
Q2W4-ESP6
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Easy
ROSEMINDA BUEN
Used 2+ times
FREE Resource
16 Slides • 15 Questions
1
Q2W4-ESP6
by ROSEMINDA BUEN
2
Layunin:
1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao na may kaakibat na paggalang at responsibilidad.
2. Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa pagpapasiya para sa kapayapaan ng sarili at kapwa; at
3. Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa.
( EsP6PIId-i-31 )
3
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
"ANG BATANG MATAPAT"
Isang araw nagbigay ng isang takdang aralin si Bb. Cruz sa kaniyang klase upang magsaliksik tungkol sa mga bayaning Pilipino.
Pagkatapos ng klase ay dali-daling nagpunta si Juan sa silid-aklatan upang maghanap ng mga babasahin tungkol sa mga bayani ng Pilipinas. Samantalang si Pedro ay naglaro muna sa palaruan at ipinagawa na lang niya ang kaniyang takdang aralin sa kaniyang kapatid na nagtatrabaho sa isang internet café.
4
Kinabukasan ay agad na ipinasa ng mga mag-aaral ang kani-kanilang takdang aralin na agad din namang binigyang puntos ni Bb. Cruz.
Sa kadahilanang mas maayos, makulay, at maganda ang ipinasang proyekto ni Pedro, siya ang nakatanggap ng pinakamataas na puntos sa kanilang klase.
Tuwang-tuwang ipinagyabang ni Pedro sa mga kaklase ang nakuhang marka. Malungkot man ay mahinahon namang tinanggap ni Juan ang hatol ng kanilang guro dahil alam niyang pinaghirapan niyang tapusin ang kaniyang proyekto sa sariling pagsisikap.
5
Nang sumunod na araw ay nagkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa proyektong ipinagawa ng guro na madali namang nasagot lahat ni Juan dahil siya mismo ang gumawa ng kaniyang proyekto sa pamamagitan ng pagbasa ng mga aklat sa silid-aklatan, samantalang si Pedro ay yuyuko-yuko upang hindi tawagin ng guro para sagutin ang mga tanong tungkol sa mga bayani. Ngunit, anomang pagtatago niya ay tinawag pa rin siya ng kaniyang guro upang ibahagi sa klase ang kaniyang gawain. Napayuko si Pedro at inamin sa kaniyang guro na hindi niya kayang ipaliwanag ang kaniyang gawain dahil ipinagawa lamang niya ito sa kaniyang kapatid. Humingi ng tawad si Pedro sa guro at sa kaniyang mga kaklase.
Magmula noon ay napagtanto niya na lubhang napakahalaga ang maging matapat at pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral.
6
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD:
7
Open Ended
Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa?
8
Open Ended
Ano ang ginawa ni Juan pagkabigay ni Bb. Cruz ng kanilang takdang aralin?
9
Open Ended
Sino ang mas tama ang ginawa? Bakit?
10
Open Ended
Alin ang mas mahalaga, magandang resulta pero hindi mo gawa, o hindi masyadong maganda ang gawa pero sarili mo ang gumawa?
11
Open Ended
Paano mo pa mapagaganda ang sariling gawa? Bakit kailangang maganda at magaling ang gawa natin?
12
Pagpapakilala ng Aralin
Sa mga pagkakataon na gumagawa tayo ng pasya, hinihingi natin ang mga opinyon ng mga tao sa ating paligid. Ang kanilang suhestiyon ay ginagawa nating gabay upang matimbang ang mga bagay at makapili ng pinakamainam sa lahat. Ang pagbibigay ng opinyon o suhestiyon ng ating kapwa ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang damdamin. Maaari itong makapagbigay ng positibo o negatibong pakiramdam.
Anoman ang sabihin ng ating kapwa sa ating gawa, hindi man tayo sang-ayon sa kanilang sinasabi dapat pa rin natin itong igalang dahil mahalaga sa atin ang suhestiyon ng ating kapwa.
13
Basahin at unawain mong mabuti ang kuwento tungkol sa “Sama- samang Paggawa”.
“Sama- samang Paggawa”
Nagpulong – pulong ang magkakamag-aral tungkol sa paggawa ng parol na sasalihan ng kanilang paaralan sa buwan ng Disyembre. Nagplano sila kung paano sila magsisimula sa gawaing ito.
Tuwang – tuwang umuwi si Christine at ibinalita sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa paligsahan. Naalala niya ang sinalihang Art Workshop sa kanilang barangay. “Tiyak na makatutulong sa akin ang aking natutuhan.” sabi niya.
