
Kapwa ko, Igagalang Ko!
Presentation
•
Other
•
5th Grade
•
Medium
Pablo Pasaba
Used 8+ times
FREE Resource
7 Slides • 5 Questions
1
Kapwa ko, Igagalang Ko!
Basahin at unawain ang kwento..
2
Kapwa ko, Igagalang ko!
Habang nanonood ang batang si Ryeli sa telebisyon ay itinampok ang isang palabas tungkol sa mga katutubo. “Hahaha! Bakit ganyan ang itsura nila?” Napansin ito ng kaniyang nanay na palaging nakabantay sa panonood niya. “Anak, bakit mo pinagtatawanan ang mga katutubo?”, tanong ng kaniyang ina.
3
“Eh ‘Nay, tingnan mo naman po ang iitim po ng kanilang balat, pango ang ilong at kulot ang mga buhok. Pati po yung damit at sayaw po nila ay kakaiba kumpara po satin”, paliwanag pa niya . “Anak, mali ang iyong ginawa, alam mo ba na ang mga katutubo ay walang pinagkaiba sa atin.
4
Magkaiba man ang kulay ng ating mga balat at itsura pero tayo ay iisang lahi - lahing Pilipino”, ang pangaral ng ina. “Bahag ang tawag sa kasuotan ng kalalakihan at malong sa kababaihan, at tadek ang tawag sa kanilang sayaw. ‘Yan ay bahagi ng kanilang kultura,” patuloy pa ng kaniyang ina. Napatigil at napaisip si Ryeli.
5
“Nay, patawad po, mali po ako ng inasal. Gusto ko pong maunawaan kung paano ko po maipapakita ang paggalang sa kanila.”, ang agad niyang nasambit. “Anak, subukan mo munang ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon nila. Ano kayâ ang mararamdaman mo kung ikaw ay pagtatawanan dahil sa pisikal mong kaanyuan?.”
6
Napaisip ang batà at sinabing, “’Nay, masasaktan po ang damdamin ko dahil po hindi nirerespeto ang aking kaanyuan.” “Anak, mahusay, dahil naunawaan mo agad ang aking punto. Kung ano ang gusto mong gawin sa iyong sarili, ay gawin mo rin ito sa kanila. Sila man ay kakaiba ang itsura at pananamit kumpara sa atin, sila pa rin ay mananatiling kapwa mo at kapwa ko na nararapat tratuhin nang may paggalang.”
7
Mga tanong tungkol sa kwento
8
Multiple Choice
Bakit tumawa si Ryeli sa kaniyang napanood?
Dahil kakaiba ang itsura, galaw at pananamit ng mga katutubo.
Dahil nakakatawa ang tema ng sayaw.
Dahil may nagkamali sa pagsayaw.
9
Multiple Choice
Bakit hindi dapat pinagtatawanan ang kaanyuan ng mga katutubo ayon sa nanay ni Ryeli?
Dahil mali ang pagtawanan ang mga katutubo.
Dahil tayo ay iisang lahi - lahing Pilipino.
Dahil magagalit ang pinuno ng mga katutubo.
10
Multiple Choice
Anong magandang ugali ang ipinakita ni Ryeli pagkatapos na siya ay mapangaralan ng kaniyang nanay?
Humngi ng patawad sa mga taong nasa paligid.
Lumapit sa mga katutubo at humingi ng pasensya.
Agad na humingi ng kapatawaran sa kanyang ina.
11
Multiple Choice
Tutuluran mo ba ang magandang ugali ni Ryeli?
Hindi po
Opo
12
Multiple Choice
Bakit kailangang igalang ang ibang táong may ibang kaanyuan at kultura?
Para makaiwas sa hindi pagkakaunawaan.
Pagpapakita ng respeto sa iba.
Lahat tama
Kapwa ko, Igagalang Ko!
Basahin at unawain ang kwento..
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 12
SLIDE
Similar Resources on Wayground
9 questions
Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
Presentation
•
4th - 5th Grade
11 questions
Mga Katulong sa Pamayanan
Presentation
•
KG
9 questions
FILIPINO 5-WEEK 5
Presentation
•
5th Grade
8 questions
PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
Presentation
•
5th Grade
10 questions
Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Entrepreneurship
Presentation
•
4th - 5th Grade
7 questions
PINAGMULAN NG MGA UNANG PANGKAT NG TAO SA PILIPINAS
Presentation
•
4th - 5th Grade
6 questions
KAANTASAN NG PANG URI
Presentation
•
4th - 5th Grade
13 questions
FIRST AID: Kagat o Bites
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Columbus Day and Indigenous People's Day
Interactive video
•
5th - 8th Grade
20 questions
Mixtures and Solutions Practice
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Mastering Multiplication Facts 1-10
Quiz
•
5th Grade