaysay at Perfectoo del Fierro.

33

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya ng Pilipinas. Ito ang kaniyang pinakamalahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kaniya. Kaya si Magsaysay at tinawag na “Tagapagligtas ng Demokrasya”.

Siya ay tinawag na “Kampeon ng mga Masa” at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan, winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.

Nagwakas ang kaniyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kaniyang sinasakyan (Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.

34

​SAGUTIN ANG MGA TANONG:

35

Multiple Choice

1. Paano iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya ng Pilipinas? .

1

A. Winakasan niya ang korupsiyon

2

B.  Pinatalsik niya ang mga inkompetenteng heneral.

3

C.  Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o komunista.

4

D.  Tinakot niya ang mga mamamayan.

36

Multiple Choice

2. Bakit siya tinawag na “Kampeon ng mga Masa”?

1

Dahil nanalo siya sa boksing

2

   Sapagkat ibinoto siya ng masa

3

   Binalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan

4

 Tinuloy niya ang katiwalian sa pamahalaan

37

Multiple Select

3. Kung ikaw ang magiging pangulo ng bansa balang araw, ano ang gagawin mo para malutas ang problema ng bansa tungkol sa basura?

 

1

Palaganapin ang kaalaman sa tamang pagtapon ng basura

2

Paggamit ng plastic bag sa halip na papel

3

Magkaroon ng libreng pabahay

4

Pagbibigay ng buwanang pera para sa mahihirap

38

Open Ended

4-5. May nasaksihan ka din bang tao na matatawag mong “Kampeon”? Maaari mo bang isulat ang mga pangyayari kung bakit mo siya matatatawag na kampeon?

39

thank you 

grade 6

​for the job well done!!!

Q2-WK1-FILIPINO-6

by ROSEMINDA BUEN

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 39

SLIDE