14
“Sigurado akong magagamit mo ang iyong natutuhan doon.” sabi rin ni Mang Dave, ang kaniyang ama.
“Opo, tatay!” tugon muli ni Christine. “Opo, gagawin ko ang aking makakaya para sa aming paaralan. Sana manalo kami!”, ang masayang sabi ni Christine.
Kinabukasan, pagbalik ni Christine sa paaralan, pinulong silang muli ng kanilang guro. “Ano ang inyong mga plano?” tanong ni Gng. Ramos. Isa
- isang nagbigay ng kanilang suhestiyon ang mga mag-aaral. Nakinig ang bawat isa at nagbigay ng kani-kanilang ideya.
“Ano ang masasabi ninyo?” tanong muli ni Gng. Ramos. “Maganda po ang ideya ng bawat isa. Pagsasama – samahin namin po upang mabuo ang parol”, wika ni Christine.
15
Natuwa si Gng. Ramos sa narinig. Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang tagumpay ng mga bata. At bilang pagtatapos ng pulong, ito ang sinabi niya sa mga mag-aaral;
“Lahat ng puna o opinyon ay nagbibigay ng pagsubok upang lalo pang magsumikap ang bawat isa. Ang paggalang sa opinyon ay ikabubuti ng bawat gawain at pagsasama.”
16
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
17
Open Ended
Ano-ano ang natutuhan ni Christine sa kaniyang mga kamag-aral at guro?
18
Open Ended
Paano makikinabang ang klase dito?
19
Open Ended
Paano ipinakita ni Christine at ng kaniyang mga kamag-aral ang paggalang sa opinyon ng iba?
20
Open Ended
Naranasan mo na rin bang magbigay ng suhestiyon sa ibang tao? Ano ang naging resulta?
21
Open Ended
Paano mo tinanggap ang mga negatibong puna ng ibang tao sa iyo? Paano ka naman nagpahayag ng suhestiyon sa iba?
22
Mga Halimbawa ng Paggalang sa Suhestiyon o Opinyon ng Kapwa
23
1. Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti o makakasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.
2. Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa pakikipag-usap, huwag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda, Palaging isaalang-alang ay ang mararamdaman ng taong nagbigay nito. Lahat naman ay maaaring idaan sa maayos na usapan.
24
3. Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinion na makakasakit ng damdamin ng ibang tao.
4. Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito ang mas makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago isagawa ito.
5. Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang opinyon o saloobin ng lahat, pagkatapos ay pagsama-samahin ang lahat ng ito, timbangin ang mga maaaring gawin at hindi gawin at saka magkaroon ng konklusyon.
6. Magkakaiba man tayo ng mga perspektibo sa buhay, palaging piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap, pagtanggap sa kagustuhan ng iba.
25
PILIIN ANG TAMANG SAGOT:
26
Multiple Choice
1. Ang hindi pagsang-ayon ng hindi nailalahad ang mga dahilan ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba.
TAMA
MALI
27
Multiple Choice
2.Kailangang isipin na hindi lahat ng tao ay may magkakatulad na opinyon.
TAMA
MALI
28
Multiple Choice
3. Isa sa mga hakbang upang igalang ang opinyon ng ibang tao ay ang pag- unawa nang mabuti.
TAMA
MALI
29
Multiple Choice
4. Ang hindi pagtingin sa kausap habang naglalahad ng opinyon o mungkahi ay nagpapakita ng paggalang.
TAMA
MALI
30
Multiple Choice
5. Maaaring magtanong sa kausap upang mabigyang linaw ang ibang bagay o mas maunawaan ang kaniyang inilalahad na opinyon.
TAMA
MALI
31
THANX FOR PARTICIPATING THE CLASS
Q2W4-ESP6
by ROSEMINDA BUEN
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 31
SLIDE
Similar Resources on Wayground
28 questions
KOMIKS
Presentation
•
7th Grade
27 questions
Narodziny faszyzmu.
Presentation
•
7th Grade
22 questions
HELE buying and selling the products 6th Grade AHAHAHAHA
Presentation
•
5th Grade
22 questions
Intro to Africa
Presentation
•
6th Grade
28 questions
Healing of the Leper
Presentation
•
KG
22 questions
Surface Area or Volume?
Presentation
•
7th Grade
24 questions
PAGSUSURI SA DULOT NG MGA IMPORMASYON
Presentation
•
5th Grade
22 questions
ESP Q4 Week 4
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade